Chapter 20

2776 Words
Nang makarating ako sa labas ng Padi's point na sinasabi niya ay tinawagan ko s'ya, mabuti na lang at sinagot n'ya 'yon. "I'm here, nasa labas ako." I said, wala akong narinig mula sa kabilang linya kaya naman kumunot ang noo ko. Inalis ko sa tainga ko ang phone ko para tingnan kung pinatay ba n'ya and confirmed, pinatay nga n'ya. Tinawagan ko s'ya ulit pero hindi n'ya na sinagot, nakakainis! "Pumunta ka nga," napalingon ako sa likuran ko, naka-awang ang bibig n'ya na para bang nakakita s'ya ng multo. "Nag-aalala na sa'yo ang kapatid mo, you should go home na." I said, but he just shrugged. He's not drunk pero alam ko na nakainom s'ya at medyo may tama na. "Nag- aalala ka rin ba?" He looked at me. "O-of course." "Why do you care?" He asked. "Because I feel like– it was my fault," napayuko ako. "No, it wasn't your fault. You may leave now," saad n'ya at tinalikuran na ako. "I didn't know you have this kind of attitude," napahinto naman s'ya at nakapamulsa na hinarap ako. "I'm worse than what you're seeing right now," saad n'ya at tuluyan nang bumalik sa loob. Ang sarap niyang sapakain, psh. Kung sabagay, ang lakas naman kasi ng loob ko na pumunta rito at sabihin sa kanya na umuwi na s'ya eh sino ba naman ako sa buhay n'ya? Gosh, hindi man lang ako nag-isip nang maayos bago pumunta rito. Tumunog ang phone ko kaya agad ko 'yong sinagot. "Love…where are you? Nandito ako sa labas ng starbucks, wala ka naman," s**t, oo nga pala at susunduin n'ya ako– muntik ko nang makalimutan. Wala tuloy akong choice kundi ang sabihin sa kanya kung nasaan ako, mabuti na lang at hindi n'ya ako tinanong kung bakit ako napunta rito. Gabi na nang makarating kami ni Drix sa bahay, akala ko ay tatadtarin n'ya ako ng tanong sa kotse pero ni-isang tanong at pagdududa ay wala akong narinig mula sa kanya. Hindi ko rin s'ya nakikitaan ng galit. "Oh, andito na kayo, let's eat na," saad ni ate. Tahimik lang kaming kumain, paminsan-minsan ay nag-uusap naman kaming tatlo. Pagkatapos kumain ay umakyat na ako sa kwarto ko at nag half-bath, bukas ko na uumpisahan ang activities na kailangan kong ihabol. Bumaba ako para uminom ng gatas, nang sa ganun ay makatulog na ako nang maaga. Wala si Zydrix dito sa baba, baka nasa kwarto na rin n'ya. Ininom ko na agad ang gatas ko at bumalik na sa taas. Nasa kalagitnaan ako ng panonood ko ng Kdrama nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. "Pasok," saad ko. "Are you doing your prog–" napahinto rin s'ya nang makita kung ano ang ginagawa ko. "You looked so serious, akala ko gumagawa ka ng ihahabol mo na activities, tsk," napailing s'ya at umupo sa couch na nasa tapat ng kama ko. Ini-off ko naman ang laptop ko at niligpit, bago ko ibaling sa kanya ang tingin ko. I sighed, umupo ako sa couch tapos tsaka s'ya niyakap. Naramdaman ko naman na sinusuklay n'ya ang buhok ko gamit ang daliri n'ya. "Why?" Natatawang tanong n'ya. "Cute," dagdag n'ya. "Why...didn't you ask me?" I asked. "Ask about what?" He asked back. O sige, mag tanungan na lang tayo. "Kanina, kasi 'di ba sa starbucks mo ako inihatid tapos biglang sa labas ng padi's point mo na ako susunduin," saad ko. "I trust you," napatingin ako sa kanya. Nakatingala ako sa kanya dahil ang tangkad n'ya, he reached my face at marahan 'yong hinaplos. "I trust your love for me," he said as he smiled. "I was there…at padi's point beca–" "You don't have to explain, as what I have said– I trust you," napakagat ako sa labi ko at napabuntong hininga. "Thank you," pagpapasalamat ko, he just kissed my forehead. "I love you, mahal na mahal," he said. "I love you too." "Oh, andito na si Ella! Sabihin niyo na," saad ni Christine, kakapasok ko pa lang ng classroom. "Hoy babae, tara rito dali!" Tawag sa'kin ni Ara, umupo naman ako sa tabi n'ya. "Anong meron?" Tanong ko. "Eh kasi, may pageant na magaganap. Per department kasi e, bale sa buong year level isang babae at lalaki lang ang pipiliin na representative." Paliwanag ni Cheska. "Luh? Bakit ako, si Ara na lang!" "Gaga, anong talent ipapakita ko? Kung paano mandurog sa ML, ganun?" Inirapan pa ako ng gaga. Natawa ang mga kaklase ko. "Edi si Cheska na lang!" Hindi pa ako nakakasali sa kahit anong pageant, malay ko ba kung paano dalhin ang ganun. "Ano ang isasagot ko sa Q and A? Kung paano magplano mamingwit ng lalaki ganun? Omg, baka ma-bash ako n'yan," napasapo ako sa sa noo ko. "Eh kasi naman, never pa ako nakasali sa ganyan-ganyan. Tsaka may boyfriend ako, ayaw ko naman na mapartner sa iba 'no!" Paliwanag ko. "Alam mo minsan bobo ka rin pala 'no? Baka nakakalimutan mo, under CSIT din ang boyfriend mo at baka nakakalimutan mo rin na nand’yan naman ang ate mo 'no!" Ay oo nga pala, nawala sa isip ko 'yon. "Oo na," pagpayag ko. "Pero, 'di ba merong screening ang mga ganyan?" I asked. "Sa tingin mo ba meron pang magtatangka sa department natin? Duh!" Amporky, ang yayabang ng mga gaga. "Guys!" Sigaw ng president namin na kapapasok lang, hingal na hingal pa s'ya. "Mamayang 5:00 PM na pala raw ang screening, tapos merong incentive na makukuha ang buong section kapag galing sa section natin ang representative na mananalo. Pero syempre bukod sa atin ang incentive na makukuha ng participant mismo," paliwanag n'ya. "Luh? Meron pang screening?" Tanong ni Ara. "Oo, naging competitive rin ang ibang section e," napakamot ang president namin sa batok n'ya. Amporky! Mamaya na agad? Paano ako makakapag prepare, e mayroon pa kaming klase. "Oy, Ella! Kaya mo na 'yan ha," kumindat pa sa akin si Ara. "Eh 'di ba meron pa tayong klase paano ako makakapag handa n'yan?" I shrugged. "Ah, oo nga pala. Walang discussion sa last subject natin, sa oras na 'yon natin tulungan mag prepare si Ella," sabi ni Mark, s'ya ang president namin. Putek na 'yan, wala akong alam dito. Kinabahan tuloy ako, siguro naman magiging representative rin si Zydrix. Bahala na si batman. "Okay. Class dismiss," anunsyo ng Prof namin. Feeling ko sobrang haba ng araw na 'to dahil sa pageant na 'yan. "Oh, ano na plano?" I asked as I sighed, susundin ko lang naman mga ididikta nila e. "T'yak naman na pasok ang height mo e, kaya ang paghahandaan mo dapat ay ang ipapakita mo na talent, utak mo for Q and A, tapos 'yong lakad mo. T’yak naman ayos na 'di ba? Uhh– tsaka ang susuotin mo pala. Denim shorts tapos plain white T-shirt daw lahat ng babae tapos 6 inches pataas dapat ang heels na susuotin mo. It's up to you na lang kung mag me-make up ka o hindi," paliwanag ni Cheska, s'ya kasi ang pinapunta namin kanina para itanong kung ano ang magiging ganap. "Anong gagawin ko na talent?" I asked. "Anu-ano ba ang kaya mong gawin?" tanong ni Mark. "Tapos alin do'n ang sa tingin mo pinakamagaling ka," dagdag pa n'ya. "I can dance, sing, play instruments– like piano, guitar and violin. But I'm only good at singing," hindi ko na kase ipinagpatuloy ang dance lesson ko noon dahil doon magaling si ate, piano naman ang forte ni kuya kaya naman itinigil ko na rin ang piano lesson ko noon. Kaya naman inaral ko rin ang iba pang instruments kung saan hindi ko makakapareho ang mga kapatid ko. "Let's save your voice sa mismong pageant event na. Pag sumayaw ka naman, konti na lang ang oras mong mag practice. Kaya siguro mag violin ka na lang? T'yak meron kang favorite na tugtugin, mas okay 'yon," he said, napaisip din ako. Kailan man ay hindi pa ako nakita ni mama at papa na tumugtog ng violin. I want to dedicate my small performance to them– alam ko naman na napapanood pa rin nila ako, kahit hindi ko sila nakikita. "Okay, kaso nasa bahay ang violin ko at kailangan ko pa rin mag practice," saad ko. "Oy, Sean. Baka naman, kotse mo na lang ang gamitin papunta kila Ella," saad ni Ara, nasa isip ko na makisuyo sana kay Zydrix kaso alam ko na inaasikaso n'ya ang system nila for Capstone project. Kaka hired lang sana rin namin ng driver para sa'kin kaso nga ay sa amin naman tumutuloy si Zydrix kaya naman sabi ko kay ate ay wag na. "Sure, walang problema bossing." Apat lang kami na pumunta sa bahay namin para kumuha ng gamit. Si Ara, Cheska, ako, at syempre si Sean na ginawa naming driver ngayong araw. "Oh, Ella? Wala kang pasok?" Tanong ni Ate, nasa living room s'ya nagbabasa tungkol sa pagiging single parent. "Hi, ate Desh!" Bati ni Ara kay ate. "Hello po," sabay na bati ni Sean at Cheska, nginitian naman sila ni ate pinaupo sa sofa. "Eh kasi ate Desh, itong si Ella ang napili namin na maging representative sana ng department namin para sa pageant na labanan ng iba't- ibang department," paliwanag ni Ara na ikinaliwanag ng mga mata ni ate. "Omg! Tutulong ako!" Napairap na lang ako at napatingin sa t'yan niya na kitang kita na. "Ate, magpahinga ka na lang," I sighed. "Ano ka ba, first ti–" "Ate, screening pa lang. Tsaka ka na tumulong ‘pag ako talaga ang nakuha na representative ng department namin, okay?" Mahinahon kong paliwanag, tumango naman s'ya. Buti naman. Sa baba na lang namin pinag-antay si Sean, kaming tatlo na lang ang pumasok sa kwarto ko para kumuha ng mga kakailanganin namin. "Ella, hindi ka na ba mag me-make up?" Cheska asked. "Simplehan lang natin, dahil maganda naman itong pambato natin. Kahit lip gloss lang ay ayos na, medyo mainit pa kaya libre na rin blush on n'yan mamaya," amporky talaga ng babaeng 'to. Hinayaan ko na mag daldalan sila, hinanap ko ang denim shorts ko at plain white T-shirt tsaka gold platform pump 6 inches high heels ko, shimmer fabric s'ya. Silang dalawa ang nag-ayos nun sa loob ng nike duffle bag ko na peach color. Iniwan ko muna sila saglit sa kwarto ko para kunin sa music room ang violin ko, ang tagal ko nang hindi nagagamit 'to, hindi ko maiwasan na kabahan. Hindi na rin kami nagtagal sa bahay, dahil hinahabol pa namin ang oras. "Good luck! Pero sure naman ako na ikaw ang mapipili e," natatawang sabi ni ate. "Ate, naman. Pinapakaba ma naman ako e," natawa lang s'ya lalo. Pagdating namin sa classroom ay natataranta naman ang iba naming kaklase kase dalawang oras na lang ang natitira, na-traffic kasi kami, badtrip! "Guys, kalma! Kayo ba ang sasabak do'n, ha? Gosh!" Maarteng saad ni Cheska, may punto naman s'ya. "Guys, don't panic. I can handle," saad ko, amporky– ang yabang ko sa part na 'yon ah. Kaya ko magdala ng high heels kaya naman hindi na ako gaano nahirapan, sa lakad naman ay konting hasa lang din. Kaya naman after 1 hour ay nagbihis na ako at nag prepare, sinuot ko na ang denim shorts ko at naka tuck-in do'n ang plain white t-shirt ko. Cheska curled my hair, then tied it into ponytail na may konting hibla ng buhok ko na naiwan sa magkabilaang side ng mukha ko. I just put a nude lipstick na pinatungan ko ng red lip tint, tapos konting cheek tint, nilinis ko lang ang kilay ko tapos naglagay na rin ako ng maskara para naman mas kapansin-pansin pa lalo ang pilik mata ko. Bumuntong hininga muna ako bago sila harapin. "Let's go?" Kasi pipila pa kami e, kumunot ang noo ko nang makitang nakatingin lang sila sa'kin. "Why?" Nahiya ako bigla. "Waaaaah! Ang ganda talaga ng kaibigan ko!" Nabaliw na, napailing na lang ako. "Sure na ako na si Ella ang magiging representative ng department natin, tapos s'ya rin ang mananalo sa pageant na 'to!" Cheska smirked. Napairap ako sa kawalan. At dahil inayos pa nila ang kalat namin, naisipan ko na buksan muna ang phone ko, baka kasi nag reply si Zydrix. Hindi naman ako nagkamali. From: Love Good luck, I love you. Hindi ko maiwasan na mapangiti, sinabi ko kasi sa kanya kanina na kasama ako sa screening. Kasali kaya s'ya? Wala naman kasi s'yang nabanggit, pero sabi n'ya good luck kaya ibig sabihin ayos lang sa kanya na sumali ako, baka sasali rin s'ya 'di n'ya lang sinasabi? Amporky naman! Ayaw ko naman tanungin. "Ngiting-ngiti ah, tara na. Ipagpaliban mo muna 'yang kilig mo," natatawang saad ni Ara, hinampas ko nga. Kabado ako habang naglalakad kami sa hallway, kasi naman…medyo nakakahiya. Pinagtitinginan kami, solid din kasi 'tong mga kaklase ko e– full support. Mas lalo akong kinabahan nang marating na namin ang hall na paggaganapan ng screening. Nagtaka naman kami nang makitang halos walang tao sa hall na 'yon. "Uhh, nandito ba kayo for screening?" Tanong ng isang babae na nando'n. "Opo," magalang na sagot ni Mark. "Nabago ang venue, do'n na sa theater ang screening. Ini-open kasi sa audience ang screening, hindi kasya rito," paliwanag ng babae, akala ko ba bukod sa magiging judges ay performer lang ang pwedeng pumasok sa venue? Bakit biglang ini-open? Hindi ko tuloy maiwasan na mas kabahan. Pagdating namin sa theater ay maraming tao, ang lakas ng kalabog ng dibdib ko. Nakita ko naman na nakapila na ang mga girls at boys na gusto sumali, pero bukod ang pila ng mga babae sa mga lalaki. "Hanap na lang kayo ng mapupwestuhan na malapit, samahan ko lang si Ella," saad ni Mark, binitbit n'ya rin ang violin ko na kanina'y si Sean ang may hawak. "Good luck, Ella!" sabay-sabay nilang sabi bago kami pumunta sa harapan ni Mark, niyakap naman ako ni Ara. "Kaya mo 'yan, 'wag kabahan, okay?" Nginitian ko siya bilang tugon. Nakayuko ako habang naglalakad kami papunta sa harapan, ewan ko ba. Nahiya ako bigla e, muntik akong mabunggo kay Mark nang bigla s'yang huminto kaya naman napaangat ako ng tingin. "Chin up," si Zydrix 'yon, hinawakan n'ya ang baba ko at marahan na iginaya pataas para magkatinginan kami sa mata. "You're my girl, so chin up," he said as he licked his lower lip. Ang hot! "Plus, you are stunning, don't be shy… hmm?" Saad n'ya at ngumiti. "Good luck, I love you," amporky, bakit ang sweet n'ya? Napatingin tuloy ako sa paligid, they are looking at us right now kaya feeling ko ang pula na ng pisngi ko lalo. "I love you too, thank you," nginitian ko s'ya. Tinawag ako ni Mark, kasi pipila na ako. Nagpaalam naman ako kay Zydrix. "Good luck, Ella! Kaya mo 'yan!" Saad n'ya kaya nagpasalamat ako. Iginala ko ang paningin ko sa pila ng mga lalaki, pero laking gulat ko nang mapansin na wala si Zydrix, kunot noo akong tumingin sa audience and there– I saw him. Nakaupo s'ya sa pangalawang row ng upuan. Nakatingin din s'ya sa'kin kaya kunot noo ko s'yang tinitigan pero nginitian n'ya lang ako. "Uhm, excuse me po, pwede po bang umalis ako saglit dito sa pila? Meron lang po akong kakausapin," sabi ko sa babae na nagbabantay sa'min, hindi pa naman kasi nagsisimula. "Oh, sure ma'am," pagpayag n'ya, kaya naman lumapit ako sa kinaroroonan ni Zydrix. Hindi pa ako tuluyang nakakalapit sa kanya ay sinalubong na n'ya ako. "Why? Something's wrong?" He asked worriedly, umiling naman ako. "Hindi ka kasali sa screening?" I asked, balita ko kasi ay kasali s'ya e, kaya pinush ko na 'to. "Caden needs it," he said as he smiled, napatingin tuloy ako sa pila ng mga lalaki– amporky! Nando'n nga si Caden! So umatras s'ya, para kay Caden? Isa lang kasi ang pwedeng sumali sa screening per section. "What do you mean?" I asked. "Tagilid s'ya sa dalawa naming subject, kailangan n'ya ng incentive para kahit papano ay mahila ang grades n'ya. Kahit meron pang Pre-finals at finals– malaking kawalan pa rin 'yon. "Paano pag s'ya ang nakuha sa screening na 'to sa boys tapos ako naman ang mapili sa girls? Ayos lang sa'yo?" I asked, tumango naman s'ya. "He needs it so I must support him because he's my friend– plus…ako naman ang mahal mo e," ay ang yabang naman. "Sure ka ba r’yan?" Pang-aasar ko, sinamaan n'ya ako ng tingin kaya napatawa ako. Pero...paano nga kung si Caden talaga ang mapili sa boys tapos ako naman sa girls? Amporky! Ang awkward nun! Tapos hindi pa maayos ang huli naming pag-uusap, ang sakit sa bangs isipin kahit wala akong bangs, hays.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD