Chapter 15

2412 Words
Tahimik lang ako habang nasa byahe pauwi, iniisip ko kung anong ginagawa ngayon ni Zydrix, hindi ko tuloy maiwasan na tawagan siya. Nakailang ring muna bago sumagot ang nasa kabilang linya. "H-hello?" Nanlamig ako nang marinig ang nasa kabilang linya, dahil boses ng babae 'yon. "Shane inumin mo na ‘to– oh, sinong tumawag?" Boses 'yon ni Zydrix, so si Shane pala 'yon, at si Shane rin ang sinasabi niya na emergency. Pinatay ko ang tawag at bumuntong hininga. I don't want to be angry again, ayaw ko na magpang-abot na naman kami ni Zydrix. "Ganun ba kahalaga si Shane kay Zydrix?" Ayaw kong marinig ang sagot pero gusto kong itanong. "Ha? Uh– eh kasi sabay silang lumaki at sila talaga ang magkadikit mula nung mga bata pa sila. Parang kapatid na ang turing do'n ni Drix kaya ganun na lang ang lungkot niya dati nung kailangan na bumalik ni Shane sa totoo niyang mga magulang," paliwanag ni Caden. "Eh si Shane ba, ganun din ang tingin kay Drix?" Mapait kong tanong. "Huwag mo munang pangunahan, matagal silang nawalay sa isa't-isa kaya sobrang namimiss lang siguro ni Shane si Drix. Mahina ang katawan ni Shane kaya naman ganun na lang kung mag-alala si Drix kay Shane," natahimik ako dahil sa sinabi niya. "Don't you trust Drix? Hindi naman 'yon gagawa ng ikagagalit mo," ang solid naman na kaibigan nito kahit minsan na niya akong ginusto ay ipagtatanggol niya pa rin ang kaibigan niya. "I know, salamat," saad ko at nanahimik na lang. Pagdating sa tapat ng bahay namin ay agad din akong nagpaalam at nagpasalamat sa kanya. Pagod akong humiga sa kama ko pagkatapos kong mag half-bath. Kanina pa tunog nang tunog ang phone ko mula noong dumating ako rito sa bahay kaya naman tinignan ko ang bawat notification ko. Halos sa sss lahat 'yon, pati na rin sa IG at ang ilan ay text messages. Tinignan ko muna ang sss ko dahil sunod-sunod talaga ang notification. Arabelle tagged you in a post. Agad ko naman 'yong tinignan at nakita ang picture namin ni Caden na kuha niya. Kaya pala nagpapasa ang gaga! Do'n din nanggaling halos lahat ng notif ko dahil maraming nag comment at reacts do'n. Paano ba naman kasi ang caption ay 'Pinagtagpo pero hindi itinadhana' napasapo na lang ako sa noo ko at tinignan ang mga comment. "Awit, kala ko ako lang ang nakapansin sa kanila, HAHAHAHA." "Couple ng suot pero hindi mag-jowa is real, HAHAHAHA". "Zydrix is shaking lmao." "Bakit parang mas gusto kong i-ship ang dalawang ‘to?" Ayan ang iilan sa mga nakita ko na comments, wala bang mga ginagawa sa buhay ang mga 'to? Tinignan ko pa ang ibang naka tagged sa'kin, kasi ang dami e. Hindi ko alam anong nangyayari. Nakita ko naman ang isang post na nakatagged din ako, page ng school namin 'yon at video 'yon ng performance ko with caption na 'Beatrix Bella as your girlfriend, everyone!' at ang iba pang tagged posts na galing do'n sa mga nagpapicture kanina sa'kin sa party. Hindi ko rin alam kung bakit sila nagpapa-picture sa akin, e dati naman ay hindi. Biglang nag-pop out ang pangalan ni Zydrix sa screen ko, he's calling! Agad ko naman 'yong sinagot. "H-hello?" Hindi ko kasi alam kung ano ang ibubungad ko sa kanya na salita. "I watched your performance, you're amazing. I'm so proud of you, my love," I was caught off guard because of his words. Originally I was about to ask him about the thing that happened earlier. "Thank you," I know na hindi niya ako makikita pero ngumiti pa rin ako. "W-why...why didn't you tell? Uh– about your performance," alanganin niyang tanong. "Surprise sana." Pero ako ‘yong nasorpresa, mapait kong ngiti. "I'm sorry, that was your first ever performance and I wasn't there," at least mayroon ka namang representative, I sighed. "How are you?" Pag-iiba ko ng topic. "I'm tired, I want to hug you right now. Can you go out for a while?" Ha? Nasa labas ba siya? Nagmadali akong bumaba at lumabas, there– I saw him, nakasandal sa kotse niya. Agad akong lumapit sa kanya para yakapin siya. I missed him so much! Naramdaman ko naman ang pagyakap niya rin. "I have to go," nalungkot naman ako nang marinig ko siya. "Agad?" I asked, sadly. "How is she…?" I suddenly asked. "Si Shane 'yong sumagot kanina 'di ba?" Dagdag ko, dahan-dahan naman siyang tumango. "Leukemia, Chronic Myeloid leukemia– 'yon ang sakit niya. That type of leukemia is hard to treat," I can feel the sadness in his voice, napaisip tuloy ako na paano pag sa'kin nangyari 'yon? Will he stay by my side any time too? Alam kong hindi biro ang magkaroon ng ganun na klaseng sakit and I am too selfish for thinking like this. "I want to be with you, I want to spend more time with you but she needs me," malungkot niyang sabi. Hinawakan ko ang mukha niya dahilan para mapatingin siya sa'kin, I smiled at him. "I understand, just don't forget to eat properly. I'll be fine," feeling ko ang plastik ko ngayon dahil alam ko naman sa sarili ko na hindi okay. "Thank you, I'm so lucky to have you," he hugged me. Mid-term is coming, kaya naman busy na naman ulit kami. Zydrix and I rarely talk or kapag mayroon man kaming oras mag-usap ay saglit lang. Madalas ko rin siyang dalawin sa condo nila pero madalas din siyang wala but it was fine, sinusubukan kong intindihin siya– hangga't kaya ko. "Kain," napatingin ako sa gilid ko. "Uso mag break, ha?" Saad ni Caden na umupo sa gilid ko, nandito ako sa Cafeteria pero hindi ako umorder ng pagkain dahil hindi ko rin naman 'yon makakain. I'm busy doing something on my laptop. "Kaya nga e, ang tigas ng ulo kanina ko pa sinasabihan," saad naman ni Ara, I just ignored them at nagpatuloy sa ginagawa ko. "Magjowa nga kayo, HAHAHA." saad ni Caden na ikinatigil ko. "Bakit?" I asked. "Si Drix din e, busy na busy sa umaga tinatapos niya lahat ng programs niya at sa gabi naman ay wala sa condo dahil dinadalaw si Shane," umiiling pa siya. Dati sa'kin niya ginagawa 'yon, naalala ko tuloy noong mga panahon na tinuturuan pa niya ako. Hanggang ala-ala na lang yata ang mga 'yon. "He must be very tired," wala sa sarili kong sabi. Tinext ako kanina ni Zydrix na sabay kaming uuwi, ihahatid niya raw ako. Kaya heto ako ngayon naghihintay rito sa gate. "Hey," medyo nagulat pa ako nang marinig ko ang boses niya, he kissed me on my forehead bago kami naglakad papunta sa kotse niya. Today is our 5th monthsary, nakalimutan niya ata. "Hello? What? Osige papunta na ako," he said, at nag U-turn, nakalimutan niya yata na nandito ako, hinayaan ko lang din siya at hindi na nagsalita. Daan 'to papunta sa hospital, hindi sa bahay namin or sa condo nila. "Oh sh*t. Ihahatid pa nga pal–" I cut him off. "It's fine, dalawin na lang natin si Shane," I smiled at him, hindi na siya nagsalita at nagpatuloy na sa pagmamaneho. Pagdating namin sa hospital ay dirediretso lang siya kaya sinundan ko na lang siya. Hanggang sa makarating kami sa kwarto kung nasaan si Shane– hindi ko alam kung papasok din ba ako pero hinila na ako ni Zydrix papasok. "Hijo, mabuti naman at nand-dito ka na," nautal ang babaeng mga nasa mid 40's nang makita na hindi nag-iisa si Zydrix. Sinenyasan naman ako ni Zydrix na maupo sa couch kaya umupo ako roon, mas pumayat pa si Shane kaysa noong huli ko siyang nakita, ang putla rin niya. "Shane follow your doctor, para naman 'yon sa ikabubuti mo e," maamong saad ni Zydrix at lumapit kay Shane na nakahiga sa hospital bed. "A-ayaw ko na," napayuko ito matapos magsalita. "Don't be like that, hmm? Gusto mo ba kaming iwan ha?" Ang sweet ni Zydrix. How I wish I was the one who is lying on that damn, hospital bed. Napaiwas na lang ako ng tingin "Ikaw nga 'tong unang nang-iwan sa ating dalawa 'di ba? You said that you'll be with me until death! Pero bakit nag-girlfriend ka, ha?" Napatingin ako kay Shane nang marinig ko ang sinabi niya. "Shane, 'wag naman ganito oh," hinawakan niya ang magkabilaang balikat ni Shane. "Zy, you promised!" Parang bata na umiiyak si Shane. "We were too young back then, I'm sorry. How many times do I have to apologize?" Parang nawawalan na ng pag-asa si Zydrix. Why the f*ck do he need to apologize? Wala naman siyang kasalanan, that was so childish! Hindi ko tuloy maiwasang mainis. "Why do you have to apologize?" Inis kong sabi, I had enough. "Ella, don't, please," napasabunot na nga ng buhok niya si Zydrix. "Hindi makabubuti sa lagay 'to ni Shane, kaya please lang tama na," sabi nung babae na nasa mid 40's, mama yata 'to ni Shane– I guess? Hindi pa nga ako nag-uumpisa, tama na agad? I smiled bitterly at them. Tumunog naman ang phone ko kaya napatingin ako roon– Oh damn! Oo nga pala mayroon nga pala kaming pupuntahan na gathering ngayon with my family! Bukod kay ate na nasa spain ngayon. Nakalimutan ko rin naman na so be it, I'll apologize na lang later. "Tara muna sa labas," saad ni Zydrix kaya agad din akong tumayo. Nagulat ako nang may narinig ako na nabasag, 'yong baso pala, nasagi ko. Ang tanga kainis! Pupulutin ko na sana nang magsalita si Zydrix ulit. "Ipapalinis ko na lang 'yan, let's go." He said, bakit kinakabahan ako bigla? "What was that?" Mahinahon na saad ni Zydrix. "What?" I asked "Bakit kailangan mo pang sagutin, you should have let her," fine, ako na mali. "I was wrong, I'm sorry," I lowered my pride. "I'll be gone for a while, we need to transfer her in US for her treatment. Ayon ang desisyon nila tita at tito nang malaman ang kalagayan niya. Nasa US sila at gusto rin makita kasi si Shane." Wala akong masabi, talo na ako. "Okay, take care," I said. "Naiintindihan mo naman 'di ba?" He asked, looking at me hopefully I smiled at him. "Yes" I do understand, pero traydor ang puso ko dahil patuloy pa rin na kumikirot. "Mamayang 1:00 AM ang flight namin, babawi ako sa'yo pagbalik ko," he said. Nag-ring nanaman ang phone ko, kaya sinagot ko na. "Hel–" "Thank God! You guys are safe! Where's mama and papa? Si Kuya– ikaw, ayos lang ba kayo?" Kumunot ang noo ko at tinignan ulit kung sino ang tumawag, international call pala 'to at si ate 'yon. "What do you mean ate? Hi–" hindi pa ako tapos magsalita ay namatay na ang call, pero nag ring din agad ulit ang phone ko kaya nag-excuse muna ako kay Zdrix pumasok naman muna siya sa loob kung nasaan si Shane. "E-Ella! finally you answered!" Pinsan ko 'yon, himala at napatawag bigla. "Why?" I asked. "Your mother…I– uhh, nandito kami ngayon sa h-hospital," kinabahan ako nung nauutal siya pero mas lalo akong kinabahan nang banggitin niya ang hospital. "Ano?! Saang hospital 'yan?" I asked, mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. "XXX hospital" Malapit lang 'yon sa hospital na 'to kaya naman pinatay ko na agad ang tawag at nagmadaling tumakbo palabas. Pumara ako ng taxi, pagdating sa tapat ng hospital ay basta ko na lang binigyan ang driver ng pera, alam kong sobra 'yon pero nagmamadali na talaga ako. Nang marating ko ang floor kung nasaan ang mga pinsan ko ay ang bigat bigla ng awra. Dahan-dahan akong humakbang papunta sa kanila na nakaupo sa bench sa gilid ng isang hospital room, why are they crying? Agad naman nila akong sinalubong nang mapansin ang presensya ko. "E-Ella…" Ayan lang ang nabanggit nila at humagulgol na sila sa pag-iyak, namumuo na rin ang luha ko dahil sa iyak nila. "B-bakit?" Nang medyo kumalma sila ay tinanong ko sila. Lima silang nandito, kapatid ni mama pati asawa niya at mga anak niya. "Y-your m-mom… and…" hindi na niya natapos ang sasabihin niya, itinuro niya ang isang silid. Nagmadali naman akong pumasok do'n, and there– I saw my mother on the hospital bed– lifeless. I froze at nag-unahan na sa pagtulo ang luha ko, my m-mother is d-dead! "Maaaaaaaaaaaaaa!" Yakap ko sa malamig niyang katawan, hindi makapaniwala. "Ma, please wake up. M-Mamaaaaaaaaaaaaaaaa!" I screamed, wala akong pake kung mapaos man ako. Napansin kong mayroon pa palang ibang katawan na nakatakip ng kumot sa loob ng silid na 'to. Nilapitan ko ang isa pang hospital bed, may takip na white na tela roon– dahan-dahan ko 'yong hinila pababa. Natutop ko ang bibig ko when I saw my father's face. I closed my eyes for a while bago dumilat ulit, hoping that this is just a nightmare, but no– it's f*cking real! "Paaaaaaaaaaaaaaaaaaaa! P-papaaaaaaaaaaa!" I cried again. I hugged his lifeless body– niyugyog ko pa. Hoping that he'll wake up but he didn't. "Noooooooooo! Hindi 'to totoo! Please tito," baling ko sa tito ko na kapapasok lang, he's crying too. "Mamaaaaa, Papaaaaaaaaaaaaa! W-wag naman po ganito oh," napaluhod na ako, pero agad akong inalalayan ni tito patayo, parang pinipiga at winawasak ang puso ko. Akala ko ro'n na natatapos ang masamang panaginip na 'yon pero hindi, ibinaba ni tito ang takip ng isa pang nakahiga sa kabilang hospital bed– revealing my brother's face. Literal akong napanganga at napahagulhol lalo ng iyak. Umugong sa buong palapag na ito ang pagtangis ko. Dahan-dahan akong lumapit sa walang buhay na katawan ni kuya, nanginginig ang buong katawan ko at ito na naman, parang sinasaksak na naman ang puso ko sa sakit na nararamdaman ko. I can't even breathe properly. "Kuyaaaaaaaaaaaaaaaaa-haaaaa!" Niyakap ko siya at niyugyog din ang katawan niya, hoping that he'll wake up. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko, inis, galit, at hustisya ang sinisigaw ng damdamin ko, pero tanging pag-iyak lang ang nagawa ko. Inikot ko ang paningin ko sa kanilang tatlo, hindi ko mapigilang mapahikbi– bakit umabot sa ganito? Amoy na amoy ko pa ang sariwa nilang dugo– kitang kita ko rin ang mga galos at tama ng bala baril sa kanilang katawan. "SINO ANG GUMAWA NITO?! MAGBABAYAD SILANG LAHAAAAAAAAAAAAT!" I screamed from the top of my lungs. "T-THEY DON'T DESERVE THIS KIND OF DEATH!" "AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH! NAPAKA DEMONYO NIYO! MGA HAYOP KAYO!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD