Chapter 17

2309 Words
Caden’s POV Hindi nagtagal at naging sila rin ni Ella, ako? Ayos lang naman. Syempre masaya ako para sa kanila at masaya para sa sarili ko kasi hindi ako humadlang sa kanila. "Bro, pasuyo naman oh," napatingin ako sa kanya na hindi man lang naka-ayos, e acquaintance party namin ngayon. "Ano 'yon?" I asked. "Pwedeng pasundo si Ella? Emergency kasi– kailangan kong puntahan si Shane sa hospital," pakiusap niya, tiningnan ko ulit siya, madalas na siyang abala dahil kay Shane. "Sure ka? Hindi ka natatakot na baka agawin ko si Ella?" Pagbibiro ko sa kanya. "You won't do that, I'm pretty sure," napatawa na lang ako sa kanya at tsaka tumango. Gaya ng utos niya ay sinundo ko si Ella, pero kuya niya ang bumungad sa akin at pinaghintay ako sa living room nila, tatawagin niya raw si Ella. "Where's Drix?" Napaangat ako ng tingin nang marinig ang boses niya. Napatingin ako sa suot niya, she's wearing a red lace off-shoulder cocktail party evening formal gown. Napatingin din ako sa sarili kong suot, tangina para kaming nag-usap kung anong susuotin namin. "Uhh– hahabol daw e. May emergency raw kaya ako ang nautusan magsundo sa'yo." Paliwanag ko at iniwas ang tingin sa kanya, she's gorgeous. "Okay, let's go" Tahimik kami pareho buong byahe, pagdating sa venue ay sinamahan ko muna siyang hanapin ang mga kaibigan niya bago ko hinanap ang mga ugok. "Oh, wala si Drix?" Tanong ni Chase. "Wala pre, may emergency." "Si Shane na naman?" Tanong ni Aeron. "Oo, e." "Ang maintindihin naman ni Ella, sana all," sabi ni Aeron at tumawa pa. "Gago, ‘pag 'yon napuno baka hindi na bumalik ng Pinas 'yon, HAHAHA." Gago talaga 'to si Chase, natawa tuloy ako. "Hala, may performance pala si Ella? Sayang wala si Drix." Chase said, napatingin naman ako sa stage. She looked nervous pero agad din 'yong nawala nang i-cheer siya ng audience. "Gago, Caden! Couple ang suot niyo, ah. HAHAHAHA." Tawa ni Aeron parang gago. "Pinagtagpo pero hindi tinadhana, HAHAHAHA." Dagdag niya, binatukan ko nga. Magaling pala siyang kumanta? Swerte naman ni Drix ang talented na nga ang bait pa ni Ella, mayroon pang bonus na ganda. Pagkatapos ng party ay ihahatid ko ulit si Ella, pero hinatid muna namin si Ara. She took some photos of me and Ella, using Ella's phone. That was our first ever picture together na kami lang talagang dalawa. Pagdating ko sa condo ay wala pa rin si Drix, si Aeron lang ang nandito. Umuwi yata sa kanila si Chase. Tinignan ko ang picture namin ni Ella na pinost pa ni Ara sa sss, oo nga– mukha kaming pinagtagpo pero hindi tinadhana dahil sa suot namin. "Kain." "Uso mag break, ha?" Umupo ako sa tabi ni Ella, mag-mimid term na kaya busy na busy siya, wala man lang pagkain na inorder kahit na nandito siya sa cafeteria ngayon, tsk. "Kaya nga e, ang tigas ng ulo kanina ko pa sinasabihan," napakunot ang noo ko sa sinabi ni Ara. Pareho sila ni Drix, si Drix din halos wala nang pahinga at oras kay Ella. Bilib naman ako kay Ella kasi nagagawa niyang intindihin, although it's really unfair for her. Hindi na ako nagtagal do'n kasi may gagawin pa ako sa lab. "Oy, pre Caden. Tara inom mamaya," aya ng kaklase ko. "Pass, balak kong umpisahan na mamaya ang capstone namin e," baka pumalya pa ako at hindi maka graduate ‘pag nagkataon. "Anong pass? Walang pass-pass. Sa condo natin lang naman iinom, pass-pass ka pa," ang titino talaga ng mga kaibigan ko, kingina. "T*NGINA MGA MAGULANG 'YAN NI ELLA 'DI BA?" "AY PUTA SI BRIX!" Napatingin ako sa TV, may breaking news. I froze when I saw Ella's Parents and brother's name, d-dead on arrival? Agad kong idinial ang number ni Ella, kaso busy at kapag nag ring naman ay hindi niya sinasagot. I dialed Drix's number too, kaso naka off ata ang cellphone niya. The news spread quickly. Inambush ang sinasakyan nilang van habang papunta raw sa isang gathering, walang nakaligtas pati driver nila ay namatay rin. Pagkatapos ng klase namin ay agad kaming dumiretso sa bahay nila Ella, para makiramay. Wala si Drix nasa US, kung kailan kailangan din siya ni Ella tsaka naman siya wala. Tadhana nga naman. Masyong malupit, luminga-linga ako para hanapin si Ella pero wala siya. "Buti na lang talaga at nakalimutan daw ng bunso na meron silang pupuntahan na gathering. Kung hindi, pati ‘yon ay patay." "Hindi pa tanggap nung bunso na wala na ang kuya at mga magulang niya, kaya hanggang ngayon ay hindi pa raw umuuwi." "The youngest of their family almost went crazy, she didn’t believe that they were dead." Marami akong usap-usapan na narinig, I'm worried about Ella, she must be in a lot of pain right now. Lumakas pa ang bulong bulungan kaya napatingin ako sa pinto, si Ella- para siyang wala sa sarili niya. I looked away, hindi ko kayang tignan. "Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!" I closed my eyes when I heard her scream. "NOOOOOOOOOOOOOOO-OOOOOOOO!" "KUYAAAAAAAAAAAA, WAKE UP PLEASE– WAKE UUUUUUP," "MAAAAAA, WHY SO SUDDEN? KAAAYOS PA LANG NATIN E. PLEASE WAKE UP AND TELL ME THAT THIS IS JUST A PRANK," "PAPAAAAA, 'DI PA KAYO NAKAKABAWI SA'KIN 'DI BA? PLEASE BUMANGON NA KAYO RIYAN!" I sighed, she begged– but no matter how much she will beg, hindi na sila babangon kahit kailan. I stared at her– her eyes were swollen at patuloy lang siya sa pag-iyak. Hindi ko siya kayang tingnan nang matagal, ang sakit niya sa puso tignan. "T*ngina, naiiyak ako," saad ni Chase bago bumuntong hininga. Hindi umalis sa tapat ng kabaong si Ella, para siyang bata na nag-aabang kung kailan uuwi ang mga magulang niya. Sayang si Brix, graduating pa naman sana, totoo yata ang kasabihan na lapitin ng disgrasya kapag graduating ka. "Caden, kausapin mo nga si Ella. Nag-aalala na ang ate niya, kahapon pa kasi 'yan hindi kumakain nang maayos," lapit sa'kin ni Ara. Tumutulong sa pag-aasikaso si Ara at mama niya sa mga bisita. Kasi buntis si Desha at nakakasama sa kanya pag sobrang pagod. Si Ella naman ay hindi rin stable ang pag-iisip. Mga tito at tita nila naman ang nag-aasikaso sa ibang mga bisita, 'yong lola ni Ella ay nasa hospital pa rin inatake nang malaman ang nangyari sa anak at apo niya. Tinabihan ko sa upuan si Ella, hindi pa rin siya umiimik at nakatulala lang. "Ella, kumain ka muna. Magkakasakit ka n'yan e," agaw ko sa atensyon niya. Umiling siya at tumingin sa akin, sunod-sunod na tumulo ulit ang luha niya. Kinuha ko ang panyo ko at pinunasan ang luha niya. "I know you're in pain right now, pero 'wag mo naman parusahan ang sarili mo nang ganito." I sighed. "Maawa ka rin sa mga bulate mo sa t'yan, kailangan nila ng pagkain," hinampas niya ako at saglit na natawa. I'm glad that I made her laugh kahit isang segundo lang. Sinamahan ko siya sa dining area, sinabayan ko na rin siyang kumain kahit busog pa ako para naman ganahan siya kumain kahit papano. I stayed by her side hanggang sa araw na inilibing na ang mama, papa, at kuya niya. Marami ang nakiramay at nakilibing– napapikit ulit ako nang marinig ko na naman ang iyak ni Ella, akala ko ubos na ang luha niya– kasi walang araw at gabi na hindi siya umiyak pero mayroon pa rin pala siyang mailuluha, she was also screaming for justice. "Na-contact niyo na ba si Drix?" Tanong ko kay Chase, nakauwi na kami ngayon sa condo. Gusto kong intindihin si Drix pero t*ngina, makatarungan ba na hindi man lang siya lumitaw kahit sa libing ng mama, papa, at kuya ni Ella? Balita ko rin ay wala rin siyang kahit text o chat man lang kay Ella. Buti na lang at hindi siya tinatanong ni Ella sa amin dahil hindi rin namin alam kung ano ang isasagot. "Hindi pa nga rin e," sagot niya. "Ang labo naman ni Drix, ang t*nga naman niya kung hindi niya nasagap ang balita," saad ni Aeron "Hindi malabo na mangyari 'yon, kasi abala siya nung gabing 'yon at madaling araw ang flight nila," saad naman ni Chase. "Puntahan ko na lang ang mama niya bukas sa Makati, t'yak alam nun kung kailan ang balik ni Drix." "Caden, si Ella nag-suicide!" Nanginginig ang boses ni Ara mula sa kabilang linya. "ANO? P-PAANO? ANONG NANYARI?" Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ara texted me the hospital address kung saan naka-confine si Ella, nagmadali naman ako papunta roon. "Nasa loob siya," saad ng kapatid niya, her sister look frustrated– she must be tired of everything tapos buntis pa siya. Pumasok ako sa loob, gising si Ella at nakatulala. Humila ako ng isang upuan at umupo sa gilid niya. "Hindi mo dapat ginawa ‘yon," umpisa ko. "I know, but loneliness made me do it." Hindi pa rin siya nakatingin sa akin. "Alam mo bang sobrang nag-alala ang ate mo? Pati si Ara at syempre pati ako na rin." "Marami ang nag-aalala sa'yo, don't be selfish." Hindi ko na maiwasan na sabihin ang pagiging makasarili niya. "Does being lonely mean being selfish?" Tumingin siya sa akin, I looked away. "H-hindi naman sa ganun," I uttered. "Eh ano pala, Caden?" She asked, I was out of words. "Alam mo ba kung bakit inambush ang van na sinasakyan nila, ha? Kasi nagkamali ng van na inambush ang mga put*nginang pumatay sa mga magulang at kapatid ko! At alam mo ba kung sino dapat ang namatay?" Para siyang baliw na tumatawa at umiiyak. "Ang pamilya dapat ni Shane at si Shane! Noong gabing 'yon ay maaga pala na nag-aabang ang mga animal dahil natunugan na aalis sila ng bansa. Ala una ng madaling araw ang flight nila kaya naman maaga silang nag abang at nag-set up. 'Yong van na sinakyan ng mga magulang ko at van na ginamit nila papuntang airport ay magkaparehong-magkapareho– plate number lang ang nag-iba, t*ngina 'di ba?" Ang lupit talaga ng tadhana. "At malamang ay kaya hindi nagparamdam si Drix ay dahil nagtatago sila ngayon sa US, sinisigurado niya ang safety ni Shane," she smiled bitterly. "P-paano? Anong dahilan nila para gawin 'yon?" "Yung pamilya nung obstetrician na sinampahan nila ng kaso noon, iginanti ng pamilya. Hindi na sana itutuloy nung tito ni Drix ang kaso, kaya lang nagpumilit ang totoong pamilya ni Shane at pinagbayad pa ang obstetrician at nakulong. Namatay ang obstetrician na 'yon sa kulungan kaya naman ganun na lang ang galit ng pamilya." "Ang gandang bungad 'di ba? Kalilibing pa lang nila tapos pagkauwi na pagkauwi sa bahay ayan agad ang katotohanang bumungad sa akin." Again, I was out of words. I just can't blame her again because I know how painful the truth was. Bumisita ulit ako sa hospital kinabukasan pero tanghali na, sumama naman si Aeron at Chase– bibisitahin din daw nila si Ella. Naka-confine pa rin siya dahil mataas ang lagnat niya kagabi, naka bandage pa rin ang left wrist niya. "Kumusta na ang pakiramdam mo, Ella?" Tanong ni Chase, umupo lang muna ako sa couch. "Medyo gumagaling naman." "Oh, nga pala. Dinaanan ko na ang mama ni Drix kaninang umaga sa Makati, sabi niya ay mamayang 7:00 PM daw ang dating ni Drix." Parang gusto kong sapakin 'tong si Aeron, bakit naman hindi niya muna sinabi sa'kin? Bakit sa harapan pa mismo ni Ella? "Aeron, sa labas," seryoso kong saad, sumunod naman siya. "Bakit hindi mo muna ipinaalam sa akin bago kay Ella?" Inis kong sabi. "Para isahan na lang, syempre," inosente niyang saad, napapikit ako sa inis. Ang sakit sa ulo! Pagbalik ko sa loob ay nadatnan ko na pilit tinatanggal ni Ella ang swero niya at tumayo, habang nagpa-panic naman si Chase. "T*ngina, Caden tulong nga!" Agad akong lumapit sa kanila. "Teka, anong nangyayari!?" Tanong ni Ara na kararating lang at may dalang pagkain. "Ella, Ano ba! ‘Wag mo naman kaming pag-alalahanin nang ganito!" Sigaw ni Ara. "Ara, ako na muna ang bahala, labas muna kayo," saad ko at sapilitan na niyakap si Ella para mahirapan siyang manlaban. Nang-lumabas na sila ay binitawan ko siya. "Just what the heck do you want to do right now!?" Hindi ko na kasi siya ma-gets e. "Sasalubungin ko siya sa airport" Tiim bagang niyang saad, I can feel the anger in her voice. "Mamayang 7:00 PM pa ang lapag niya, anong gagawin mo sa airport? Tutunganga?" Inis kong sabi. "Kung kailangan kong maghintay nang matagal para lang hindi kami magkasalisi ay gagawin ko!" "Tapos ano? ‘Pag nakita mo siya, anong gagawin mo? Sasampalin mo? Magwawala ka dahil sa nangyari? T*ngina naman, Ella! Umayos ka naman!" Napahilamos ako sa mukha ko dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. "BAKIT MO BA KASI AKO PINIPIGILAN? HA?" Masama siyang tumingin sa'kin. "Ah– kasi kaibigan mo si Drix? Ayaw mo siyang masaktan ay–" "Dahil alam kong galit ka lang, dahil alam kong nasasaktan ka lang, dahil alam kong pagsisisihan mo rin ang gagawin mo." I smiled at her bitterly. Dahil alam kong iiyak ka na naman. "Hindi ba, Ella? Bakit ko hahayaan na saktan mo na naman ang sarili mo? Kung kaya ko naman pigilan na mangyari 'yon," I'm helpless right now, I don't even know why I am doing this. "Ginagawa mo ba 'to dahil gusto mo ako?" She asked, I just looked away. "No, I'm doing this for the both of you." No, I'm doing this because— I care. Even though I know that you'll never be mine, because I chose bros over hoes. And because I know you love him. Kung ipipilit ko ang pagkagusto ko sa’yo ay ito sana ang pinakamagandang pagkakataon para sirain kayo but I just couldn’t do that. Dahil kaibigan ko si Zydrix. At dahil ayaw rin kitang nakikitang nasasaktan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD