Chapter 24

1714 Words
Pag-uwi namin ay naabutan namin na nanonood ng cartoons ang kambal, si ate naman ay inaasikaso ang magiging set-up ng bahay. Maaga pa naman kaya marami pa kaming oras para maghanda. "Wassup, people!" Sigaw ni Ara, habang pababa ng hagdan. Nandito na pala ang gaga, sa kwarto ko na naman tumambay 'to t'yak. "Oh, nandito ka na pala," saad ko, si Zydrix naman ay nilalagay sa kusina at refrigerator ang ibang pinamili namin. "Parang ayaw mo na nandito ako ah!" she pouted. "Kilabutan ka nga," puna ko sa kanya, niyakap naman n'ya ako bigla. "Oh, ba't?" I asked. "Wala, miss lang kita. Bakit ba," umalis s'ya sa pagkakayakap sa akin at inirapan ako. Dukutin ko kaya mata ng babaeng 'to? Pero, oo nga. Minsan na lang kasi kami lumabas na kaming dalawa lang. Tapos kapag may gimik ang section namin madalas din akong wala, masyadong maraming nangyari nitong mga nakaraang buwan. "Saglit lang ha, bibihis lang ako," pagpapaalam ko, nakita ko naman si Zydrix na tinutulungan si ate. Pumasok ako sa kwarto at nagpalit ng damit, gray square pants tsaka white plain turtleneck crop top ang isinuot ko. Then I tied my hair into a messy bun, bago ako bumaba. Pagbaba ko ay tapos na sila sa pag set-up. Kaya tutulong na lang siguro ako sa pagchi-check kung ano ang kulang. "Don't, just sit there," pupunta sana ako sa dining table, kaso pinigilan ako ni Zydrix. "Ikaw ang celebrant e, kaya manood ka na lang do'n, hmm?" Saad n'ya. "Hoy, bawal PDA, ha. Drix tara na rito, Ella shoooooo!" Saad ni Ara, inirapan ko naman s'ya bago ako pumunta sa living room at nakinood ng cartoons. "Ate, you want?" Alok sa akin ni Bria ng popcorn. Kumuha naman ako konti. "Thank you," pagpapasalamat ko sa kanya, ngumiti naman s'ya. Si Brent naman ay tahimik lang at tutok na tutok sa panonood. "Inumaaaan naaaaaaa!" Si Ara 'yan, na alak na alak nanaman. "Congratulations ulit, Ella and kuya Caden!" Sigaw ni Cheska. Tama nga ako, para sa amin 'yong cake na binili n'ya kanina. Dahil sa sinabi ni Zydrix, napapatitig tuloy ako kay Cheska. Go with the flow lang kasi ang babaeng 'to, she's cheerful kaya hindi ko rin mabasa kung ano ba talaga ang nasa isip n'ya. Parang wala lang din sa kanya pag kaharap n'ya si Caden, hindi halata na gusto n'ya ito. "Don't drink too much," saad ni Zydrix. "I know, kailan ba ako naging wasted?" Inirapan ko s'ya. "Hmm…pag nawala ako, magiging wasted ka," he said before looking away. "Bakit, mawawala ka ba?" I asked, aalis na naman ba s'ya? Napatingin s'ya sa akin, ang lalim ng titig n'ya, nakakalunod. Nilapag n'ya sa table ang baso na pina-inuman n'ya ng alak bago n'ya inilagay ang kanan n'yang kamay sa bewang ko at hinila ako palapit sa kanya. "Hindi, pero kung sakaling mangyari 'yon. Can you please wait for me? Baka kasi isa lang 'yon sa mga magiging pagsubok natin," he pursed his lips. Is waiting…my faith? I sighed as I looked at him. "Don't let me wait for too long, I might find another man.” Biro ko sa kanya at tumawa, tinignan lang n'ya ako ng masama. I’m willing to wait– but I’m not willing to lose myself. "Syempre mas okay ‘pag hindi ka mawawala. Yung dito ka lang, 'yong matatanaw at maabot lang kita," seryoso kong sabi sa kanya. "Pero kung kaya mo naman agapan, bakit hindi 'di ba? Will you let me suffer because of missing you?" I smiled playfully . "Of course not. Hey, I was just joking okay? Hindi ako mawawala," he sighed and hugged me. Lintek na joke na 'yan. Hindi nakakatawa– sa halip ay nakakakaba pa. Medyo marami-rami rin ang pumunta, kaya ayon ang ingay nila. Hinayaan ko rin muna si Zydrix na makihalo sa mga kaklase n'ya. Nakatingin ako sa kanila habang masaya na nag-iinuman at kantahan, napangiti rin ako dahil ang saya nilang tignan. "Ganyan ba kapag in love? Nakangiti kahit walang kausap?" Puna sa akin ni Ara, nandito ako sa gilid ng fridge, nakasandal. "Gaga, bawal maging masaya? Psh," saad ko. "Ay, sign ba 'yon na masaya, bakit ang creepy?" Hinampas ko ang braso n'ya. "Aray! Joke lang 'to naman,” hinaplos haplos n'ya ang braso n'ya. Ayan, buti nga. "Hoy, anong chismis meron d'yan? Pa-join naman!" Puna sa amin ni Cheska, tipsy na ang gaga. "Bina-backstab ka namin," biro ni Ara. "Psh, the!" Cheska said as she pouted, ang cute. Pinisil ko nga sa pisngi. "Araaaaay!" Reklamo n'ya. "Ooops, my bad. Hehe," "Balik ka na nga sa ano mo!" Taboy sa kanya ni Ara. "Sa ano– anoo?! Ha, ano?" "Sa crush mo," parang gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil sa salitang lumabas ng kusa sa bibig ko. Kainis! "Uh– ha?!" Sabay pa sila ni Ara. "Uhmm…" "Hoy, Ara! Sinabi mo?!" Sinamaan n'ya ng tingin si Ara. "Gagita, magrereact ba ako nang ganito kung ako nagsabi. Dzuh," inirapan naman s'ya ni Ara. "May crush ka nga na nandito? I was just guessing," kunyari ay gulat na gulat ako. Yes, b***h, galingan mo sa pag-arte self. "Eh?" Napakamot si Cheska sa noo n'ya. Tinitigan lang ako ni Ara, she knew me well, kaya alam n'ya t'yak na umaarte lang ako. "Uhm si–" "You don't have to say it if you don’t want to," I smiled at her, napakagat labi s'ya. "No, it's fine. If Ara knows it then you must know it also, since we're friends. Right?" She smiled nervously. Do I look intimidating? "Yes, you do," saad ni Ara, kailan pa s'ya naging mind reader? Irap ko sa kawalan. "Shut up,” sinamaan ko s'ya ng tingin. Natawa ang gaga. Kumuha kami ng tatlong upuan at do'n sa may gilid ng refrigerator kami nag chikahan dahil mas'yadong maingay kapag do'n sa living room. "I've been liking this guy, mula pa yata noong una ko s'yang makilala,” uminom ulit s'ya ng alak mula sa baso na hawak n'ya. "I don't know why but I just like hi– no, I- I love him. Yes, I love Caden,” she sighed, finally saying Caden's name. "Why don't you just confess to him?" I asked. "Gaga, akala mo ba madali lang 'yon. Tropa kaya ng kuya n'ya 'yon,” saad ni Ara. "Eh ano naman?" I asked innocently. "Hindi mo alam 'yong ganung pakiramdam kasi ikaw ang nang-crush back. Okay?" Parang tanga talaga 'tong si Ara. "Anong crush back ka r’yan? Kinse anyos ba tayo, ha?" Inirapan ko nga, matatanggal eyeballs ko sa babaeng 'to! "Alam ko na hindi n'ya ako gusto. Why waste time to confess?" She smiled bitterly. I just sighed. "How would you know if you didn't even give it a try?" I asked. "And so what if he didn't like you the way you like him? At least you confessed. No regret, just in case," I said. "Love isn't something na mabibigay rin sa'yo agad. Hindi 'yon bagay na kapag binigyan ka ay dapat bigyan mo rin s'ya.” Dagdag ko. "You have a point, but let Cheska decide kung ano ba talaga ang sinisigaw ng puso n'ya," saad ni Ara. "I'll think about it, but as of now. I want to enjoy this party kaya, babuuuuush!" Pagpapaalam ni Cheska, napailing nalang ako. "Feeling uncomfortable?" Ara asked. "Why would I?" Tanong ko rin bago sumimsim sa baso ng alak na hawak ko. "Because Caden liked you?" Muntik na akong mabilaukan dahil sa sinabi n'ya. Hindi ko kasi sinabi sa kanya ang tungkol do'n. "H-how'd you know?" I asked, tumayo ako saglit at kumuha ng tissue. "Noong birthday ni Drix. Halata naman e, tapos noong namatay rin sina tita, tito, at kuya mo Brix. He was there, he even skipped classes– just to be there," she said. "D-does Cheska k-know?" I asked, nervously. "Hmm," tumango s'ya, literal akong napa-nganga. "Crush lang naman sabi ni Drix. Noong screening ng pageant, nilinaw sa'kin ni Caden na parang kapatid na ang turing n'ya sa akin at ganun din naman ako sa kanya," paliwanag ko, tumango naman si Ara. "Cheska decided not to confess kasi alam n'yang mayroong nagugustuhan si Caden. Lalo na't alam din n'ya na ikaw 'yon,” I just sighed, hindi ko alam ang sasabihin ko. "Caden never confessed to me. That means he didn't like me that much. Maybe he just admired me back then," kasi mayroon naman talagang ganun 'di ba? "Hmm, ako na magpapaliwanag kay Cheska," Saad bago tumayo. "Tara na roon. Sayang celebration kung hindi tayo magsasaya," she said as she smiled. Sumunod naman ako sa kanya, kumonti na ang tao. Lasing na rin ang iba. Hinanap ng paningin ko si Zydrix pero hindi ko mahagilap. Napa-yuko ako nang mayroong humawak sa bewang ko. "Ate, tawag ka po ni kuya sa taas," saad ni Brent na nahihiya pa. I smiled at him as I nodded, hinawakan ko naman ang kamay n'ya at sabay kaming pumunta sa taas. Napatingin ako kay Brent nang bitawan n'ya ang kamay ko. Itinuro n'ya ang silid kung saan nag-i-stay si Zydrix noon bago s'ya tumakbo papasok sa kwarto ni ate. Kumatok muna ako bago tuluyang buksan ang pinto ng kwarto. Nadatnan ko naman na nakaupo si Zydrix sa gilid ng kama– nakayuko s'ya, ang magkabilang siko n'ya ay nasa tuhod n'ya habang ang kamay n'ya ay nasa ulo n'ya na tila ba sumasakit 'yon. "Ayos ka lang?" I approached him. Umupo ako sa tabi n'ya, humarap naman s'ya sa'kin. He gazed at me intently as he sighed. "I– I don't know how to face you right now," panimula n'ya "I feel like I was just a burden to you,” he said as he looked away, napayuko ulit s'ya. Tumayo ako sa harapan n'ya, I held his chin at dahan dahan 'yong inangat para makita ko nang maayos ang mga mata n'ya. "I love you,” I smiled at him as I caressed his face. "Now, tell me. Ano ang maitutulong ko?" I don't know how to deal with him right now because I don't know what's happening. All I could do was show him my assurance that I love him and I'll be here, willing to help him. Just by looking at his facial expression, I know that something is off.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD