Chapter 4

1184 Words
Joanna's POV NAGLAKAD siya at hindi pinansin ang nagtatakang tingin ng mga bodyguard ni Bernard, paki niya ba sa mga ito? Sa gagawin niya sisiguraduhin niya namang hindi mapapansin ng mga ito. Madali lang naman ang kailangan niyang gawin, banggain ang matapobreng babae, ibuhos ang wine sa damit nito para mawala ito sa focus. Kunyari niya itong tutulungan habang pasimpleng huhubarin sa bisig ito ang bangle. Tinikman niya ang wine at mabuway na ipinagpatuloy ang paglalakad. Ginawa niya ang plano niya. Malakas na napatili ang matanda at mas lalong nagwala ng matapunan niya ng wine ang mamahaling damit nito. Nagkunwari siyang tinulungan ito saka niya pasimpleng tinanggal ang banggel sa kamay nito. Pasimple niyang hinulog ang banggle sa bulsa ng suot na suit ng isa sa bodyguard ni Bernard nang lumapit ito sa kanya at alalayan siya. Nagkunwari siyang nahilo at napakapit sa bodygiard ni Bernard. Inilayo naman siya nito sa nagwawalang ginang na ngayon ay hindi na malaman kung paano pakakalmahin ng mga organizer dahil galit na galit ito sa ginawa niyang pagbuhos sa damit ito. "Nahihilo ako. Puwede mo ba akong alalayang samahan sa banyo?" malambing na tanong niya sa bodyguard ni Bernard. Kung hindi siya nagkakamali Nuncio ang pangalan nito. Ito yung driver nila kanina. Pero mukhang hindi lang ito driver dahil kung nasaan si Bernard naroroon din ito, parang anino. "Please?" pakiusap niya nang mapansin na tila nagdadalawang isip pa ito. Napatingin pa ito sa kasama nito na tila humihingi ng permiso. Humigpit ang hawak niya sa suit nito at nagpabigat siya rito. "Please..." Puwede ba um-oo ka na lang! "This way, madam," anito saka siya inalalayan maglakad. Pinigil niyang pagtaasan ito ng kilay at ngumisi ng nakakaloko. Madam daw siya! Nakakatawa. Ang sarap tawanan ng mga ito. Mabilis bang akalimutan ng mga ito kung sino siya? Kung itrato kasi siya nito parang siya ang amo nito. Nakarating sila sa ladies room. Pasimple niyang dinukot sa bulsa nito ang bangle bago tuluyang pumasok sa loob ng banyo. Marmol ang sahig at dingding. Malamig din at sosyal ang loob.Mas masarap pang matulog sa banyo ng mayayaman kaysa sa barong-barong nila sa Delfan. Siniguro niya munang naka-lock ang pinto saka isa-isang sinilip ang mga cubicle, walang tao. Humarap siya sa salamin sa may lababo. Hanggang ngayon nagugulat pa rin siya sa itsura niya. Hindi siya makapaniwala na puwede rin pala siyang magmukhang sosyal kapag nabihis. Ginaya niya ang asta ng mga nakikita niyang tao sa labas. Tumawa siya ng mahinhin habang nasa bibig niya ang kamay. Napailing siya. Mukha siyang tanga. Naaliw na umikot-ikot siya sa harapan ng salamin. "Puwede kaya kitang iuwi?" pagkausap niya sa gown na suot niya. Babagay iyon kay Madonna, ang baklang kababata niya na kasama rin nilang tumakas noon sa shelter. Mahilig sumali ng mga beauty pageant at sta. cruzan si Madonna kahit laging nasisikmuraan ni Guido. Halos magkasing katawan sila ni Madonna lalo na kung naglalagay ito ng padding sa dib-dib nito at puwetan. "Ma'am?" ani Nuncio sa labas, kinatok na siya nito. "Sandali!" sigaw niya. Inayos niya ang sarili at saka itinaas ang laylayan ng gown niya at isinuksok ang banggle sa harapan ng suot niyang t-back. Pinilit siya ng mga nag-ayos sa kanya na suotin ang t-back, na tinatawag ng mga itong thong. Inayos niya iyong maigi. Medyo nakakailang lang pero masasanay rin siya. Hindi kasi puwede sa padding ng gown na suot niya, babakat iyon. Muli na namang may kumatok. "Andiyan na nga e!" Napalunok siya nang sa pagbukas niya ng pintuan ay si Bernard ang nakita niya. Sa likuran nito ay ang matandang ginang na nagwawala kanina. Napalunok siya at alam niyang namutla siya. Agad niyang kinalma ang sarili. Sanay na siya s amga ganitong sitwasyon minsan na rin siyang nahuli sa aktong pagnanakaw ng unang beses na mandukot siya. Hindi naman iyon nalalayo rito. Ang kaibahan lang nanlalambot ang mga tuhod niya sa nakikatang pandidilim ng abuhing mga mata ni Bernard. Hindi niya alam kung galit ito. Wala namang kababakasan ng galit sa malalamig nitong mga tingin pero nanunuot sa kanya ang tanging iyon. "Ano'ng meron?" maang na tanong niya. Ngumiti siya at nagpatay malisyang tinignan ang mga ito isa-isa. "You, slut! Ninakaw mo ang bangle ko!" galit na hiyaw ng ginang at dinuro pa siya. "Meee?" eksaheradang itinuro niya naman ang sarili. "I will I do that? Oh, don't me, you don't know me, don't judge me!" aniya na may kasama pang iling at panlalalaki ng mga mata. Nakita niyang ngumiwi ang isa sa mga bodyguard ni Bernard. Miski rin naman siya gustong mapangiwi sa sablay na english niya at matigas na pagsasalita. Halatang trying hard siya. Ba't ba kasi pinilit niya pang mag-english. Anak ng tokwa naman. Umayos siya ng tindig at tinaasan ng kilay ang ginang. Ginaya niya si Madonna kapag nagtataray ala kondesa. "Lasing na ho ata kayo, misis," aniya. Humakbang siya palabas ng comport room at kumapit nang mahigpit sa braso ni Bernard. Hindi niya ito nililingon kahit dama niya ang paninitig nito sa kanya. "Bakit ko naman kayo nananakawan? Hindi niyo ba kilala kung sino itong ka-date ko?" Napatingin naman ang ginang kay Bernard. Humigpit lalo ang pagkakakapit niya sa binata habang nagdadasal na huwag siyang ilaglag nito. "Siya lang naman si Bernard Morreti," mayabang na sabi niya sa matanda. Malay niya kung sino talaga si Bernard at ang kaakibat ng apilyido nito. Mukha naman siyang mayaman at may sinasabi sa buhay. Kanina nga lang halos magkandarapa ang mga tao makamayan lang ang supladong binata. "Baka gusto mong bilhin ka pa niya?" Namutla naman ito. Kumalma nang kaunti pero masama pa rin ang tingin sa kanya. Tumayo ito nang maayos at pinagpag ang gown nito. "Nuncio," tawag ni Bernard sa alalay nito na agad namang umalerto. Parang asong pinituhan. "Talk to the lady and give her a gift." Bumaling ito sa kanya, "let's go." Nagpahila siya kay Bernard. Gusto niya na sanang bawiin ang kamay niya sa braso nito pero ipinatong nito ang kamay sa kamay niyang nakahawak dito. Damang-dama niya ang matigas na brasi nito,  parang bato. Dama niya rin na namamawis ang kanyang palad.  Pati na rin ng kili-kili niya pawis na. Mas kinakabahan siya ngayon kaysa kanina. Napakatahimik ni Bernard hanggang sa makalabas sila ng bulwagan at sumakay sa kotse nito na nakahanda ba sa labas. Ipinagbukas siya nito ng pintuan at inalalayang makapasok bago ito umikot sa kabila kung saan pinagbuksan naman ito ng bodyguard  nito. Akala niya sasakay na ang driver ni Bernard pero nanatili ito sa labas. Dumoble ang kabang nararamdaman niya. Mas kinabahan siya ngayong nagsosolo silang dalawa kahit pa nasa labas naman ang bodyguard  ito. Inilahad ni Berbard ang kamay. Napatingala naman siya rito. Nasalubong niya ang abuhin nitong mga mata. "Masama ang pagnanakaw," anito. Gusto niyang mainis dahil nakaramdam siya ng pagkapahiya dahil sa sinabi nito pero lamang ang paghanga nang magsalita ito ng tagalog. Lalaking-lalaki at bumagay sa baritonong tinig nito ang tagalog. "Give me whatever you took from that woman. Stealing is wrong." Napakagat labi siya. Alam niyang kahit tumanggi siya hindi ito maniniwala sa kanya. Pero paano niya maibibigay rito ang ninakaw niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD