Chapter 3

2622 Words
Ella’s POV “Awit! Aminin mo na kasi na kinilig ka!” Pangungulit sa'kin ni Ara, nandito kami ngayon sa kwarto ni Cheska dahil nakaligo ako nang wala sa oras. Nakakahiya, sa halip na asikasuhin niya ang ibang bisita niya, umaabala pa ako. Nag panic ako nang makita ko ang pagkahulog ng bata sa pool kaya naman tumalon din ako agad. “Ano'ng nakakakilig do'n?” Iling ko at ipinagpatuloy ang pag papatuyo ng buhok ko. Pinahiram ako ng shorts na maong ni Cheska tapos white oversized shirt kaya naman naka tuck-in sa shorts 'yong damit pero hindi full, sa bandang kanan ko lang ni-tuck in. Napatingin na naman ako sa blazer ni Zydrix, iniisip ko kung isasauli ko na ba 'yon o iuuwi muna para malabhan, hays. “Nakakakilig kaya! Ako nga kinilig eh!” Sabi niya, luh? Parang tanga. “Alam mo– bumaba ka na lang do'n. Alak na alak ka 'di ba?" Taboy ko sa kanya, lumabas saglit si Cheska kaya kaming dalawa na lang ang naiwan dito sa kwarto ni Cheska. “Sure ka na ayos ka lang dito?” Paninigurado niya. “Oo, t*nga. Do'n ka na nga!” Taboy ko ulit sa kanya, natawa na lang siya at umalis. “Ella, tara ro'n sa baba! Aba, mag enjoy ka naman kahit papano kung hindi ay magtatampo talaga ako.” Cheska said while pouting. “G*ga, maraming tao. Tapos naka ganito lang ako,” sabi ko naman. “Hindi ah! Close friends lang namin ni kuya ang nasa baba. Nasa swimming pool area halos ang ibang mga bisita. Nasa baba rin ang mga kaklase natin, tara na!” Pangungulit niya, napabuntong hininga na lang ako at tumango. “Susunod ako, promise,” sabi ko at pinauna na siyang bumaba, I tied my hair into ponytail at nag-iwan ako ng konting hibla ng buhok ko sa bawat gilid ng aking mukha. Mayaman pala 'tong si Cheska, hindi ako updated– lumabas na ako sa kwarto niya at naglakad pababa ng hagdan. Nasa kalahati pa lang ako ay rinig na rinig ko na ang ingay ng mga kaklase ko, napailing na lang ako. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig nang mahagip ng paningin ko si Zydrix, nando'n din ang kuya ni Cheska– oo nga pala, nabanggit kanina na tropa pala ng kuya niya sa Zydrix. “Ella! Tara rito!” Sigaw ni Ara. Itong babaeng 'to ang ingay ng bunganga! Napalingon din tuloy 'yong ibang nando'n sa gawi ko, nakakahiya! Lumapit ako sa pwesto nila. “Ano? Kumusta swimming?” Tanong ni Sean, sabay tawa naman ng iba naming mga kaklase. Sinamaan ko siya ng tingin, may gana pang magbiro? “Ayos naman, nakaka refresh. Gusto mo ikaw rin?” Plastik kong ngiti sa kanya na ikinatawa niya. “Oh, shot ka na nga lang! Init ng ulo, kala ko ba refreshed ka na?” Tawa ni Ara, inirapan ko s'ya, gatong pa ang g*ga. Nagpaalam ako na magpapahangin sa labas, kung minamalas nga naman talaga– kailangan kong daanan ang pwesto nila Zydrix, pero bahala na. “Ella, tara rito,” tawag sa'kin ni Cheska, kausap niya kuya niya. Tipsy na ang g*ga, napa-buntong hininga ako bago lumapit sa kanila. Nagtinginan din ang ibang barkada ni Zydrix, nakakailang. Agad akong inakbayan ni Cheska nang makalapit ako, muntik pa s'yang matapilok. “This is my Brother, si kuya Chase,” pagpapakilala n'ya sa kuya n'ya, anong trip ng babaeng 'to? “Kuya, this is Bella Beatrix– uhmm… Ella for short!” Nilahad ng kuya n'ya ang kamay n'ya at nginitian ako, kaya naman ay kinamayan ko s'ya at ilang na ngumiti rin. “Ang daya ah, dami natin dito oh! Bakit si Chase lang ang pinapakilala mo?” Reklamo ng isa sa mga lalaki na nando'n. “Hindi n'yo naman sinabi kaagad na gusto n'yo rin pala! Hmp,” parang bata na reklamo ni Cheska. “Uhmm…Ella, si kuya Caden nga pala,” sabay turo n'ya sa lalaki na katabi ni Zydrix. “Tapos ito si kuya Aeron,” turo n'ya roon sa lalaki na nasa gawing kanan ni Zydrix. “And this is kuya Drix, 'yong nagpahiram sa'yo ng blazer kanina,” sabay ngiti niya ng nakakaloko, don't tell me pati s'ya kinilig? “Uhm. . . Hi, kuyas?” Hindi siguradong saad ko, na ikinatawa nila. Anong nakakatawa? “Awit, brotherzone agad! Hahahaha!" sabi ng kuya ni Cheska. “LUL!” sabi nung isa sa kanila, Caden ata ang pangalan? Nagpaalam din ako agad sa kanila at tsaka tuluyan nang lumabas. Sa bandang garden area ako pumwesto at tsaka umupo sa bermuda grass, nakakarelax! Malalim na ang gabi, tumingin ako sa phone ko para malaman ang oras, 11:00 PM na? Bilis naman. Buti na lang nagpaalam ako sa bahay na baka madaling araw na ako makauwi, wala rin naman ang parents ko kaya ayos lang. May narinig akong kaluskos kaya napatingin ako sa gawing kanan ko, kumunot ang noo ko nang makita ko si Zydrix– umupo rin s'ya sa bermuda grass. Mga 2 meters ang pagitan namin. Ang awkward na tuloy– amporky! “Iuuwi ko muna ang blazer mo para malabhan, tsaka ko na isasauli sa'yo,” umpisa ko, kasi ang awkward, bakit kasi nandito rin s'ya? Tumango lang s'ya bilang sagot. Hindi n'ya ba alam na pinag-isipan ko nang mabuti 'yong sinabi ko tapos tango lang igaganti n'ya? Sayang laway ko ro'n ah! Hindi na lang ako nagsalita ulit, manigas s'ya, psh. “Here,” ayan, bigla-bigla nanaman s'yang nagsasalita. Amporky ng lalaking 'to ha, tinignan ko s'ya then 'yong kamay n'ya dahil may iniabot s'ya. “Kunin mo, bilis. Nakakangawit.” Inip na inip agad? Napairap na lang ako tapos kinuha sa kamay n'ya ang flash drive ko. Oo, flash drive ko, kinuha n'ya pala talaga– may malasakit naman kahit papano, may mga mahahalaga akong files dito 'no! Buti naisipan n'yang ibalik. Aba, 64GB din 'to! “Thank you.” Pasasalamat ko, baka maging sarcastic na naman s'ya bigla eh, psh. Natahimik kami ulit, bakit ba hindi na lang s'ya umalis? Nabigay na n'ya 'di ba? Ano pang hinihintay n'ya? “Sorry,” bigla niyang sabi na ikinagulat ko, sorry saan? Kunot noo ko s'yang tinignan. “About last time… do'n sa Com lab,” ahhh 'yon pala, naiinis na naman tuloy ako, psh. Pinaalala pa! Hindi ko s'ya sinagot, bahala s'ya riyan. "Look, that was not intentional, and I really am sorry," tumingin s'ya sa gawi ko, nailang tuloy ako. "Okay," ayan lang naisagot ko, napa-okay ako agad kasi nakakailang! "Not convincing," maikling sabi n'ya. "Amporky naman," bulong ko. "Gusto mo ng pork? Kumain ka sa loob if you're hungry," amporky! Pork pa nga, gusto ko matawa kaso pinipigilan ko na lang. "Wala akong sinabi na pork," bingi naman. "Kung galit ka pa rin, I can teach you in return," napalingon tuloy ako sa kanya ulit, tinatant’ya kung nagsasabi ba s'ya ng totoo. "Do I look like a liar? Library, every end of class," sabi n'ya at tumayo, ano 'yon? Hindi pa nga ako umu-oo eh! "Wait," pigil ko sa kanya. "I don't even know your schedule, paano ko malalaman kung kailan ako pupunta sa library after class?" Tanong ko sa kanya, hindi ko nga alam ang section n'ya eh! "What's your name on f*******:?" Tanong n'ya. "Beatrix Bella," tumango s'ya at kinalikot Phone n'ya, Nag vibrate naman Phone ko kaya napatingin ako. Zydrix Salvador sent you a friend request. Lumabas sa notification ko, wala pala s’yang second name? "Send your sched, later." Saad n’ya bago maglaho sa paningin ko. "Sana all may session 'di ba?" kant'yaw ni Ara, nakisama na rin sina Cheska, Christine, Jane at Erika, mga tsismosa. "Amporky kayo ha, ang iissue n'yo!" Inirapan ko sila ng pabiro. "Baka naman pwede kaming sumali riyan, ehem!" Parinig ni Erika. "Hindi n'yo naman sinasabi na gusto n'yo rin, edi sana ipinagpaalam ko na gusto n'yo rin," "Biro lang 'to naman! Kahit Crush ko 'yon ayaw ko sumama sa tutor session n'yo! Nakakahiya, ang bobo ko pa naman sa programming! Baka matutunan ko lang s’yang mahalin." Natawa tuloy kami sa sinabi n'ya, psh. Erika talaga. kahit kailan– napaka. Nagpaalam na ako sa kanila, si Ara may pasok sa trabaho kaya nauna na rin, working student kasi s'ya. Pagdating ko sa library ay nando'n na si Zydrix, konti lang ang tao at mabuti 'yon kasi baka maissue pa kami, nilista ko muna ang pangalan ko sa log book bago pumunta sa pwesto n'ya. Naka focus s'ya sa screen ng laptop n'ya kaya kumunot ang noo n'ya nang maramdaman n'ya na may tumabi sa kanya, agad rin naman nawala iyon nang mapagtanto na ako ang tumabi sa kanya. Tahimik kong nilapag ang laptop ko sa mesa, dahil bawal maingay. Sinet-up ko ang laptop ko at nilabas ang libro ko na binili ko sa National Book Store dati, hindi ko alam pano ko s'ya kakausapin kaya nanahimik nalang ako. May naka installed na, na Visual Studio 2012 dito sa laptop kaya ready na ako mag code. Tumigil s'ya sa ginagawa n'ya at nagligpit ng gamit n'ya, anong trip nito? Nalilito ko tuloy s'yang tinitignan. "Change location, do'n tayo sa bahay ng kaibigan ko," wala naman akong choice kundi ang sumunod sa kanya, kaya niligpit ko nalang din ulit laptop ko. Nagdala ako ng bag ng laptop kaya dalawang bag tuloy ang bitbit ko. Nauna na s'yang lumabas dahil may tumawag sa kanya. Pagkatapos ko mag out sa log book ay dumiretso na ako sa gawi ni Zydrix, binilisan ko dahil nakakahiya naman naghihintay s'ya. "Tara," sabi ko at nauna nang maglakad, bigla naman n'yang hinablot sa'kin ang bag ko na isa, kung saan nakalagay ang laptop ko, kaya napatingin ako sa kanya. "Ako na, hirap na hirap ka e," hinayaan ko na lang din na dalhin niya, bigat kaya! Pagdating namin sa bahay ng kaibigan n'ya ay sobrang gulo at ingay, pero natahimik nang dumating kami, nagpalipat-lipat ang tingin nila sa akin at kay Zydrix. "Taksil ka talaga, Drix! Buti wala si Caden," natatawang sabi ng kaibigan n'ya, pinaupo nila ako at tsaka may pinag-usapan muna sila. Nandito kami sa living area, hindi gano’n kalaki ang bahay ngunit hindi rin naman maliit, sakto lang. Nilabas ko na ang laptop ko at tsaka nagbasa-basa na rin. "May activity ba na pinapatapos sa inyo?" Tanong ni Zydrix at umupo sa gawing kaliwa ko, hindi gano'n kalayo, hindi rin gano'n kalapit. "Wala naman," sagot ko, tumango lang s'ya at may binigay sa'kin na piraso ng papel. "Ayan ang gawin mo, madali lang 'yan sa console app." Kinuha ko at binasa 'yon, sana magawa ko. Nakipagtitigan na lang ako sa screen ng laptop ko, walang error pero hindi tama ang output! Bwiset naman, parang mas ayos pa na may error akong makita kaysa ganito, sa inis ko ay binura ko lahat ng code ko at inulit ulit, bahala na. "Don't do that," pigil n'ya, tinigil n'ya muna ang ginagawa n'ya at tsaka humarap sa'kin. "Learn to review and debug your program, pag nasa industry ka na hindi pwede 'yong ganyan. Paano kapag limited lang ang time mo? Edi nagpanic ka na?" Paliwanag n'ya. "Matuto ka rin ng shortcuts– ctrl A, ctrl C, ctrl V, ctrl Z and so on. Matuto kang mag copy paste ng code dahil pag 2nd year ka na, paulit-ulit lang 'yang code hanggang sa tatamarin ka na. Not because hindi mo alam kundi– nakakatamad na gawin dahil paulit-ulit na lang." Dagdag n'ya. May pinaliwanag pa s'ya tapos bumalik na sa ginagawa n'ya. "Oh hapunan muna!" Sigaw ni Kuya Aeron mula sa dining area. "Mamaya na 'yan, kain muna tayo," napatingin tuloy ako sa relo ko, 9:00 PM na pala. Niligpit ko muna ang gamit ko bago sumunod sa dining area, ang bango ng ulam! 10:00 pm nang matapos kaming kumain, tutulong sana ako sa pagligpit kaso sila na raw, kaya bumalik nalang ako sa living area. "I can lend you my few modules, hindi kasi updated version 'yang module mo. Mahihirapan ka n'yan," alok ni Zydrix. "Hindi mo ba ginagamit?" I asked. "Hindi ko naman binabasa ng sabay-sabay, kaya pwede kita pahiramin," paliwanag n'ya habang inaayos gamit n'ya. "WASSUP MGA TSOOOONG!" Nagulat ako nang may biglang sumigaw. "AY PUTAAA!" Sigaw n'ya ulit nang makita ako, kala mo ay gulat na gulat talaga, sa pagkakaalam ko Caden pangalan nito eh. Kararating lang n'ya. "Hi, Ella!" Bati n'ya, woah? "Uhm Hello, kuya– Caden? Tama po ba?" Paninigurado ko, tumawa naman ang mga kaibigan n'ya, bukod kay Zydrix na umiling lang, mali ba ang sinabi ko? "Caden na lang! Ito naman, hindi nagkakalayo edad natin!" Masiglang sabi n'ya at inismiran ang mga kaibigan n'ya. "Okay, Caden?" "Ayan! Ganyan nga!" Sabi n'ya sabay tawa. "Let's go, Ella," para akong nabingi nang banggitin ni Zydrix ang pangalan ko– ito kasi ang unang beses na binanggit n'ya ang pangalan ko. "Hoy, ano'ng let's go?! Kararating ko lang ah! Kung gusto mo umuwi, mauna ka na. Bakit mo inaaya si Ella?" Reklamo ni Caden. "Baka kasi kasama ko s'ya?" Zydrix smirked, anong trip nito? "Ah, kasa– KASAMA? ANO?! MAGKASAMA KAYO?" Gulat na sabi ni Caden– may nakakagulat ba ro'n? "Alangan naman kasama n'ya si Aeron o kaya si Chase?" Sarkastikong sagot ni Zydrix, napatahimik tuloy si Caden. "Taga sa'n ka ba Ella?" Tanong ni Caden. "XXX Subdivision," sagot ko. "Oh, doon din ang way ko eh! Hoy, ikaw Drix salungat ka sa'min ah. Ella sa'kin ka na sabay!" masiglang alok ni Caden. "Aalis kana agad? Kararating mo lang ah," natatawang sabi ni Aeron, wala ng kuya kasi ayaw nila. Pinandilatan ni Caden si Aeron. "Oo nga naman Caden, baka gusto mo magtagal muna," nakakalokong ngiti ni Chase. "Ulol kayo! Mga taksil!" Parang tinraydor ng mundo si Caden sa sobrang sama ng tingin n'ya sa mga kaibigan n'ya. Sinenyasan ako ni Zydrix na kunin na ang mga gamit ko, kakadampot ko lang ng dalawang bag ko nang hilahin n'ya ako bigla. Nilagay n'ya ang kamay n'ya sa balikat ko kaya napasunod tuloy ako sa paglalakad n'ya. "HOY TAKSIL, BUMALIK KA RITO!"Sigaw ni Caden pero hindi s'ya pinansin ni Zydrix. "Oh, ba't tulala ka?" tanong ni Zydrix. Iyong akbay mo kasi, nakakatulala. "Uh– huh? Sinong tulala? Hindi ah!" Tanggi ko syempre, alangan naman umamin ako 'di ba? Malapit na kami sa sasakyan n'ya nang huminto s'ya tapos hinarap n'ya ako sa kanya, napitangala tuloy ako sa kanya, tangkad e. "You okay?" Kunot noo n'yang tanong, natapat ang mukha n'ya sa liwanag ng ilaw, ngayon ko lang s'ya natitigan. Ang ganda pala ng mga mata n’ya? Mahaba rin ang pilik mata n'ya, matangos ang ilong, at makapal ang kilay gr– napaatras ako nang ilapit n'ya ang mukha n'ya sa'kin. Nag bend s'ya ng konti para pumantay s'ya sa'kin. Ang pogi, hayeop! "Checking my face?" He smirked. Oo! At istorbo ka, hindi pa ako tapos e, epal 'to. "Amporky ka? Sa mga stars ako nakatingin! Assuming!" Lumingon ako pa-kanan, kasi ang lapit ng mukha n'ya sa mukha ko, konting galaw na lang mahahalikan ko na s'ya, nag-umpisa na rin akong maglakad ulit papunta sa sasakyan n'ya. "Sure ka?" He asked. "Wala kasi akong nakikitang stars e," napahinto tuloy ako at tumingala sa langit. AMPORKY! OO NGA, BAKIT WALANG STARS?! WALA TALAGA? Tumingin ako sa kanya, tumingala ulit s'ya sa langit at tsaka tumingin bigla sa'kin, he chuckled. "Ngayon mo sabihin na sa stars ka nakatingin?" nakakalokong ngiti n'ya. "KANINA KASI MERON MADAMI, OKAY?! Naglaho lang no'ng tumingin ka na!" Inis kong sigaw at tuluyan nang pumasok sa kotse n'ya. Rinig ko pang tumawa s'ya ulit bago ko isinara ang pinto. Pamahak na stars! Bakit wala sila?! Amporky, buking tuloy ako– badtrip!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD