Chapter 21

2200 Words
"May I know Miss De Leon kung bakit 'yong kantang 'yon ang napili mong tugtugin?" tanong ng isang Prof, lima sila na sumusuri sa amin e. Galing din ng iba't-ibang department. Tapos na ako mag perform, ang tinugtog ko ay dance with my father. I almost cried habang tumutugtog. Sariwa pa rin sa puso ko ang pagkawala nilang tatlo. Buti na lang talaga ang questions nila ay related lang din sa kung ano ang performance namin, kaya hindi naman ganun kahirap. Tinignan ko muna silang lima, tapos tsaka ako ngumiti. "Kahit na ang pamagat ng tinugtog ko ay dance with my father, but that performance was actually dedicated to my parents and my older brother who recently passed away," I looked at them as I smiled bago magpatuloy. "It was so sudden that I almost went crazy, I wasn't in a good terms with my parents since I was a child, nito lang kami nagkasundo, nito lang kami nagkaintindihan kaso mapaglaro talaga ang tadhana e. Kung kailan maayos na ang lahat tsaka naman sila kinuha sa akin. If I could get another chance I would like to show them how much they mean to me, hindi pa nila ako nakikita na nag perform, kahit isang beses. As I was performing the song, I was thinking of them– if I could steal one final glance– I wouldn’t take my glance off from them. If I could steal one final step– I would step forward, so that I could reach them. If I could steal one final dance– I would like to perform a dance in front of them and play a song that would never ever end so that they won’t take their eyes off to me," saad ko habang binabanggit ang iilan sa lyrics at pinunan gamit ang aking nararamdaman. "You're such a strong lady, I almost cried while you're performing. Wala kang lyrics na binanggit dahil instrumental ang ginawa mo pero tagos na tagos 'yon sa puso ko," natuwa naman ako sa feedback ng isa sa kanila. Nakahinga ako nang maluwag dahil nagustuhan nila ang performance at sagot ko.Kaya naman ganun na lang ang saya ko nang inanunsyo na ako ang napili na maging representative na babae sa department namin. Umakyat ako sa stage ulit. "And as of our male representative, let's all welcome and congratulate Mr. Caden Geronimo!" Parang gusto kong lamunin na lang ako ng lupa nang marinig ko na si Caden ang magiging male representative ng department namin. Umakyat din ulit ng stage si Caden, magkatabi kami ngayon. "Let's congratulate again the representatives of CSIT department. Ms. Beatrix Bella De Leon and Mr. Caden Geronimo!" Nagpalakpakan ang audience, ngumiti lang ako kahit ang awkward. "Congrats, love," saad ni Zydrix at tsaka ako niyakap, niyakap ko rin s'ya. "Thank you,” pagpapasalamat ko. "Ayon, oh! Sabi ko naman sa'yo Ella e, ikaw ang mapipili," masayang wika ni Ara. "Oy, Congrats din pala Caden," saad ni Ara, napalingon ako sa likuran ko, lumapit pala sa amin si Caden. "Congrats, pare," saad ni Zydrix at nag bro hug sila. "Pwede ko ba makausap si Ella saglit?" Caden asked, napatingin ako sa magiging reaction ni Zydrix pero tumango lang s'ya. Sumunod ako kay Caden, medyo lumayo lang kami konti kaya tanaw pa rin kami ni Zydrix. "Uhh– tungkol sa nangyari sa padi's point. I'm sorry,” napakamot s'ya sa batok n'ya at napayuko. "Hindi ako nag-isip nang maayos at nasabi ko sa'yo 'yon, sorry talaga," paghingi n'ya ulit ng tawad. "It's fine, pasensya na rin. I shouldn't have went there and act as if we're that close,” I apologized, totoo naman e, hindi naman kasi porket dinamayan n'ya ako ay close na kami, at hindi rin porket gusto n'ya ako noon ay ganun pa rin ngayon. "Gusto ko lang din sabihin na wala kang kasalanan, it's my choice at girlfriend ka ng kaibigan ko e. Tinuring na rin kita na parang kapatid ko," he said, see? Parang kapatid na pala ang turing n'ya sa'kin. "Oh, ayos na tayo ha?" Natatawa kong saad, tumango naman s'ya. "Iisipin ko na lang din na parang totoo kitang kapatid,” I said as I smile at him. Bumalik na rin agad kami sa pwesto nila Zydrix. "Don't you want to celebrate?" Zydrix asked. "Was that even worth to celebrate?" I shrugged, sinamaan n'ya ako ng tingin. "Why? Tsaka na lang tayo mag celebrate kapag naipanalo namin ang pageant, hmm? I'm tired din kasi e. I want to rest," totoo naman kasi, napagod talaga ako. "Sus, gusto mo lang umuwi na agad para makapag cuddle kayong dalawa e," ang sarap hambalusin ni Ara, nag-init tuloy ang pisngi ko dahil sa sinabi n'ya. "Gusto mo lang pala akong solohin e," bulong sa akin ni Zydrix na lalong nagpa-init ng pisngi ko. "Lumayas na nga kayong mag-jowa! Ang sakit n'yo sa mata," taboy sa amin ni Ara. "Ay nga pala Drix, hiramin namin 'to si Ella bukas, ha. Sa'yo s'ya ngayon, sa amin s'ya bukas. Maliwanag?" Kaya pala may pagtaboy ang gaga kasi may balak pala. Napairap na lang ako bago kami tuluyang umalis ni Zydrix, bitbit n'ya ang gamit ko. Nang makauwi kami ay dumiretso muna ako sa kwarto ko para mag-bihis. Nag half-bath muna ako at terno na pantulog na agad ang sinuot ko. It's already past 8:00 PM kaya medyo gutom na talaga ako, bumaba rin ako agad para kumain. "I was about to call you," Zydrix said, paakyat na sana s'ya. "Tara, kain na tayo. I'm hungry,” nginitian ko s'ya. Ipinaghila n'ya ako ng upuan, ganun din si ate. Ang bait at ang gentleman ni Zydrix, hindi ko mapigilan isipin na sana s'ya na nga. Pero ayaw ko rin magsalita ng tapos. Mayroong cake na nakahanda rin sa mesa kaya hindi ko maiwasan na magtanong. "Eh? Bakit may pa-cake?" I asked. Nakabalot pa kasi 'yon, from red ribbon. "Si Drix nagpabili n'yan," saad ni ate kaya napatingin ako kay Zydrix na katabi ko. Inabot n'ya ang box ng cake at binuksan. Congratulations, Love. I love you. Binasa ko ang nakasulat sa cake, napangiti naman ako. "Thank you,” I mouthed to him, ngumiti s'ya bilang tugon at sinenyasan ako na kumain na. "Basta ha, tutulong ako sa preparation mo!" Saad ni ate, tuwang-tuwa. Tumango naman ako. "Alam mo na ba ang gender ng pamangkin ko ate?" I asked, bago sumubo ulit ng ulam. "Gusto ko sana na wag na alamin. Para surprise but at the same time, gusto ko rin malaman na agad para alam ko na kung ano ang pamimilhin ko," napasimangot s'ya kaya natawa ako. "Alamin mo na ate!" Excited na ako malaman e. "You look excited," Zydrix commented. "Tse, hmp," ayan lang ang tanging nasabi ko, natawa naman si Ate. Pagkatapos kumain ay agad din akong umakyat sa kwarto ko, mayroon pa kasi akong gagawin sa Programming. "Pasok," saad ko nang marinig na may kumatok sa kwarto ko, tutok na tutok kasi ako rito sa ginagawa ko. "I thought you wanted to rest?" He asked, umupo s'ya sa couch. Ako naman nandito pa rin sa study table ko. "Baka matambakan ako lalo ng gawain e,” I said without looking at him, narinig ko naman s'ya na bumuntong hininga kaya huminto ako saglit at nilingon s'ya. Nakasuot na rin s'ya ng ternong gray na pantulog, hindi man lang s'ya nag-abala na ayusin ang buhok n'ya kaya magulo 'yon pero bagay naman sa kanya. "Why are you sighing?" I asked, nilagyan ko muna ng comment ang last na code na nilagay ko before turning off my laptop. Umupo ako sa gilid ng kama ko, nakatapat ako sa kanya. "Nothing, come here,” he gesture his arms, asking for a hug. Kaya lumapit ako sa kanya. Zydrix’s POV I gestured her to give me a hug, lumapit naman s'ya at niyakap ako. I was about to say that I'm jealous, but at some point I think I don't have the right to get jealous because it was Caden who stayed by her side when she needed me the most. Also, the guilt is still here. I feel like it was also my fault why her parents and brother died because I'm related to Shane. Nagpadala ako sa emosyon ko masyado at hindi ko rin maitatanggi na nasaktan ko si Ella. May nasabi ako na hindi naman dapat, lalo na roon sa hospital before her parents and brother died. Sobrang halaga rin sa akin si Shane, kapatid na ang turing ko sa kanya. Kaso isang araw bigla na lang s'yang nawala dahil kailangan na n'yang bumalik sa totoong mga magulang n'ya. I was really sad back then that's why that night, where she showed herself up. I was excited to see her and worried about her at the same time. Lalo pang nagpabigat sa loob ko when I found out that she's not doing well. I feel like it's my responsibility to make her happy again, but I was wrong. Dahil sa bawat pagpapasaya ko kay Shane– si Ella ang nasasaktan. Pero pinili n'ya pa rin akong intindihin, nang ma-realized ko ang lahat while I was in US– nagpaalam ako na uuwi na ako ng pinas. Pinigilan ako ni Shane, she said she needs me. But I just shook my head saying that there are a lot of people staying by her side. Akala ko ayos na but she suddenly cried and said something that made me realize that Ella was right. Flashback; "Please, stay," she said as she cried. "Shane, marami pa akong gagawin sa Pinas. I need to go back.” Marahan kong saad. "Dahil ba sa girlfriend mo?" She said. Tumango naman ako, ang dami ko ng kasalanan sa kanya. I have to go back and apologize. “Akala ko ba tayo pa rin ang magkasama hanggang sa tumanda tayo? You said that when w–” "Nagkakaintindihan pa ba tayo Shane? Ang sinabi ko noon ay kahit na tumanda na tayo ay nandito pa rin ako para sa'yo as your cousin.” I clearly said. "But I– I like you," I froze, how could she say that? "We're cousins," Seryoso kong sabi. "Not anymore, we're not blood related at all! Do you know how happy I was nang malaman ko 'yon, ha? Because I've been liking you since then. You and I– not being blood related was good news to me kasi finally! We can be together.” I looked at her as if she was the most crazy human on earth. "You're crazy," napaawang ang bibig ko. "Oo, Zy. Nababaliw na nga ako dahil sa pagmamahal ko sa'yo!" She yelled. "But I don't feel the same. I love my girlfriend.” I looked away. "Mas makabubuti na hindi muna tayo magkikita," I said. "No, please! I'll be good. I badly need you, Zy." "Maraming nandito para sa'yo Shane, aren't you being selfish right now? You have your real parents and even tito and tita are here para sa'yo. Nag-aalala sila sa'yo, at nababalewala na ni tita ang tunay n'yang anak dahil sa'yo. Hindi mo man lang ba inisip kung ano ang nararamdaman ngayon ng totoong pinsan ko?" I shook my head in disbelief. "No, I don't need them! Ikaw– ikaw ang kailangan ko!" I looked away, dahil kahit papano ay ayaw ko s'ya makitang umiiyak nang dahil sa'kin. "Doctor ang kailangan mo, Shane. Hindi ako." I said, a matter of fact before I left. Safe na sila rito at sa tingin ko ay hindi na sila masusundan nung taong gustong magtangka sa buhay ni Shane at buhay ng totoong magulang niya. But still, I can't stop thinking do'n sa pamilya na aksidenteng na ambush dahil sa pag-aakalang 'yon ang van na sinakyan namin papunta ng Airport no'ng umalis kami. Palabas na ako ng airport nang mahagip ng paningin ko ang monitor na mero'ng nagbabalita. Tinignan ko ang description sa baba. "Bunsong anak ng mag-asawang Atty. Drea Amelia de Leon at Engineer Brent de Leon ay nagtangkang magpakamatay dahil sa pagpanaw ng mag-asawa kasama ang nag-iisang anak nila na lalaki." I froze, para akong tinamaan ng kidlat sa nabasa ko. Then I turned on my phone and searched online. Nanghina ako sa nalaman ko. Tinignan ko pa ulit sa picture ang van nila, it was the same as what we used last time. Ang bigat sa loob ko, d-does she know the truth? Kamumuhian n'ya ba ako? Kabado ako pero gusto ko pa rin s'yang makita at handang harapin at tanggapin ang galit n'ya. But I was wrong again. "Tsaka na tayo mag-usap. Kapag maayos ka na," She's just too good for me, I should be the one saying that– nakakahiya. She didn't even let her anger out to me na lalong nagpapabigat sa loob ko dahil nakakaya n'yang isantabi ang galit n'ya dahil mahal n'ya ako. Hindi man n'ya sinasabi pero alam ko na ganun ang nasa loob-loob n'ya. End of flashback~ "Oh, bakit natahimik ka r’yan?" She asked as she looked up, I kissed her forehead. "Nothing, I love you.” I said as I hugged her again. I'll be good, I promise. She's an angel, so I shouldn't drag her to hell.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD