Chapter 23

2144 Words
"Perfect!" Sigaw ng mga kaklase ko at kaklase ni Caden nang matapos ang dry run namin for our duo performance. Ngayon na ang araw ng pageant namin. Medyo kinakabahan pa rin ako kasi first time ko nga sumali, tapos buong department pa ang labanan. Baka malampaso lang ako ng representative ng tourism's department. "Basta, tandaan mo lahat ng sinabi ko Ella," saad ni ate, oo– nandito s'ya kasi naman nagpumilit talaga s'ya na manood. Napapatingin pa nga ang ibang estudyante sa kanya e, buti na lang medyo positive comments mga naririnig ko like, how my sister manage to look so pretty even in her pregnancy state. Sorry, nasa lahi kasi ‘yan saad ko sa loob loob ko. "Yes, ate,” tumango pa ako sa kanya. May sariling event center ang school namin at dito gaganapin ang pageant. Mas malaki 'to kumpara sa theater. Iisa lang ang dressing room namin ni Caden. Nilagyan na lang namin ng hati gamit ang kurtina para hindi magkakitaan ‘pag magpapalit na kami ng damit. Unang rampa namin ay 'yong ipapakilala kaming lahat. Next naman ay 'yong ipapakilala na namin ang sarili namin. "Beatrix Bella de Leon, from CSIT department na mag-iiwan ng katagang pag-iniwan ka– 'wag kang iiyak, ipiem mo lang ako dahil reretohan kita agad," I said as I smiled. Narinig ko naman na nagtawanan ang audience. For this segment I just wear a simple gold formal evening gown. Next na ang talent portion, 'yong solo performance muna namin ang mauuna bago ang duo. "At ngayon ay dumako naman tayo sa ALL-IN TALENT PORTION!" Anunsyo ng emcee. Bago kasi ang event na 'to rito sa school, ito ang una na gaganapin itong tinatawag nila na ALL-IN L, B, and T pageant na 'to. Ang ibig sabihin ng L, B and T ay Legit Beauty and Talent, oh 'di ba daming kineme. Sa solo talent portion ay kakanta ako, kaya naman simple lang din ang suot ko. Red off shoulder full skirt vintage swing dress, pagkatapos ko ay bumalik na agad ako sa backstage. Nakita ko naman na nakaupo na si Caden do'n. Mauuna kasi s'yang mag perform kaysa sa'kin. Simple lang din ang suot n'ya, pastel color na shirt at black pants tapos white shoes, buti pa ang mga lalaki- ang bilis lang bihisan. "Good luck!" Saad ko at nginitian s'ya nang pangalan na n'ya ang binanggit sa stage. Nginitian naman n'ya ako bilang tugon. "Broken all the pieces I’ve been shaping lately," agad naman na nagsigawan ang audience nang umpisahan ng kumanta ni Caden. Ngayon ko lang s'ya narinig na kumanta– naalala ko tuloy si Zydrix sa kanya. Para kasing si Zydrix ang paraan n'ya ng pagkanta e. "I’m not gonna fight back what I’ve become," sumabay naman sa kanya ang audience, nang matapos na s'ya ay may pahabol na more pa ang audience, pero halos lahat do'n ay mga babae syempre. "Naks, hakot fangirls ah,” puna ko nang makabalik s'ya. "Ikaw rin, hakot fanboys ka mamaya. Syempre mangunguna si Drix do'n, pumwesto ba naman sa pinakaunahan si gago. Muntik ko na ngang mapagkamalan na judge e,” natatawa n'yang kwento, kanina kasi ay 'di ko nakita si Zydrix. Late ata dumating, si ate naman ay naka pwesto sa pangalawang helera ng upuan kaya nginitian ko kanina. "Nang makilala ka bilang de Leon ay tsaka ka lang naman binalingan ng tingin din ng iba, duh. Well, sana hindi ka kakanta, kasi you won't win against me,” sabat ng babae na nakaupo sa 'di kalayuan sa'kin. Naaalala ko ang babaeng 'to, kung hindi ako nagkakamali ay representative ng accounting department 'to e. "Hindi porket hindi mo matalo-talo si Desha ay si Ella naman ang pag-iinitan mo Chelsie,” seryosong saad ni Caden. "Wow, tagapagtanggol tayo ngayon Caden ah. Alam ba ng kaibigan mo 'yan?" Nakakairita naman ang babaeng 'to. Nang tawagin na ang pangalan ko ay inalalayan naman ako ni Caden dahil medyo hirap ako sa paghakbang dahil madilim tapos naka heels pa ako. Hindi na n'ya pinansin 'yong Chelsie na 'yon. "Thank you,” pagpapasalamat ko bago tuluyan nang maglakad sa gitna ng stage hawak hawak ang mic na gagamitin ko. Pinasadahan ko ng tingin ang audience at dumako ang tingin ko sa unahan kung saan nakaupo si Zydrix. Nag thumbs up pa s'ya sa'kin at ngumiti kaya napangiti rin ako. "Stones, heavy like the love you’ve shown," panimula ko, narinig ko naman hanggang dito sa stage ang reaction at hiyaw ng mga audience. "Woooooooah! Taas n'yan! GOOO ELLA!" "HALAAAAA, GOO ELLAAAA" "SANA HINDI PUMIYOK!" "WOOOOOOAH! CRUSH KO 'YAAAAN!” “Cyclone’s can’t break us,” “Hurricanes can’t take away our love,” pagpapatuloy ko. I gesture my hands kung saan saan as I prepare myself to reach the chorus. “Pyramid, we built this on a solid rock,” “It feels just like it’s heaven’s touch” “Together at the top~” "WAAAAAH! Ka department ko 'yan!" "OMG, GO ELLA!" "BESPREEEEEN KO 'YAAAAAAAN, WOOOOOOOH!" I also saw Zydrix, raising his banner with ‘Go love, I love you, my princess!’ written on it. It was simple yet I liked it. “Like a pyramid boy let me show you” I started rapping. “That I love you so much” “That we gonna get through (oh oh)” “Even when there’s storms” “I will never go, Imma be the one to keep you safe (hey)” “Before was our love back it up more than enough” “Holding on to one another be the cover when it’s rough (oh oh)” “Mother nature (hey) or disaster won’t stop at happy ever after” I did the rap part and prepared myself again to reach the high notes. “Pyramid~” “Keep it going~” "PUTAAAAAA, KAYA NIYO 'YOOOOON!? RAP TAPOS BIRIT AGAAAAAD." "WOAH!" "AAAAAAAAAACK," "ELLA, BAKIT NAMAN GINALINGAN MO MASYADOOOOO!” Ngumiti ako nang matapos ako. I heard the loud cheers of the audience which made me feel happy. "Ginalingan mo naman masyado," bungad sa akin ni Caden nang makabalik ako sa backstage. "Baka umatras na ang isa riyan," natatawa pa n'yang saad at lumingon sa Chelsie na 'yon. Natawa na lang ako at inaya na s'ya na bumalik sa dressing room namin dahil magbibihis na kami for our duo performance. For our duo performance, ang suot ko naman ay black high waisted shorts at long sleeve na crop top, naka fishnet din ako. Si Caden naman ay naka black pants pati black shirt, tapos naka shades s'ya. Oo, alam kong gabi na pero kasama 'yan sa costume kuno namin. "You ready?" I asked. "Sa sayaw? Oo. Pero sa magiging tingin ni Drix ay hindi,” saad n'ya at tsaka tumawa. Natawa rin tuloy ako. Nang tawagin na kaming dalawa ay inalalayan n'ya ulit ako paakyat ng stage. Agad din kaming pumwesto nang marinig na namin ang umpisa ng tugtog namin. "GO CSIT!" "CSIT!" "CSIT!" "CSIT!" Todo naman ang cheers ng mga ka-department namin. Ginanahan tuloy ako umawra at gumalaw, tinodo ko na rin ang facial expression ko. I tried my best to look seductive. Paminsan-minsan naman ay nagkaka eye contact kami ni Caden dahil kailangan. Pero humaharap din ako sa audience at tinitignan ko rin si Zydrix. Kahit nasa unahan s'ya ay medyo malayo pa rin s'ya para sa'kin dahil nasa stage ako. Pero kahit malayo s'ya ay ramdam ko ang seryoso n'yang mga tingin. Pagkatapos ng performance namin ay naririnig ko pa rin ang hiyaw ng mga audience. Hindi ko naman mapigilan na hindi mapangiti. "WOAH! CONGRATS! HAKOT AWARD TAYO AH!” Ara congratulated me. Yes, pareho kaming nag champion ni Caden. Kabado pa si Caden kanina dahil pakiramdam daw n'ya ay magiging 1st runner up lang s'ya at magcha-champion daw ang male representative ng tourism's department. "Congrats, love!" Saad ni Zydrix at inabutan ako ng isang bouquet na red roses. "Thank you," pagpapasalamat ko. "Ako, wala?" Biro ni Caden, nandito pa kasi kami sa dressing room dahil magliligpit pa kami ng mga gamit. "Gusto mo?" Zydrix asked. "Pwe–” "Sumabog mukha mo?" Sa halip na mainis ay tumawa lang si Caden. "Oh– peace na. Ba't nagagalit?" Napailing si Caden. "Ehem, celebration!" Kunwari pa na inuubo si Ara. "Mabulunan ka sana," irap ko sa kanya. "Oo nga! Kailangan i-celebrate 'to 'no!" Gatong naman ni Cheska. "Oo, na. Pero hating gabi na amporky naman. Bukas na lang, around 3:00 PM sa bahay namin," anunsyo ko na ikinatuwa naman ng mga gaga. Hinatid kami ni Zydrix pauwi, dahil wala kaming dala na sasakyan ni ate. Buntis s'ya at hindi naman ako marunong mag drive, kukuha pa lang kasi kami ulit ng driver e. Pag dating sa bahay ay humilata agad ako sa kama ko. Napagod ako lalo dahil sa picture taking. Pero syempre nag half-bath at skin care pa rin ako kahit tinatamad na talaga ako. Pagkatapos ay tsaka ko tinignan ang phone ko dahil kanina pa tunog nang tunog dahil sa notifications. Pero pili lang ang tiningnan talaga at isa na roon ang story ni Zydrix naka tagged ako kaya naman pinindot ko 'yon para ma-view kung ano 'yon. Nang tingnan ko ay ako pala 'yon, naka video pa. Hawak hawak ko ang bulaklak ng binigay n'ya habang nakangiti akong nakatingin sa mga bulaklak tapos bigla akong tumingin sa camera n'ya tapos kumunot ang noo ko. Amporky, akala ko kasi nagcecellphone s'ya no'n e. Proud, ayan ang caption n'ya sa story n'ya, red rose tapos word proud. Bigla namang nag notif ang message ni Ara, agad ko naman tiningnan. Screenshot 'yon ng story ni Zydrix tapos kasunod ay message na "Naihi kana siguro sa kilig ngayon," napatawa ako. Maaga akong gumising dahil maaga kaming mag go-grocery ni Zydrix para sa party celebration mamaya. Invited lahat ng kaklase ni Zydrix tsaka kaklase ko, pero alam ko naman na hindi rin makakapunta ang mga 'yon. "Brent, Bria. 'Wag pasaway ha, saglit lang kami,” paalala ni Zydrix sa mga kapatid n'ya. "Ako na ang bahala sa kanila, don't worry,” saad ni ate, yari– mapaglilihian pa ata ang kambal ah. Actually ang bibilhin lang naman namin ay alak na gusto nila inumin at snacks at kung ano pa ang pwede idagdag. Mayroon kaming cook, kaya sa cook ko na lang ipinaubaya ang pagluluto since isa naman ako sa celebrant 'no. "Love, tingin!" Masaya kong agaw sa atensyon n'ya. Nandito kasi kami sa liquor section dahil pumipili s'ya ng alak. Ang aesthetic lang kasi tignan e, kasi seryoso s'yang nakatingin sa mga alak, kinuhanan ko na s'ya ng litrato na naka stolen at ngayon ay 'yong nakatingin naman s'ya. Lumingon naman s'ya then *click*, napangiti ako nang tingnan ko ang picture n'ya. Ang cool n'ya tignan kaya lumapad tuloy lalo ang ngiti sa mga labi ko. "Ayos ka lang ba riyan, love?" He asked. "What do you mean?" I asked back. "Kanina ka pa nakangiti e. Ano bang tinitignan mo sa phone mo?" Lumapit s'ya sa'kin kaya agad kong itinabi ang phone ko sa loob ng sling bag ko. "Nothing!" Saad ko tapos tinulungan s'yang pumili ng alak kahit wala naman akong gaano na alam sa alak. Pagkatapos namin bumili ay nag-aya naman sa red ribbon si Zydrix. Kailangan daw mayroong cake kaya hinayaan ko na lang s'ya– sumilip pa ako sa isinusulat n'ya sa papel pero ayaw n'ya ako pasilipin para raw surprise. Naalala ko 'yong pagkuha ko ng pictures sa kanya kanina kaya naman binuksan ko ang IG app ko at nag storh. Looked like a soft hearted bad boy, ayan ang caption ko tapos naka tagged din s'ya. Saktong pag-angat ko ng tingin ay nakita ko si Cheska na mayroon ding dala na red ribbon na box ng cake. Dito siguro s'ya galing kanina, tatawagin ko na sana s'ya kaso ang bilis n'yang naglaho. "Let's go," saad ni Zydrix na bitbit na ang binili n'ya na cake. "Sabi sa'yo, dapat hindi na tayo bumili e. Nakita ko si Cheska ngayon ngayon lang, mayroong bitbit na red ribbon din na box ng cake," I said. "Who knows? Baka para kay Caden lang 'yon. Hindi ka kasama kaya mas okay na 'yong meron ka rin na galing sa’kin," he said habang naglalakad na kami palabas ng mall. Inilagay na namin sa loob ng kotse ang pinamili namin kanina bago kami pumunta sa red ribbon. "Bakit naman kay Caden. Eh ako ang kaklase s***h kaibigan n'ya rin!" Saad ko. "Bakit, ikaw ba gusto n'ya? Ako may gusto sa'yo e," seryoso n'yang saad. "Anong gusto n'ya?" I asked. "You didn't know?" He asked, osige– magtanungan na lang tayo Zydrix. "Alin?" Kunot noo ko ulit na tanong. "Gusto ni Cheska si Caden. Dati pa, hindi pa kayo magkakilala ni Cheska.” Literal akong napahinto at napa what-the-f**k. What the f**k bakit hindi ko alam?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD