Chapter 16

2281 Words
Nilabas ko ang laptop ko, mayroon kasi kaming reporting ngayon. Nakatayo ako sa harapan at pinapaliwanag ang topic namin, my classmates were all quiet at bago ‘yon dahil ang section namin ang pinakamaingay sa buong department. "Guys yo–" hindi pa ako tapos magsalita ay napahampas si Ara sa desk niya at tumayo. "P*tangina naman, Ella! Maawa ka naman sa sarili mo– umuwi ka na please at tanggapin ang katotohanan," she said as she wiped her tears. I stared at her blankly. "E-Ella, w-wala na sila o-ok? At nakaayos na ang burol ng mga magulang at kuya mo sa bahay niyo. P-please don't make it too hard for yourself too," lumapit siya sa akin, she hugged me. Hinawakan ko naman ang balikat niya at bahagya siyang inilayo sa'kin. "My parents went to a gathering yesterday and will be back tomorrow– okay? Tsaka nagrereport ako oh, 'wag ka ngang magulo," inis kong tugon. Tuluyan naman siyang napahikbi may kumatok sa pinto kaya naman napatingin ako roon. Binuksan ng Prof namin at pinapasok ang bisita, it's my sister– her eyes were swollen and she looked tired. "Hi, ate!" Masaya kong bati sa kanya at ngumiti. "E-Ella, let's go home. Hmm?" She said, tumulo naman agad ang luha sa mga mata niya. "Sina m-mama, p-papa and kuya…wala na sila. Ella patay na sila! Isa pa ha? Patay na sila! Kaya please lang! Umuwi ka na!" Agad na napawi ang ngiti ko nang marinig ko ang sigaw niya. Then reality hit me, it was too sudden– I can't accept the fact that they're dead. I left the hospital yesterday at pilit na nilalagay sa utak ko na nasa gathering pa sila, na bukas ay uuwi na sila. Tumingala ako dahil nagbabadya na sa pagtulo ang luha ko. "Come h-home…please." I smile bitterly. "Sinong may gustong umuwi ate, kung k-kabaong na nila ang nag-aabang s-sa akin?" Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para mapigilan ang paghikbi ko. I stared at her, tapos ay dumako ang tingin ko sa mga kaklase ko. They're at the verge of crying too. Namatay sila sa isang karumal dumal na paraan, paano ko matatanggap 'yon. Ambushed? Kahit kailan ay hindi sumagi sa isip ko na one day ay mangyayari sa kanila 'yon, mahina ang limang tama ng baril sa bawat isa sa kanila it was all planned. At kung nagkataon na hindi ko nakalimutan na mayroon kaming pupuntahan na gathering ay patay na rin ako ngayon. Gabi na nang mapagdesisyunan ko na bumalik na sa bahay, kahapon kasi ay kila Ara ko napagdesisyunan na makituloy muna pansamantala. Galing dito sa labas, tinignan ko ang kabuuan ng bahay namin, naka-open ngayon ang gate namin kaya naman kapansin-pansin ang dami ng bisita. Mayroon ding nilagay na mga upuan sa labas at sa bungad palang ng pinto namin ay mayroon ka nang makikita na mga bulaklak na pang patay. I stared at those flowers blankly. "Ella…tara na pasok na t-tayo," bakas sa boses ni Ara ang lungkot, I sighed. Dahan-dahan akong naglakad papasok ng gate. Ang bigat sa loob ko bawat hakbang ginagawa ko, parang gusto ko ulit tumakbo palabas. I can't handle this situation, my heart– parang dinudukot sa sakit, but still I tried my best para marating ang loob ng bahay namin. Nararamdaman ko ang tingin ng mga bisita sa'kin– nahagip din ng paningin ko sina kuya Chase, Aeron at Caden. Nakaharap na ako ngayon sa tatlong kabaong, mayroong litrato nang bawa't isa kada isang kabaong. Una kong tinignan ang picture ni kuya dahil siya ang nasa gitna, napagigitnaan ang kabaong niya ng kabaong ni mama at papa. Nakangiti siya sa sa picture na 'yon, ang gwapo at ang disente tignan. Napatingin naman ako sa picture ni mama– nakangiti rin siya, napakaganda niya. Huli kong tinignan ang picture ni papa– he's so handsome, nakangiti rin siya…mga magagandang ngiti na kailan ma'y hindi ko na masisilayan at mababalikan lamang sa isang larawan. Napaluhod ako at napaupo sa sahig, hindi ko sila kayang lapitan. Masyadong nanghihina ang tuhod ko para humakbang pa palapit sa kabaong nila. "Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!" I yelled, sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko. "NOOOOOOOOOOOOOOO-OOOOOOOO!" Lumapit sa akin si ate at inalalayan akong tumayo, dahan-dahan niya akong sinamahan papunta sa kabaong muna ni kuya. I hugged his coffin– I didn't look at his face. "KUYAAAAAAAAAAAA, WAKE UP PLEASE– WAKE UUUUUUP," I begged, then I went to the side of my mother's coffin. "MAAAAAA, WHY SO SUDDEN? KAAAYOS PA LANG NATIN E. PLEASE WAKE UP AND TELL ME THAT THIS IS JUST A PRANK," I begged again then went to my father's coffin. "PAPAAAAA, 'DI PA KAYO NAKAKABAWI SA'KIN 'DI BA? PLEASE BUMANGON NA KAYO RIYAN!" I hugged his coffin too. I stayed there the whole night, hindi ako kumain dahil wala akong gana, I didn't sleep too. Hindi kaya ng diwa ko na matulog. Gusto ko na agad makamtan ang hustisya para sa pagkamatay nila. Gusto kong makita agad kung sino ang mga pumatay sa kanila. Caden’s POV Pasukan na naman amp, bitin ang bakasyon! "Uy, lunch na. Tara kain! Mcdo na lang," Aya ni Aeron. "Tss, kayo na lang," syempre aangal si Drix d'yan, gusto n'yan masusustansyang pagkain e. "Minsan lang, 'to naman," gatong ko. "Oo nga, Drix. Tara na," hinila na siya ni Chase na ikinatawa namin dahil wala na siyang nagawa e. Humanap muna kami ng mapupwestuhan bago umorder, buti na lang 'di pa puno, si Chase na ang nag-order para sa aming apat– oo mabait talaga 'yan, lol. Medyo maingay ang kalapit namin na table kaya napatingin tuloy ako, mukhang mga 1st year sila, halata naman. Pinasadahan ko ang mga mukha nila baka may kilala ako pero wala at ang huling natignan ko ay ang ganda, t*ngina! Single kaya siya? "Oh, mata mo malaglag. HAHAHA." Sita sa'kin ng ugok na Aeron. "Lul!" Parang gago. Napatingin ulit ako sa table nila at napansin ko na nakatingin siya– sa'kin!? Sinuklay ko naman agad ang buhok ko at inayos baka ma turn-off siya pag magulo buhok ko e. "Napapaano ka, Caden?" Tanong ni Aeron. "Nag-aayos ng buhok, tanga," 'to lahat na lang napapansin. Mula nang makita ko siya ay pumupunta na ako sa Tourism Department baka sakaling makita ko siya. But I failed, nalibot ko na yata lahat ng year level at section sa department ng Tourism pero wala siya, ganun ba talaga pag mala-anghel? Ang hirap hanapin, t*ngina naman. "Oy Bro, punta kayo sa debut ng kapatid ko mamaya, ah," syempre hindi kami tatanggi may pagkain at alak do'n e, HAHA. Bored akong nakatingin sa harapan at inaabangan kung kailan matatapos ang program ng event para naman makakain at inom na, lol. Agad akong nabuhayan nang makita ko ang babaeng matagal ko nang hinahanap, nanlaki ang mata ko. Oo, nanlaki gusto mo makita? Kiss muna. "T*ngina, ayan 'yong crush ko na sinasabi ko inyo!" Syempre ibabalita ko sa kanila na may nagugustuhan na ako HAHAHA. "Ul*l mo, naunahan kana ni Drix!" Naunahan? Tinignan ko si Drix. "Kilala mo 'yan Drix!?" I asked. "No," tanggi niya. "Ah, kaya pala magkasama kayo sa lab?" Tanong ni Aeron, lab? Paano naman mapupunta sa lab ang crush ko? "Awit, broken na agad si Caden!" Gatong naman ng g@gong Chase. "Taksil ka talaga Drix! Saang department siya?" Syempre itatanong ko na para makasigurado ako. "Crush mo tapos hindi mo alam course?" Parang gago naman 'to, syempre may hiya naman ako 'no, hindi ako lalapit basta-basta baka sumigaw pa 'yon kasi ang gwapo ko. "Malay ko ba! Dalawang beses ko pa lang siya nakita e, tapos sa labas pa!" Reklamo ko. Oo, dalawang beses ko lang siya nakita. Una 'yong sa Mcdo dahilan para hanapin ko siya sa department ng Tourism kasi pang Tourism naman kasi ang dating at height. Nang 'di ko mahanap ay tumigil na ako. Tapos nakita ko ulit s'ya noong isang araw– palabas ng gate, kaya ako na t*nga ay naghanap ulit sa Tourism's department, award 'di ba? "BSIS," hindi raw kilala tapos alam kung ano'ng course, wais ka Drix. T*ngina, sa Tourism Department ko hinahanap tapos ka department lang pala natin?!" Oo, isang malaking t*ngina talaga. Nagpatuloy ang party na panay rin ang sulyap ko sa kanya, hindi kasi s'ya nakakasawa tingnan– gago ang creepy ko, t*ngina. "OH MY GOSH 'YONG BATA!" Napalingon kami dahil may sumigaw, tapos bigla na lang may tumalon sa swimming pool, 'yong crush ko 'yon ah! Basang-basa siyang umahon galing sa pool kasama ang bata, nakasuot siya ng off-shoulder na above the knee white floral dress. T'yak nilalamig na 'to, buti na lang naka suot ako ng jacket na denim, huhubarin ko na sana nang maunahan na ako ni Drix. Mas'yado ba akong mabagal? Napailing na lang ako, gentleman kahit papaano si Drix kaya siguro nagmamalasakit. Pinakilala siya sa'min ni Cheska na tipsy pa nga. "Uhm…Hi, kuyas?" T*nginang 'yan, ano 'to brotherzone? "Awit, brotherzone agad, HAHAHA." G*go amp. "Lul!" Badtrip kayo, nang-aasar pa. "Oy, alam niyo ba kapatid pala ni Ella si Brix at Desha. Kaya pala parang pinaghalong Brix at Desha si Ella," nakiki Ella na rin kami kahit 'di pa namin close 'yon. Award 'di ba, lol. Mula rin nang malaman ko na BSIS pala si Ella ay madalas na akong tumatambay rito. Dito lang sa department din namin, gala ako sa ibang department pero dahil nandito ang crush ko. Dito muna ako lol, loyal muna tayo. Lumipas ang tatlong buwan na halos laging magkasama si Drix at Ella, pansin ko rin parang ang payat na masyado ni Ella, hindi ganun ka payat pero halata sa kanya na bawas ang timbang. Ano bang klaseng pag-aaral at turo ang ginawa ni Drix sa kanya? Tss. "Oy, tara roon sa com lab! Cheer naman natin crush ko!" Aya ko sa kanila, IT week kasi ngayon at kasali si Ella sa Quiz bee. Tulad ng inaasahan ko, siya ang champion. "Ayon! Crush ko 'yan!" Sigaw ko pa, syempre nakaka proud e, lol. I congratulated her nang makalabas na siya, nginitian naman niya ako. Alam ko na bukal sa loob niya ang pag ngiti sa'kin but her smile seems different this time– bigla siyang tumumba, sabi na e, may kakaiba sa kilos n'ya. Napatulala ako saglit sa gulat, buhat na siya ni Drix nang makabawi ako– kaya sinundan ko na lang sila at tinulungan sa pagpapatabi sa mga estudyante. I saw how worried he is, gusto rin ba n'ya si Ella? Napailing na lang ako. Birthday ni Drix at syempre imbitado si Ella pati 'yong kaibigan niya rin. Kami-kami lang din naman at konting mga kaklase namin ang imbitado pati kapatid pala ni Chase na si Cheska ay invited din. Nakaisip naman sila ng laro, 10 lives daw at halata naman sa pag hohost ni Ara na pinapatalo niya si Ella kaya nag change host kami, pero natalo pa rin si Ella pati si Drix. "May gusto ka ba kay Drix?" Tanong ni Cheska. "In a romantic way, ha," dagdag pa niya, t@ngina anong klaseng tanong 'yon. "Amporky! Bakit naman ganyan ang tanong?!" Reklamo pa ni Ella, napatingin nanaman tuloy ako sa kanya, pag napapatingin ako sa kanya ang hirap na bawiin ng paningin ko, may problema na ata ako sa mata. "Sagutin mo nalang!" Gatong pa ng gagong Chase, halatang curious din. "In a romantic way...wala?" Oh, man. Bakit parang hindi sigurado? Napailing ako. "Oh, bakit patanong?! HAHAHA, bawal ang hindi sigurado ang sagot. Ito na lang, sa tingin mo ba magugustuhan mo s'ya in a romantic way?" Akala ko iibahin niya ang tanong pero kingina nito 'yon pa rin 'yon e. "Taksil ka talaga Aeron!" I pouted. Oo, totodo ko na ang pagpapacute ko. "Dinadaya n'yo si Ella eh! Nakapag tanong na kayo at nasagot na n'ya dapat ok na 'yon!" Reklamo ko at tinunog na pabiro, pero sa totoo lang hindi biro ang pagrereklamo ko. "Osige, si Drix na nga!" Buti nalang effective, lol. "Drix, sa tingin mo magugustuhan mo ba si Ella in a romantic way?" Aba't gago talaga 'to si Chase! "Alam niyo? Taksil kayong lahat eh 'no!" Napasandal na lang ako sa sa sofa habang tumatawa sila, pero sa loob-loob ko sana 'wag sagutin ni Drix. "Pwede naman," napanganga ako nang sagutin ni Drix ang tanong. Maaga akong pumasok sa kwarto at hinayaan na lang na sila na ang magligpit. Hindi naman ako lasing na lasing e, nabawasan pa nga ang tama ko nang marinig ko ang sagot ni Drix e. Ilang oras na ata akong nakatulala lang dito, t*ngina gusto kong matulog pero ayaw makisama ng mga mata ko kingina talaga. Napagdesisyunan ko na lang na lumabas. Paglabas ko ay tulog pa rin si Cheska at Ara sa sofa, napailing ako. Nasaan si Drix at Ella? Sumilip ako sa balcony, pero sana pala hindi na lang. Nando'n pala sila– magkayakap pa, nakangiti pa nga si Drix e. Napailing ako at bumalik sa kwarto– anong laban ko, e magkayakap na kayo. "Hangover?" Tanong sa'kin ni Drix, nasa sofa ako nanonood ng palabas sa TV. "Asa ka naman, matibay yata 'to," tanggi ko. "Ella…" "May balak ka ba na ligawan siya?" I froze, napatingin ako saglit sa kanya at itinuon ulit ang paningin ko sa TV. "Wala," tanging sagot ko lang, kaibigan kita e. Bros before hoes ika nga, ayan ang paninindigan ko lagi kaya handa akong magparaya. Lalo na't si Ella ang magiging first girlfriend ni Drix ‘pag nagkataon. "I will court her," bingo, 'yon na pala cue n'ya. Tumayo ako at tinapik ang balikat niya. "Good luck, bro!" Ngiti ko sa kanya. "Alis muna ako ha," paalam ko sa kanya, masarap yata uminom ulit. "Salamat." Basta kaibigan ko, ayos lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD