Chapter 5

2749 Words
Ella’s POV "About last time, I am sorry. I didn't mean it," I apologized to Ara, nandito ako ngayon sa bahay nila and it's Sunday, hindi pa rin n'ya ako kinikibo at iniiwasan naman n'ya ako sa school. "Oy, Arabella… sorry na," kinalabit ko s'ya na parang batang nawawala. "Arabella amp!” She then hissed. I hugged her. "Sorry na, hmm?" Pangungulit ko. "Oo na! Pasalamat ka marupok ako sa'yong pasaway ka," tampo n'yang sabi pero niyakap din naman n'ya agad ako pabalik, pero umalis din ako sa pagkakayakap n'ya nang marinig kong tumunog ang phone ko. From: Zydrix Kamusta, ayos na? Mula nang mahimatay ako ay madalas na n'ya akong kamustahin at pinapaalalahanan na kumain, naalala ko na naman 'yong araw na 'yon. I was so embarrassed dahil sa kanya pa talaga ako umiyak, kaya pinipigilan kong lumikha ng kahit anong ingay. To: Zydrix Yep Mabilis kong reply sa kanya. "Hoy, anong score n'yo ni Zydrix?" Kunot noo na tanong ni Ara. "Friends?" I said, totoo naman. "Friends? Todo na 'yan?" She asked. "Oo, todo na at sagad na sagad pa." Sagot ko at inirapan s'ya. "Wala kang gusto sa kanya?" Nakakalokong tanong n'ya. Gusto kay Zydrix? No, I mean hindi naman s'ya mahirap gustuhin pero hindi naman talaga pumasok sa isip ko na magustuhan s'ya in a romantic way. "As a friend, yes. But romantically, no." I said, a matter of fact. "Mga anak, halina't kumain muna kayo," tawag ng nanay ni Ara, simple lang ang buhay nila, dalawa lang silang magkapatid, panganay si Ara. Parang anak na rin ang turing sa'kin ng nanay at tatay n'ya dahil madalas naman ako rito since Junior High kami. "Opo, ma. Susunod na kami," ako na ang sumagot, oh 'di ba? Feeling anak na talaga ako, mama rin tawag ko sa mama n'ya. "Wow, ikaw ang anak? Ikaw ang anak?" Pang-aasar ni Ara. "Oo, ampon ka lang gaga!" Sabi ko sa kanya at tumakbo na palabas ng kwarto n'ya. Mabilis lumipas ang araw, mag-eexam na naman ulit kami, Pre-finals na ng second semester. Another month na nakaka-stress! I've been very busy doing my system and projects para sa minor subjects ko. "Finally! Lunch time!" Sigaw ng mga kaklase ko. "Sure kayo na kakain kayo?" Tanong ng President namin, d*mn pinaalala pa, sa library na naman kaming lahat nito. Oo, pati sa lunch time ay wala kaming oras kumain kasi we are checking our codes at kung walang palya ba systems namin, dahil mahirap na. Bumili lang kami ng miryenda tapos kinakain namin habang naglalakad papunta sa library, dapat maubos na namin ang pagkain namin bago kami makarating ng library dahil bawal ang pagkain at inumin do'n. Pagdating namin sa library ay nilabas na namin agad mga laptop namin at kanya-kanya nang pwesto. Tumunog ang phone ko kaya napatingin ako saglit do'n. From: Zydrix Tingin ka sa kanan. Napatingin naman agad ako sa kanan ko, oh? Nandito pala s'ya? Kumaway s'ya sa'kin kaya nginitian ko s'ya. Kasama n'ya ang mga kaibigan n'ya, gumagawa rin yata sila ng project para sa major nila. Hindi ko na s'ya nireplyan dahil inumpisahan ko na ang pagcocode at pagde-debug sa project ko. Focus na focus ako sa ginagawa ko nang mayroong kumalabit sa'kin, inis tuloy akong lumingon sa kumalabit sa'kin. "What's with that face?" Si Zydrix 'yon, ano naman ang kailangan nito? Tinaasan ko s'ya ng kilay, sign na tinatanong ko s'ya kung ano ang kailangan n'ya. "Birthday ko bukas, punta ka. Sama mo na rin si Ara." Mahinang sabi n'ya, what?! Birthday n'ya pala bukas?! "Saan ba gaganapin?" I asked. "I'll text you the details." Sabi n'ya. "Nandito ka na, tapos itetext mo pa," irap ko sa kanya, tumawa muna s'ya bago umiling. "Busy ka e." He said at sumulyap sa laptop ko, hindi rin s'ya nagtagal at nagpaalam na. "Anong pinag-uusapan n'yo." Usisa ni Ara. "Kunyari ka pa, narinig mo naman. Talas pa naman ng pandinig mo." Sarkastikong sabi ko sa kanya na ikinatawa n'ya. Today is Saturday, tapos may lakad ako bukas kaya kailangan kong tapusin ang mga naka pending na gawain ko, hays! Bakit ngayon n'ya lang sinabi na birthday n'ya bukas? Wala tuloy akong maisip na ireregalo, psh. Sa condo lang daw nila n'ya icecelebrate ang birthday n'ya, dahil nakakapagod daw pag kailangan pang bumiyahe ng malayo, malaki naman condo nila. May dalawang kwarto at isang computer room nilang magkakaibigan. May living room din, apat sila kaya sa isang kwarto dalawa ang natutulog, ang solid nilang magkakaibigan. Tinignan ko ulit ang ireregalo ko sa kanya, hindi ko alam kung magugustuhan n'ya. Gaming keyboard at gaming headset binili ko for him, binase ko na lang sa hilig n'ya. From: Ara Hoy, anong isusuot ko? Pft, napatingin tuloy ako sa suot ko. I just wore a simple high waisted mini-skirt at oversized top and sneakers, hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok ko. I put sunscreen on my face, tapos lip gloss, alangan naman mag make-up pa ako. To: Ara Damit, syempre. Do you want to go there naked? Natawa ako sa sarili kong reply. From: Ara Lam mo, t*ngina ka talaga! Napailing na lang ako at tiningnan ang oras, 11:00 AM na pala. 12:00 PM daw kasi kami pumunta para tanghalian daw, daming alam. I messaged Ara na susunduin ko na lang s'ya sa kanila, bale ihahatid kami ni kuya. Hindi kasi ako marunong mag drive at nerbyosa ako kaya bawal akong mag drive, baka mapaaga lang ang pagpunta ko sa langit. Pagdating namin sa condo nila Zydrix ay busy sila sa paghahanda, kaya naman pinaupo muna nila kami sa living room, may dalawang sofa na magkatapat at may round table sa gitna. Kaunti lang din ang bisita n'ya bukod sa kanilang magkakaibigan ay may kaklase sila na pumunta, nandito rin si Cheska, tumutulong sa paghahanda. Maya-maya ay tinawag na nila kami para kumain, kinantahan muna nila ng happy birthday si Zydrix at pinag blow ng candle kahit ayaw sana ni Zydrix, nilagyan pa nila ng party hat, natawa tuloy ako sa itsura ni Zydrix. "Ayos lang ba kayo rito?" Tanong ni Zydrix. "Oo naman, don't mind us," sagot ko. "Bisita ko kayo anong don't mind us ka d'yan." Seryosong sabi niya. "Ara, baka gusto mo uminom. May alak do'n." Ang gaga, kumislap naman agad ang mata nang marinig ang salitang alak. May balcony ang unit nila kaya lumabas muna ako at nagpahangin, si Ara? Ayon umiinom kasama si Cheska na isa pang alak na alak. Mayroong dalawang upuan at table rito sa balcony nila kaya umupo ako. Ang ganda ng view hindi ko tuloy mapigilan na tumayo at sumandal sa railings. "Enjoying the view?" Hindi na kailangang lumingon dahil alam kong si Zydrix 'yon. "Hmm," tango ko lang, naramdaman ko naman na tumabi s'ya sa'kin at sumandal rin sa railings pero pasalungat s'ya sa'kin, sa loob ng unit ang tingin n'ya habang ako naman ay sa labas. "Happy birthday!" Masigla kong bati, sumulyap ako sa kanya at ngumiti pero iniwas ko rin agad ang tingin ko. "Thank you, salamat din sa gift mo. Nag-abala ka pa." Pagpapasalamat n'ya. "Rush nga e, hindi ko pa alam kung anong gusto mo." Tumingin s'ya sa'kin at tumawa kaya napatingin din ako sa kanya. "Bakit?" Tanong ko pero umiling lang s'ya. "Pumasok ka na ro'n sa loob, asikasuhin mo muna ang mga bisita mo." Pero umiling ulit s'ya. "Kaya na nila Chase 'yon." 7:00 PM na at ayon, medyo lasing na si Ara. Si Cheska naman ay may tama na talaga. Napailing na lang ako habang tinitignan sila. "GUYS, LARO TAYO!" Umuwi na ang mga kaklase nila Zydrix kaya kami-kami na lang ang natira rito. "Oo nga, laro tayo!" Gatong ni Ara sa sinabi ni Cheska. "Oo nga, para naman hindi ma-bored si Ella, hindi na nga s'ya umiinom, wala pa s'yang gagawin." Humalakhak si Aeron, may mga tama na sila bukod kay Chase at Zydrix. "10 lives! 10 lives! 10 lives!" Parang nagchi-cheer si Cheska, nakisabay naman si Ara. "Truth or dare sa matatalo, ha!" Parang mga bata amporky! Ayaw ko sana kaso makulit ang dalawa kaya ayon lahat kami kasali, bawal daw humindi. "Sino ang host?" I asked. "Ako!" Prisenta ni Ara. "-1 kung sinabi mo na otw ka na pero nakahiga ka pa sa kama." Buti na lang hindi ako ganon kaya safe! Lahat sila minus one pwera sa'kin. "-1 kung nang-ghost ka na," amporky ng babaeng 'to! Ako lang ang nabawasan! "Awit, buhay ka pa Ella pero nangmumulto ka na!" Cheska said na ikinatawa nila, kinaltukan tuloy s'ya ng kuya n'ya pero mahina lang naman. "-1 kung naligaw ka na," grrr gusto ata nito na matalo ako eh! Dalawa lang kami ni Cheska na nabawasan. Madaya si Ara, feeling ko talaga ipapatalo niya ako. Kanina pa namumuro eh! Hanggang sa ito 1 na lang natira sa'kin! Tapos 'yong iba nasa 4 pa, amporky! "Ang daya! Pinapatalo mo ako eh!" Reklamo ko, kaya ayon nag changed host. Tawang-tawa lang ang gaga. Nagpatuloy ang laro namin hanggang sa 1 na lang ang natira rin kay Zydrix. "-1 kung nakapag cutting ka na." Lahat kami minus one at ayon nga, dalawa kami ni Zydrix ang natalo! Amporky, umapila pa ako ng rematch pero dalawa ulit kami na minus kaya ayon dalawa kaming tatanungin! Amporky talaga. "Ikaw muna Ella." Sabi ni Cheska, mga nakangisi silang lahat pwera kay Caden na nakasimangot. "Truth or dare?" Nakakalokong tanong ni Cheska, parang nakakatakot mag dare ah! "Truth?" Alanganin kong sagot, napatingin ako kay Zydrix pero diretso lang ang tingin n'ya at uminom ng isang shot. "May gusto ka ba kay Zydrix?" Ayan ang tanong ni Cheska, parang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko at inisip na sana pala nag dare nalang ako! Bakit naman ganyan ang tanong?! "In a romantic way ha," dagdag pa n'ya, kabado akong tumingin kay Zydrix, mas kinabahan ako nang nakita kong nakatingin din s'ya sa'kin– wait bakit ba ako kinakabahan!? "Amporky! Bakit naman ganyan ang tanong?!" Reklamo ko. "Sagutin mo nalang!" Humahalakhak na gatong naman ni kuya Chase, kay Chase lang ako nagkukuya sa kanilang apat. "In a romantic way... wala?" Sagot ko. "Oh, bakit patanong?! HAHAHA, bawal ang hindi sigurado ang sagot. Ito na lang, sa tingin mo ba magugustuhan mo s'ya in a romantic way?" Akala ko naman iibahin n'ya 'yong tanong. Hindi pala, napailing na lang ako. "Taksil ka talaga Aeron!" Caden pouted, parang bata kaya natawa ako. Tinakpan naman ni Chase bibig n'ya para manahimik. "Uhmm," napatingin ulit ako kay Zydrix, pero hindi na s'ya nakatingin sa akin. Did I offend him? "Dinadaya n'yo si Ella eh! Nakapag tanong na kayo at nasagot na n'ya, dapat ok na 'yon!" Apila ni Caden, amporky. Buti na lang may Caden dito– sana makalusot ako! "Osige, si Drix na nga!" YES! Nakaligtas nga! "Drix, sa tingin mo magugustuhan mo ba si Ella in a romantic way?" Para akong sinakal nang marinig ko ang tanong ni kuya Chase! Bakit ba sila ganyan?! Napasulyap ako sa gawi ni Dtix pero wrong moved dahil nakatingin pala s'ya sa'kin! Amporky! "Alam niyo? Taksil kayong lahat eh 'no!" Napasandal na lang sa sofa si Caden at tinawanan lang s'ya ni Aeron at kuya chase, apat sila sa kabilang sofa tapos kaming tatlo naman dito sa isa pang sofa, bale magkatapat kami. Siniko ko si Ara para kausapin sana kaso uminom lang ulit ang gaga! Tapos binalingan si Cheska na nasa kanan n'ya, s'ya kasi ang nasa gitna. "Pwede naman," hindi man lang n'ya pinatagal at sinagot agad ang tanong, gulat akong napatingin sa kanya pero ngumiti lang s'ya at naglagay ulit ng alak sa baso n'ya at ininom 'yon. "Oh, ganon lang sumagot Ella! Tsk tsk," parang gusto kong talian ang bibig ni Ara, amporky ng babaeng 'to. 8:30 PM nang matapos kaming magligpit, oo tumulong na rin ako sa pagliligpit kasi kawawa naman sila. Kaming tatlo lang ni kuya Chase at Zydrix ang nagligpit actually kasi plakda na ang apat, psh. Pumunta ako ng living room para mag ayos na sana, pero naabutan kong tulog si Ara sa sofa, pati si Cheska, jusko mga babaeng 'to! Buti wala kaming Monday schedule! Napabuntong hininga tuloy ako, hindi ko naman s'ya pwedeng iwanan dito, bahala na– gigisingin ko na lang s'ya mamayang 11:00 PM. Pumunta ako sa balcony, pero parang gusto kong umatras na lang bigla dahil nandito pala si Zydrix, may kausap s'ya sa phone. Parang nag-aaway pa ata sila ng kausap n'ya. Pumwesto ako sa kabilang dulo ng railings at tiningnan ang view, maganda rin pala ang night view dito! Napatingin ako sa langit, ang daming stars, naalala ko tuloy 'yong nagpalusot ako na stars ang tinitignan ko. Inis na binaba ni Zydrix ang tawag, napatingin tuloy ako sa kanya. Ginulo n'ya ang buhok n'ya at napatingala tapos yumuko ulit s'ya, he sighed. "Ayos ka lang?" I asked, lumingon s'ya sa'kin tapos tumingin ulit sa kawalan. "It was my mom, magpapakasal na ulit s'ya sa ibang lalaki. I still have an eight years old younger brother and sister, they are twin. Buti sana kung tatratuhin nang maayos ng bagong mapapangasawa n'ya 'yong mga kapatid ko, tss." "Patay na si papa," dagdag pa n'ya, hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya hindi ko rin akalain na sasabihin n'ya sa'kin ang gano'ng bagay. "Tatratuhin naman siguro ng bagong mapapangasawa n'ya ang mga kapatid mo nang maayos kung mahal n'ya talaga ang mommy mo." I said. "Sana nga hindi lang pera ang habol ng lalaki n'ya, tss!" He hissed. "Don't think about it for now, it's your day pa kaya smile ka muna!" Tumabi ako sa kanya, kaya napatingin s'ya sa'kin. "Bakit?" Tanong ko, pero umiling lang s'ya, hindi ko alam paano mag comfort ng lalaki kaya ayon lang nasabi ko, amporky. "I don't know how to comfort a guy. . . " nasabi ko bigla at hindi ko na alam kung anong idudugtong ko, kainis! "I didn't ask for it," he said. Anong gusto mo, comflirt?! Pero syempre hindi ko sasabihin talaga 'yon, amporky lang. “Comfort isn’t something that should be asked, dapat ginagawa ‘yon nang kusa.” He uttered. "But I don't know how to do it to a guy." I honestly said, humarap s'ya sa'kin kaya humarap din ako sa kanya. Tinitigan n'ya ako kaya nailang ako at tumingin ulit sa kawalan, psh, birthday na birthday n'ya tapos naka black and white.Ano 'yon lamay lang? Naka Nike s'ya na sweat shorts na black at plain white shirt, ang linis at manly n'ya tignan. "How do you do it with girls? I think it's just the same?" Tumingin ako sa kanya at nag-aalangan. I sighed, mas lumapit ako sa kanya at niyakap s'ya. Nabigla yata s'ya sa yakap ko dahil ramdam ko na medyo umangat saglit ang katawan n'ya. "This is how I do it with girls." Sabi ko, he chuckled then put his right hand on my head while his left hand were placed on the railings, napaalis tuloy ako sa pagkakayakap sa kanya at tiningnan ang mukha n'ya, nakatingala ako dahil mas matangkad s'ya sa'kin. "Why?" Tanong ko. Pero sa halip na sagutin ako ay hinila n'ya ako palapit sa kanya, napa-yakap tuloy ulit ako sa kanya habang nakatingala parin, yumuko s'ya para tignan ako. "Yung tanong kanina, pwede bang sagutin mo ngayon?" Amporky! Bakit binanggit n'ya ulit 'yon? Aatras na sana ako pero hinigpitan n'ya ang pagkakayakap n'ya sa'kin. Pano ko s'ya masasagot kung ganito position namin?! Feeling ko tuloy may kakaiba sa pisngi ko! Umiwas ako ng tingin sa kanya. "Bakit kailangan naka yakap pa rin?" I shyly asked, oo may hiya ako! Amporky! "Para sure na magsasabi ka ng totoo." Medyo tumawa s'ya kaya napatingala ako sa kanya, bakit ba kasi ang tangkad n'ya?! "Eh bakit muna ganon 'yong sagot mo?" Kabado kong tanong. "Kasi totoo naman na pwede kitang magustuhan," he's staring at me, nalulunod tuloy ako sa titig n'ya, nag-iinit ang pisngi ko amporky! "Ay, gusto na pala kita." Dagdag n'ya at do'n nanlaki ang mga mata ko, tapos tumawa naman s'ya… may nakakatawa ba?! Pinagtitripan ata ako nito eh! "Cute, at hindi kita pinagtitripan." Paano n'ya nalaman ang inisiip ko?! "It was all written all over your facial expression." He said as he sighed. “Bakit mo kasi ako niyakap? Parang ayaw na tuloy kitang bitawan." Kailangan n'ya ba talagang sabihin 'yong ganyan?! Niluwagan n'ya na ang yakap n'ya sa'kin kaya umalis ako sa pagkakayakap n'ya at tumingin sa kawalan, hindi ko alam kung anong sasabihin ko. "I will court you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD