Kagaya ng unang plano niya dumaan muna siya sa maraming eskinita bago tuluyang umuwi kung nasaan ang tinutuluyan nila. Pumasok siya sa isang garahe. Hindi sementado ang buong bakuran. Doon pumaparada ang mga jeep at truck ng mga gulay na naghahatid sa divisoria. Madilim dahil hindi abot ng lamppost ang loob ng garahe. Isa kasi iyong private property. Hindi niya alam kung kanino ang ito. Isa siyang malaking bakanteng lote na napapalibutan ng mga parang kabuteng barong-barong na basta na lang nagsulputan. Taon-taon ata nadaragdagan ang mga residente sa paligid niyon. ang tanging hindi lang tinatayuan ng bahay ay ang malaking gate. Pumasok siya sa maliit na pintuan. Yero ang nagsisilbing gate at lagpas tao ang taas. Kahit madilim sanay na siya sa lugar dahil halos doon na siya nagdalaga. Sa