Chapter 7

1792 Words
I woke up and saw a white ceiling, then I remembered what happened. D*mn, bigla tuloy bumigat na naman ang nararamdaman ko. "You're awake! Thank God!" Bumuntong hininga si kuya, luminga pa ako sa buong kwarto buti na lang wala si mama at papa, nakahinga ako ng maluwag. Inoxygen ako kaya may nasal cannula na nakalagay sa ilong ko. "You scared me!" Kuya said, ngumiti lang ako sa kanya. Bigla naman bumukas ang pinto kaya napatingin ako roon at laking gulat ko nang makita ko si Zydrix, pa'no s'ya nakapunta rito? Eh hindi naman sila magkakilala ni kuya? Tumingin pa ako sa likuran n'ya baka kasama n'ya si Ara, pero wala talaga. "Nataranta ako kanina kaya buhat-buhat kita palabas ng gate, nakita ko s'ya sa labas ng gate natin then he helped me. Magkakilala raw kayo." Paliwanag ni kuya. "Uhm yes, we're in the same department." Sabi ko na lang, may bitbit na paper bag si Zydrix at nilabas n'ya roon ang pagkain. "Kumain ka muna," sabi ni kuya at binigay sa akin ang pagkain, si Zydrix naman ay umupo sa upuan malapit sa bintana. "Papunta na ri–" hindi pa tapos si kuya magsalita ay biglang sumulpot si Ara. "OMYGOSH, ANONG NANGYARI AT NAHIMATAY KA NA NAMAN?!" Ara asked, napatingin tuloy sa kanya si kuya. "Na naman?" Hindi siguradong wika ni kuya Brix, 'tong si Ara talaga walang preno ang bibig! "Opo kuya Brix, no'ng IT week namin ay nahimatay s'ya, tapos nahimatay na naman ulit s'ya dati sa P.E class namin, and last time hinimatay ulit s'ya." Paliwanag ni Ara, pareho tuloy na napatingin si kuya at si Zydrix sa'kin– hindi alam ni Zydrix na hinimatay pa ulit ako ng dalawang beses. "Wala pa 'yong results mo, kaya hindi pa natin alam kung anong nangyayari sa'yo. Pero sana noon pa lang sinabi mo na 'yang lagay mo," pangaral ni kuya, nagpatuloy na lang ako sa pagkain ko. Bumukas naman bigla ang pinto at iniluwa nun si mama, papa, at lola. Napatuwid tuloy ako ng upo bigla– napatayo rin si Ara pati si Zydrix at binati sila. Inaya ni Ara si Zydrix na lumabas muna. "Kamusta ang pakiramdam mo, hija?" Umupo si lola sa may upuan na malapit sa kama ko. "Ayos naman po, la." Sagot ko at ngumiti– actually, nakakaramdam na naman ako ng hilo pero ayaw ko naman sabihin dahil baka sabihin na nag-iinarte lang ako. "I told you ma, she's fine! Baka nag-inarte lang dahil ayaw n'ya talagang tulungan si Desha!" Inis na sabi ni mama, told you– ayon ang iniisip n'ya. Spanish si lola, kaya half si mama. That's why mama at papa tawag namin sa kanila instead of mommy or daddy. "Ma, stop it!" Inis na wika ni kuya, parang kumukulo ang kalamnan ko, parang may umakyat bigla sa ulo ko na ewan. "Drea, stop." Lola said. "Mama! It’s just a name, ini-name drop lang naman natin ang pangalan n'ya. Ayon lang ang tulong na kailangan ni Desha, ma." Parang nawawalan ng pag-asa na sabi ni mama. “Pangalan lang naman pala eh, bakit hindi na lang po kay ate? Tutal s'ya naman talaga 'yon," hindi ko na mapigilang hindi sumagot dahil sa poot na nararamdaman ko ngayon, napahigpit tuloy ang hawak ko sa kumot ko. "What's your problem, Beatrix? Bakit ganyan ka makasagot at magsalita tungkol sa kapatid mo!" kinilabutan ako nang sigawan ako ni papa. “Papa kayo po ang problema ni mama, hindi p-po a-ako!" Parang may bumabara sa lalamunan ko at feeling ko anytime ay tutulo na naman ang luha ko. "Nagtatrabaho kami ng mama mo para sa inyo, para magkaroon kayo ng magandang kinabukasan. Hindi naman kami nagkulang sa inyo ah, may nakakain kayo, nakakapag-aral kayo sa magandang eskwelahan, may pambili kayo ng mga luho niyo. Ano pa ba ang kulang, ha!" He yelled in frustration. Your guidance pa. Hindi na ako nakasagot dahil hindi ko kaya, hindi ko na kayang magsalita– para akong nasusuka na hindi ko malaman. "Tutulungan mo ang ate mo sa ayaw at gusto mo, she's not mentally stable anymore." Para akong pinagtaksilan ng mundo nang marinig ko 'yon. "Bakit ako na lang lagi, ma? Kapag may nakikita kang mali, ako kaagad. Kapag may nagawa na mali, kahit hindi ko naman kasalanan ay sa'kin pa rin ang sisi. Bakit naman ganyan m-mama..." hindi ko na napigilan at napahikbi na ako, lumipat si lola ng upuan kaya inalalayan s'ya ni kuya dahil medyo lumayo s'ya sa'kin at hindi rin s'ya nagsalita. "Alam ko naman na wala ako sa plano eh, alam ko na dapat sapat na si kuya at ate kaso dumating ako." "Ma, I've been very patience since I was a kid. I didn't disturb you for teaching ate kasi iniisip ko na kailangan mong turuan muna si ate. I didn't disturb papa for teaching kuya kasi iniisip ko na si kuya ang panganay kaya kailangan siya turuan ni papa ng mabuti. I was there, watching the four of you being happy together. Without me." Pinupunasan ko ang luha gamit ang kamay ko pero mas lalo lang pumapatak pa ang mga luha sa mata ko, nakayuko lang din si kuya. "I wanted to learn how to dance not because I want to, it was because I want you to teach me just like ate Desh but reality sucks, instead of teaching me– you enrolled me in a dance class." I was out of breath kaya huminga muna ako nang malalim. "I wanted to learn piano not because I want to, it was because I want you– pa to teach me." Tumingin ako kay papa. "But reality sucks again, instead of teaching me– you sent me to a piano lesson with other kids." Sarkastiko akong napatawa, pero nabasag din agad ang boses ko dahil napahikbi na naman ako. "I don't even have any memories of you two– while teaching me. Not even once, 18 years na akong nag-eexist sa mundong 'to pero w-wala talaga..." parang may kung ano sa sikmura ko na hindi ko maipaliwanag at ang sakit na talaga ng ulo ko, dala na rin siguro ng pag-iyak. "I ju–" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nasusuka na talaga ako, tinanggal ko ang pagkakalagay ng nasal cannula sa ilong ko and went to the nearest sink, mga ilang hakbang lang naman 'yon. Sumuka ako nang sumuka, inalalayan naman ako ni kuya, sobrang sakit talaga ng ulo ko t*ngina lang, hinawakan ako ni mama pero itinulak ko s'ya, halata sa mukha n'ya ang gulat. "Call the nurse, Brix!" Utos ni lola. "Don't." Pigil ko kay kuya at hinawakan ang braso n'ya. "I need you," sabi ko at pinunasan ang bibig ko. "I needed you– I needed you noong unang dalaw ko. I did not know it hurts so bad, I need your guidance pero sino ba ang naroon noon, ma? MAID." "I needed you, maraming beses, ma. But ate needs you– always, and of course… you were always there for her." Dagdag ko, sumuka ako ulit– t*ngina, bakit ganito. "I needed you pa, I used to get jealous of my classmates before kasi sinusundo pa sila ng daddy nila. All I could do was witness how happy they were. I need your fatherly love and advice!" Napasigaw na ako at napahagulhol sa sobrang sakit ng nararamdaman ko, parang tinutusok ng karayom ang puso ko. Lahat na yata masakit sa'kin, t*nginang buhay 'to. “I needed you ma, pa.. but I realized that both of you would never be there for me so I stopped needing you." I said as I stepped forward, tumakbo ako– tumakbo ako palabas ng hospital room. I heard them yelling my name but I didn't look back, I don't want to look back. Nadaanan ko pa sina Zydrix at Ara sa may pinto pero nagtuloy-tuloy pa rin ako sa pagtakbo, kasabay ng pagtulo ng mga luha ko. Nanlalabo ang paningin ko dahil sa luha ko. Lumabas ako ng hospital at tumakbo sa kalsada, pinituhan pa ako ng guard pero hindi ko na pinansin. Tumakbo lang ako nang tumakbo sa gilid ng kalsada, nakikisabay naman ang ingay ng sasakyan sa bawat hikbi ko. My head hurts so bad, at parang nasusuka na naman ako pero walang lumalabas, napahinto pa ako at aktong duduwal, bigla na lang may humila sa braso ko. Pagtingin ko ay si Zydrix pala, napayakap ako bigla sa kanya at napaiyak ako lalo nang yakapin n'ya rin ako, telling me that he'll be here. "You're sick y–" "No, I don't want to go back there," hindi pa s'ya tapos magsalita ay umiling-iling na ako. "Please . . . please," kumalas ako sa pagkakayakap at tinignan s'ya, napayuko rin ako agad dahil nahihiya ako sa itsura ko ngayon. "Please..." I begged. Zydrix's POV "Hmm… She's sleeping…bye," ayon ang huling sinabi ko kay Ara before I ended the call. Dinala ko si Ella rito sa bahay namin mismo, my mom isn’t here so it's fine. Kahit naman nandito s'ya ay ayos lang, dito ko na pinatulog sa kwarto ko si Ella. Tinignan ko ang oras, 11:00 PM na pala– kakatulog lang ni Ella. Nakailang suka pa s'ya ulit bago nakatulog and I need to wake her up later to drink her medicine, galing 'yon kay Ara na pinabigay raw ng kuya ni Ella. She must be tired, umupo ako sa gilid ng kama then I touched her face. The scene earlier at the hospital flashed in my mind. They're so loud so we heard everything, sumilip pa ako nang marinig ko ang suka n'ya. I was about to enter that d*mn room but Ara stopped me, telling me that it was a family matter so I stayed still. I caressed her face then leaned to kiss her forehead, this girl has been through a lot for so many years. She has been enduring the pain since she was a kid. Ang bilis ng oras. I need to wake her up to make her drink her medicine. "Ella…" mahinang bulong ko sa kanya. "Ella, time to drink your med," I kissed her cheek this time. "Hmm…" she hummed at pinilit idilat ang mata n'ya. "No, I'm sleepy." She said at tinalikuran ako. Kumuha ako ng isang gamot n'ya at nilagay sa bibig ko, pinilit ko s'ya paupuuin sa kama then I kissed her, transferring the medicine in her mouth I then broke the kiss at inabutan s'ya ng tubig. Pagkatapos n'yang uminom ng tubig ay sinamaan n'ya ako ng tingin, I just chuckled. She's wearing my shirt and shorts, bagay sa kanya…umiwas ako agad ng tingin dahil may naglalarong senaryo sa isipan ko and it's not good. "Sorry, pwede ka na matulog ulit."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD