Chapter 6

2692 Words
I will court you... I will court you... I will court you... I will court you... Amporky! Nakauwi na ako pero ayon pa rin ang laman ng isipan ko. Hindi ko alam paano ba dapat ikilos ko– amporky talaga! Tapos hindi man lang s'ya nagtanong kung pwede! Statement agad sinabi aba, magaling talaga. Hindi ito ang unang beses na mayroong nanligaw sa akin, pero this time hindi ko talaga alam ano ang gagawin ko, may gagawin ba dapat ako? Mabilis lumipas ang araw at ito na, Pre-finals na namin. Hands on kami sa programming pero 'yong code namin ay isusulat namin sa booklet namin, dalawang oras ang binigay na time sa amin to finish our exam– pero isang oras pa lang ang nakalilipas ay natapos ko na ang akin and tama rin ang output ko. I've been studying so hard and worth it naman lahat ng puyat at pagod ko sa pagbabasa ng module ni Zydrix. "Nice, aga ah." Gulat akong napatingin sa gilid ng pader nang makalabas na ako, ando'n si Zydrix nakasandal at tamad na tumitig sa'kin. "Tapos na exam n'yo?" I asked. "Ako pa lang ang tapos," maikling sagot n'ya. "Naks naman." "Well," aba, yabang ah! "Yabang, psh." Sabi ko, umupo ako sa upuan dahil may upuan na pahaba sa gilid ng labas ng classroom namin, tumabi naman s'ya sa'kin. Inaantay ko pa kasi matapos si Ara para sabay na kaming mag lunch. "May maipagyayabang naman." Wow! Taas ng tiwala sa sarili ah. "Ba't ka ba nandito?" I asked. "Nanliligaw." Amporky! Kunot noo ko s'yang tinignan. "Alangan naman ibang babae abangan ko, 'di ba? " He said. "Whatever." Ayon lang ang naisagot ko dahil lumabas na si Ara pati iba naming kaklase. "T*ngina ang hirap." Sabi n'ya at umupo sa tabi ko, napasiksik tuloy ako kay Zydrix. "Awit kay Ella, basic na basic ah!" Puna ni Christine. "Hindi ah, nahirapan din ako, gaga!" Irap ko. "Kaya pala natapos agad," pagod na sumandal sa'kin si Ara. "Amporky ka, tara lunch na nga!" Aya ko at tumayo, tumingin si Ara kay Zydrix at ngumisi. "Ayaw ko nga, ginawa mo pa akong third wheel!" Kantyaw n'ya, pinagdikit n'ya pa kami ni Zydrix kaya nakisali sa pang-aasar ang iba kong kaklase. "Lumayas na nga kayong dalawa, sakit n'yo sa eyes." Taboy ni Ara, magsasalita pa sana ako kaso hinila na ako ni Zydrix paalis. "Gusto ko mag Mcdo!" Sabi ko sa kanya nang makalabas na kami ng gate. "Puro ka fast-food, sizzling tayo kakain ngayon." Sabi n'ya, napasimangot tuloy ako. "Anong puro fast-food ka riyan? Ngayon nga lang kita nakasama kumain dito sa school ng lunch eh!" Sabi ko sa kanya. "Madalas kitang nakikita sa Mcdo." Sabi n'ya, pinagpalit n'ya ang pwesto namin habang naglalakad kaya napatingin ako sa kanya. "What? Baka masagasaan ka." He said, oh…napatahimik tuloy ako, naglakad lang kami papuntang sizzlingan kasi malapit lang naman, ang init! Buti na lang may payong ako pero si Zydrix ang may hawak. Pagdating namin sa Sizzlingan ay maraming tao, malamang lunch time, amproky! Humanap muna kami ng mauupuan. "Ako na oorder, what do you want?" Tanong n'ya, tumingin muna ako sa menu na nasa mesa. "Sisig!" Masigla kong sabi, tumango s'ya at pumunta sa counter. Grabe ang init ha, naka uniform pa naman ako ngayon– long sleeve pa uniform namin tapos palda na sakto lang sa tuhod ang haba, ang init pa lalo ng necktie namin, kainis. Tatlong klase kasi ang uniform namin, kapag Tuesday ay naka normal uniform kami na mayroon din ang iba, kapag Wednesday at Friday naka uniform kami na pang BSIS lang at formal attire 'yon kaya mainit din. Kapag Sabado naman ay pwede kaming mag civilian pero may baon kami na P.E uniform for P.E Class. Pagbalik n'ya ay may inabot s'ya sa'kin na wet facial wipes, kunot noo ko s'yang tinignan. Wala pa ang inorder namin, tumabi s'ya sa'kin tapos nilapag n'ya sa mesa ang lagayan ng wipes tapos kumuha s'ya ng isa. "Ang pula ng pisngi mo, halatang init na init ka kaya bumili ako saglit ng wipes sa labas." Hinarap n'ya sa kanya ang pisngi ko, nasa baba ko ang kaliwang kamay n'ya habang 'yong kanan naman ang ginamit n'ya para punasan ang mukha ko. Sunscreen and lip gloss lang naman nilagay ko sa mukha ko kaya walang kaso sa'kin kahit punasan n'ya– mag lalagay na lang ulit ako mamaya. Medyo naibsan ang init na nararamdaman ko nang maramdaman ko ang pagdampi ng wipes sa mukha ko. Dumating na ang pagkain namin kaya lumipat na s'ya sa tapat ko dahil kakain na kami. Tahimik lang kaming kumakain, hindi rin ako nagsalita dahil wala naman akong sasabihin. "Should I go to your house later? I mean for fomali–" hindi n'ya natapos ang sasabihin n'ya dahil nagmadali s'yang magsalin ng tubig sa baso ko dahil napaubo ako bigla! Amporky! "You okay?" He asked me pagkatapos kong uminom ng tubig. "Yes, thank you. Uhm, wala naman madalas sa bahay ang parents ko kaya wag na muna." Sabi ko sa kanya, totoo naman kasi na wala sila madalas and hindi pa ako ready. Mabilis lumipas ang araw and it's almost finals, tinutulungan din ako ni Zydrix sa project ko kahit sinabi ko na 'wag na. "Come here," si Zydrix 'yan, nandito kami ngayon sa condo nila, half day lang kami ngayon. Si Ara naman ay may duty ngayon kaya hindi ko s'ya kasama. Ewan ko ba sa babaeng 'yon, may kaya naman sila pero gusto n'ya pa rin mag trabaho– pang skin daw sa ML, kasi luho raw n'ya 'yong ganon kaya gusto n'ya mula sa pinaghirapan n'ya. "Why?" Lumapit ako sa kanya, kami lang ang nandito at nasasanay na rin ako na lagi s'yang kasama. "Nganga," utos n'ya, may hawak pala s'yang pagkain. Ngumanga naman ako gaya ng utos n'ya. "Bakit ba lagi mo na lang ako pinapakain." Inis kong sabi sa kanya, kasi kahit sa school lagi n'ya akong dinadalhan ng pagkain. "Pumapayat ka kasi, baka sabihin nila hindi kita inaalagaan nang maayos." Napatayo tuloy ako at lumapit sa full length mirror na nakadikit sa gilid kung saan nakalagay ang TV nila. Oo nga, halata ang bawas ng timbang ko, it's Saturday kaya naka P.E uniform ako. Last subject namin ang P.E pero kaninang umaga naka civilian ako, dark blue na above the knee ang P.E shorts namin tapos grey naman ang damit, may print 'yon na name and logo ng school namin. Naramdaman kong lumapit sa likuran ko si Zydrix, may inabot s'ya sa'kin na hoodie jacket tapos nagsuot din s'ya ng kanya. "Wear it, let's take a mirror shot." He instructed me. Sinuot ko naman gaya ng sabi niya, he back-hugged me. Nung una ay hindi ako mapalagay pero kinalaunan ay hinawakan ko rin s'ya sa braso n'ya as we took some pictures hanggang sa mag sawa kami. Pagtapos namin mag picture ay hinubad ko na ang hoodie jacket at tumingin ulit sa salamin. "Hindi naman ganun ka payat ah, amporky ka." Reklamo ko, nakaupo na s'ya ngayon sa sofa kaya nilingon ko pa s'ya. "Nabawasan pa rin timbang mo, kumain ka kasi sa tamang oras." Sabi niya. Naalala ko tuloy pinaggagawa ko nitong mga nakaraang buwan. I was so eager to study programming– madaling araw na ako natutulog tapos gigising ng maaga pero feeling ko malelate pa rin ako kaya hindi na ako nag-aalmusal. Pag lunchtime naman ay madalas pang miryenda lang binibili ko dahil maraming kailangan tapusin tapos gabing-gabi na rin ako nagdi-dinner. "Kaya ba lagi mo akong dinadalhan ng pagkain?" Tanong ko sa kanya. "Yes, at alam ko na madalas hindi mo rin naman kinakain kaya gusto ko sabay tayo mag lunch." He said, na-guilty tuloy ako bigla. May time na hindi sabay ang lunch namin pero nagugulat ako nang nakita ko parin s'ya sa labas ng room namin, naghihintay sa akin. Akala ko nag ka-cutting s'ya, so I asked kuya Chase about it pero hindi raw. Ginagawa raw ng advance ni Zydrix ang mga activities nila pag gabi kaya late na s'ya natutulog. Napatingin ulit ako kay Zydrix, kaya pala parang antok na antok s'ya lagi– pati ngayon. "Drix… " tawag ko sa kanya, nakasandal s'ya sa sofa. "Hmm?" Tamad n'ya akong nilingon at tinaasan ng kilay asking me what I want. I sighed, tumabi ako sa kanya then I hugged him, kita ko ang gulat sa mukha n'ya nang tingalain ko s'ya pero napawi rin 'yon. He put his hands on my waist and hugged me back. "You want to sleep?" I asked pero naramdaman kong umiling s'ya kaya tinignan ko s'ya sa mata. "You sure?" Paninigurado ko pero tumitig lang s'ya sa'kin kaya kumunot ang noo ko. "Don't look at me with that kind of expression, I might kiss you." Should I kiss him? Nang makabawi naman ako sa efforts n'ya. Umangat ako nang kaunti, giving him a peck on his lips then yumuko ako dahil nahiya ako bigla, naramdaman ko naman ang mahinang pagtawa n'ya. "You're putting yourself in danger," he uttered. "Hindi ganun humalik, dapat ganito," inilayo niya ako ng bahagya sa kanya before kissing my lips, sa sobrang gulat ko ay hindi ako nakagalaw. He put his right hand on my waist pulling me closer to him while his left hand cupped my face. I couldn't resist his kisses so I kissed him back. I could feel him smirking between our kisses. I put my hands on his shoulder and parted my lips. I can feel his tongue swirling inside, I feel like I can't breathe as he deepen our kiss, he then soon broke the kiss, I was panting so hard, d*mn! What the f*ck did we– just... amporky! Nahiya tuloy ako bigla, hindi pa nga kami tapos. . . ganun?! Amporky naman! Hindi ko tuloy s'ya kayang tingnan. "Shy?" He chuckled, nainis tuloy ako at masama s'yang tinignan. Hinila na naman n'ya ulit ako at niyakap. Bakit ba ang hilig n'yang manghila?! Magsasalita na sana ako nang marinig kong tumunog ang phone ko. From: Kuya Brix Where are you? Come home asap. "I need to go home," sabi ko agad kay Zydrix pagkatapos na pagkatapos kong basahin ang text ni kuya, I can feel na it's urgent. "Hatid na kita, kahit hanggang gate lang ng subdivision niyo," he offered, nagmamadali ako kaya I accepted it. Pero hindi pa ako tuluyang nakakatayo ay napaupo ako ulit, biglang nandilim ang paningin ko saglit kaya kinabahan ako. Actually, these past few days madalas nandidilim bigla ang paningin ko at nakakahilo s'ya. "You okay?" Nag-aalalang tanong ni Zydrix sa'kin. "Uhm… yes, namanhid lang talampakan ko bigla kaya napaupo ulit ako," I lied, tumango naman s'ya at kinuha ang gamit ko para s'ya na ang magdala. Pagdating ko sa bahay ay nadatnan ko sa living room sina mommy, daddy, kuya and ate Desh, kabado tuloy ako dahil mukhang seryoso sila. "Oh, come here Ella," pinatabi ako ni kuya sa kanya habang katabi naman ni mommy at daddy si ate Desh na nakayuko lang. "So what is it, ma?" Tanong ni kuya, so hindi pa pala sila nag-uumpisa? "Desh is pregnant," umpisa ni mama. WHAT? Maging si kuya ay nagulat din, nakayuko lang si ate. "And kumakalat na ang balita na isa sa mga anak ko ang nabuntis, they didn't drop the name. And it starts ruining our image," paliwanag ni mama. "She should take the responsibility," seryosong sabi ni kuya, nag-umpisa ng humikbi si ate. "I'm sorry..." ayan lang ang tanging nasabi n'ya. "Shh, it's fine, it's fine," pinapatahan s'ya ni mama si papa naman ay nakatingin lang sa kawalan. "Isang taon na lang ay gagraduate na ang ate mo, Ella." Mahinang sabi ni mama. "And what does it have to do with Ella, ma?" Kuya asked. "We can just say na it was Ella, Desha doesn't want to keep the baby anyway, she wants to abort it. Tapos sabihin na lang natin na nalaglag 'yong bata," kinilabutan ako sa sinabi ni mama, how could she… "Ma! Hindi naman po yata tama 'yong ganon!" Sigaw bigla ni kuya, maging ako ay nagulat. "Papa? Hahayaan mo na lang ba na ganun na lang 'yon?!" Galit si kuya, ramdam ko dahil nanginginig pa s'ya. "Desha has been so stressed lately, baka mawala na s'ya sa katinuan kapag lumabas pa sa balita ang pangalan n'ya," My father said. So, kapag ako ang makakaranas non ay ayos lang? Basta huwag lang si ate? I want so say it out loud, pero hindi ko kaya. "Desha ano ka ba! Ano ba 'tong pinasok mo, ha?! Ma, pa? Hindi naman tama na si Ella ang sasalo. Ella just started her college!" Inis na sabi ni Kuya. "That's the point! She just started college and she's not even sure of her career path! She can just start all over again!" I look at my mother in horror. "Ma, I may not be sure of the path that I’ve taken but I am doing my best. Kuya was right, I don’t deserve this!" Hindi ko na maiwasang sumigaw, and because I yelled at her– I received a hard slap from her. I stared at her in disbelief, namuo na rin ang luha sa mga mata ko pero hindi 'yon tumulo, maging si kuya ay gulat din na napatingin kay mama. "Isang beses lang Ella! Kahit isang beses lang can't you lend a hand to your sister?" Mama said. Ma, kahit isang beses lang, can't you trust my ability? Sigaw ko sa isip ko. "Desha magsalita ka naman! Ginusto mo 'yan 'di ba? Ginawa mo 'yan eh– panindigan mo naman!" Sigaw ni kuya at hinila n'ya ako ulit palapit sa kanya. "Ma, nagkamali po si ate and she must face it." I bravely said and looked at my mother's eyes. "Can't you be at least feel sorry for her? Nahihirapan ang ate mo kaya nga humihingi ako ng tulong sa'yo dahil hindi kaya ng ate mo! Pa'no pag naisipan n'yang magpakamatay, ha?!" Tumayo ako at hinarap s'ya. "Ma, paano kapag ako ang naging ganyan? Paano kapag ako ang nagpakamatay? Can you ask ate to lend me a hand? 'Di ba hindi naman, ma! Kasi mas kinakampihan n'yo po s'ya kaysa sa akin!" Feeling ko sasabog na ako, hindi ko na alam ang nararamdaman ko, gusto kong umiyak at sigawan silang lahat. Sinampal ulit ako ni mama, at hindi ko na napigilan ang mga luha ko sa pag tulo. Hindi dahil sa sakit ng sampal n'ya kundi dahil sa sakit na nararamdaman ko sa puso ko, ang sakit t*ngina. Mama ko ba talaga 'to? "Beatrix, enough!" Sigaw ni papa, hinila ako ni kuya pero hindi ako nagpahila at hinarap si papa. "Am I wrong, papa?" I asked, habang pinupunasan ko ang luha ko sa mga mata ko. Syempre, mali ako kasi hindi naman ako ang favorite n'yo eh, saad ko sa sarili ko. "Look, your sister really needs some help from you." He tried to explain. By ruining my image and reputation as a young lady? "Pa, isn't it the same? If you drop my name out makakasira pa rin 'yon sa image ng pamilya natin." I said, a matter of fact. Or it's fine to ruin my image huwag lang ang image ng paborito mong anak? "What kind of sister you are!" My father yelled. What kind of parent you are? I can't stop myself from crying, hindi ko akalain na hahantong ang away namin sa ganito. They are my parents, so I should respect them. Kaya ang sakit lang na ganito sila sa akin, parang pinupunit ang puso ko sa sakit na nararamdaman ko ngayon. I was about to say something but my vision became blurry, I looked around to check my surrounding– parang may kaluluwa ang lahat ng nakikita ko pati ang mga gamit. Hinawakan ko ang ulo ko. "Ella! Are you okay?!" I heard my brother's voice but I can't see where he is, naramdaman ko na lang na hinawakan n'ya ako. I tried to look up to see his face pero ang bigat ng ulo ko, then my vision went black. Naramdaman ko pa ang pagbagsak ko sa yakap ni kuya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD