Chapter 4

2511 Words
"Oy, may naisip na ba kayong working system?" Christine asked, nandito kami ngayon sa cafeteria, nag bi-brain storming dahil magpa-finals na. Kailangan namin mag pasa ng gumagana na, na system at kailangan ang title ay nag-uumpisa sa first letter ng surname namin, damn ang hirap ah. "Ako wala talaga," napabuntong hininga ako at tsaka humalumbaba sa mesa. "Sus, basic na sa'yo 'yan, ehem Drix." Kunyari pa ay nauubo si Cheska, parang tanga lang. "Ehem naman sa kuya mo, mas basic na 'yan sa'yo," bawi ko sa kanya, kala n'ya ah. Speaking of Zydrix, last na tutor session namin ay no'ng midterm pa, he's been busy kasi maduguan na ang lesson at system na ginagawa nila. Sabi ko 'wag muna n'ya ako turuan at mag focus muna s'ya sa lessons nila. Nakakahiya kasi eh, pinagsasabay n'ya ang pagtuturo sa'kin at paggawa ng program n'ya. "Aray naman!" Reklamo ko nang sikuhin ako ni Ara. Sasapakin ko na sana s'ya nang bigla s'yang ngumuso at parang may tinuturo sa likuran ko, kaya napatingin din ako. What the f*ck? "I need to talk to her, please excuse us," si kuya Brix, mula sa likuran ko. Bakit kailangan pa n'ya akong puntahan? Pwede naman s'yang mag text na lang, wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Pumwesto kami sa kabilang table. Pinagtitinginan tuloy kami ng ibang mga estudyante, hindi nila alam na magkapatid kami kaya baka pinapatay na nila ako sa isip nila. "Bakit kuya?" Tanong ko. "Dadalaw raw si lola mamaya sa bahay, umuwi ka ng maaga," isa lang naman ang buhay ko pa na lola, my grandmother in my mother's side. She's strict just like my mom. "You should have just texted me," iritang sabi ko. "Nakita na kita rito e, how are you?" Maka how are you, kala mo wala kami sa iisang bahay, sabagay– hindi na rin kami nagkikita sa bahay kasi sobrang busy n'ya na. Fourth year na kasi s'ya– bale may isang taon pa bago s'ya gumraduate. Still surviving. "I'm fine, programming is fun," I lied. "I can tell just by looking at your frustrated face," he said, then chuckled. Nang-asar pa, inirapan ko nga. "Attitude s'ya girl," "Maldita naman, kala mo famous," "Abangan ko kaya 'yan sa labas mamaya!?" At ayan na nga po, ang mga mapanghusga, napairap tuloy ako lalo. "Baka matanggal eyeballs mo n'yan," sabi ni kuya at tumawa pa. "Get lost!" Inis kong taboy sa kanya, tumawa pa bago umalis, amporky! Bumalik ako sa table kung nasa'n ang mga kaklase ko. "Ang gaga! May Drix na may Brix pa, uyy, magka rhyme! Haba ng hair ah!" Salubong sa'kin ni Erika, napabuntong hininga na lang ako. Hindi rin nila alam na magkapatid kami ni kuya Brix, si Ara lang naman ang nakakaalam no'n kaya ayon halos mamatay kakatawa ang gaga. "Kapatid n'ya 'yon, tanga! HAHAHAHAHAHA.” tawa parin nang tawa si Ara, habang gulat na napatingin sa'kin ang mga kaklase ko. "Ay weh?!" Nakakagulat ba talaga malaman 'yong ganon? Nailang ako bigla nang titigan nila ako nang mabuti na kala mo ini-spelling ang mukha ko. "Oo nga, may part na magkahawig kayo!" Puna ni Cheska. "Mas meron kayong hawig ni Brix kaysa kay Desha, alam ng lahat na magkapatid sila pero hindi naman sila magkamukha," singit naman ni Jane. "Pinaghalong Desha at Brix kasi si Ella, dati ko pa napapansin," Sean said. May ibang Prof din na nagtatanong kung kaano-ano ko sina kuya Brix at Ate Desh kasi magka surname raw, pero hindi ko na lang sila sinasagot. Ginagatungan din ni Ara na baka magka surname lang daw. Hindi magkamukha si kuya Brix at ate Desh, manang-mana kasi si kuya Brix kay papa habang si ate Desh naman ay manang-mana kay mama, ako naman hati talaga. "Excuse me, ikaw 'yong kausap ni Brix kanina 'di ba?" Taas kilay na tanong ng isang babae, lakas ng loob lumapit ah. Burahin ko kilay n'ya eh! Tinignan ko nga s'ya mula ulo mukhang paa– este, mula ulo hanggang paa tapos umiling ako. "Bagsak." Sagot ko. "Anong bagsak ka riyan! Minamalditahan mo si Brix kala mo famous ka? Kapal ng feslak mo girl!" Wow, tapang ah. Palibhasa may kasama, sumigaw pa talaga eskandalosa, amporky! "Grades mo bagsak," pilosopo kong sagot. "FYI matataas ang mga grades ko, kaya bagay ako kay Brix, ok?" "Eh ayaw kita para sa KUYA KO e, may magagawa ka?" Hamon ko sa kanya, tinignan ko s'ya sa mata na ikinailang n'ya naman agad. Hindi ko na s'ya inantay na sumagot, tinalikuran ko na. Badtrip! Alas nwebe na ng gabi nang makarating ako sa bahay, badtrip talaga! Inasikaso ko pa 'yong sa NSTP namin tapos may biglaan kaming report bukas na agad. Kaya nag meeting pa kami ng group mates ko, yari ako nito! "Ganitong oras ba uwian mo, hija?" Nanigas ako nang marinig ko ang boses ni lola, nakaupo s'ya sa couch sa living area. Lumapit ako para magmano. "Lola, magpa-finals na po kasi, kaya ginabi po ako… marami po akong inaasikaso po." Magalang ko ng sagot. "Why does your Brother and sister make it on time?" Napatingin ako kay kuya at ate na nakaupo sa tapat ni lola. "I was wrong, I'm sorry," I apologized. I wasn't wrong, you just wronged me. I thought to myself. Wala na akong gana kumain at tapos na rin naman silang kumain kaya nagpaalam na lang ako na aakyat na, umalis na rin si lola. Pauwi na rin pala s'ya nang dumating ako, tamad akong humiga sa kama, pero napabangon din ako nang bumukas bigla ang pinto ng kwarto ko at inuluwa no'n si mama. May hawak s'yang papel at tsaka hinagis sa mukha ko, gulat akong napatingin sa galit n'yang mukha tapos do'n sa papel– answer sheets ko pala 'yon dahil kita ko ang logo ng school namin. Pinulot ko ang papel na 'yon at tinignan, ito 'yong results ko ng exam no'ng prelim sa programming. "WHAT WAS THAT BEATRIX!" galit n'yang sigaw, nasa likuran n'ya si Papa na umiiling. "Ma, that was ju–" hindi n'ya man lang ako pinatapos magsalita. "WAS WHAT!? EXAM WITH THAT KIND OF BULLSHIT SCORE?! DO YOU EVEN STUDY ABOUT YOUR LESSON?!" She yelled. "Ma, you're scaring her," pumasok si kuya sa kwarto ko, tumabi siya sa akin. "I TOLD YOU, I TOLD YOU NOT TO TAKE THAT D*MN PROGRAM! DAPAT NAG LEGAL KA NA LANG, O KAYA ENGINEERING, OR ACCOUNTANCY. WHY DO YOU WANT TO TAKE THAT D*MN PROGRAM WHERE YOU ARE NOT GOOD AT!" Career oriented si mama, kaya ganyan na lang s'ya kung magalit– she's a lawyer, an Intellectual Property Lawyer at Engineer naman si papa. "Bakit ba ang sakit mo sa ulo? Why can't you be like your Brother or sister?! Your father and I are doing our best to give you the best future! Nand'yan naman lahat ng kailangan mo ah? Lahat naman binibigay namin, ano pa ba ang kulang?" Dismasyadong pahayag n'ya. Your presence and support ma, that's all I need. "Wala po ma, I was wrong. I'll do better," again, I apologized. "Dapat lang! Kapag hindi ka man lang pumasok sa Dean's List then change your program! Kung kailangang mag-aral ka buong araw, gawin mo! Don’t sleep without studying enough!" Ayon ang last na sinabi n'ya bago lumabas ng kwarto ko. "Don't mind her, pagod lang 'yon sa trabaho," sabi ni kuya. You've been saying that since I was a kid. "I know," sagot ko tsaka s'ya nginitian. "Nandito lang ako if you need help," tinapik n'ya ang balikat ko bago lumabas ng kwarto ko. Napahiga nalang ako sa kama ko at tsaka tinignan ulit ang result ng exam ko no'ng prelim. Napatingin naman ako sa phone ko nang bigla itong tumunog, napakunot ang noo ko nang makita kung sino ang tumatawag, it's Zydrix– sa messenger siya tumatawag. Sinagot ko ang call pero hindi ako nagsalita. "Peram muna ako ng isang module ko na nasa 'yo, mayro'n lang akong titignan," sabi n'ya over the phone. "Ngayon na?" I asked. "No, tomorrow," sabi n'ya, hindi na ako nagsalita after no'n– hindi rin naman n'ya binaba ang call, weird. May naisip tuloy ako bigla. "Still there?" Paninigurado ko. "Hmm," sagot n'ya. Ang manly ng boses niya. "Can you lend me your advance notes? Or recommend any learning sites where I could learn programming." Desperadang sabi ko, I need to study… HARD. "I need my notes, but we can share. Or just go to w3school and self-study, if you still can't get it then let's study together," nakakahiya naman kung sabay na naman kami, maiistorbo ko na naman s'ya pero pwede naman na hindi na ako magpaturo sa kanya. Kailangan ko lang talaga ng learning materials dahil napaglipasan na ng panahon ang ibang module na binebenta sa NBS, laging nag a-upgrade ang technology at kailangan kong sabayan 'yon. "Baka ma-istorbo kita, but you don't have to teach me, I just need the learning materials," desperada na ako, bahala na. "Ok, sa condo nalang namin tayo. Dahil nando'n ang mga gamit ko." May condo kasi silang magkakaibigan, apat silang magkakaibigan na nakatira ro'n, pero hindi naman sila laging nandon bale parang tambayan kumbaga nila. Malapit lang din 'yon sa school mga 5 minutes na byahe lang, I've been there na rin– isang beses nga lang. Zydrix’s POV "Oh, tulog?" Aeron asked, I look at my right side. Oo nga, tulog si Ella. "Hmm," tango ko. It's been three months since we started studying together, natapos na ang first semester and we're currently in our second semester– midterm and I still can't believe how hard she works, what's wrong with her? Bigla na lang s'yang ganyan, even in school– kapag nakikita ko s'ya, libro lagi ang hawak n'ya. She also improved in programming and the way she writes her code. I sighed, nakatulog na s'ya sa study table, niligpit ko ang laptop n'ya then carried her in bridal style at inihiga sa sofa. "Parang pumayat si Ella 'no?" Aeron said, napatingin naman ako ulit kay Ella. Oo nga, pumayat s'ya. "Medyo," I said. "Pressure is real! Tsk, tsk,” umiling iling pa s'ya. "Pressure sa'n?" I asked. "Syempre mula no'ng nalaman ng lahat na kapatid pala n'ya si Desha at Brix, both top student– ay mataas na rin ang expectation ng iba sa kanya! Pati ang mga teacher ay halos magpustahan na t'yak magna-number one rin si Ella sa department natin," that was bullshit, was that her reason why she has been studying so hard? “That was bullshit," tss. "Oh, nga pala, bukas na start ng IT week, nahanda mo na ba mga presentations?" D*mn, oo nga pala may pa-seminar pa akong ipipresent "Yeah," "s**t! s**t! s**t!” Ella panicked, nagising s'ya at bigla na lang bumangon at hinanap ang laptop n'ya. "Oh bakit natataranta ka Ella?" Aeron asked, habang binukbuksan ni Ella laptop n'ya. "Eh kasi hindi pa ako tapos mag review para sa IT Quiz bee bukas! Nakatulugan ko, amporky naman!" Was that worth of her panicking? Plus it's still early, 7:00PM pa lang naman. "Sumali ka pala? Ano pa ibang sinalihan mo?" Aeron asked again. "Quiz bee at programming,” she answered. "Wow, sumali ka sa programming contest? Naks! Good luck, by pair 'yon eh. Si Ara ba ang partner mo? Last year kami ni Drix ang nanalo bilang programming of the year eh! Share ko lang," ang daldal, tsk. Finally, tapos na kaming magpa-seminar. I've been very busy since morning. "Oy, tara roon sa com lab! Cheer naman natin ang crush ko!" Aya ni Caden, crush amp– pinanindigan n'ya talaga 'yang crush crush n'ya na 'yan. "Lakas ng loob mo, hina mo naman. Mauunahan ka pa ata ni Drix, eh." Nadamay na naman ako, d*mn. Pumunta kami sa IT Lab 1 because that's the venue for the Quiz bee, tapos na sila nang dumating kami. Nagbibilangan na sila ng score, nakahalumbaba lang si Ella sa pwesto n'ya and as what I've expected, Champion si Ella. "Ayon! Crush ko 'yan!" Caden shouted, Glass wall ang IT LAB 1 kaya kitang kita namin sila sa loob. "Congrats Ella! Ang galing mo talaga!" Caden congratulated her, she smiled as a response, nakipag high five lang ako sa kanya, my way of congratulating her– she was about to give a high five to Chase too nang matumba s'ya bigla, buti na lang nasa likuran n'ya ako, I was able to catch her on time. "Ella!" Sigaw ni Caden, binuhat ko agad s'ya papunta sa clinic. "EXCUSE US! D*MN IT! TABI!" I yelled, andaming nakaharang– d*mn! "P*TA MAGSITABI NAMAN KAYO!" Sigaw ko ulit. "Anong nangyari?!" Ara asked, kararating lang n'ya. "She fainted,” I answered. Hindi pwedeng maraming tao, kaya sa labas na lang nag-antay ang iba. "Nurse, bakit po s'ya nahimatay?" Ara asked, gising na si Ella but she didn't talk. "Don't worry, she's safe. Nasobrahan lang s'ya sa pagod kaya s'ya nahimatay. Hija magpahinga ka na lang muna rito," sabi ng nurse bago umalis. Kumuha ng upuan si Ara, at tsaka lumapit sa kama ni Ella. "Ella, ba't naman ganyan? It's fine to be competitive pero 'wag mo naman abusuhin ang sarili mo! Look at you, pumapayat ka at tignan mo 'yang eyebags mo? Natutulog ka pa ba?" Ara scolded her. "I was wrong, I'm sorry,” what was she apologizing for? "Hindi ko sinasabing mali ka, ang gusto ko lang naman ay magpahinga ka rin! Alam kong napi-pressure ka, alam kong gusto mo lang naman mapatunayan sarili mo at maka-survive, alam kong nahihirapan ka bu–" "Alam mo, pero hindi mo alam kung anong pakiramdam at nararamdaman ko ngayon." Ella said that made Ara shut her mouth. "Ah ganon? osige mag–" "Stop it, both of you. Ara, let her get some rest, you can go. I'll take care of her." Awat ko sa kanila, it's not good anymore dahil pareho silang mainit na ang ulo. Kinuha ko ang paper bag sa side table at nilabas ang pagkain, it's already 3:00PM, baka hindi pa s'ya nagtatanghalian. "Here," bumangon s'ya para kunin ang pagkain. "You shouldn't have said those words to her," sabi ko nang naubos na n'ya ang pagkain, yumuko lang s'ya, hindi ako sinagot. "She might not know the feeling, but always remember that we have different experiences." "At nag-aalala lang talaga s'ya sa'yo," dagdag ko. She looked up and stared at me, I just observed her face. May namumuo ng luha sa mga mata n'ya and I know that she's just holding it back para hindi tumulo, hindi ko alam pero parang pinipiga ang puso ko at hindi ko napigilang lapitan s'ya at yakapin. "You have beautiful eyes that are not meant to be ruined, but I can't ask you to restrain your tears. That's why I am hugging you right now because I couldn't bring myself to witness it." That was my last words when I finally felt her crying, she silently cried in my embrace– pero parang gusto ko pa na sigawan n'ya ako habang umiiyak s'ya kaysa ganito. Masyadong nakakadurog ng puso tignan, t*ngina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD