Chapter 22

1486 Words
Ella’s POV The following week ay naging busy ako dahil sa pageant, dalawang performance kasi ang gagawin ko. Isang solo at isa na kasama ko si Caden. "Sa solo mo ay kakanta ka, tapos sa duo niyo ni Caden, pwede naman na sumayaw na lang kayo. Teka ano ba ang gagawin ni Caden sa solo?" Tanong ni Ara. "Kakanta rin." sagot ko. "Ah, edi pwede na sumayaw na lang kayo sa duo performance.” Ang tanong papayag kaya si Caden? "Amporky, bakit? Marunong ba sumayaw si Caden, ha?" Saad ko at napairap. "Oo naman, marunong sumayaw si kuya Caden. 'Yon Talaga ang forte n'ya," saad naman ni Cheska, nandito kasi sila sa bahay namin ngayon. "Oh, ayan! Problem solved!" Tuwang tuwa naman si Ara. Si ate naman ang nagturo sa akin kung ano ba ang dapat at hindi ko dapat gawin sa pageant. Tinuruan n'ya rin ako kung paano rumampa nang maayos. Si Zydrix naman ay sumisilip sa amin paminsan-minsan, nasa kwarto n'ya lang s'ya madalas dahil gumagawa s'ya ng capstone project. Agad ko ring ininform si Caden na sasayaw kami, at pinaubaya ko na rin sa kanya kung anong klaseng sayaw ang ipeperform namin since forte naman n'ya 'yon. Pumayag naman s'ya– buti na lang wala nang pilitan na nangyari. "Text mo na lang ako ‘pag tapos na kayo, susunduin kita, hmm?" Zydrix said before kissing my forehead, tumango naman ako bago bumaba ng sasakyan at hinalikan s'ya sa pisngi. Nag rent kasi kami ni Caden ng studio para maumpisahan na namin ang sayaw namin. Pero syempre mayroon kaming kasama na iilan sa mga kaklase namin pareho as a guide. "Hi, guys!" Masiglang bati ko sa kanila. "Oh, start na agad!" Saad ni Ara, amporky kakarating ko pa nga lang e. "Hoy, pagpahingahin niyo naman ako kahit saglit," reklamo ko, lumapit naman sa akin si Caden at iniabot sa akin ang phone niya. "Panoorin mo 'yong sasayawin natin, kung ayaw mo ng ganyan ay pwede pa naman natin palitan," saad niya. Inumpisahan kong i-play ang video at nang matapos ko 'yong panoorin ay napaisip ako, hindi kaya magagalit si Zydrix nito? Napanood ko na dati ang sayaw na 'yon e. Sayaw at kanta ng K.A.R.D na Oh nana, medyo marami s'yang pa-twerk twerk eklavu. "Ikaw ba pumuli nito?" I asked, umiling naman s'ya at itinuro si Ara. Agad na naningkit ang mata ko– ang babaeng 'to talaga! "Meron namang pagpipilian. Ito tsaka 'yong troublemaker daw," troublemaker ni Hyuna at Hyunseung? Eh ang daring no'n e! Buti sana kung boyfriend ko makakasama ko, e hindi naman e! "Uh– pinakita n'ya sa'kin 'yon, kaya itong Oh nana nalang pinili ko," tinignan ko si Ara na nakangisi, ang sarap tanggalan ng ngipin sis! Nag warm up muna kami bago inumpisahang mag practice. Bale kanya-kanya muna kaming pagkakabisado sa step ni Caden, tapos paunti-unti rin naming sinasayaw na magkasama ang bawat part na nakakabisado namin. "Water break!" Sigaw ni Cheska at binigyan kami ng tig-isang plastic bottle water. "Naks, full support tayo mareng Cheska, ah.” Sarkastikong saad ni Ara, anong problema ng babaeng 'to? "Syempre, love na love ko 'tong kaklase natin e!" Nakangising saad ni Cheska. "Sure ka na kaklase natin? HAHAHAHAHAHA.” mapang-asar na wika ni Ara at halos mamatay pa sa kakatawa nang makitang pikon si Cheska. Hindi ko sila maintindihan, bahala sila. Agad kong tinext si Zydrix nang matapos na kami. Natapos namin kabisaduhin ang steps kaso hindi pa malinis 'yon. "Kumusta ang practice?" He asked. "Okay naman. Ikaw, kumusta ang capstone project?" I asked back nang maikabit ko na ang seatbelt ko. "Hindi pa rin tapos," saad n'ya bago pina-andar ang kotse n'ya. "Uh– love, pupuntahan ko pala si mommy pagkatapos kitang ihatid pauwi, ha? Hindi ko kasi ma-contact e," pagpapaalam n'ya, agad naman akong tumango. Nang makarating kami sa bahay ay hindi ko na s'ya pinababa. "Ingat, love." I said as I smiled at him. Naligo ako pagdating ko dahil feeling ko ang lagkit-lagkit ko. Pinanood ko na rin ang live performances ng K.A.R.D na ang sinasayaw ay Oh nana. Para naman maaral ko rin ang facial expression nila habang sumasayaw. Buti na lang may twoo weeks bago ang pageant. Inantok ako habang nanonood kaya naman natulog muna ako, kahit medyo alanganin na dahil almost 5:00 PM na. Nagising ako dahil sa pagyugyog ni ate sa katawan ko, agad naman akong napamulat kahit pilit. "Wake up, nandiyan na si Drix!" Sigaw ni ate. "Ate naman, e malamang dito tumutuloy 'yan. Maya niyo na lang ako guluhin pag kakain na,” saad ko at magtatalukbong na sana ng kumot pero pilit n'ya paring inaalis. "He's with someone– uh no. Ah, basta meron s'yang kasama na dalawang bata! Hindi mo naman sinabi sa akin na meron na pa lang anak sa pagka binata si Drix," napabangon ako dahil sa sinabi ni ate. "What?!" Nanalamin muna ako bago bumaba, baka mamaya mayrron pala akong muta 'di ba? Pagbaba ko ay nakayukong nakaupo si Zydrix sa sofa sa living room, kasama ang dalawang bata. Nang makita ko ang pagkakahawig nito sa kanya ay agad kong naisip na ito yata ang sinasabi n'yang kambal n'ya na kapatid. Halata sa mukha ng mga bata ang lungkot nito. "Hey," I approached them. Agad naman napaangat ang tingin ni Zydrix sa akin, I can feel his frustration. Umupo ako sa tapat nilang magkapatid. "Are you okay?" I asked, umiling s'ya. Ewan ko ba pero ang sakit para sa akin ang tingnan s'ya na nasa ganitong sitwasyon. "Can we talk privately?" He asked, kaya naman tumango ako. Umakyat kami sa taas para mag-usap sa loob ng kwarto na tinutuluyan n'ya. Naiwan naman sa baba ang mga kapatid n'ya. Nang makarating kami sa loob ay agad n'ya akong niyakap, para s'yang bata na sumisiksik sa leeg ko. Napabuntong hininga ako habang inaalo s'ya. Nang medyo kumalma na siya ay umalis siya sa pagkakayakap sa akin. He looked at me, ang pula ng mga mata n'ya and seeing him like this really broke my heart. "It didn't go well," umpisa n'ya. "Uh…mom and that new husband of her, kaya sapilitan ko nang kinuha ang mga kapatid ko. Gusto pa rin n'ya ipagtanggol ang lalaking 'yon kahit ang dami na n'yang pasa na natamo," he said bitterly. "Seeing her bruises makes me want to kill that man. But when she defended him– I knew I would not ever win. Kaya kinuha ko na lang ang mga kapatid ko," he explained. "You'll go home with them?" I asked, dahan-dahan naman s'yang tumango. "I'm sorry," he apologized, hinawakan ko ang dalawang balikat n'ya at nginitian s'ya. "You don't have to apologize. Responsibilidad mo rin ang dalawa mong kapatid. Naiintindihan ko naman." And I'm so proud of him. "Tsaka, kahit papano ay meron naman kaming katulong na kasama rito e," saad ko. He just stared at me, nailang tuloy ako bigla kaya tinaasan ko s'ya ng kilay, asking him what's the matter. Pero umiling lang s'ya at bigla akong siniil ng halik sa labi, I was caught off guard pero agad din akong nakabawi. I kissed him back. His kisses went down to my neck, ramdam ko ang pag higpit ng hawak n'ya sa bewang ko. I let out a soft moan when he licked my earlobe, rinig ko rin ang bigat ng paghinga n'ya bago s'ya tumigil sa ginagawa n'ya. Nahihiya akong umiwas ng tingin sa kanya, dahil inaamin ko na nabitin ako at namumula na siguro ang mukha ko ngayon dahil sa hiya. Nang sumagi sa isip ko na may naghihintay sa amin sa baba ay lalong nag-init ang pisngi ko. "T-tara, baba na tayo,” I said without looking at him. Narinig ko naman s'yang napatawa nang mahina. "Cute," saad n'ya kaya napatingin ako sa kanya. "Anong cute roon!?" Inis kong tanong. "Iyong pagkabitin mo," he smirked. "Didn't know you're craving for my touc–” hindi ko na s'ya pinatapos magsalita. Ang kapal ng mukha sis! "Ako pa ngayon? Eh sino bang naunang humalik?" Tinaasan ko s'ya ng kilay. "Ikaw e, nang-aakit ka," saad niya, amporky! Eh nag-uusap lang naman kami nang maayos. Saan ang akit doon?! "A-ano? Eh nagsasalita lang naman ako!" kunot noo kong saad. "Lahat nakakaakit sa'yo e. Kahit pananalita mo." Ang halay! "Ang halay mo lang kamo mag-isip!" Irap ko sa kanya. "Sa'yo lang naman," he winked, sinamaan ko s'ya ng tingin. Lumapit lang s'ya sa akin at ginulo ang buhok ko at bumulong. "I like seeing your aroused face. I can't stop thinking what you would look like if I really d–” hindi ko s'ya pinatapos magsalita dahil gusto ko ng lamunin na lang ako ng lupa. "A-ano ba," reklamo pero tumawa lang s'ya. Tama nga sila, walang pinipiling panahon at pagkakataon ang mga manyak! Grrrrr. But I like how he laughed, ang ganda sa pandinig e. Ano ba 'yan, ganito ba talaga pag in love? Nakakahibang!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD