Chapter 9

2362 Words
Nag enjoy ako sa pansamantalang pananatili sa hacienda nila Zydrix, ang dami rin naming nagawa. Naligo rin kami sa ilog at nagpapahangin kapag hapon sa treehouse nila, we also agreed na habang nandito kami ay nakapatay ang phone namin, no sns. We just enjoyed our moment here. And now back to reality. I still have to face my family dahil hindi ko pwedeng pang habang buhay ng iiwasan sila. Sila pa rin ang nagpalaki sa akin at malaki pa rin utang na loob ko sa kanila dahil kahit baliktarin ko man ang mundo, sila at sila pa rin ang pamilya ko. "You sure you'll be fine?" Nasa sasakyan na niya kami at ihahatid na niya ako sa bahay ngayon, pareho sila ng kotse ni kuya– Ferrari kaso black itong sa kanya kay kuya naman ay blue. "Yes, I'll be fine. Don't worry." Nginitian ko siya, inabot niya ang isang kamay ko at hinawakan yun saglit habang nakatingin siya sa daan. "Call me if anything…bad happens," he looked serious, amporky 'yong puso ko. “I promise.” Hindi ako nagsabi kung kailan ako uuwi, kaya gulat na napatingin sa'kin si kuya nang makita niya ako na kakapasok lang ng bahay. Luminga ako sa paligid pero wala si mama pati na rin si papa pero nandon si ate sa living room, nanonood ng TV. "Ella! Buti naman umuwi ka na. Nag-aalala na ako sa'yo," kuya said, tapos niyakap niya ako. "I'm fine kuya." Ayon lang ang sinabi ko. Aakyat na sana ako agad sa taas nang marinig ko na nagsalita si ate. "Can we... talk?" Alanganin niyang tanong, we're not close. Parang mayroon laging pader na nakaharang sa aming dalawa. "Sure, ate. Sa kwarto na lang po tayo." Pagpayag ko at nauna nang umakyat. Tahimik naman siyang sumunod sa akin, hindi rin kami 'yong tipo na pumapasok sa kwarto ng isa't-isa kaya naman napapasyal ang mga mata niya sa loob ng kwarto ko. Simple lang ang kwarto ko, pastel peach color ang theme ng kwarto ko. Mayroong malaking portrait ni Kyungsoo sa taas ng headboard ng kama ko, sa tapat naman nun ay picture naming tatlong magkapatid noong mga bata pa kami. Pinaupo ko siya sa couch na nasa bandang paanan ng kama ko. "Seeing that picture here…does it mean you didn't hate me that much?" Pagtukoy niya sa picture at nakayuko niyang wika. Umupo ako sa kama pero hindi nakaharap sa kanya. "I don't hate you and I never did." Mahina kong sabi. "I may have said something last time that hurt you but I don't hate you." Totoo naman na hindi ko siya kinamumuhian or what, hindi ko rin alam kung bakit. "We grew up without any so-called sister’s bonding, do you know what was on my mind since I was a kid?" "Ate, can we play?" "Ate, I’m scared. Can you sleep with me?" "Ate, inaaway nila ako." "Ate, I don’t understand my homework. I know you know this, can you teach me?" "Ate, let’s go shopping together." "Ate, I don’t know what to take in College and I’m afraid mama will scold me, please help me." "Ate, I’m hurt, what should I do?" "At marami pa na hindi ko masabi dahil parang meron palaging pader na nakaharang sa'ting dalawa." Dagdag ko. "I'm sorry... I was selfish." Nakayuko pa rin siya. "Our mother was forcing me to learn everything that she wanted me to learn... I didn't want it, I didn't ask for it. Nakikita kita madalas sa malayo na nakatanaw sa amin. I wanted to approach you but at the same time I don't want to hurt you." "Naisip ko na baka marami kang itanong, na baka mag-away lang tayo." Dagdag niya pa. "About my pregnancy…alam ko na makasarili ako sa part na parang gusto ko rin na ikaw ang sumalo ng kahihiyan ko and I am sorry for that. Kinwento sa akin ni kuya Brix ang nangyari sa hospital and 'yong result ng lab test mo. Then an image of your hard work flashed in my mind. I smiled bitterly, naalala ko these past few months halos hindi ka na matulog kaaaral. Nakikita kita sa school library na nakaharap sa laptop mo at nagbabasa ng module pati sa cafeteria ay nakaharap ka sa laptop mo at miryenda lang hawak mo na dapat ay tanghalian," biglang nag c***k ang boses niya, she’s crying. "Sobrang na guilty ako, noong umalis ka bigla nang hindi man lang stable ang kalagayan mo, nag-alala ako... sobra. Pakiramdam ko wala akong kwentang ate, your mental health is not stable because of us dahil sa amin, sa amin na pamilya mo." Halos lahat ng lab test ko ay normal naman, kinuhanan ako ng dugo, pati puso ko chineck pero normal lahat. Nahimatay raw ako dahil sa sudden change of emotion, hindi raw pwede biglain na magalit ako and too much stress. Sa pagsusuka ko naman ay dahil nalilipasan daw ako ng gutom, niresetahan lang ako ng isang klase ng gamot na one month ko lang iinumin at vitamins na kailangan ko i-maintain. Tumayo ako at lumapit sa tabi niya, bumuntong hininga ako at niyakap siya, nakakailang. "It's fine. Tapos na eh, wag na lang nating pag-usapan." I said, biglang may kumatok sa kwarto ko kaya tumayo ako at binuksan, si kuya pala. "Andyan si Ara at ang mama niya." Andyan din si mama? Oo, mama bakit ba, miss ko na luto niya at syempre miss ko rin si Ara. "Sige, kuya. Susunod po ako," "Tsaka na lang ulit tayo mag-usap, puntahan mo muna ang bisita mo," tumayo si ate at nagpunas ng luha niya. I stared at her pero sandali lang, lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang magkabilang balikat niya. "I'm not mad at you and I don't hate you, and now that I heard your side– naiintindihan kita," nginitian ko siya. Naiintindihan ko pero ‘yong sakit ay hindi pa rin naman magbabago. Maybe I’ll just move forward. Sabay kaming lumabas ng kwarto at bumaba. "MAMA!" Excited kong sigaw at niyakap siya, natawa naman siya. "Miss ko na luto mo!" Parang bata kong sabi at ngumuso pa. "Wow, naman Ella. Kayo ang magtropa? Kayo? Ako ang kaibigan mo ah, tapos kay mama ka agad sumalubong taksil ka." Sarkastikong sabi ni Ara, napatawa ako at niyakap siya nang mahigpit. “Kung papatayin mo ako siguraduhin mo naman na walang witness, ha?" Reklamo niya pero niyakap niya ako pabalik. Biglang may tumikhim kaya napatingin ako sa gawing kanan ko. I froze when I saw my parents, masyado akong natuwa sa pagdalaw nilang mag-ina kaya hindi ko napansin na nandito pala ang mama at papa. Napatahimik tuloy ako, hindi ko pa alam paano sila harapin. "Naghanda si manang ng tanghalian, dito na kayo kumain," aya ni mama, hindi rin naman tumanggi sila Ara, baka raw nakakabastos sila. Pumwesto na ako sa upuan, katabi ko si Ara at mama niya. Katapat ko naman sina mama, kuya, at ate– habang si papa ay nasa gitna kung saan umuupo madalas ang mga haligi ng tahanan. Sila-sila lang ang nag-uusap dahil nanahimik lang ako, hindi ko alam paano na sila kausapin. "Ella, dumalaw ka ulit sa bahay, hija ha?" Baling sa akin ng mama ni Ara. "Opo naman ma, gusto ko nga po roon lagi eh, kaso epal 'yong isa riyan," irap ko pa kay Ara. "Pa'no ang kulit niyo pareho ni mama pag nagsama kayo," reklamo ni Ara, totoo 'yon at trip namin siya palagi, nasa 40's pa lang naman kasi mama niya. "Ma oh, may sinasabi. Palo mo nga sa p'wet nang–," sinipa ako ni Ara sa ilalim ng mesa kaya natawa na lang ako at 'di na tinuloy ang sasabihin ko. Pagkatapos namin kumain ay hindi na rin nagtagal sila Ara. Nagpaalam na kaya hinatid ko sila sa gate. "Mama rin pala ang tawag mo sa mama ng kaibigan mo," napalingon ako sa nagsasalita, si papa pala. Aakyat na sana ako sa kwarto ko eh, pero tumango ako bilang sagot. Nakaupo siya sa couch. "The way you called her mama…ay sobrang iba sa tuwing tinatawag mo ang mama mo. You were so happy while calling her mama...your mother was surprised." Hindi ko siya sinagot, hindi ko alam kung ano isasagot ko. "You must be tired, magpahinga ka na," nakahinga naman ako ng maluwag at pumasok agad sa kwarto ko. Tumunog ang phone ko kaya agad ko rin itong sinagot, kasabay ng pagsara ko sa pinto ng kwarto ko. "Hoy babae ka! Sobrang nag-alala ako sa’yo tapos makikita ko sa video mukhang sobrang nag enjoy ka pang gaga ka!” Anong problema ng babaeng 'to? Kadadalaw lang sa'kin ay nag i-eskandalo na agad. "Ha? Anong pinagsasabi mo?" Kunot noo kong tanong at humiga sa kama ko. "Maang-maangan ka, dzai? Tignan mo story ni Zydrix sa sss!" Ni-loud speaker ko at binuksan ang sss ko, ang daming notification pero pumunta muna ako sa profile ni Zydrix at tinignan ang story niya. Video ang nilagay niya sa story niya, at ako 'yon. Nasa balcony ako, ito 'yong bagong dating kami sa hacienda nila– nakaside view ako at nakatingin sa kawalan. Hinanap ko kung may caption pero wala. Sumunod naman na video ay 'yong nagpicture kami sa may puno, kinuhanan niya pala ako ng video? Nakatalikod ako at nakatanaw sa kawalan tapos lumingon sa kanya at ngumiti, ito 'yong akala ko pinipicturan niya ulit ako. Naglagay na siya ng caption na 'mine' tapos naka mention ako. Parang may kung ano akong naramdaman sa t'yan ko. Oo, kinikilig ako! Amporky, napangiti tuloy ng todo. "Oh, ano? Lumulutang ka na ba sa sobrang kilig?" Muntik ko nang makalimutan na nasa call pa pala si Ara. Actually, nakalimutan ko nga. “Ara, wait lang ha, ma–” "Oo na! Tatawagan mo na bebe mo. Nagka lovelife lang tinakwil na ako, sige na. Bye!" Napailing na lang ako. Hindi ko naman tatawagan si Zydrix eh, pupuntahan ko siya. "Sin–" hindi na natapos ni Zydrix ang sasabihin niya, nanlaki ang mata niya nang makita ako. Binuksan niya ng malaki ang pinto at pinapasok ako. Dumiretso ako sa sofa at tumabi kay Caden, pumunta saglit si Zydrix sa kwarto may kukunin daw eh. "Oy Ella! Kumusta ka na?" Tanong niya. "Ayos lang naman, ikaw ba?" "Ayos lang, masama pa rin loob. Napakataksil talaga." Parang bata niyang reklamo. "Taksil? Sino? Niloko ka ba ng gf mo?" Curious kong tanong na ikinatawa ni kuya Chase at Aeron na nasa kabilang sofa. "May gf ka na pala Caden? Grabe nagagawa ng imahinasyon mo ah." Tawang-tawa pa si kuya Chase. "Mga ulol talaga kayo. Ella oh! Pinagtutulungan ako," sumbong ni Caden, tinapik-tapik ko naman ang balikat niya. "Ayos lang 'yan, hindi natin sila bati," pampalubag loob kong sabi. "Hug mo na lang ako Ella, para mawala na lungkot ko." Nakasimangot na sabi ni Caden. Natawa tuloy ako at yayakapin na sana siya nang maramdaman kong may humila sa'kin, pagtingin ko ay si Zydrix pala. "What do you think you're doing?" Hala, bakit ang seryoso naman niya? Hindi pa ako nakakasagot ay hinila na niya ako papunta sa kwarto na pinuntahan niya kanina. Pagkapasok na pagkapasok namin sa kwarto ay napasandal ako sa may pinto nang bigla niya akong harapin. "W-what did I do? Bakit parang galit ka?" I asked. Amporky, kabado ako. "What do you think you did?" He asked back. Ayos, magkakaintindihan tayo niyan, tanong din ang isinagot sa tanong ko . "Nakikipagbiruan sa mga kaibigan mo?" Hindi ko sure, putek. Lumapit siya sa akin kaya napatayo ako nang matuwid. Gusto ko pang umatras ang kaso ay wala naman akong maatrasan. Isinandal niya ang kaliwa niyang kamay sa pader at nakalagay naman sa bewang niya niya ang kanan. "Hindi mo sure?" Sarkastikong sabi niya, ano bang problema nito? Hindi tuloy ako makatingin sa kanya. "Look at me, nasa tapat mo na ako kung saan-saan ka pa nakatingin," inis niyang sabi kaya napatingin ako sa kanya. Naramdaman kong dinampi niya ang labi niya sa labi ko kaya nanlaki ang mata ko. "Close your eyes," he said while kissing me passionately, he put his right hand on my waist. I really can't resist his d*mn kisses! I clung onto his shoulder, kissing him back passionately. He deepen the kiss as he caressed my back, napababa naman ang kanang kamay ko sa dibdib niya pabalik ulit sa balikat niya, nalulunod ako sa mga halik niya. Naramdaman kong bumaba ang halik niya sa leeg ko, ramdam ko rin ang bigat ng paghinga niya, pakiramdam ko ang init bigla, napatingala ako nang kusa when he suck my neck. "Hmm…" I hummed in pleasure.D*mn, I almost moan. He made me put my two legs on his waist as he carried me to bed, inihiga niya ako at pumaibabaw siya sa'kin. He kissed me on my lips down to my neck and licked my earlobe habang ang kanan niyang kamay ay naglalakbay mula sa bewang ko papunta sa dibdib ko, impit akong napaungol nang maramdaman ko na pinisil-pisil niya 'yon. "Argh, s**t," he groaned bago ibinagsak ang sarili niya sa'kin. Medyo gumilid siya para hindi ko masalo lahat ng bigat niya, sunod-sunod ang pahinga niya nang malalim. "I'm sorry." He apologized, hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil nag enjoy rin naman ako sa ginawa niya– namin pareho. Niyakap ko na lang siya at hindi nagsalita, ibinaon niya ang mukha niya sa leeg ko at niyakap din ako. "I don't understand your action but whatever your reason is, I'm willing to understand." I said, matagal siyang natahimik bago sumagot. "I was jealous," I froze when I heard him, jealous? Bakit? "Caden... has a crush on you. Dati pa bago pa man kita magustuhan," sabi niya, 'yon ba yung tinutukoy ni Caden kanina? Na taksil? Nakita niya rin siguro ang story ni Zydrix. Medyo natawa tuloy ako. "You're bad, inagaw mo ang crush niya," hindi ko mapigilang matawa. "I asked him kung gusto niya ba manligaw sa'yo, he said no, so I courted you." Inosente niyang sabi. "Baka hanggang crush lang talaga niya ako," natatawang sabi ko. "Ano siya, bata?" Ramdam ko ang inis sa boses niya. Tuluyan na nga akong napa-halakhak. This man made my day…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD