Bahaw siyang natawa. Kulang sa saya at may halong inis ang tawa niya. Naiinis siya dahil nahihimigan niya ang awa sa tinig nito n amay konting desperasyon. Hindi niya alam kung para saan iyon pero nasisiguro niyang ayaw niyang kinaaawaan siya. Malayo siya sa isang kaawa-awa dahil kahit wala siyang bahay, kahit isa siyang kawatan, malakas ang katawan niya at buo ang lahat ng parte ng katawan niya. "Lahat ba nang nakikilala mong kagaya ko tinatanong mo ng ganyan?" "No. Ikaw pa lang ang nakilala kong ganyan, at ikaw lang din ang pinag-ukulan ko ng pansin." "Dapat ko ba yang ipagpasalamat? Na napansin mo ako sa dami ng tao sa Quiapo kanina? "Yeah, perhaps, you should be. I am a Moretti, and my surname is very important. I am also a very important person in society, contributing significan