Chapter 18

1626 Words
Ella's POV Ang hirap iproseso sa utak ko ang lahat ng pangyayari, masyadong mabilis ang mga pangyayari at hindi ako handa. I still can't accept the fact that they are gone. Alam n'yo ba kung ano ang mas masakit na katotohanan? Iyon 'yong nagkamali ng target ang mga salarin, alam kong sobrang sama ko kung sasabihin ko na sana nga, 'yong pamilya nalang ni Shane at siya ang namatay pero hindi ko maiwasan isipin na sana sila na nga lang. Sobrang hindi makatarungan ang pagkamatay ng mga magulang at kapatid ko to the point na kahit makuha namin ang hustisya ay hindi ko pa rin matatanggap ang lahat. It's not that I can't– I just refused to accept everything. "Let's eat," aya sa akin ni ate, mag-gagabi na rin kaya dinalhan niya ako ng pagkain– bukas pa kasi ako makakalabas dito sa hospital. "Ate, I'm sorry. I know that my action was too stupid." I apologized, I know that I was wrong. "It's fine, 'wag mo na uulitin, ha? Ano na lang ang mangyayari sa akin kung pati ikaw ay wala na rin?" She looked away. "Ate…" hindi ko pa kasi sinasabi sa kanya ang relasyon ni Drix sa pamilya ni Shane. "Hmm? What is it? May masakit ba sa'yo?" She asked, I shook my head. "About the murderer's real target…they are related to D-Drix." She froze, pero nakabawi rin agad. I explained everything to her. "Do you hate him now?" She asked. "I...don't know," I answered honestly. "Pero alam mo naman siguro sa sarili mo na walang kasalanan si Drix 'di ba?" Tanong niya ulit, tumango ako. "But I hate the fact that…" hindi ko kayang ituloy ang sasabihin ko. "You hate the fact that he wasn't there when you needed him the most? You hate the fact that he made sure that– that girl and her family were safe and sound habang ikaw ay nawalan?" I smiled bitterly, dahil nadale niya. "Kung ano man ang desisyon mo, I'll be here for you," saad niya, napatingin ako sa t'yan niya na medyo malaki na. "Salamat, ate. Sorry to bother you, dapat ay nagpapahinga ka na ngayon," sasagot na sana siya nang biglang bumukas ang pinto. Drix– it's him. Agad kong iniwas ang paningin ko sa kanya. "L-Love..." No, not now please. Masyado pang magulo ang isipan ko, I– I can't talk to him right now. "Uh– maiwan ko muna kayo," pagpapaalam ni ate, ni-hindi pa nga namin nauumpisahan ang pagkain namin. Hindi ako nagsalita, hindi dahil wala akong sasabihin. Ayaw ko lang talaga siyang makausap muna, lumapit siya sa'kin at humila ng isang upuan at doon umupo. He tried to reach my right hand, pero agad ko 'yong iniwas. "I-I didn't know, I'm sorry," napayuko siya at inihilamos ang kamay niya sa mukha niya. "Hindi ako nakapag-reply sa mga chat messages mo kasi kailangan kong i-off muna ang phone ko. Hin–" "Stop," pigil ko sa kanya. "Let me explai–" "Will your explanation change the fact that you were not there when I needed you the most?" I stared at him. "H-hindi, I know that it'll never change the fact that I wasn't there but at least hear me out," he begged. "Para saan pa? Kung alam ko naman sa sarili ko kung ano ang magiging explanation mo. You had to leave for Shane, you had to stay there for Shane, and you had to make sure of Shane's safety kasi feeling mo kargo mo siya 'di ba? Alam na alam ko ang katotohanan na 'yon," inis kong saad. Tumayo siya at tumalikod, he sighed bago niya ulit ako hinarap. Kung kanina gustong gusto ko agad siyang makita para isumbat sa kanya ang lahat, ngayon ay kabaliktaran na. Tama nga si Caden, masyado lang akong galit kanina– kasi ngayon, just by seeing his frustrated face makes me want to hug him. Hindi ko pala talaga siya kayang saktan kahit nasa ganitong sitwasyon na ako. For him, I can set aside all the pain that I am feeling right now. Knowing this, I'm afraid that I'll lose myself. "Tsaka na tayo mag-usap. Kapag maayos ka na." I said. "I should be the one saying that–" napayuko siya. "Nahihiya na nga ako sa'yo e," mahinang saad niya. Hindi ko na siya sinagot ulit, ang dami kong gustong sabihin pero wala nang lumalabas sa bibig ko. "Magpahinga ka na, babalik ako bukas. Ako na ang maghahatid sa'yo pauwi," "Ayan makakalabas kana, tapos ipahamak mo ulit ang sarili mo ha?" Sarkastikong saad ni Ara, inirapan ko siya bilang tugon. Napaka bungangera. "Ang bait mo talagang kaibigan, Ara." Si Caden 'yan. "Syempre, ako pa ba?" Ara smirked. Sasagot na sana si Caden pero agad na napatahimik nang mapagtanto na si Drix ang dumating, hindi ba niya alam na dumalaw si Drix? "Ayos na ba lahat? Tara na," aya ni Drix. "Inaayos pa ni ate 'y–" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang dumating na si ate. "Tara na?" Agad niyang saad. Tumayo na ako at lalabas na sana nang biglang tumunog ang phone ni Drix, si Shane nanaman ba 'yan? Thinking about it– hindi ko mapigilan na mainis. "Hello? Hmm... I…" napatingin siya sa'kin, I just stared at him blankly. "You can go, si Caden na lang ang maghahatid sa amin," agad kong saad, napabuntong hininga naman si Drix at ibinaba ang tawag. Kinuha na niya ang ibang gamit at akmang lalabas na nang pigilan ko siya, kinuha ko ang bag na hawak niya. "I said, you can go," saad ko. "Hindi, ihahatid ko kay–" "Sabi ko makakaalis ka na, alin doon ang hindi mo maintindihan?" Inis kong sabi. "D'yan ka naman magaling 'di ba? Now you may f*cking go," I smirked at him. "Ella, tama na," pigil ni ate at Caden, si Ara nakayuko lang. Binalingan ko si Caden. "Ano ulit Caden? Tama na?" I said sarcastically. "Bakit, Caden? Ipagtatanggol mo nanaman 'tong kaibigan mo? Kaya lagi mo na lang ako pinipigilan sa t'wing nagagalit ako sa kanya?" Ha, hibang ka na. "It's because you're being too childish right now," ewan ko ba, pero ang sakit sa tainga nung sinabi niya. "Too childish... huh?" I smirked. "Hindi na nga kasi siya aalis 'di ba? Iyon naman din gusto mo mangyari 'di ba? You're waiting for the time where he will choose you over Shane's condition. Ito na 'yon, oh," mas'yado niya akong nasapul na ikinainis ko. Oo, 'yon nga ang gusto ko pero bakit hindi ko magawang magsaya? "Caden, pre. Ako na," tapik ni Drix sa balikat ni Caden. In the end, si ate at Ara ay kay Caden sumabay– ako naman kay Zydrix. Hindi ko siya kinikibo hanggang sa makarating kami sa bahay. Ibinaba niya ang mga gamit ko at ipinasok sa loob, si Caden naman ay hindi na rin nagtagal at umalis na. "Drix, dito kana mag tanghalian," anyaya ni ate sa kanya, hindi naman tumanggi si Drix. "Ikaw, Ella?" Baling ni ate sa akin nang hindi man lang ako tumayo sa sofa. "I'm still full ate, kayo na lang," walang gana kong saad. "Busog ka riyan, tara na kain muna tayo, aba. Balak mo yatang bumalik ng hospital ah," inirapan pa ako ni Ara. Wala akong nagawa kundi ang samahan silang kumain, umupo ako sa pinu-pwestohan ko talaga kapag kumakain kami. Nakakapanibago, wala si kuya– wala rin ang mga tingin ni mama at papa. Thinking about it– inilapag ko ang kutsara at tinidor ko, miss ko na agad sila. Nagbabadya na naman ang mga luha sa mga mata ko, napatingin ako sa palapulsuhan ko nang kumirot 'yon. Hindi pa kasi magaling ang sugat ko. Hindi ko rin alam kung saan ko kinuha ang lakas ng loob ko para laslasin 'yon. Ganun pala talaga ‘pag kinakain ka ng kalungkutan. "Should we move into another house?" Agad napaangat ang ulo ko nang marinig ko si ate. Dahan-dahan naman akong umiling. "Hindi na kailangan, ate." I looked around. "At least dito, nararamdaman ko pa rin sa puso ko ang presensya nila. Pakiramdam ko nandito parin sila," saad ko. "Okay, pero kapag dumating ang araw na kaya mo na silang i-let go. Just tell me, hmm?" Darating kaya ang araw na 'yon? Alam kong tinitibayan lang din ni ate ang loob niya para sa akin. Pareho kaming nawalan, hindi lang ako. Siguro iyon ang nakalimutan ko kaya ko nagawang maglaslas. "I can stay here para mayroon kayong makakasama na lalaki," sumingit naman si Drix, napatingin sa akin si ate. "Not bad, but I'm considering Ella's deci–" "Okay," pag payag ko. "You can stay at the guest room," saad ni ate, nandito kami sa living room at may dalang maleta rin si Drix. Hinayaan ko lang silang dalawa na mag-usap at nagpanggap lang ako na kunyari'y seryoso sa pinapanood ko. Hating gabi na pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok, kumikirot din kasi ang sugat ko. Bumaba ako para uminom ng gatas. "Waahh!" Napasigaw ako nang biglang may humawak sa balikat ko, paglingon ko ay si Zydrix pala. Muntik ko tuloy matapon ang gatas na kasasalin ko lang. "Magsalita ka naman kasi!" Inis kong saad. "Sorry, bakit gising ka pa?" Tanong niya, naglakad ako nang kaunti palayo sa kanya at nilapag ang baso ng gatas sa mesa at tsaka umupo sa upuan. "Can't sleep." Saad ko at uminom ng gatas. Napansin ko naman na nakatingin siya sa palapulsuhan ko na mayroong bandage, lumapit siya at hinawakan 'yon, napa 'aw' pa ako dahil medyo kumirot, hinaplos naman niya. "Kumikirot pa rin?" He asked, tumango naman ako. He sighed and planted some light kisses on it. Parang hinahaplos ang puso ko habang tinitignan siya, ang rupok ko. Kainis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD