Chapter 8

1590 Words
Ella’s POV Pagkagising ko ay hindi ako familiar sa kwarto na 'to, the theme of the room are gray and white– the scent…then I remember what happened yesterday. My parents…alam ba nila kung nasaan ako? I can't face them for now. Ayaw ko muna silang makita pansamantala, I know na kailangan ko silang harapin pero hindi ko pa kaya sa ngayon. Lumabas ako ng kwarto, walang tao kaya bumaba ako. Nakita ko si Zydrix sa living room, doing something in his laptop, tumikhim ako kaya napatingin s'ya sa akin. "Oh, gising ka na pala. Tara kain na." Tumayo siya agad at pumunta sa dining room kaya sinundan ko siya. Tahimik akong umupo sa upuan habang naghahanda siya ng pagkain, I tried to help pero ayaw niya kaya hinayaan ko na lang siya. "Alam ba ng parents ko na nandito ako?" I asked. "No, kuya mo lang pati si Ara." He said, sinenyasan niya ako na kumain na. "Pasensya na sa abala." I said, nakakahiya, alam kong busy siya lalo na't nireready na yata niya ang sarili niya para sa capstone project nila pag nag third year na siya. "Kahit kailan ay hindi ka nakakaabala sa'kin, it's my pleasure to help you," sabi niya at bahagyang ngumiti, napatingin ulit ako sa paligid– walang maids. Parang walang laman ang bahay nila. "Ako lang mag-isa rito, my mom moved out with my younger sister and brother. Doon sa bago niyang asawa." Napansin niya yata na palinga-linga ako kaya niya siguro nasabi 'yon. "Ahh, nakakalungkot naman. Ikaw lang mag-isa rito." Sabi ko. "I don't stay here, sa condo lang ako madalas." Ah, kaya pala. Ang dami na niyang naitulong sa'kin, wala man lang akong ambag pa sa buhay niya, amporky naman. May sumagi tuloy sa isip ko. "Uhmm… about us u–" "Hindi naman ako nagmamadali, relax." Napatawa s'ya nang mahina. "Okay." Sagot ko na lang, hindi na rin siya nagsalita. Tahimik na lang kaming kumain. "Pero kung hindi mo talaga ako kayang magustuhan sabihin mo lang." "So, that I'll work harder," tumingin muna siya sa'kin bago umupo, did I make him feel unwanted? "Let's make it official…" sabi ko at tumayo para ilagay ang pinagkainan ko sa lababo. Naramdaman kong tumayo rin siya, hinawakan niya ako sa balikat at pinaharap sa kanya. Gusto kong matawa sa itsura niya, parang bata na sabik na sabik, pft. "REPEAT IT." Titig na titig siya sa'kin, napaiwas tuloy ako ng tingin pero nakikita ko pa rin mukha niya dahil tumapat ulit siya sa'kin, amporky. "Let's m-make it o-official." I repeated. He then hugged me, tightly. Ibinaon niya ang sarili niya sa balikat ko. "Thank you for trusting me." He said between our hugs. "What do you like about me?" Tanong niya, we're here in his room, cuddling. Ang weird lang dahil sobrang kumportable ko sa kanya. "Why'd you ask?" I asked as I looked at him. "I'm curious, don't tell me you just said yes but you don't even like me?" Masama ang tingin niya sa akin, natawa tuloy ako na mas lalong ikinasama ng tingin niya. "Syempre, ang pogi mo eh," tumawa ako, gusto ko siyang asarin. "Tss." Tinanggal niya ang pagkakayakap niya sa akin at tumihaya, inunan niya ang dalawang kamay niya, nakatingin lang siya sa kisame. Napikon pa nga, umupo ako at humarap sa kanya. "I don't know what was the exact reason why I like you, nagising na lang ako isang araw na namimiss na kita, na hinahanap ko na ang presensya mo, at sobrang kumportable ako sa'yo. Kapag nalulungkot ka, gusto ko ako ang unang makaalam because I want you to rely on me first." Dumapa ako at pinantayan siya. "Gusto ko ako ang unang tao na makakaalam kung ano ang nangyayari sa'yo." I kissed his nose. "Sorry for being so demanding," I kissed the side of his lips, nakita ko naman na tumaas ang kilay niya at ngumiti. "You deserve it...my love." I was caught off guard because of the ‘my love’ bakit ang sarap pakinggan? "I'll leave tomorrow," pag-iiba ko ng topic, pareho kaming nakatingin lang sa kisame ngayon. "Uuwi ka na sa inyo?" He asked. "No, I'll go somewhere," finals is coming, wala na kaming iiexam sa major dahil final project ang ipapasa namin kaya pwede naman na umabsent ako kahit dalawang araw lang. "Where?" Tumagilid siya paharap sa'kin, kita ko sa peripheral vision ko. Lumingon ako sa kanya at ngumiti, agad ko ring ibinalik ang tingin ko sa kisame na para bang may ganap do'n na kailangan kong panoorin. "Kung saan man ako mapadpad," hindi ko rin alam kung saan ako pupunta. Ayaw ko naman kila Ara dahil matutunton din ako agad doon and I'm sure, sooner or later matutunton din nila ako rito. "I'll go with you." Hinarap ko naman agad siya nang marinig ko 'yon. "Amporky ka? Busy ka kaya," inirapan ko siya. "Ang sama ko naman na boyfriend pag pinabayaan kong mag-isa at malungkot ang girlfriend ko." He said as he caressed my face, napatingin ako sa kamay niya. "I can manage," dagdag pa niya. Maaga kaming umalis do'n sa bahay nila Zydrix, kasama ko s'ya. Papunta kami ngayon sa Cebu, may rest house raw do'n ang pamilya ni Zydrix kaya naisipan namin na roon na lang pumunta, para makabisita rin s'ya sa lola niya. Natulog lang ako sa byahe, dahil late na kami nakatulog kagabi. Paano kasi, nagkwentuhan kami at 'di namin namalayan ang oras. "Welcome back, hijo!" Sabi ng isang may edad na, na Ginang. "Nako, excited na ang lola mo na makita ka ulit!" Sabi ng Ginang bago mapalingon sa akin. "Nobya mo ba 'to? Aba'y napakagandang dalaga naman." Sabi nito kaya napangiti ako at binati siya. "Opo, aling Maria. Sinabi mo pa, 'di ba sobrang ganda niya po?" Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya naman ngumiti na lang ulit ako. Galing sa airport ay nag van kami papunta sa lugar na pupuntahan namin. Ang gaganda ng tanawin at nakaka-relax tignan. Dalawang oras ang byahe namin papunta sa hacienda nila. Oo, hacienda pala 'to. Hindi naman sinabi sa akin ni Zydrix, sabi niya surprise raw. "You didn’t like it?" Agad naman akong umiling. "I like it! Sobra!" Bakit hindi ko magugustuhan? Ganito ang hinahanap ko na lugar. Ang ganda ng tanawin at nakaka-relax tignan. I captured some photos of the scenery kasi ang ganda. I posted it on my i********: account. Been longing for. Ayan ang nilagay ko na caption, I uploaded it kasi gusto ko ipaalam sa pamilya ko kahit papaano na nasa maayos na lagay ako. Sa i********: ako nag-uupload ng mga personal na bagay, sa f*******: ko kasi ay limitado lang ang ina-upload ko. I don't even upload a picture with my family there. Kinuhanan ko rin ng litrato si Zydrix na nakatingin sa labas ng bintana, nilagay ko siya sa story ko sa sss pero inedit ko muna, ginawa kong black and white tapos nilagyan ng caption na, yours. Agad kaming sinalubong ng lola niya nang makarating kami sa mansion nila. Makaluma ang interior design nito pero hindi siya panget, actually sobrang ganda. Parang mga sinaunang disenyo na nababasa ko sa history. "Magandang tanghali po," bati ko sa lola niya. "Magandang tanghali rin, hija. Jusko! Napakaganda mo naman." Puri niya, nahiya tuloy ako. Matapos naming kumain ng tanghalian ay nagpahinga muna kami. Magkahiwalay kami ng kwarto ni Zydrix pero pareho kaming nasa balcony ngayon, siya sa balcony ng kwarto niya at ako naman ay sa balcony ng kwarto ko. Magkatabi lang ang kwarto namin at parehong mayroong balcony. Nakatingin ako sa kawalan, ang ganda talaga ng tanawin. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti dahil nakakagaan ng pakiramdam. Inaya ako ni Zydrix na mamasyal sa hacienda nila, sa papa niya pala 'to. Sumakay kami sa kalesa at naglibot-libot, napadako kami sa may malaking puno, huminto kami at sumilong. Hapon na rin. Naka maong shorts lang ako and oversized mustard yellow shirt, naka tuck in sa harapan, sa likuran naman ay hinayaan ko lang na medyo mahaba. Si Zydrix naman ay naka black sweat shorts and naka plain grey na shirt. "Let's take some photos!" Masigla kong sabi, tumango naman siya. Pagkatapos namin mag picture ay umupo kami sa ilalim ng puno. "Thank you." Pagpapasalamat ko sa kanya. "You're always welcome, my love," hindi ko maiwasan na mapangiti, pero napawi 'yon nang tumayo siya at nilahad ang kamay niya sa'kin. "Bakit?" Tanong ko pero tinanggap ko rin ang kamay niya at tumayo. Nilagay niya ang isang kamay ko sa balikat niya at nilagay naman niya ang isang kamay niya sa bewang ko, he then clasped his other hand with my free hand. He started to sway kaya sinabayan ko rin siya. "You looked relaxed and happy," puna niya habang sumasayaw kami, kahit walang tugtog. Tanging ang hangin lamang at tunog ng mga ibon ang nagsisilbing musika namin. "And the reason is you." I said at ngumiti sa kanya. I'm so thankful to have him, pinatong ko na ang dalawang kamay ko sa balikat niya. I kissed his cheek before hugging him– ng sobrang higpit naramdaman ko naman ang higpit ng yakap niya rin sa bewang ko. "I’ll do everything that I can do to make you happy because every girl in this world deserves to have a responsible man by their side. So, here I am." "At masaya ako na ako ang nasa tabi mo, I want to be the reason for your smile every day. When everything goes wrong, I'll make it right for you...my love." He said and kissed my forehead.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD