Chapter 1

1104 Words
Joanna's POV UNANG biyernes ng buwan kaya dagsa na naman ang mga deboto ng Nazareno sa simbahan ng Quiapo. Siksikan at maingay. Magkakahalo ang mga taong nagsisimba sa mga nagtitinda ng kandila, sampaguita at kung ano-anong mga replica at memorabilya ng Nazareno. Mga pulubing nanlilimos at ang mga katulad niyang kawatan. Mga nag-aabang ng mga tangang taong mabibikta para maipambili nang makakain. Kinamulatan na ni Joanna ang ganitong buhay. Sampung taon siya nang tumakas siya sa bahay ampunan. May mag-asawang umampon sa kanya ng walong taong gulang siya. Akala niya magkakaroon na siya ng pamilya pero nagkamali siya. Salbahe ang mga umampon sa kanya. Ginawa siyang alila at madalas na saktan siya ng mga ito. Makalipas ang dalawang taon muli siyang ibinalik sa bahay ampunan. Nang malaman niya na may mag-aampon muli sa kanya nagdesisyon siyang sumama kay Guido. Apat na taon ang tanda sa kanya ni Guido. Ang kaibahan ni Guido sa kanya ay may mga magulang ito. Ang Nanay raw nito ay isang prostitute at ang Tatay nito ay pusher. Laking lansangan si Guido. Nalaman niya noon na nagbabalak itong tumakas kasama ng ibang bata. Nagpumilit siyang sumama at simula noon hindi na siya humiwalay kay Guido. Palaboy sila sa lansangan. Walang sariling tahanan. Ang sabi ni Guido bawal daw itong umuwi sa bahay ng mga ito sa Parola kung saan nakatira ang Nanay nitong nagdala rito sa bahay ampunan. Hanggang sa gumawa ng grupo si Guido. Isang grupo ng mga batang snatcher at kabilang siya roon. Si Guido ang nagturo sa kanila kung paano magnakaw, kung paano manglaslas ng mga bag at manghablot ng mga alahas at cellphone. Kung paano magpabunggo sa mga magagarang sasakyan para mahingan ng pera. Sa ganoong paraan sila nabubuhay at malamang na sa ganoon din sila mamatay. Matagal niya nang tinanggap ang bagay na 'yon. Tumunog na ang pang wakas na awit ng misa. Hudyat na iyon para sa kanya. Lumakad siya papasalubong sa mga taong naglalabasan mula sa simbahan. Binunggo niya ang isang babae na nasa kuwarenta na ang edad, sa tantya niya. Inalalayan niya pa ang kamay nito sabay pitik sa suot nitong relo habang abala ito sa pagtitig sa mukha niya. Nginitian niya pa ito nang matamis at humingi ng dispensa bago nagpatuloy sa paglalakad habang isinusuot sa kamay ang relo. Isang grupo naman ng teeanager ang nakabungguan niya. Hindi siya lumingon at dire-diretso lang sa paglalakad. Nakangisi niyang ibinulsa ang cellphone na nakuha niya sa bulsa ng isa sa mga teenager. Nagpatuloy siya sa pagsalubong sa mga tao hanggang sa maagaw ang atensiyon niya sa isang lalaking angat sa lahat. Mataas ito kaya hindi maiiwasang mapansin kaagad. Banyaga ang lalaki base sa abuhing mga mata nito, sa kutis ng balat at sa kulay ng buhok. Para siyang nakatingin sa modelo ng alak na nasa kalendaryong nakasabit sa karinderya ni Lolita. Nakasuot ito ng itim na longsleeve na halatang mamahalin. Alangan ito sa lugar na iyon, napansing niyang pinagtitinginan ito ng mga tao. Sabagay sino ba namang hindi? Sa ilang taon niya sa Quiapo ngayon lang siya nakakita ng ganito ka-gwapong lalaki. Pangahan, makakapal ang kilay na binagayan ng kulay abong mga mata, mapupulang labi. Manipis at matangos na ilong. Ilang segundong natigilan siya hanggang sa kusang kumilos ang mga paa niya at ito ang pinuntirya. Gusto niyang mapasinghap nang makita niyang bumaling ang mga mata nito sa kanya. Nagtagpo ang kanilang mga mata. Ipinagpatuloy niya ang paglalakad na hindi inaalis ang tingin sa lalaki. Ibinunggo niya ang katawan dito. Muntik pa siyang matumba kung hindi lang siya agad na naalalayan nito dahil sa tigas ng katawan nito. Hinapit nito ang baywang niya ng muntikan na siyang bumagsak. Napakapit naman siya sa mga braso nito. Napakalapit ng mukha niya sa mukha nito. Mas lalo niyang natitigan nang malapitan ang magaganda nitong mga mata. Amoy niya rin ang mamahaling pabango nito na humahalo sa lalaking-lalaking natural nitong amoy at pawis. Gusto niyang mapasinghap, singhutin ito ng husto at pumikit. Ngayon lang siya nakakita ng lalaking kahit pawis na pawis na napakabago pa rin. Kahit si Guido na madalas pagpantasyahan ng mga batang Quiapo hindi naging ganito ka-presko ang amoy. Kinuha niya ang panyo sa likod ng suot niyang lumang pantalon. Pinunasan niya ang pawis nito kagaya ng ginagawa ng mga deboto sa rebulto ng Poon. Nakita naman niya ang pagkagulat sa mga mata ng lalaki. "Pampabuwenas lang, pogi," nakangiting aniya rito. Habang para itong santo na pinupunasan niya. Kumunot ang makinis nitong noo. Gusto niya sanang kurutin ito sa pisngi para masigurong tao ito at hindi aparisyon. Umayos siya ng tayo at bahagyang itinulak ito. "Sorry," hinging paumanhin niya at binigyan ito nang matamis na ngiti bago niya ito nilagpasan. Malayo-layo na siya nang maisipan niya itong lingunin. Nakita niyang kinakapa nito ang bulsa pagkatapos ay napatingin sa gawi niya. Nagtama ang mata nila. Kitang-kita niya pa ang galit sa mga mata nito. Tumaas ang sulok ng labi ni Joanna. Kinindatan niya ang lalaki at mabilis na sumiksik sa mga tao nang makitang kumilos ito para lapitan siya. Nagtangka itong habulin siya pero hindi na nito nagawang makasunod sa kanya dahil sa dagsa ng mga tao. Lumusot naman siya sa isang eskinita, mga bilihan ng mga appliances saka lumiko at tinalunton ang daan papuntang Recto. Huminto siya at kinuha ang pitaka sa bulsa. Leather iyon at kulay brown. Binuksan niya ang wallet na puno ng iba't ibang uri ng mga atm cards at identification card. Hinugot niya ang license na naroroon. "Guwapo talaga..." puri niya sa picture na nakalagay sa lisensiya. Binasa niya ang nakalagay roon. "Bernard Moretti... 22, ay Italyano!" palatak niya. Sabi na nga ba niya banyaga ang lalaki. "Kaya pala pogi ka..." nangingiting aniya sa sarili. Bubulatlatin niya pa sana ang pitaka ng may magsalita sa likuran niya. "That's mine! f*****g little thief..." anang baritonong tinig na bahagyang may hingal mula sa likuran niya. Nanigas naman ang katawan niya at takot na dahan-dahang lumingon. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang guwapong lalaking naniningkit ang mga matang nakatingin sa kanya. "Patay..." anas niya. "Yeah..." anito humihingal pa. "You are f*****g dead!" anito sabay higit sa kamay niya. Mabilis ang mga naging kilos ni Joanna. Iniikot niya ang kamay niya para mabitawan siya nito saka malakas na tinuhod ang bagay na nasa dalawang hita nito. Nagulat naman ang lalaki sa ginawa niya. Nakita niyang napanganga ito at namula ang mukha. Muli na sana siyang tatakbo ng hilahin nito ang buhok niya. Malakas siyang napatili. "Get her!" sigaw ng lalaki. Kasunod niyon ay lumapit sa kanya ang dalawang lalaking malalaki ang katawan at kinaladkad siya pasakay sa isang sasakyan. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD