Chapter 14

2527 Words
Inis akong napahiga sa kama ko, inaalala ang nangyari kanina, mali ba ako? Am I being too dramatic? Napabangon ako at napatingin sa phone ko, no messages from him, napabuntong hininga na lang ako, feeling ko mali talaga ako, bakit ba kasi nagalit ako? I dialed Ara's phone number, buti na lang sumagot siya. "Oy, bakit?" She asked, nakarinig pa ako ng ingay, nasa galaan yata ang gaga. "Where are you? Bakit maingay?" I asked. "Ah, nandito kami kila Sean. Napag-usapan namin na mag bar mamaya kasama iba pa nating mga kaklase," kumunot ang noo ko sa sinabi niya, hindi man lang nila ako inaya. "Amporky kayo, hindi man lang ako inaya!" Tampo kong sabi. "Eh kasi nga panay tanggi ka naman, gaga ka." Kung sabagay, ilang beses na sila nag-aya kaso ni-isa roon ay hindi ko napuntahan. "I'll go with you guys, send me the address. Rekta na lang ako sa bar," sabi ko at ibinaba na ang call. Masyado akong nagpapaka-stress, I need to relax. Naghanap ako ng maisusuot sa wardrobe ko, hmm... I picked a red mini skirt and red lace up crop top at red din na high heels sandals. Feeling ko kasi maging sexy ngayon e, bakit ba. I curled my hair and put a light makeup on, maroon matte lipstick ang ginamit ko. Napatingin ulit ako sa reflection ko sa salamin, hmm… not bad. I'm satisfied with my looks. Hindi ito ang unang pagpunta ko sa bar pero ngayon na lang ulit at hindi ko alam kung kailan mauulit kaya ginalingan ko na masyado ang pag-awra ko hehe. Nag-grab lang ako papunta sa sinent ni Ara na address, pagbaba ko ay agad kong tinawagan si Ara, ayaw ko pumasok mag-isa e. "I'm here na, sa labas, pasundo." Sabi ko nang sagutin niya ang tawag. "Ay wow naman, madam? May pasundo. Oo na, wait mo'ko r’yan," sus, papayag din naman pala. Ibinaba ko na ang call agad at ibinalik ang phone ko sa red clutch purse na dala ko, medyo hindi pa ako sanay sa phone na 'to kasi bago at android. Eh kasi naibato ko nga 'yong phone ko dati, iPhone 7 plus 'yon at kaya pa naman ipaayos sana kaso gusto ko rin magbago na ng phone. "Wow naman! Ginalingan, t*ngina!" Medyo nagulat ako kay Ara. "Amporky ka! Nakakagulat ka naman," sinamaan ko siya ng tingin. Tinawanan lang niya kami at agad na rin kaming pumasok sa loob ng bar, aba't nag VIP pala ang mga siraulo– galante ah. Ang ingay pa nila pagdating ko pero napatahimik din at napatingin sa akin. "Woah! Ang hot ah." Sabi ni Christine, one of my classmates. "Omg! Bakit hindi ka na lang magmodel, Ella? " Puna ni Cheska. "Naks, ginalingan masyado, uwian na may nanalo na." Sabi ng isa kong kaklase na lalaki, nagtawanan naman sila. Inirapan ko sila nang pabiro at umupo sa couch sa tabi ni Ara. "Ngayon lang ba kayo nakakita ng maganda? Sus, maliit na bagay," pabiro ko ng sabi. "Woah! Lakas!" "Awit, level 101.1 confidence natin, ah". Kant'yaw nila, tinawanan ko na lang sila. Ngayon nga lang naman kasi nila ako nakasama mag bar kaya baka nanibago sila bigla. Inabutan naman ako ng tequila ni Sean, malugod ko naman 'yong tinanggap, hindi ako madaling malasing pero hindi rin gano'n kataas ang alcohol tolerance ko. Naisipan ko naman na mag picture, matagal na akong walang update sa IG ko e. Tinawag ko si Ara para kuhanan ako ng picture, pumwesto ako sa pinakadulo ng couch at sumandal– habang 'yong isang kamay ko ay may hawak na baso na may lamang tequila. Nagde-kwatro ako at akmang iinumin ang alak pose, una ay stolen kunyare at pangalawa ay tumingin ako sa camera. I tried my best to look seductive. "Naks, Galaxy S20!" Puna ng isa kong kaklase, sabi kasi nila maganda raw ang Samsung kaya naman sinubukan ko and maganda rin ang specs. Nang mabigay na ni Ara sa'kin ang phone ko ay agad kong tinignan ang mga kuha niya. I smirked when I saw the result kasi ang ganda! May skills kasi pagdating sa photography 'tong babaeng 'to eh. Agad ko naman 'yong inupload sa IG ko, Beatrix– ayan ang nilagay ko sa caption, everytime I dressed up like this, Beatrix ang itinatawag sa'kin ni Ara kasi hindi raw bagay pag tinawag niya akong Ella', daming alam 'di ba? Nilagay ko rin sa sss ko pero sa story lang at ganun parin ang caption, hindi ko na nilagyan ng location. "Tara, sayaw tayo!" Aya nila, umiling naman ako, nagpaiwan din naman si Ara. "Nag-away kayo?" She asked, dahan-dahan naman akong tumango. "Awit, himala andito ka pa sa pinas! HAHAHAHAHA!" Pang-aasar niya. "Last time may pa-Spain Spain ka pang nalalaman," dagdag pa niya. "Nagkataon lang 'yon, ok?" Irap ko sa kanya na ikinatawa niya. "Ano naman ganap niyo this time?" She asked, kaya ikinwento ko sa kanya ang nangyari. "May karapatan ka naman na magalit pero sana inintindi mo na lang. Paano kapag ako 'yon at kailangan kita 'di ba gano'n din naman ang gagawin mo?" Kung sabagay, tama naman siya. "Fine, magsosorry na lang ako sa kanya bukas," napainom na lang ulit ako at napabuntong hininga, wala naman akong choice, mahal ko e. Pumunta na ng dance floor si Ara, kaya nag scroll-scroll na lang ako sa phone ko at tinignan na rin ang notification ko. Bigla namang tumunog ang messenger ko kaya tinignan ko 'yon, si Zydrix pala, nagreply sa story ko sa sss, asking where I am. Nagdalawang isip pa ako kung sasabihin ko o hindi, but in the end ay sinabi ko rin sa kanya na nandito ako sa Quezon City. Ang rupok sis, tumayo ako at tinanaw ang dance floor, aba nagwawala na si Ara, hindi ko tuloy maiwasan na videohan siya tapos nilagay ko sa story ko sa sss at minention siya, pft. Nag vibrate ang phone ko hudyat na mayroong nagtext. From: Love Get out, nandito ako sa labas. Ohm huwag kayo ha. Siya ang naglagay ng name na 'yan. Nagpaalam muna ako sa kanila bago umalis. Paglabas ko ay natanaw ko kaagad si Zydrix na nakasandal sa kotse niya, dahan-dahan akong lumapit sa kanya, napansin niya naman agad ang presensya ko. Napaayos siya ng tayo at pinapasok ako sa may shotgun seat, umikot siya at pumunta sa driver's seat, he gave me a glance before starting the engine, nagkibit balikat lang ako at tumingin sa labas ng bintana. "I'm sorry," I apologized, naramdaman ko naman na hininaan niya ang pagpapatakbo ng sasakyan at dahan-dahang itinabi sa gilid ng kalsada. Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya, pero ramdam ko na nakatingin siya sa'kin ngayon. Bigla niyang inabot ang kaliwang kamay ko, hinalikan niya 'yon bago ko siya narinig na bumuntong hininga. "I'm sorry too, I made you angry again," he said while stroking the back of my hand, tinignan ko siya at nginitian. "Hmm, I understand." I said. "You do?" He asked, I smiled at him again before speaking. "I may not understand your whole situation but I trust you, so I understand." I said. I love you, that’s why I trust you. Ganun naman talaga 'di ba? Pag mahal mo ang isang tao, kusa kang magtitiwala. "Thank you, I love you," he said as he smiled. "I love you too." I love you so much, so please don’t hurt me. Bigla siyang may kinuha mula sa likuran, jacket pala at ipinasuot niya sa'kin. "You must be cold," sabi niya at sumulyap ulit sa'kin. "So this is how Beatrix dressed up?" Taas kilay niyang tanong. "Ayaw mo ng ganito?" Tinaasan ko rin siya ng kilay. "You're free to dress yourself, I'll still love you. I love how Ella or Beatrix dressed up kasi ikaw pa rin 'yon. I love everything about you." "Ella, may naghihintay sa'yo sa baba," silip ni kuya sa kwarto ko, nakabihis na rin siya. "Mukhang hindi ka pala sa akin sasabay ah," dagdag pa niya, tumango naman ako. Acquaintance party kasi namin ngayon, 8:00 PM - 12:00 AM ang party party namin. Kinakabahan pa ako kasi mayroon akong exposure at solo performance pa. Amporky, hindi ko rin alam kung bakit nila ako napili na magperform pero si kuya dapat kasi 'yon kaso pinasa sa'kin ni kuya dahil busy siya sa ibang performance pa. Oo, bentang-benta lagi 'yan si kuya ‘pag may event sa school laging requested. Napatingin ulit ako sa salamin. I'm wearing a red lace off-shoulder cocktail party evening formal gown, since performer naman ako ito ang napili ko at hindi sumunod sa theme ng school dahil ayaw kong magbaon ng pamalit. I just tied my hair into a simple ponytail pero naka curled 'yong buhok ko. Balak ko sana ilugay lang kaso naka off-shoulder ako, syempre dapat kitang-kita naman ang collarbone and shoulder ko. Ano pa silbi ng off-shoulder kung matatakpan 'di ba? I grabbed my small red quilted Chanel bag with gold chain straps with red strip in it, at nagmadaling bumaba dahil alam kong si Zydrix ang naghihintay sa'kin dahil sabi niya susunduin niya ako. Kumunot ang noo ko nang makitang si Caden 'yon, bakit siya ang nandito? Luminga-linga pa ako, umaasang mahahanap si Zydrix. "Where's Drix?" I asked, napaangat naman siya ng tingin, nakayuko kasi siya kanina. He's wearing a maroon checkered long sleeve, white ang panloob niya at nakatupi 'yon hanggang sa siko niya lang, black na pantalon naman pambaba niya. Nagmukha tuloy kaming couple dahil sa suot namin amporky. "Uhh– hahabol daw e. May emergency raw kaya ako ang nautusan magsundo sa'yo," paliwanag niya, himala at si Caden ang inutusan niya hindi si Aeron or kuya Chase. "Okay, let's go," aya ko sa kanya. Tahimik lang ako hanggang sa makarating kami sa venue. Hindi ko sinabi kay Zydrix na mayroon akong performance para sana surprise, hahabol naman daw siya eh. Tsaka buti nalang pang closing ang performance ko. Pinagbuksan ako ng pinto ni Caden nang makarating na kami sa venue, agad ko naman siyang pinasalamatan. "Saa'n ka na n'yan?" He asked, kamot-kamot pa niya ang batok niya. "Uhm...hahanapin ko muna sila Ara, ikaw?" "Samahan na muna kita mahanap sila. Tapos tsaka ko hahanapin ang mga kaklase ko," sagot niya. 8:15 PM na kami nakarating kaya marami ng tao at nag-uumpisa na ang opening ceremony, na-traffic kasi kami e. Medyo lumayo ako konti kay Caden dahil nga para kaming nag-usap sa susuotin namin amporky, napapatingin pa nga 'yong iba sa amin eh. Nagulat naman ako nang hawakan ako ni Caden sa balikat at bahagyang inilapit sa kanya dahilan para hindi ako mabangga nung mga naghaharutan. "Thank you," pagpapasalamat ko sa kanya, tumango lang siya at binitawan ako . Medyo natagalan din ako bago mahanap kung saan nakapwesto sila Ara. "ELLA!" Malakas na sigaw ni Ara, dahil malakas din kasi ang tugtog. Nagpaalam naman ako kay Caden at nagpasalamat bago tuluyang lumapit kila Ara. "Wooooh! Iba talaga pag may kaklaseng chix! Napagtitinginan tayo," sabi ni Cheska, napatingin din ako sa paligid. Oo nga, mayroon ngang mga nakatingin. "Bestfriend ko 'yan!" Pagmamalaki naman ni Ara kaya natawa na lang ako. I messaged Zydrix kung nasaan na siya, kaso wala pa siyang reply. Nag-enjoy na lang muna ako kasama ang mga kaklase ko ang saya nila kasama dahil ang lalakas ng trip. Nang si kuya na ang nagperform agad kong nilabas ang phone ko at kinuhanan siya ng video. Sayaw pala ipeperform niya, akala ko kakanta siya. Kung sabagay para maiba naman, nagsisigawan naman ang mga fangirls niya, napailing na lang ako. Malapit na ang performance ko pero wala pa rin si Zydrix. I tried calling him pero hindi siya sumasagot, baka emergency lang talaga. "AT SYEMPRE MERON DING CLOSING PERFORMANCE! EXCITED NA BA KAYO KUNG SINO ANG MAGPEPERFORM?!" Anunsyo ng emcee. "Brix ulit, please!" "Babae naman! Puro na lang lalaki!" "Brix!" "Brix!" Oh 'di ba? Benta talaga si kuya palagi. Kinabahan tuloy ako bigla– nandito na ako ngayon sa backstage, parang sasabog na ang puso ko. Si Ara lang ang nakakaalam sa mga kaklase ko na mayroon akong ganap, huminga na lang ako ng malalim. "FOR OUR CLOSING REMARKS PERFORMANCE, LET US ALL WELCOME ON STAGE, BEATRIX BELLA DE LEON!" Agad naman akong naglakad papunta sa gitna ng stage. Maliwanag 'yon tapos biglang naging dim, narinig ko naman 'yong hiyawan bigla ng ibang audience. Kakanta ako at ang kakantahin ko ay Tell Me Where It Hurts by MYMP. Hawak ko ang mic at tumingin sa audience, damn sana maayos kalalabasan! “Woooh! Go Beatrix!" "The face of CSIT! Go girl!" "Go crush! Kahit taken ka na!" "Go crush!" "Kaklase namin ‘yan!" Medyo lumakas ang loob ko nang marinig ang cheer ng iba. "What is that sad look in your eyes, why are you crying," umpisa ko, trying to feel the song. "Tell me now, tell me now," "Tell me, why you’re feelin’ this way," "I hate to see you so down, oh baby," I closed my eyes, binuhos ko ang emosyon na dapat kong ibuhos sa kanta. "Wooh! I’m down baby! Pa-comfort naman!" "Paranas naman kung paano mag comfort ang isang Beatrix!" "Is it your heart," "Ooh, that’s breakin’ all in pieces," "Makin’ you cry," "Makin’ you feel blue," "Is there anything that I can do," "Why don’t you tell me where it hurts now, baby," I sang whole heartedly. "Sakit bigla ng puso ko! Paalaga naman!" "And I’ll do my best to make it better," "Kahit wala ka nang gawin! Tingnan mo lang ako gagaling na ako!" Muntik na akong matawa nang marinig ko ang sigaw ng isa sa mga audience. "Yes, I’ll do my best to make those tears all go away" "Just tell me where it hurts now, tell me," "And I love you with a love so tender" "Oh and if you let me stay," "I’ll love all of the hurt away," Marami ang nagchi-cheer kaya naman ginanahan din akong ibuhos ang emosyon na gusto nilang makita. I also tried to look around sa audience area baka sakaling makita ko si Zydrix pero nabigo lang ako. Tinapos ko na ang kanta at nginitian silang lahat before going back to the backstage, naririnig ko pa sila na sinisigaw ang pangalan ko. Natapos ang party nang walang Zydrix na dumating. Pero nag text naman siya, nabasa ko after ko mag perform and he said he was sorry kasi biglaan lang daw talaga, tsaka na raw niya sasabihin sa'kin. I just replied that it was fine. Mayroon pang ganap si kuya at do'n siya matutulog sa bahay ng kaibigan niya kaya naman no choice ako kundi kay Caden ulit sumabay, pero this time ay kasama namin si Ara. Siya ang unang ihahatid tapos ako next. "May picture na ba kayong dalawa? Kung wala ay akin na ang phone mo Ella, picturan ko kayo," binigay ko naman ang phone ko sa kanya. "Lapit pa konti para naman kayong magkagalit niyan, uh– Caden, lagay mo ang isang kamay mo sa bulsa mo tapos 'yong isa ay iakbay mo kay Ella," utos ni Ara na agad din namang sinunod ni Caden. "Ayan! Perfect! Para kayong pinagtagpo pero hindi tinadhana sa suot niyo, HAHAHAHA!" May pang-aasar pang kasama si gaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD