Chapter 19

1735 Words
"Ella?" Katok ni ate sa kwarto ko, inaantok pa ako pero agad din akong bumangon. "Bakit, ate?" "May schedule ngayon sa OB ko e, kumain ka na lang sa baba, ha. Kasabay mo naman si Drix," saad niya, oo nga pala rito na tumutuloy si Zydrix. "Ikaw, ate? Kumain ka ba?" I asked. "Yes, tapos na ako. O s'ya, alis na ako, ha?" Ngumiti ako at tumango sa kanya bilang tugon. Naghilamos muna ako at ginawa ang morning skin care routine ko bago ako bumaba. Pagkababa ko ay nadatnan ko si Zydrix na tutok na tutok sa laptop niya sa living room. Nang mapansin niya ang presensya ko ay agad s'yang tumayo. "Uh– kain ka na," he said, lumapit s'ya sa'kin at ginawaran ako ng halik sa noo tapos iginaya niya ako sa dining table na para bang s'ya ang may ari ng bahay. Ipinaghain niya rin ako, ayaw pa n'ya na tulungan ko s'ya. Matagal s'yang nawala kaya naman parang naninibago ako bigla, these past few weeks was a hell week for me. "Bakit hindi ka na naunang kumain?" I asked, bago sumubo ulit ng ulam. "I was waiting for you," saad n'ya. "Uhm– ikaw ba ang nagluto nito?" I asked, kaldereta kasi ang ulam at ang sarap ng pagkakaluto. "Yes, h-hindi ba masarap?" He asked, halata sa mukha niya na kabado s'ya. "Masarap, sobra." I smiled at him, nakita ko naman s'yang tumango. Sunday ngayon kaya hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, tinatamad din akong kumilos. Mayroon pa akong ihahabol na mga program activities pero wala pa akong balak gumawa. Pagkatapos namin kumain ay hindi n'ya rin ako pinayagan na mag-hugas ng pinggan, mayroon naman kaming maids kaso lahat sila ay umuuwi sa kanilang pamilya kapag linggo. Pumasok ako sa kwarto para kunin ang phone ko, 10:00 AM na pala. Napaupo ako sa kama ko at nahagip ng paningin ko ang portrait naming tatlo, napatitig ako kay kuya. Miss na miss ko na s'ya. "Ella?" Katok ni Zydrix sa kwarto ko, dali-dali kong pinunasan ang luha ko at binuksan ang pinto. "Bakit?" I asked, napatitig muna s'ya sa mukha ko bago umiwas ng tingin. "Let's clean your wound," saad n'ya, pinatuloy ko naman s'ya sa kwarto ko at kinuha ang betadine at bandage sa mini-drawer ko. Kaya ko naman linisin 'yon mag isa e, kaso mahihirapan ako sa paglalagay ng bandage kaya mabuti na lang at nagpresinta s'ya. Tahimik lang ako habang nilalagyan n'ya ng betadine ang sugat ko, may pagkakataon na pasimple rin n'yang hinahaplos ang pala-pulsuhan ko. "Medyo malalim pala ang pagkakalaslas mo– it might leave a scar," he sighed. "It's just a scar, wala lang 'yon." I said. "Aren't you angry with me?" He asked, tapos na s'ya maglagay ng bandage. "I was. But someone made me realize that letting out my anger won't do any good for the both of us," inalala ko ang mga sinabi ni Caden sa akin noong araw na 'yon. "Then after that, napagtanto ko rin na– siguro sobrang mahal kita. Kasi the moment I saw you at the hospital– kahit galit ako, ang nasa isip ko ay ang yakapin ka," ang rupok ko, amporky. Marahan n'ya akong hinila palapit sa kanya para mayakap n'ya ako. "I'm sorry, I love you too," saad n'ya. "Were you crying a while ago?" He asked, marahan akong tumango habang akap-akap n'ya. "I'll be here," saad n'ya. "Sino naman 'to? Ex mo?" He asked, nakatingin s'yan sa picture ni Kyungsoo na nasa itaas ng headboard ng kama ko. WTF? Ex pa nga, amporky. Sinamaan ko naman s'ya ng tingin. "Why?" He shrugged. "Bias ko 'yan! Member 'yan ng KPOP group na EXO. Okay?!" Irap ko sa kanya. "Oh, have you seen him in person?" He asked. "No, not yet. Hindi ako pinapayagan ni mommy noon na pumunta sa mga concert e," saad ko, tumango lang naman s'ya. Pag sapit ng alas tres ay nagluto s'ya ng sopas, miryenda namin. Kagaya kanina ay pinaupo n'ya lang ako sa dining area at s'ya na ang kumilos na para bang s'ya ang may ari ng bahay. "Careful, mainit pa," saad n'ya, uupo na sana s'ya sa kabilang upuan nang biglang tumunog ang doorbell. "Ako na, kumain ka na lang d'yan," presinta n'ya, pero sumunod pa rin ako sa kanya. Baka kasi bisita ko pala, nakakahiya naman. Lumabas kami para buksan ang gate. "Drix. . . " Familiar sa'kin ang babaeng 'to. . . Hmm– ahh! S'ya 'yong totoong nanay ni Shane! "Drix, pwede bang bumalik ka muna ng US? K-kailangan ka ni Shane. Tinatanggihan na n'ya ang mga sinasabi sa kanya ng doctor," saad nito. Will he leave me again? Ayaw ko munang marinig kaya naman tumalikod ako at akmang aalis na, pero napatigil din agad ako nang marinig kong nagsalita si Zydrix. "I can't, I'm sorry," he said, napaharap ulit ako sa kanila. "It's her choice kung gugustuhin talaga n'yang gumaling. Labas na ho ako roon, my girlfriend needs me here." Ganito pala pakiramdam ‘pag ikaw ang pinili? "Marami naman ang nand’yan para sa kanya e, my girlfriend only have me. Her parents and brother died because of your decision long time ago, alam niyo rin ho 'yon. Ang lakas naman ho ng loob niyo na pumunta pa rito," mahinahon ang boses ni Zydrix pero alam ko na sa loob-loob n'ya ay nagtitimpi lang s'ya. "Hindi ka ba nag-aalala sa kanya? 'Di ba pinangako mo sa kanya na sasamahan mo s'ya 'di b–" "Hindi pa ho ba sapat sa inyo na sila tito na ang gumastos para sa kalagayan n'ya? Akala n'yo ba hindi ko alam na ipinipilit n'yo s'ya sa'kin? Kaya kayo napapahamak e, kasi pera lang lagi ang nasa isip n'yo!" Pagkatapos n'yang sabihin 'yon ay bahagya n'yang itinulak ang nanay ni Shane para masara ang gate. "Hey, calm down," hinawakan ko ang braso n'ya, he put his hands on my shoulder "I'm sorry," he apologized "Don't be sorry, okay?" Saad ko Pumasok na ulit kami sa loob ng bahay, buti na lang at mainit-init pa ang sopas. Ayaw ko kasi ‘pag masyado nang malamig. Pagkatapos namin kumain ay si Zydrix pa rin ang nag-urong, kaya naman pumunta nalang ako sa living room. Kauupo ko lang nang tumunog ang phone ko, agad ko naman 'yong sinagot "Hello?" Sagot ko, unknown number kasi, pero sinagot ko pa rin. "K-kayo po ba si ate Ella?" Tanong ng nasa kabilang linya "Oo, ako nga. Bakit?" Kunot noo kong tanong. "Kapatid po ako ni kuya Caden, pasensya na po sa pang-aabala ko pero kakapalan ko na p-po ang mukha ko. Baka pwede po na tulungan n'yo ang kuya ko," bakit anong nangyari kay Caden "Ha? Bakit– a-nong nangyari?" Kinabahan ako sa inaakto n'ya. "Ate, pwede po ba tayong magkita ngayon?" She asked Pumayag naman ako, napag-desisyunan ko na sa starbucks malapit sa amin na lang kami magkikita, dahil hindi naman kalayuan sa amin ang bahay nila. "Love…aalis lang ako," paalam ko nang matapos na s'yang mag-urong. "Saan? Samahan na kita," presinta n'ya, pero baka kasi private ang pag-uusapan namin ng kapatid ni Caden kaya naman ayaw ko muna sana sabihin sa kanya na kapatid ni Caden ang kikitain ko "D'yan lang sa malapit na starbucks, kikitain ko lang ang kaklase ko may problema kasi s'ya e. Babalik din naman ako agad." I lied "Hmm, hatid na kita. Tapos tawagan mo na lang ulit ako kapag tapos kana para masundo kita," sabi n'ya, pumayag naman ako. "Bye, ingat sa pagmamaneho ha," I said as I kissed his cheek, ngumiti s'ya at tumango Nagpalinga-linga pa ako, dahil hindi ko pa naman nakikita ang kapatid ni Caden. Hindi ko rin alam na may kapatid pala s'ya. Nahagip ng paningin ko ang isang babae na kumakaway, kaya agad akong lumapit sa kanya. Umorder muna kami bago ko s'ya pinag kwento. "Ano ba ang nangyari?" I asked, mga nasa 14 or 15 yata ang edad nito kung hindi ako nagkakamali. "Eh kasi ate, nag-away po sila ni mommy. Tapos umalis si kuya sa bahay noong nakaraang araw pa, hindi pa po bumabalik. Pumunta ako sa condo nila ng mga kaibigan n'ya pero wala rin po raw s'ya roon." "Bakit sila nag-away ng mommy mo?" "Bumagsak po kasi si kuya sa dalawang subjects n'ya, tapos hindi raw po nag mid-term si kuya kaya pinatawag po si mommy. Tapos pag uwi ni mommy, galit na galit s'ya at sinampal po si kuya," bumagsak? Hindi naman gawain 'yon ni Caden– nilang magkakaibigan "Paanong hindi nakapag midterm?" "Hindi na raw pumapasok si kuya buong midterm week po. Hindi rin po s'ya nagpasa ng mga activities nila," was it because of me? Kasi midterm week namin nung nakaburol ang parents at kuya ko. Pero mayroon pa namang binibigay na araw para sa hindi nakapag midterm ah, pa'no s'ya bumagsak? "Pero, pwede pa naman s'yang bumawi e. Hindi pa naman tapos ang semester, pwede pa n'ya mabawi 'yon," saad ko, gano'n ba ka grade conscious ang mommy n'ya? "May pagka perfectionist po kasi si m-mommy e, t-tsaka a-ampon lang po kasi kami ni kuya. Baog po kasi si mommy at daddy," kaya pala hindi sila magkamukha. "Tsaka, si kuya kasi…hinanap n'ya po ang totoo n'yang magulang kahit ayaw po ni mommy kaya nung nalaman ni mommy mas lalo po silang nag-away kaya naipon ang galit ni mommy kay kuya," I'm speechless. "Meron ka bang clue kung nasaan ang kuya mo ngayon?" "W-wala po e, kaya po hihingi po sana ako ng tulong sa iyo," napayuko pa s'ya, mukhang nahihiya. "I'll try my best to contact him, don't worry," I said. "Salamat po, hindi na po ako magtatagal ah. Baka hanapin na po ako ni mommy e," agad din kaming nagpa-alam sa isa't- isa. Tinignan ko ang oras, 6:00 PM na. Saan ko naman hahanapin si Caden? Sinubukan kong idial ang phone number n'ya, buti na lang at nag-ring. Pero naka tatlong tawag ako bago n'ya sagutin "Where are you?" Agad kong tanong sa kanya "Bakit?" Hindi ko s'ya nakikita pero alam kong may tinutungga siyang alak ngayon. "Your sister asked for my help to reach you, saan ka ba kasi?" Irita kong sabi. "Bakit pupuntahan mo ba ako?" Napatahimik ako sa sinabi n'ya "Oh 'di ba? Hindi ka naman pupunta nagtanong ka pa," Sarkastiko n'yang sabi, tsaka n'ya sinabi kung nasaan s'ya. Agad akong pumara ng taxi para puntahan s'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD