Chapter 3

1398 Words
Joanna's POV "ARAY! May sama ka ba ng loob sa'kin?" angal ni Joanna sa babaeng nag-aayos ng buhok niya. Kanina niya pa nararamdaman ang pasimpleng paghila-hila nito sa buhok niya. Pinaningkitan niya ito ng mga mata sa salamin, inirapan naman siya ng bruha. Isa pa tatamaan ka sa 'kin! - bulong niya sa isip. Ibubuhol niya sa babaeng ito ang kurdon ng blower na hawak-hawak nito kapag napuno siya. Bagot na napabuga siya ng hangin kanina pa siya inaayusan at ngawit na ngawit na siya kakaupo rito buti na lang may pa-biskwit at tsaa na lasang lupa ang mga ito kahit papaano naibsan ang kumakalam niyang sikmura. Balak niya sanang tumakas pero nakabantay sa kanya ang mga alalay ni Bernard. Napabuga na lang siya uli ng hangin habang nag-iisip kung paano matatakasan ang mga ito. Sinunod na hinila siya ng mga babae sa isang fitting room. Paulit-ulit na pinasukat ng mga damit at sapatos. Masakit na ang paa niya kakasukat pero parang hindi pa rin nakokontento ang mga ito sa itsura niya. Hanggang sa wakas isang pulang gown na bagamat hanggang leeg at mahaba ang manggas litaw naman ang mga legs niya dahil sa magkabilaang slit niyon. Nakatali paitaas ang buhok niya, manipis lang ang make-up pero pulang-pula naman ang kanyang labi. Halos mapatunganga siya nang iharap siya ng mga ito sa salamin. Hindi niya nakilala ang sarili. Mukha siyang mamahaling manyika. Mukha rin namang natuwa ang mga nag-ayos sa kanya at miski ang babaeng tinawag na Solenn ay napangiti nang makita siya. Muli siyang inakay ng mga ito palabas at dinala kay Bernard na nakaupo sa lounge area ng boutique. Napatayo si Bernard nang makita siya. Kitang-kita ang paghanga sa guwapo nitong mukha. Saglit niyang nakalimutan kung ano ang sitwasyon nilang dalawa. Nag-init ang kanyang pisngi at napayuko siya dahil Hindi niya kayang tagalan ang titig nito sa kanya. Narinig niyang tumikhim si Bernard kaya napaangat ang tingin niya rito. Nakangiti na ito sa kanya at para namang tumalon ang puso niya sa ngiti nitong iyon. Napalunok siya at wala sa loob na napahawak sa dibdib niya para siyang aatakihin lalo na nang mag-umpisa itong maglakad papalapit sa kanya. Huminto si Bernard sa harap niya nakatingala siya rito habang pigil niya ang paghinga. "Non riesco a smettere di fissarti perché sei così bella." (I can't stop staring at you because you're so stunning.) Umangat ang daliri ni Bernard at humaplos sa baba niya. Hindi siya pamilyar sa lengguwaheng ginagamit nito pero nakikita niya sa mga mata ni Bernard ang paghanga. "Shall we?" anito at iniabot ang braso sa kanya. Nanginginig ang kamay na iniangkla niya ang kamay roon. Parang gusto niyang kalimutan na pinagtangkaan niya itong nakawan kanina. Gusto niyang isipin na isa siyang prinsesa at ito ang prinsipe niya na maghahatid sa kanya sa palasyo. Ipinilig niya ang ulo niya dahil sa kabaliwang naiisip. Lumabas sila ng boutique at tinungo ang kotse nito. Pinagbuksan pa siya ni Bermard ng pintuan. Gusto niyang matawa, kanina lang dinukutan niya ito at ito naman halos sakalin na siya dahil sa ginawa niya pero ngayon heto sila parang a-atend ng JS prom. "Why're you smiling?" nakakunot ang noo pero nakangiti namang tanong ni Bernard habang nakadukwang ito sa upuan niya at inaayos ang seat belt niya at tila aliw na aliw sa kanya. Parang kakapusin na naman siya nang paghinga dahil sa sobrang lapit nito sa kanya. Bahagya niya itong itinulak sa braso para magkaroon ng espasyo sa pagitan nila. "W-Wag ka n-ngang feeling close," mahinang bulong niya. Mahinang natawa si Bernard at umayos na rin ng upo. Hindi naman siya mapakali sa kinauupuan niya dahil ramdam niya ang mga titig nito sa kanya. ---- NAPAPANOOD niya lang ang mga ganitong eksena. Maraming reporter ang nakapalibot sa gilid ng pulang carpet na nilalakaran ng mga bisita. Lumulubog ang taong niya sa carpet sa bawat pag-apak niya. Buti na lang nakakapit siya kay Bernard dahil kung hindi ilang beses na siyang natumba. Wala na ang ngiti sa mga labi ni Bernard naging blangko at malamig na ang mukha nito. Wala rin itong pinapansing mga reporter na halos magmakaawa na para lang pansinin nito. Dire-diretso sila sa loob ng bulwagan kasunod ang dalawang bodyguard ni Bernard. Lahat ng mata ay nakatutok sa kanila. Hindi nakaligtas sa mga mata niya ang paghanga ng mga kababaihan kay Bernard. Para siyang nanliliit sa lahat ng naririto. Malayo ang lugar na ito sa lugar na kinalakihan niya. Naramdaman niya ang paghawak ni Bernard sa kamay niya na nakakapit sa braso nito. "You, okay?" bulong nito sa tainga niya na nagbigay ng kilabot sa kanyang katawan. Parang robot na tumango siya. Inakay siya ni Bernard sa isang lamesa na medyo malayo sa karamihan. Dama niya pa rin ang tingin ng lahat sa kanila at naiilang na siya. Nagulat pa siya nang abutan siya ni Bernard ng wine. "H-Hindi ako umiinom," tanggi niya. Kahit guwapo si Bernard wala pa rin siyang tiwala rito. Paano kung balak pala siya nitong lasingin pagkatapos... "Don't worry, that's not intoxicating. You can't get drunk with just one glass," anito na ang naintindihan niya lang ay hindi raw siya malalasing sa isang baso. Hindi siya sanay sa english pero kahit papaano nakakaunawa siya. Mahilig si Guido sa mga libro at madalas tinuturuan siya nitong magbasa ng mga english novel. Sa ganoong paraan nakakaintindi siya kahit papaano. Marahan lang siyang tumango at sumimsim ng kaunti. Sumimsim din si Bernard pero ang sulok ng mga mata ay na sa kanya. Hindi niya tuloy magawang lunukin ang ininom. "Bakit ba isinama mo pa ako rito? Ano ba talagang balak mo sa akin?" diretsang tanong niya rito ng sabay nilang ibaba ang mga baso nila. Nakita niyang bumakas ang amusement sa mukha ng lalaki. "I need a date. Nandiyan ka, kaya isinama kita," baliwalang sagot nito sa tanong niya. Napabuga siya ng hangin. Alam niyang alam naman nito kung ano ang pakahulugan sa tanong niya. "Sir..." pukaw rito ng isang lalaking nakasuot ng black suit. Lumapit ito kay Bernard at bumulong. Mula sa blangkong ekspresyon naging madilim ang mukha ng lalaki. Na-curiuos siya kung ano ba yung ibinulong dito. Itinaas ni Bernard ang kamay, agad na lumapit ang isa sa mga bodyguard nito. "Never take your eyes off her," narinig niyang bulong nito sabay sulyap sa kanya. Tumayo si Bernard, akma ring tatayo siya nang pigilan siya nito. "Wait for me here; I just need to speak with someone." Kibit balikat na tumango na lang siya. May magagawa ba naman ba siya kung tututol siya? Pinanood niya na lang itong umalis. Nang mawala na ito sa paningin niya nangalumbaba na lang siya sa lamesa at inilibot ang mga mata sa paligid. Napansin niya ang buffet kasunod ng pagkalam ng sikmura. Tumayo siya at napangiwi siya nang maramdamang naalerto ang dalawa sa likuran niya. Mukhang hindi siya makaktakas sa mga ito. "Kakain lang ako," aniya sabay turo sa buffet. Wala namang naging reaction ang dalawa kaya kibit balikat na lumakad siya papalapit sa buffet kasunod ang mga ito sa likuran niya. Maraming pagkain at di mapigilan ng bagang niya na maglaway. Wala pa nga pala siyang tanghalian. Kumuha siya ng plato at nag-umpisang punuin iyon ng mga pagkain nang maagaw ang pansin niya sa isang guest na minumura ang isang waiter. "Didn't you know how much it cost, you stupid piece of s**t? Baka kahit buhay mo hindi mo mabayaran to!" talak ng ginang. Tinignan niya ang bag nito. Isang Hermes Birkin. Mahal iyon at aabot ng milyon... kung authentic. Hindi ganoon kalayo ang distansiya niya sa dalawa pero masasabi niya na hindi tunay ang  hawak ng Ginang. Alam niya dahil ilang beses na silang nakapagnakaw ng ganoon at naibebenta nila ng mahal. Noong una ay hindi siya makapaniwala na may ganoong kamahal na bag. Masarap magbenta no'n dahil tinatangkilik iyon sa black market. Gusto niyang pagtawanan ang mga bumibili no'n pero sabi ni Guido malaking investment daw iyon para sa mga babaeng mayayaman. Habang tumatagal daw kasi at nauubos sa market ang ganoong bag mas tumataas ang apraisal niyon. Namangha siya. Ang alam niya lang kasi ginto lang ang tumaas ang apraisal. At speaking of ginto... Napakagat labi siya nang makita ang banggle na suot ng Ginang, ginto. Sa tingin pa lang alam niyang 24k iyon at mabigat. Ibinaba niya ang plato niya at dinampot ang isang wine saka naglakad papunta sa target niya. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD