Chapter 10

2660 Words
Mabilis lumipas ang araw, ngayon ay kailangan na namin mag submit ng system namin for finals. Naayos ko na ang akin, at wala na rin naman 'yong error pero medyo wala akong tiwala sa design ko na symbols lang ang ginamit namin dahil wala pa naman siyang hitsura sa console app. Hindi kagaya sa project nila Zydrix na naka Windows Form na sila, inventory ang napili niya tapos working na siya at gumagana na ang transaction button. Kaya naman busy siya nitong mga nakaraang araw, naisipan ko tuloy ngayon na ako naman ang dadalaw sa kanya, naisipan kong bilhan siya ng makakain dahil wala naman sila sa lab ngayon kaya pwede siyang dalhan ng pagkain, nagpasama ako kay Ara bumili. "Ay taray naman, ako ba wala?" Ara asked. "Psh, sige nga. Pumili ka na rin kung anong gusto mo," sabi ko at inirapan siya ng pabiro. Pagkatapos namin bumili ay pumunta kami sa classroon nila Zydrix, nagpasama ulit ako kay Ara kasi ayaw kong mag-isang pumunta, medyo nahihiya ako e. Sumilip ako sa loob ng room nila, mayroon kasing konting glass 'yon pero hindi full, sapat lang para makita kung ano ginagawa ng mga estudyante sa loob. Nakita ko naman siya na seryosong nakatingin sa laptop niya. Bigla siyang kinalabit ng babae niyang kaklase kaya napalingon siya sa babae na 'yon, hindi ko rinig pero mayroon yatang tinanong ang babae tapos pinakita ang laptop niya. Duh, alam ko na 'yan girl, para-paraan ka rin ah. Tss, nairita tuloy ako. "Girlfriend's instinct? HAHAHA." Pang-aasar ni Ara na nakaupo sa bench, mayroong bench sa bawat gilid ng pinto ng classroom para may maupuan kapag hinihintay ang Prof. "Pinagsasabi mo?" Maang-maangan ko. "Sus," sabi niya sabay kumatok, amporky! Tapos umalis siya bigla. Amporkchop ng babaeng 'yon yayariin talaga siya sa'kin mamaya, may pakaway-kaway pa ang gaga! Biglang bumukas ang pinto, napaharap tuloy ako ro’n ng wala sa oras. "Uhmm, may ginagawa ka pa… pumunta lang ako para hatiran ka ng pagkain. Baka kasi hindi ka ulit mag lunch." Mabilis kong sabi at binigay sa kanya ang paper bag na kanina ko pa bitbit. "Pasok," mukhang wala siya sa mood. "Wala kaming Prof," dagdag niya. Sinunod ko na lang siya. Salubong ang kilay niya, badtrip talaga 'to, pustahan. Ramdam ko naman ang tingin sa amin ng mga kaklase niya. Nakita ko sila Caden, Aeron, at kuya Chase pero tinanguan lang nila ako at seryoso ulit na nakatingin sa kanya-kanya nilang laptop, ganito pala sila kaseryoso sa classroom? "Gagi, totoo pala talaga na sila?" “Bobo ka, malamang nag story pa nga si Drix na bini-videohan niya si Beatrix at mayroong caption na mine." “Akala kasi ng iba si Drix lang may gusto kasi wala namang pinu-post si Beatrix about sa kanila." "Tangeks, sabi ng pinsan ko nag story si Beatrix sa i********: n’ya ng lalaki na nakatalikod, tapos may caption na yours, si Drix daw ‘yon. Naka private kasi ang account in Beatrix sa IG tapos pili lang din ang ina-accept n’ya na followers.” "Lowkey person daw kasi ‘yan, unlike sa ate at kuya niya." "Alam niyo ba, may kumakalat na balita na buntis daw ang ate niya?" "Shh, ikaw talaga- nakikisali ka sa trismis!” “Hindi kasi makabasag pinggan tapos boom! Biglang buntis na agad, si Beatrix kaya? Hindi na rin virgin?” Ano bang pakialam nila? Tsaka, akala ba nila hindi ko sila naririnig? Amporky ng mga 'to! “Bobo, marami rin naman d’yan na kinakantot– hindi nga lang nabuntis. Buhay nila ‘yan huwag ka na maki-tsismis, gaga!” Natawa naman ako sa ate na 'yon, wow savage ate girl. "Don't mind them," rinig kong bulong ni Zydrix sa akin, tumango ako at ibinaling ang tingin ko sa phone ko dahil nag vibrate 'yon. Sinet pala niya status namin sa sss, napatingin tuloy ako sa laptop niya, oo nga may tab na naka f*******:, sunod-sunod naman ang notif sa akin dahil sa mga nag react. Arabella commented on the status that you are tagged in, aba ang gaga na nang-iwan may pa comment, naka one name lang siya sa sss para cool daw. Arabella: Separated soon– este stay strong! Taba ng utak ng gaga, nag-react lang ako ng HAHA, mamaya na ako magrereply. "Why did you set our status on f*******:?" Tanong ko kay Zydrix. "You didn't like it?" He asked back. "I wouldn’t accept it kung hindi ko gusto, nagulat lang ako," sabi ko naman. "To make things clear, I want them to know that we are together," seryosong sabi niya. Hindi pa rin niya ginagalaw ang paper bag kaya ako na ang gumalaw nun at nilabas ang pagkain, snacks food lang ito at tubig dahil hindi naman siya mahilig mag softdrinks tapos inabot ko sa kanya. Mabuti naman at hindi siya tumanggi, hindi ko na lang siya ginulo ulit at nag browse na lang ako sa phone ko. "D-Drix..." tawag ulit nung babaeng nakita kong lumapit sa kanya kanina, nilingon naman siya ni Zydrix at sinenyasan na magsalita. "Hindi p-pala na save 'yong database last week," ramdam ko na kinakabahan 'yong babae. "T*ngina naman!" Nagulat ako nang malakas na napamura si Zydrix. "Ako na nga nag design, ako na rin ang nag code sa VS, database lang ang sa inyo– tapos ang dami niyo pa na gumawa nun. Tapos ni-isa sa inyo walang nakaisip na i-double check kung nasave niyo ba o hindi?" Inis na sabi ni Zydrix at napasabunot sa buhok niya, he look frustrated. "3:00 PM ang pasahan niyan ngayong araw. Sige nga, paano niyo matatapos ulit ‘yan?" Galit siyang napatingin sa babae, mayroon namang lumapit pa na dalawa, isang babae at lalaki kagrupo niya ata. "Tatapusin namin bago mag 3," sabi nung lalaki. "Sure kayo na matatapos niyo 'yan? Ang dami na nun eh! Paano ko matetest 'to ngayon kung wala bang palya 'tong system natin. Tapos meron pa tayong individual, d*mn it!" "Bro, easyhan mo lang," awat ni kuya Chase. "T*ngina kasi, ang tatanga. Ayon na e, tapos na sana," ganito pala mainis si Zydrix, pakiramdam ko anytime may ihahagis na siya. Niluwagan niya ang kurbata niya at napasabunot na naman sa buhok niya, ang manly niyang tignan. Nakuha ko pa talagang i-admire siya sa lagay na ‘to. Pinaalis muna ni kuya Chase ang kagrupo ni Zydrix, umupo naman ulit si Zydrix sa upuan niya para kumalma. "I'll go ahead," pagpapaalam ko, tumayo ako at kinuha gamit ko. Baka nakakaabala lang ako sa kanya. "No, I'm sorry." Tumayo rin siya para pigilan ako, nagulat ako nang yakapin niya ako bigla at sunod-sunod siyang bumuntong hininga. "I'm sorry for witnessing that scene... it's just..that– I'm just tired. I did almost everything in our system, gusto ko na rin tapusin na agad kasi 'yon kasi I want to spend more time with you," para siyang bata na nagsusumbong, ramdam ko ang tingin ng iba niyang mga kaklase sa amin pero wala akong time mahiya. "I can help you... just tell me how to do it. It's fine, may oras pa although konti na lang but kaya 'yan okay?" I hugged him back. "You helped me before, I just want to return the favor, hmm?" Hinawakan ko ang balikat niya at bahagya ko siyang inilayo sa'kin para makita ko ang mukha niya. Oo nga, mukha siyang pagod at walang tulog. Database ang problema nila, wala pa kaming subject na database pero nag advance reading and practice ako kaya medyo alam ko siya. Pina-practice ko na rin sarili ko na mag encode nang mabilis. I helped them with their database since wala na akong klase maghapon, pumunta kami sa lab dahil wala akong dalang laptop. Mayroon kasi silang groupings na project tapos bukod pa ang individual, bale dalawang system ang ipapasa nila. Thinking about it– parang ayaw ko muna mag second year, amporky! Halos dalawang oras din ang ginugol namin bago matapos ang pag-aayos ng database nila, buti na lang umabot bago ang oras ng pasahan nila. "Thank you so much, love. Paano ba ako makakabawi sa'yo?" Sabi niya habang pinagbubuksan ako ng pinto sa kotse niya, pauwi na kami. Hindi ko siya sinagot at umupo muna ako sa shotgun seat at hinayaan siyang umikot papunta sa may driver's seat. "Matulog ka at magpahinga, you need it. That's what I want," sabi ko sa kanya. "Will you accompany me?" He asked before starting the engine, tinignan ko ang oras, it's 4:05 PM. "Okay, I'll go home before 10:00 PM." Pagpayag ko, para masigurado rin na matutulog talaga siya. I messaged my brother to fetch me there later, ayaw ko na magpahatid kay Zydrix dahil balak ko na iwanan siya habang tulog, para tuloy-tuloy ang tulog niya. "Drive thru muna tayo, kumain ka muna bago matulog," I said. Tahimik lang kami pareho buong byahe, wala rin ako sa mood makipag usap sa kanya dahil medyo pagod din ako. Pagdating namin sa condo nila ay wala ang mga kaibigan niya kasi mag-iinom daw sila dahil sa wakas wala na silang aalahanin, si Zydrix naman ay pass muna. Ako na ang naghanda ng mga pagkain namin, dahil pagod na siya lalo dahil sa pagda-drive. Ang sama ko naman kung dadagdag pa ako ngayon sa alagain niya 'di ba? "Love... Thank you so much," pagpapasalamat niya, umupo na rin ako at sumubo ng pagkain. "You're always welcome," nakangiti kong sabi sa kanya. Biglang tumunog ang phone niya kaya napatingin din ako sa kanya, mukhang wala siyang balak sagutin 'yon. Namatay ang call at tumawag ulit yata kung sino man 'yon dahil tumunog na naman ang phone niya. "Answer it, baka mahalaga," sabi ko sa kanya, he sighed before answering the phone. "Yes? Wh–" para siyang nagulat at maya-maya'y bigla na lang siyang tumayo. I was about to ask what's happening pero bigla na lang niyang kinuha ang susi ng kotse niya sa table malapit sa sofa at tsaka nagmadaling lumabas. Ni-hindi na niya ako natapunan ng tingin. Naiwan ako ng nakatulala, I tried calling him pero busy ang number niya. Napaupo na lang ulit ako at napatingin sa pagkain, ni-hindi pa niya nakalahati ang pagkain niya, pati pagkain ko rin pero nawalan na ako ng gana. Napagdesisyunan kong hintayin na lang siya. Pagkatapos ko magligpit ng pinagkainan ko ay humiga ako sa sofa, pagod ako kaya nakatulog din ako agad. Nakaramdam ako ng ingay kaya napabangon ako. "Sabi ko sa'yo Aeron manahimik ka eh! Nagising tuloy si Ella," sita ni Caden kay Aeron. "Uy, Ella. Sa'n na si Drix?" Tanong ni kuya Chase, akala ko alam nila kung nasaan. "Umalis kanina kuya Chase, ni-hindi pa nga niya nakalahati pagkain niya eh, nagmamadali. Akala ko alam niyo kung asaan," sabi ko at pilit na ngumiti. "Aba! Gago 'yon ah! Bakit iniwan ka rito mag-isa," sabi naman ni Aeron. I checked the time, it's already 9:57 PM, nag-antay pa ako hindi naman siya bumalik. Napaisip tuloy ako kung gaano ba kahalaga 'yong tumawag sa kanya at ni-text ay wala akong natanggap. "I'll go home na, pasabi na lang sa kanya na tawagan ako pagdating niya," sabi ko at tsaka umalis. "You okay?" Tanong ni kuya nang makasakay na ako sa kotse. "Hmm," Tango ko sa kanya at tumingin na lang sa labas ng bintana, wala ako sa mood. "Sure ka ba na ayos ka lang? Naka ilang buntong hininga kana ah," puna ni kuya, nakatingin pa rin ako sa bintana. "Eh kasi kuya s–," hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang mahagip ng paningin ko si Zydrix. "Stop the car!" Napasigaw ako kaya napa preno si kuya bigla. Muntik pa kaming mabangga, agad akong bumaba ng sasakyan at bahagyang lumapit sa may labas ng hotel. Gusto ko pa sana na lumapit kaso nakita kong mayroon pala talaga siyang babae na kasama, akala ko namalik mata lang ako kanina pero hindi pal. They hugged first bago niya buhatin ng pa bridal style ang babae at inisakay sa kotse niya, para akong binuhusan ng malamig na tubig. I took some photos of them before I left, nakasalubong ko naman si kuya– susundan niya sana ako. "Oh, ayos na? Sino ba tiningnan mo roon?" Tanong niya, nginitian ko lang siya. "Wala kuya, akala ko si Ara," I lied. "Eh ano naman kung si Ara kailangan ba ganun ang reaksyon mo?" Nanghihinala niyang sabi. "Eh kasi kuya may kasama na lalaki, mukhang bad guy kaya nag-aalala ako. Buti na lang hindi pala si Ara," palusot ko at nauna nang maglakad. I texted him, many times, kanina pa. I called pero hindi niya sinagot, ganun ba kahalaga ang babae na 'yon? Pagdating ko sa bahay ay nadatnan ko sa living room si ate, may mga maleta rin kaya 'di ko napigilang mapatanong. "Bakit ang daming maleta?" I asked. "Aalis ang ate mo, do'n na muna siya mananatili sa Spain," sagot ni papa. "Ngayon na agad?" I asked. "Mamayang alas dose ang flight niya," sagot ni mama. "Mag-isa ka lang babyahe ate?" I asked again at tumango naman siya. Puno ang sched ni mama at papa bukas, si kuya naman inaasikaso finals niya. "I'll come with you." I know na padalos-dalos, pero ayos na rin siguro 'yon para maikalma ko ang sarili ko dahil baka kung ano pa ang maitext at masabi ko kay Zydrix. Ini-off ko rin ang phone ko, balak ko na iwanan na lang 'to rito sa bahay para hindi ako matetempt mag-open ng SNS. "Ha? ‘Di ba busy ka pa?" Halata naman na nagulat siya sa biglaan kong pag-alok. "I'm done with my projects, clearance na lang. Gusto ko muna mag stay rin do'n kahit 1 week lang," sabi ko at ngumiti. "Tsaka, para may kasama ka sa byahe, baka mamaya kung anong mangyari sa'yo at sa baby," dagdag ko. Nagmadali ako sa pag-iimpake, konti lang naman ang dadalhin ko na gamit kasi may mga gamit naman ako roon. Mayroon kasing bahay sila mama roon, ayon 'yong bahay ng lola ko. Naramdaman ko naman na may pumasok sa kwarto ko, iniwan ko lang kasi na nakabukas. "Are you sure you want to go with me?" She asked, tumango lang ako. "May problema ba?" Tanong niya ulit pero agad din niyang binawi, akala niya ata naiilang ako. "Si Zydrix kasi ate... magkasama kami kanina tapos may tumawag sa kanya, bigla na lang din siyang umalis ng walang pasabi ni-wala akong natanggap na tawag or kahit text man lang mula sa kanya. Then I saw him while I was on my way here, sa labas ng hotel nakita ko meron siyang kasama na babae. He even hugged her before carrying the girl papunta sa kotse niya," hindi ko mapigilan na ilabas ang inis ko habang nagsasalita. "Are you running away?" She asked. "I am NOT. Ayaw ko lang mag pang-abot kaming dalawa. I am angry right now, kapag hinarap ko siya na galit ako baka lumala lang ang sitwasyon," paliwanag ko. "Paano pag tumawag siya sa'yo?" She asked. "Pinatay ko ang phone ko, and I'll leave my phone here," narinig ko naman siya na mahinang tumawa. "You're smart and very capable a–," hindi niya natapos ang sasabihin niya nang tumunog ang phone niya. "Hello? Who is this?" Sagot niya sa phone niya. Nagpatuloy na lang ako sa ginagawa ko, naramdaman ko naman na kinalabit niya ako kaya napalingon ako sa kanya. Inilayo niya ang phone niya ng bahagya. 'Si Zydrix' ayan ang sinabi niya at parang nagtatanong siya sa'kin kung ibibigay niya ba sa'kin o hindi. Gusto kong umuo pero inis pa rin talaga ako kaya umiling na lang ako. "She's sleeping na eh," agad niyang sagot. I want to talk to him, I want to ask him who that girl is, I want to ask kung sino ba 'yon sa buhay niya para makalimutan ako saglit, but I'm afraid... takot ako sa magiging sagot niya lalo na't sobrang gusto ko na siya– no, hindi lang gusto… I love him, yes– mahal ko na siya…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD