Chapter 2

1934 Words
“SA WAKAS TAPOS NA RIN ANG PRE-LIM!” Sigaw ni Ara nang makalabas na ang Prof namin, ngayon ang last day ng pre-lim namin, na tuyo utak ko ro’n ah. “Pwede ka na mag rank game magdamag mamaya.” Sabi ko kay Ara, kahapon pa kasi siya nagrereklamo na hindi pa siya nakakabawi. “Ella, tawag ka ni Sir Jaze sa office niya,” kunot noo kong tinignan ang kaklase ko, tsaka ko niligpit ang gamit ko sabay tango. “Samahan kita?” Tanong sa'kin ni Ara. “Huwag na, wait mo na lang ako sa cafeteria,” sagot ko sa kanya. Pagdating ko sa office ay nando'n din sina Jane, Erika, Cheska at Christine. Mga kaklase ko, si Ara lang ang hindi napatawag sa'ming mga babae, parang alam ko na kung ano sasabihin ni sir ah. “Pinatawag ko kayo dahil sa resulta ng pre-lim niyo sa subject ko, halos wala kayong sagot. Tignan ninyo ang answer sheets niyo,” binigay niya sa amin ang answer sheet namin, at parang gusto ko na lang lamunin ako ng semento, nakakahiya. Ngayon lang ako nakakuha ng ganitong score sa exam, 20/60? Kung sabagay, puro sa written lang ang nasagutan ko eh. Sa hands on ay wala akong nagawa ni-isa. “Lalo kana Jane, halos wala ka nang iniskor. Pre-lim pa lang naman, makakabawi pa kayo pero pinatawag ko na kayo ng maaga para aware kayo at mag-aral kayo nang mabuti. Practice lang nang practice sa pagcocode hanggang sa mabilis niyo na lang ma-execute bawat logic,” paliwanag ni sir. Nawalan tuloy ako ng gana kumain. Ganito pala ang pakiramdam kapag hindi mo gamay ang ginagawa mo, sa mid-term wala na kaming written exam sa programming puro hands on na. Mukhang kailangan ko talagang pag-tuunan ng pansin 'yon. “Uhm Ara, una ka na umuwi. May gagawin pa ako eh,” sabi ko kay Ara, wala kaming last subject dahil may emergency meeting ang mga Prof. “Samahan na kita,” alok niya. “Hindi na, sa lab lang naman ako eh,” sabi ko. “Lab? Wala pa naman tayong activity ah,” nalilitong sabi niya. “Wala kasi akong naisagot sa hands on, kailangan kong mag practice.” “Edi tutulungan na kita," ayaw ko na siyang abalahin kaya umiling ako. Hindi na rin naman siya nangulit pa dahil alam niyang pag desidido akong gawin mag-isa, ayaw ko talaga nang may kasama. Pumunta ako sa computer lab, buti na lang walang tao kaya nakahinga ako nang maluwag. Nilabas ko ang module ko at tsaka 'yong flash drive ko para makita ang mga sample activities namin. Tatlong oras na akong nakaupo rito pero iisang program pa lang ang natapos ko. Nakakainis, sinandal ko saglit ang ulo ko sa table at tumagilid pa kaliwa, napapikit nalang ako sa sobrang inis, kaso hindi ko pwedeng tulugan 'to kaya dinilat ko rin mata ko. “Anak ng tupa!” Napasigaw ako sa gulat pagdilat ko dahil nahagip ng paningin ko si Zydrix. Oo, Zydrix pala 'yon hindi Breeze or what, sinulyapan niya lang ako at nagpatuloy na sa ginagawa niya. “Pwede bang lumikha ka naman ng ingay na nandito ka pala? Aatakehin ako sa puso sa'yo eh.” Inis kong sabi sa kanya. “I've been here for almost 30 minutes, late naman ng gulat mo,” sarkastikong sabi niya, inirapan ko na lang siya dahil mauubusan lang ako ng energy pag kinausap ko pa siya. Pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko, hinahanap ko kung saan ba ako nagkamali. Oo, ganon nga rito sa programming ipapamukha talaga sa'yo na nagkakamali ka, bwiset! Gusto ko nang ihagis ang monitor na 'to sa gigil ko. “Curly bracket,” nagsalita na naman siya. Nandito pa pala 'tong kutong lupa na 'to. Sa sobrang focus ko sa ginagawa ko ay hindi ko na napapansin paligid ko. “Panong curly bracket?” Tanong ko. “Mali-mali placing mo ng curly bracket, kulang din ang parenthesis mo tapos 'yong colon symbol ano 'yan? Bakit nandyan?” Inusog niya ang upuan niya sa tabi ko, do'n siya nakapwesto sa pinwestuhan ko dati, d'yan talaga ata siya lagi, kaya naman hindi na rin ako pumwesto ro’n. “Kapag magcocode ka at maglalagay ng curly bracket, 'wag pa isa-isa. Kapag may open– close mo na agad. Tapos enter, tsaka ka ngayon sa loob maglagay kung ano man ilalagay mo na code. Don't forget to put a comment in every step that you're doing using two backslash, bakit hindi ka object oriented mag code? Ang gulo ng code mo at nakakahilo. Use some method, tss." Mahabang paliwanag niya na pinakinggan ko rin naman, hinayaan ko siya na magpindot sa keyboard ko. “Aba, malay ko ba! Hindi ko naman alam na may gano’n pala." Sagot ko na lang at medyo lumayo dahil masyado siyang malapit. Naamoy ko pa ang manly scent niya– ano kayang pabango ang gamit niya? Ang bango e. “Anong year ka ba?” He asked. “1st year,” sagot ko naman. “Ah, kaya.” Maikling sagot niya. Ikaw ba?” Tanong ko naman, para hindi awkward. “2nd, Oh, ayan na. Ok na, now try to make a new one." Sabi niya at bumalik na sa pwesto niya. Tinry ko muna i-run 'yong inayos niya, gumana naman. Wala rin s'yang binago gaano, nagbawas at nag dagdag lang. Sinaved ko muna 'yon bago inumpisahang gumawa ulit ng panibago. Naka ilang run na naman ako, puro error, amporky talaga! Bakit gano'n?! Hindi ko ma-debug, bwiset! Tumingin ulit ako sa sample mula sa module ko at tinignan ko pa ulit ang flow chart no'n para maisip ko nang maayos itong ginagawa ko pero hindi ko talaga magawa. “Data type,” nagsalita na naman si Zydrix, bakit ba ang hilig niya nang walang warning kung magsalita? Tsk. “Data type?” Pag-ulit ko, bumuntong hininga muna siya at tsaka tumayo sa bandang likuran ko, nilagay niya ang kaliwang kamay niya sa mesa bilang suporta at 'yong kanang kamay naman niya ay nilagay niya sa mouse, buti na lang kanina ko pa binitawan ang mouse. “Double dapat 'to, bakit ginawa mong int? Tsaka, instead of string, dapat character 'to. Tapos wala kang readline, tss.” Paliwanag niya sabay tinuturo niya sa mouse ang mga mali ko. “Sorry naman! Baka kasi beginner e 'no?” Sarkastikong sabi ko. “Lame. Ano? Puro ganda lang meron ka? Tanginang 'yan.” Parang nabingi ako bigla sa sinabi niya, wow– just wow? Ano ba ang alam niya? F*ck his stupid mouth! Sa sobrang inis ko sa sinabi niya ay umalis na lang ako bigla. Ni-hindi ko na nga nabunot ang flashdrive ko, pero bahala na! Bwiset siya sobra! Madilim na paglabas ko ng gate, 7:00 pm na pala. Hindi ko namalayan ang oras, marami rin naman akong kasabayan lumabas dahil labasan ngayon ng mga 7:30 pm ang uwian. Amporky, mahaba pala pila ngayon sa sakayan ng jeep dahil uwian, bakit ba kasi hindi ko namalayan ang oras? Ang b*bo kainis. “Oy, punta kayo mamaya ha!” Sigaw bigla ni Cheska, 18th birthday niya pala ngayon. “Oo naman, basta may shanghai ha. Tapos alak na rin, hahaha!” Bawi naman ni Ara, ito talaga napaka hilig sa shanghai. Umuwi muna ako at tsaka nagbihis, wala namang dress code 'yong party niya kaya nagsuot na lang ako ng white floral off-shoulder above the knee dress at platform pumps sandals na white rin. 8:00 pm start ng debut party niya, buti na lang at hanggang 4:30 pm lang and schedule namin ngayon, may enough time para makapaghanda. Isa pa naman ako sa 18th gifts! Chineck ko muna 'yong paper bag na pinaglagyan ko ng regalo baka mamaya hindi ko pala dala. White quilted sling bag na Chanel lang dala ko kaya nilagay ko sa paper bag ang regalo ko for Cheska. 7:50 pm nang makarating kami sa venue, pero marami ng tao, babaeng 'to! Marami pa lang bisita, buti na lang naka-awra ako ngayon! “Hindi ba si Drix 'yon? Invited din?! Wow, lakas naman ni Cheska!” Chika ni Jane, nasa iisang table lang kasi kami. “Kunin mo na flashdrive mo.” Bulong ni Ara sa akin, sabay tawa. Naikwento ko kasi sa kanya ang nangyari last time, sinamaan ko tuloy siya ng tingin. “Amporky ka ha, hindi naman sigurado na nasa kanya. Malay mo wala talaga 'yang malasakit at iba nakakuha ng flashfrive ko, edi napahiya pa ako." Bulong ko pabalik. “Kuya ata ni Cheska ang nag invite, magtropa 'yon eh." Paliwanag ng isang kaklase namin na lalaki. Tinuon ko na lang ang pansin ko sa harapan nang mag umpisa na ang party. Grabe ang ganda ni Cheska ngayon, bidang- bida ah! Red na may glitters ang gown niya– para siyang prinsesa. Drix’s P.O.V “At ngayon, dumako naman tayo sa 18th gifts!” The emcee announced. I hope this party will end soon, I just wanna go home. “Pre, 'diba ayon 'yong babaeng kasama mo last time sa computer lab?” Siko sa'kin ni Aeron. “Computer lab?” I asked in confusion. “Oo, gago! Kala mo hindi ko nakita ah! Tatawagin sana kita kaso busy kayong dalawa kaya umalis nalang ako! Pasimple ka pang hayop ka." Napalingon ako sa tinuro niya, at oo 'yon nga 'yong babaeng nakasama ko sa computer lab, badtrip. Nasa akin pa ang flash drive niya, umalis na lang kasi bigla. I think I went overboard last time, that was not intentional. “Beatrix Bella De Leon,” tumayo siya bigla sa upuan niya bitbit ang paper bag at pumunta sa harapan, so that's her name? “T*ngina ayan 'yong crush ko na sinasabi ko inyo!” Caden said, one of my friend. Crush my ass! Ano siya bata? Napatingin ulit ako sa harapan, she has a white skin tone, sakto lang tangos ng ilong, fine body, hanggang dibdib ang haba ng buhok, russet brown eyes, at sakto lang din ang height. She looked like a walking Barbie doll. “Ulol mo, naunahan kana ni Drix!” Sabay halakhak ni Aeron. Parang g*go. “Kilala mo 'yan Drix!?” Caden asked. “No,” tanggi ko, hindi naman talaga. “Ah, kaya pala magkasama kayo sa lab?” Nakakalokong ngiti ni Aeron. “Awit, broken na agad si Caden!” Kantyaw ni Chase, g*go amp. “Taksil ka talaga Drix! Saang department siya?” Caden asked. “Crush mo tapos hindi mo alam course?” Ang hina. “Malay ko ba! Dalawang beses ko pa lang siya nakikita e, tapos sa labas pa!” Reklamo niya, parang bata. “BSIS, CSIT Department.” Sagot ko. “T*ngina, sa Tourism Department ko hinahanap tapos ka department lang pala natin?!" Kung hindi ko lang alam na BSIS 'yon, aakalain ko rin na tourism e. “Sige, ilakas mo pa. Gusto mo ng mic?” Sarkastikong sabi ni Aeron, napailing nalang ako. “OH MY GOSH 'YONG BATA!” Napalingon kami dahil may sumigaw, tapos bigla na lang may tumalon sa swimming pool. Si Beatrix. Basang basa siyang umahon galing sa pool kasama ang bata, the kid fell? At sa dinadami-dami ng lalaking malapit naman sa swimming pool, wala ni-isa ang naglakas ng loob na tumalon para saginipin ang bata. She's wearing an off-shoulder above the knee white floral dress, too much skin exposure tapos nabasa pa, tss. Napailing na lang ako at hinubad ang blazer ko, lumapit ako sa kanya at ibinalot sa balikat niya. Buti na lang isa ako sa 18th roses, may pakinabang ang suot ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD