Chapter 1

1730 Words
Madaling sabihin na, “Kung kaya ng iba ay kaya ko rin,” pero mahirap patunayan. I've been living as my Sister's shadow. She's beautiful, talented, at higit sa lahat matalino. Ako? Simpleng tao lang, ayan lang ang masasabi ko sa sarili ko, tapos hindi pa ako sigurado sa hakbang na tinatahak ko. “Awit, sigurado ka talaga na mag bi-BSIS ka? (Bachelor of Science in Information Systems)” Tanong ng kaibigan kong si Ara. “Oo, bakit? Ayaw mo ba ako kasama?” Nanghahamon na tanong ko sa kanya. “Hindi naman sa ganon, tangina sino ba namang hindi magugulat? Eh STEM ka no'ng SHS tayo tapos ngayong college ay bigla ka na lang liliko ng landas. Sana ayos ka lang!” Sabi niya sabay tawa, ewan ko ba anong pumasok sa utak ko at sinundan ko itong bestfriend ko mag IS. “Ayos lang naman talaga ako, sana ikaw rin.” Sabi ko na lang sa kanya. Bakit? Pwede rin naman na mag BSIS kahit STEM ako noong SHS ah, mas ayos nga ‘yon e. “Gaga ka talaga, ano say ng parents mo?” Usisa niya pa. “Syempre... nagalit, pero ayos lang naman,” sagot ko. “Sino ba namang hindi magagalit? Yung kuya mo Engineering tapos 'yong ate mo BSENT tapos ikaw maliligaw sa IS?” Inirapan ko na lang siya bilang sagot, hindi ko na kasi alam ang sasabihin ko eh. Nandito kami ngayon sa National Book Store kasi mamimili na kami ng gamit, pasukan na kasi next week. Bumili na rin ako ng libro na pwedeng basahin about Programming and basic info about computers, kasi wala talaga akong background about computer— buti pa si Ara may alam kahit papano, sana all 'di ba?! Orientation namin at nandito kami ngayon sa theatre ng school, yes may sarili po kaming theatre sa loob ng campus, buti na lang hindi sa gym ginanap at by course ang orientation syempre. Hindi lang naman daw puro programming ang gagawin namin dahil business related din daw itong kurso na kinuha ko. Bago sa akin ang programming kaya naman medyo nacha-challenge talaga ako and hopefully huwag naman sana akong magsisi. Natapos ang araw ko na panay orientation lang ang ganap, hindi pa mabigat ang mga subjects namin ngayong first semester kaya chill lang siguro rin ako nito. “Oy, Ella! Ate mo oh,” siko sa'kin ni Ara nang makita niya ang ate ko na nakapila, nandito kami ngayon sa cafeteria, sinenyasan ko naman siya na hinaan ang boses niya. Same school lang kami ng ate at kuya ko, 4th year college si kuya Brix habang si ate Desh naman ay 2nd Year college. Ayoko malaman ng iba na kapatid ko sila. Baka mag expect sila sa akin, tapos hindi ko naman kayang abutin expectations nila edi nabash pa ako 'di ba?! “Epal ka, shh nga!” Sabay irap ko sa kanya, umorder lang ako ng carbonara dahil hindi naman ako gutom. “Bakit nga pala ayaw mo malaman ng iba na kapatid mo mga 'yon?” Pag-uumpisa ni Ara, habang kinakain ang ice cream niya. “Ayaw ko lang,” maiksing sagot ko. “Alam mo, para kang tanga. Bakit? Dahil ba nag BSIS ka? Parang mababa ba tingin mo ganon? Ayos din naman ang IS ah! In demand pa, alam mo naman ngayon high-tech na. Pag naging ganap na programmer ka, gago tiba-tiba ka na sa pera no'n!” Mahabang paliwanag niya. “Kaya ba nag BSIS ka dahil d'yan sa sinabi mo?” Tanong ko sa kanya, curious lang. “Isang malaking…OO! Hindi naman kami mayaman, kaya gusto ko 'yong trabaho na malaki talaga ang sahod tapos hindi gano’n ka mahal na kurso at hindi rin gano’n katagal tapusin. Maging wais din kasi minsan ha?" Paliwanag niya. “Pst, Ella,” tawag sa'kin ni Ara, nandito kami ngayon sa computer lab kasi major subject namin ngayon. “Oh?” lingon ko sa kanya. “Sa tingin mo, may makakasundo kaya tayo rito?” Tanong niya. “Ewan?” Kasi hindi ko talaga alam, 30 kaming lahat sa isang section. Tapos anim lang kaming babae, the rest ay lalaki na. Nakakakaba tuloy, sana mabait ang Prof namin dito. Napatahimik naman kaming dalawa dahil dumating na ang Prof namin, naka civilian pa kami ngayon kasi isang buwan ang palugit sa'min na pwede mag civilian. After one month ay kailangan na namin mag Uniform. “So kamusta kayo? kabado ba? Huwag kayong mag-alala hindi naman ako nambabagsak, pero drop oo. Basta makinig lang kayo, paiiyakin ko kayo– not now but soon,” makahulugan na sabi ng Prof namin, tapos nag-umpisa na siyang mag-discuss tungkol sa magiging takbo ng discussion namin mula Pre-lim hanggang Finals, C# na programming language raw ang pag-aaralan namin hanggang sa mag Capstone project na raw kami pagdating ng third year, amporkchop ha– paliwanag pa lang ang ginagawa niya pero sumasakit na ang ulo ko sa mga pinagsasabi niya! Lunch time at nandito kami ngayon ni Ara sa Mcdo kasama ang iba naming mga kaklase, sumabay kami sa kanila kasi para naman kahit paaano ay may bonding na, na magaganap. Tutal kami-kami rin naman magkakasama hanggang 4th year college. McFloat at 1 piece chicken with rice inorder ko, magkakanin ako dahil nagutom ako sa mga pinagsasabi ni sir! “Uy si Zydrix oh!” Pabulong na sigaw ng isa naming kaklase na babae, sabay turo ron sa kalalakihang umupo sa 'di kalayuan sa table namin. “Awit, lodi ko 'yan pagdating sa programming!” Wika ng isa naman naming kaklase, hindi ko maintindihan ang usapan nila, gusto ko magtanong pero nahihiya ako. “Anong meron? Tsaka alin d'yan 'yong Zydrix?” Buti na lang naitanong ni Ara. “Ah, 'yong nakaupo sa bandang dulo ng upuan. ‘Yong naka puti tapos may printed na Programming is my wife. BSCS 'yan,” paliwanag ng isa kong kaklase na lalaki, kaya napatingin din ako. Matangkad siya, maputi, naka-undercut, at malakas din ang dating. “Ano ba ang pinagkaiba ng BSCS at BSIS?” Tanong ko kay Ara, kasi may background siya kahit papaano. “Ang BSCS kasi, halos nagcocode lang sila maghapon. Mala engineers ang mindset nila, they are trained to develop new and effective algorithms for solving computer problems, madami silang math and science subjects. They are train to make their own algorithm, grabe ang critical thinking nila! Kaya kapag coding is life ka, mag CS ka na. Sa atin naman na BSIS, we are train to help an organization to determine how Information and Technology enabled business process can be used as strategic tool to achieve a competitive advantage. So, we must know the flow of business operation, kaya magkakaroon tayo ng business related na subjects kasi dapat alam natin kung ano ang irerecommend sa client natin. Tapos may pagkakaiba pa rin tayo sa BSIT, mukha lang na parang iisa pero hindi,” mahabang paliwanag ni Ara, amporky naman– ano ba 'tong pinasok ko!? “Talino kasi niyan ni Zydrix kaya pang CS talaga, tapos pogi pa. Sana lahat!” Sabi ulit ng kaklase ko na babae, 'di halatang crush niya e ‘no? Napatingin tuloy ulit ako sa lalaking 'yon. Ang bilis ng panahon, mag pipre-lim na pala! Kailangan ko pa matapos lahat ng activities na pinapagawa sa major namin, kainis! Hindi pa ako maalam mag code, buti pa si Ara petiks petiks lang! “Hoy, Ella! ano? Walang balak umuwi?” Sita sa akin ni Ara, hindi pa kasi ako tapos sa ginawa ko na program. “Wait mo na lang ako sa library, ML ka muna ro’n,” sagot ko sa kanya, at agad naman siyang pumayag– syempre ML is life siya eh. Nag offer siya na tulungan ako kaso ayaw ko naman na maabala pa siya kaya umayaw ako. Mahigit isang oras na akong nakikipag-titigan dito sa punyetang monitor na 'to! Nakakainis, error pa rin! Ano ba ang mali ko!? Nakakaasar ha! Chineck ko ulit 'yong code ko mula sa umpisa hanggang sa dulo, tapos ni-run ko ulit…pero may ERROR pa rin. Nauubusan na ako ng pasensya! “Semi colon,” muntik nang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko nang may narinig akong nagsalita kaya napatingin ako sa likuran ko. Iyong lalaking sinasabi ng mga kaklase ko noon! Wait, ano ulit pangalan nito? Breeze? Amporky, hindi ko maalala. “Are you talking to me?” Paninigurado ko. “No, ghost. Tsk,” aba't barumbado kausap ah! “Malay ko ba, mamaya kinakausap mo pala sarili mo,” tinignan ko siya ng masama, kaming dalawa lang naman kasi ang nandito sa computer lab ngayon, uwian na kasi. “Tsaka anong semicolon?” Kunot noo kong tanong sa kanya. “Yung kulang mo, semicolon,” sabay turo niya sa dulo, bandang may parenthesis, kaya nilagyan ko agad ng semicolon. Sabi nila matalino raw 'to kaya sinunod ko na lang agad para matapos na rin ako. Pagka run ko ulit, ayon! Gumana na! “Ayon lang pala 'yon!?” Napasigaw tuloy ako. “Tsk, ayon lang pala? Huwag mong nilalang ang semicolon, baka 'yan pa dahilan nang pagbagsak mo. Ang gulo mo pa mag code, wala man lang comment. Hindi pa huli ang lahat para mag shift," aba, nilait pa ako? Konti na lang masasapak ko na 'to e. “Pakealam mo? Ba't ka ba nandito? Alis!” Taboy ko sa kanya. “Pwesto ko 'yan at d'yan ako magcocode, kaya ikaw ang umalis,” sagot niya, na kala mo ay bagot na bagot. “May pangalan mo?” Inis na lingon ko ulit sa kanya habang sini-save ang gawa ko sa flashdrive ko, pero hindi ko alam kung saan naka saved itong program files na ginawa ko! “Stupid, drive D,” bigla na naman siya nagsalita. “Anong drive D?” Litong tanong ko sa kanya. “Anak ng– BSIS ka ba talaga?!” Inis na sabi niya tapos bigla na lang inagaw sa akin 'yong mouse. Tapos 'yong kaliwang kamay niya ay nakapatong sa kaliwang side ng table, para tuloy niya akong niyayakap na ewan, na conscious ako bigla! “Oh, ayan. Saved na sa flashdrive mo. Tanggalin mo na, badtrip!" Agad ko namang tinanggal ang flashdrive ko sa unit at tumayo na para umalis. “Thank you, ha?” Sarkastiko niyang bigkas. “You're welcome,” sarkastiko ko ring na sagot, kainis!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD