Bernard's POV
Bernard only gave a sidelong glance to the girl next to him. Her hand was tied, and she had a gag in her mouth. Ayaw kasi nitong tumigil sa pagwawala at pagsigaw. Naririndi na siya sa ingay nito.
With his gaze, he hovered over her, emphasizing the lovely curve of her thighs. It also fits perfectly in a woman's buttocks. Her oversized t-shirt did not conceal her body's shapely shape. His attention was drawn to her chest. Her shirt is V-neck, and due to her previous move, the collar of her shirt was barely removed, exposing her creamy chest.
"Mmmm!" galit na sigaw ng babae.
He looked up at her face. It flushed with rage and fixed its gaze on him. The girl raised her hand and attempted to adjust the collar of her shirt. She raised her hand in front of his face, then showed him her middle finger.
Hindi niya napigilan ang pagtawa. This girl is really something. Who would have guessed that her beautiful face conceals an sss-like temperament? Minaliit niya ang kakayahan nito kaya hindi niya napaghandaan ang ginawa nitong pagpiglas sa kanya at pagtuhod sa p*********i niya. He raised his elbow to the window of his car and looked down. Watching her.
"You know what?" he asked, his mouth agape with a smile. She appeared stunned. She fixed her gaze on him. "I think I like you, Belissima."
Napakurap-kurap naman ito sa sinabi niya.
"Do you want to be my girl? Ah, don't answer!" bawi niya pagkuwan. "Ora sei mio. Ti ho trovato, quindi ti terrò." (You are mine now. I found you, so I will keep you.) Nginitian niya ito.
Isang matalim na irap naman ang isinagot nito sa kanya. Naaaliw na pinagmasdan niya itong muli. Hindi nakakasawa ang gandang taglay nito. Maliit at hugis puso ang mukha nito. Magaganda at mapupungay ang mga mata. Manipis na ilong na hindi pangkaraniwan sa mga babaeng Filipina.
Naagaw nito ang atensiyon niya kanina sa labas ng simbahan. Hindi niya magawang maialis ang mga mata niya rito habang papalapit ito sa kanya. Kulang na nga lang mapapikit siya nang bumunggo sa katawan niya ang malambot na katawan nito.
"Sir, we've already arrived at the precinct," Nuncio, his driver and also his bodyguard, said.
Halatang naalarma ang babae sa tabi niya. Napaupo ito ng diretso at napatingin sa labas. Nang lumingon uli ito sa kanya ay hinaklit niya naman agad ang duct tape na nasa bibig nito.
"Araaayyy! Putsa ka naman oh!" angil nito.
"Sorry..." aniya sabay kibit-balikat.
"Ano? Ipapakulong mo ako?" matapang na tanong nito. "Ha! Sige lang! Akala mo natatakot ako? Wala kang ibedensiya, oy, sasabihin ko stalker kita! Ikaw ang ipakukulong ko, manyak ka!" halos labas na ang litid na sigaw nito sa kanya. Sabay tawa ng nakakaloko. Tumaas baba rin ang dibdib nito, halatang nanggigigil.
Tinaasan niya naman ito ng kilay. Halata naman kasing ninenerbiyos ito base sa panginginig ng kamay nito.
"Actually, Bellisima, I have a better plan for you," he said and before she could respond, he put back the duct tape in her mouth. "Go, straight to Soledad, Nuncio."
---
Joanna's POV
SA ISANG boutique sa loob sa BGC siya dinala ni Bernard. Tinulungan siya nito makababa ng kotse. Inalalayan pa nito ang ulo niya nang bumaba siya sa magarang sasakyan nito. Kikiligin na sana siya kung naiba lang ang sitwasyon niya.
Kaso nakatali pa rin siya, may duct tape pa ang bibig niya. Mukha siyang tanga!
Hindi niya alam kung anong plano nito sa kanya. Mukhang wala naman itong balak na ipakulong siya dahil kung may balak ito kanina pa siya nito hinila pababa sa loob ng presinto nang makarating sila roon. Kaso may iba raw plano ang kumag sa kanya.
Nakasalalay pa ito sa siko niya habang pumapasok sila sa boutique. Soledad ang pangalan. Glass ang buong store. May mga manequin na naka-display sa nagsisilbing showroom na malapit sa bintana. Sa style pa lang ng mga damit alam niyang mamahalin na ang mga nasa loob.
Agad na sinalubong sila ng babaeng mukhang sosyal na saleslady. Nakasuot ito ng pencil cut na palda, na may slit sa harap ng hita. Ang pang-itaas nito ay kulay pink na longsleeve na may raffles pa sa leeg. Neat ang pagkakatali ng buhok, maganda ang make up ng babae. Hindi siya mahilig sa make up dahil hindi naman iyon kailangan sa trabaho niya pero alam niya na maganda ang pagkaka-contour ng make up nito. Mayroon pang apat na babae na ganoon rin ang suot - uniform siguro.
Matamis ang ngiti ng babae na agad sumalubong kay Bernard.
"Good afternoon, Sir," masiglang bati nito. Kita niya pa ang bahagyang pagliyad ng dibdib nito dahilan para mas lalong bumakat ang may kalakihan nitong dibdib. Napatungo siya sa dibdib niya. Di hamak na lamang ang saleslady sa kanya. Nag-anat siya nang tingin at nagkasalubong ang mga mata nila ni Bernard. Nakataas ang sulok ng labi nito. Inirapan niya ang lalaki.
"Dress her up, we're going to a party later," utos ni Bernard sa saleslady.
Bumaling naman ang tingin sa kanya ng babae. Hindi niya alam kung hindi siya nito napansin na pumasok rin siya sa pintuan dahil mukhang gulat na gulat ito nang tignan siya.
"S-Siya po, Sir?" paniniguro pa nito sabay hagod ng tingin sa kanya.
"Yes," sagot ni Bernard sabay sulyap sa relo nito. "I need her to be ready at five o'clock sharp. Capire?" (Understand?)
"Ovviamente!" (Of course!)
Napatingin silang lahat sa nagsalita. Lumapit ang isang magandang babaeng may mahaba at alon-alon na buhok, nakasuot ito ng isang pulang dress na malalim ang uka. Lalong tumingkad ang kaputian nito. Mukha itong naliligo ng gatas. Namangha siya nang makita ang mga mata nito, kulay asul.
"Solenn..." bati ni Bernard sa babae. Nagbeso ang mga ito.
"Un nuovo compagno di giochi?" (A new playmate?) nakataas ang kilay na anito kay Bernard at bahagyang sumulyap sa kanya. Kahit hindi niya alam kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito, malakas naman ang pakiramdam niyang siya ang topic ng mga walanghiya.
Ngisi lang ang sinagot ni Bernard sabay kibit balikat.
Sa isip niya katakut-takot na mura na ang inaabot ng mga ito sa kanya. Lalo na ang babaeng tinawag na Solenn ni Bernard kahit kasi nakangiti ito kita niya naman sa mga mata nito ang inis sa kanya. Kung hindi nga lang nakatali ang mga kamay niya baka hinamon niya na ito ng sampalan. Kung makatingin kasi sa kanya parang nilalait na pati mga ninuno niya.
To be continued...