Chapter 13

2705 Words
"Love, let's eat. Bakit ang tagal mo? Kanina ka pa r'yan sa banyo," katok ni Zydrix, tinignan ko ulit ang reflection ko sa salamin at naningkit ang mga mata ko dahil sa inis at hiya. Binuksan ko ang pinto, bumungad naman sa'kin si Zydrix na nagtataka. "Look what you have done!" I said, showing him my hickeys na gawa niya. He just smirked then laughed. "Anong nakakatawa?" Inis kong tanong. "You have a soft and delicate skin– wala pa nga 'yong ginawa ko sa gusto kong gawin tapos ganyan na agad," he said as he licked his lower lip tapos tumingin siya sa leeg ko pero agad din naman niya 'yong ibinalik sa mata ko, napatingin din tuloy ako sa kanya. "Don't wear that kind of look, you're seducing me," seryoso niyang sabi kaya gano'n na lamang ang panlalaki ng mga mata ko. "I'm not seducing you!" Agad kong tanggi, tumawa naman siya. "p*****t!" Dagdag ko pa, pero tinawanan nanaman niya ako. "Sa'yo lang, love," kumindat pa. Nilagpasan ko na lang siya at pumunta na sa mesa kung nasaan nakalapag ang pagkain. Hinawi naman ni Zydrix ang kurtina dahilan para makita ang labas, oh– ang ganda! Excited na tuloy ako lumabas! "Ang ganda!" "Mas maganda ka pa rin," mahinang tawa ni Zydrix at umupo sa tabi ko. Tahimik kaming kumain, after nito ay napag usapan namin na maglibot tapos swimming. Napansin ko naman na laging sumusulyap sa'kin si Zydrix kaya binalingan ko siya ng tingin. "Ba't ka tingin nang tingin?" I asked, pero umiling lang siya tapos sumulyap nanaman sa leeg ko, so leeg ko pala ang sinusulyapan niya? Naka ponytail na kasi ako. "I'm proud that I was the one who left that marks on your neck, ang ganda tignan," napatahimik ako. "Adik ka ba?" Manghang sabi ko, anong magandang tingnan at proud?! Minsan talaga may saltik din 'to eh. "Hmm, sa'yo," he said then laughed, inirapan ko siya. Pagkatapos namin maglibot ay bumalik kami sa hotel room para magbihis dahil magsu-swimming kami. Bottom bay one piece swimsuit na burgundy ang isinuot ko. I know na bagay naman sa'kin kaya agad din akong lumabas para makapaglagay na ako ng sunblock. Paglabas ko ay nakaupo na si Zydrix sa kama, naka-swim shorts lang siya tapos topless, ngayon ko lang siya nakita na topless although nararamdaman ko ang abs niya tuwing niyayakap ko siya. Matipuno ang katawan niya, muntik nang tumulo laway ko, pero joke lang syempre. Tumikhim ako para kunin ang atensyon niya, agad naman siyang napatingin sa'kin. "Wala ka na bang ibang dala na swimsuit?" He asked, furrowing his brows. "Hindi ba bagay?" Nahiya tuloy ako. "Ayon nga ang problema e, masyadong bagay sa'yo tsk, come here." Para naman akong tuta na sumunod sa utos niya, pinaupo niya ako sa tabi niya at nilagyan ng sunblock kahit hapon na. Tumingin ako sa reflection namin sa salamin, nahagip ng paningin ko ang chikinini sa leeg ko. Damn paano ko itatago 'to? Tumayo ako saglit para maghanap ng cream na pwedeng ipantapal sa leeg ko, nang mahanap ko na ang hinahanap ko ay bumalik ako sa kama para malagyan na ulit ng sunblock ni Zydrix. "Anong gagawin mo r’yan?" Nguso niya sa hawak ko na cream. "Uhm…I'll cover my hickeys?" Hindi ko siguradong sagot. Agad niya namang inagaw sa'kin ang cream kaya natataka ko siyang tiningnan. "Why?" I asked. "You want to hide the marks that I left?" Inis niyang sabi. "Ha? hindi naman sa ga–" "Good,” ayan lang ang sabi niya at itinago ang cream na ilalagay ko sana. May ubo ba siya sa utak? Malamang medyo nahihiya ako! Amporky nito, lakas ng topak. Nang makarating kami sa pool area ay agad akong nagbababad. Ang lamig ng tubig ang sarap sa pakiramdam! Naramdaman ko naman na may yumakap sa'kin– ay si Zydrix 'yon syempre. Lalangoy na sana ako palayo dahil gusto ko magtampisaw kaso ayaw niya akong pakawalan. "Why?" I asked, bakit parang wala na naman siya sa mood? "Daming tumititig sa'yo na lalaki, just stay by my side. Okay?" Napalinga tuloy ako sa paligid, oo nga pero sa kanya rin naman, may mga babae na kanina pa tumitingin pero hindi naman ako nagreklamo. Amporky nito, inirapan ko nga siya. We took some photos together tapos mayroon din naman na solo, ang ganda kasi ng view pang IG. Hindi rin kami nagtagal at bumalik na kami sa hotel room namin. Mabilis dumaan ang bakasyon, ngayon ay pasukan na naman ulit. I'm now in my second year college habang si Zydrix naman ay third year, magiging busy na siya masyado sa taon na 'to dahil sa upcoming capstone project nila. "Waaaah, Ella! Namiss kita sobra," si Ara 'yan. "Namiss din kita," sabi ko sabay yakap sa kanya, umuwi kasi siya ng probinsya nila kaya hindi kami nagkita buong bakasyon. "Naks, alagang-alaga ka yata ni Drix, ah! Ganda lalo e," sus, nambola pa. "Sino inuto mo?" Irap ko sa kanya. "Ikaw, sino pa ba?" Hinampas ko nga siya. "Ganyan pala pag alagang Zydrix HAHAHAHA." Ginatungan pa ni Cheska, amporky ng mga 'to. "Nakakatawa?" Irap ko ulit. "Oo, asar na asar ka e, HAHAHAHA." Tawa ulit ni Cheska. "Uy, si Drix 'yon 'di ba? Ba’t may kasamang babae?" Napalingon tuloy ako sa tinitignan ni Cheska. Bakit kasama niya si Shane? Morena si Shane tapos hanggang balikat ang iksi ng buhok, a typical filipina beauty. Kaya hindi ko maipagkakaila na maganda siya. "Kaibigan niya 'yan." I said, palapit ngayon sa'min si Zydrix at Shane. "Love, samahan ko lang si Shane mag-asikaso ng papers niya, ha. Hindi ako makakasabay sa'yo mag lunch," he said apologetically, bakit on the spot naman siya kung magpaalam? Itinago ko na lang ang inis na nararamdaman ko. "Okay," ayan lang ang isinagot ko. "Sorry, babawi ako next time, hmm?" Sabi niya bago umalis. "Ehem, nangangamoy selos ah," sabi ni Ara. "Ba't naman ako magseselos? Eh ako ang mahal," pagmamayabang ko. "OH, SIYA NGA NAMAN ANG MAHAL!" Sabi ni cheska at tumawa sila pareho, parang mga tanga. Database ang first subject namin ngayon, medyo nai-excite ako kasi feeling ko magiging Database Analyst ako e or feeling ko lang 'yon. 3 hours ang time namin sa subject na 'to pero nagpapabreak naman ng 30 mins si sir, kase nakakatuyo nga naman ng utak kapag tuloy-tuloy ang lessons. "Ara, hindi ka lalabas?" Nakaupo lang kasi ang gaga at nakahalumbaba sa mesa ng monitor niya. "Kailangan kong i-digest lahat ng sinabi ni sir kaya ayaw ko muna kumain!" Napatawa ako. "Ano 'yan pagkain?" Humalakhak ako. "Cheska, ikaw?" Baling ko kay Cheska. "Syempre, magbi-break ako. Bawal magutom ang maganda!" Pft, petiks petiks palibhasa may kuya na CS. Saktong paglabas namin ay kalalabas lang din ni Caden galing sa katapat namin na room. "Uy, Ella, Cheska," gulat pa siyang bumati sa amin. "Hi, kuya Caden!" Bati ni Cheska. "Hello, Caden!" Masigla ko naman na bati, naalala ko na naman ang sinabi dati ni Zydrix na crush daw ako ni Caden. Pero isinawalang bahala ko rin naman agad. He's a good guy naman tsaka crush lang naman ‘yon. "Saan punta?" He asked. "Bibili sa Cafeteria, kuya. Ikaw ba?" Si Cheska ang sumagot. "Uhh– me too" Maiksing sagot niya. "Oh tara, sabay-sabay na tayo!" Sabi ni Cheska. Pagdating namin sa cafeteria ay umorder agad kami. Sila lang palang dalawa, kasi ako ang naghanap ng mapupwestuhan namin. Pumili ako ng mauupuan sa malapit para tanaw lang nila ako. "Oy, Ella! Magpasalamat ka rin kay kuya Caden, siya nagbayad lahat ng 'yan," turo niya sa pagkain at ibinalik sa akin ang pera na binigay ko sa kanya kanina. "Thank you, Caden!” Ngiti ko at pasasalamat sa kanya. Napakamot lang siya sa batok niya at umupo na rin. Tabi kami ni Cheska at sa tapat naman namin si Caden, tahimik lang din siyang kumakain. Binilisan lang namin ang pagkain dahil 30 mins break lang naman, at snacks lang naman ang binili namin. "Salamat ulit Caden ha," sabi ko bago pumasok sa classroom. "Oy, Ella. Sure ka na hindi ka sasama?" Tanong ulit ni Ara, umiling ulit ako. "Hindi, sabay kami ni Drix ngayon eh," sabi ko sa kanya, next gala na lang ako sasama. "Osige, next time sama ka ah!" Kumaway na siya pati na rin ang iba kong kaklase at nagpaalam. Saktong wala na sila sa paningin ko nang makatanggap ako ng text mula kay Zydrix. From: Zydrix Love, sorry hindi kita mahahatid ngayon :( nagka problema kasi sa bahay nila Shane. Naningkit ang mga mata ko sa inis, sana naman sinabi niya nang maaga! Nakauwi na rin si kuya dahil half day lang siya ngayon. Lumabas na ako ng gate at nang makapag-book na lang ng grab, nagulat ako nang may biglang bumusina. Napaangat ako ng ulo at nakita ang kotse ni Caden, iginilid niya ang kotse niya at tsaka siya lumabas. "Wala kang sundo?" He asked. "Si Drix sana kaso may inaasikaso eh, katetext lang," bakas pa rin sa boses ko ang inis. "Tara, hatid na kita," alok niya, hindi na rin ako tumanggi. Tahimik lang ako, dahil wala naman akong sasabihin. "Kumusta?" He asked. "Ayos lang naman, ikaw ba?" I asked back. "Ayos lang, pinaghahandaan na ang capstone namin," he said. "Mahirap ba?" Curious kong tanong. "Oo, naman. Pero depende rin, hindi pa naman kami nag-uumpisa e," sabi niya at mahinang napatawa. "Parang ayaw ko mag-third year ah." I shrugged, tumawa naman siya. "Sus, kayang kaya mo 'yan. Ikaw pa ba?" "Wag ka nga, baka mamaya bumagsak ako," sabi ko naman. "Hindi 'yan, may Drix ka naman eh," Bahagya siyang tumawa. Ayaw ko naman umasa kay Zydrix, syempre. "Siya na lang kaya pagawain ko 'no?" Biro ko. "Pwede naman, mahal ka naman no'n papauto 'yon syempre," sabi niya sabay tawa. "Amporky ka, joke lang– sira!" Napatawa tuloy rin ako. Saglit lang ang byahe dahil walang traffic, agad din akong nagpaalam kay Caden. "Thank you, Caden. Bye, ingat!" Pagpapasalamat ko sa kanya, ngumiti lang siya at kumaway. I messaged Zydrix na nakauwi na ako. Nagreply naman siya kaagad, maya-maya pa raw siya makakauwi. Ano na naman ba kasing problema ng Shane na 'yon this time? And why does he care so much? To the point na ini-involve niya ang sarili niya sa family matter nung hilaw niyang pinsan, psh. Maaga akong gumayak kinabukasan, dahil pupunta ako ngayon sa condo unit nila Zydrix. Wala kaming schedule pareho ngayon kaya balak namin mag-advance practice sa programming, nagpahatid ako kay kuya. "I'll be busy na, sabihin ko na lang kay mama at papa na ikuha ka ng driver mo," sabi ni kuya, hindi ko kasi talaga kayang mag-drive. I have this fear na feeling ko ay mababangga ako anytime. "It's up to you, kuya. Bye," pagpapaalam ko sa kanya. Nag doorbell ako, si kuya Chase naman ang nagbukas ng pinto. "Hi, kuya!" Bati ko. "Uy, ikaw pala. Tara pasok," sabi niya. Nadatnan ko na busy silang magkakaibigan sa kanya-kanya nilang laptop. Lumingon naman si Zydrix sa'kin, tumayo siya at ginawaran ako ng halik sa noo. "EHEM, PDA!" Pabirong sabi ni Aeron. "Inggit ka?" Baling ni Zydrix sa kanya napa 'ohh' naman si Caden at kuya Chase. Hindi ko maiwasang matawa. Pumwesto na rin ako at inopen ang laptop ko. Sinimulan ko na muna ang activity na iniwan sa amin kahapon ni sir. Tahimik kaming lahat dahil parehong may kanya-kanyang ginagawa nang tumunog ang phone ni Zydrix, sinagot naman niya agad 'yon. "Hello...Oh? Ha– bakit? Ano?! Sige, papunta na po ako," ayon ang sabi niya bago patayin ang tawag. Ibinalik niya sa akin ang tingin niya. Ayan na naman 'yong mapagkumbaba niyang tingin. "Parents ni Shane, something happened. I have to go, sorry," paghingi niya ng tawad, nginitian ko lang siya. "It's fine, take care," sabi ko. He kissed my forehead before going out, ibinilin niya naman kay Aeron na ihatid ako kapag hindi siya nakauwi nang maaga. Masama ang loob kong ipinagpatuloy ang ginagawa ko, mayroon pa akong hindi maintindihan– kainis! Inis akong napapindot na lang sa keyboard ko. "Problem?" Baling sa'kin ni Caden, nginitian ko naman siya ng pilit. "Hindi ko mapalabas 'yong data na kailangan ko." Alanganin kong sabi. Lumapit siya sa tabi ko para tignan. "Kulang ka ng asterisk," sabi niya at nilagyan niya ng asterisk ang code ko. Nagpasalamat naman ako sa kanya. Maya-maya ay hindi ko na naman mapalitaw ang data na kailangan palitawin. Nakakinis naman! Napabuntong hininga na lang ako, narinig ko namang tumawa silang tatlo. "Ano, kaya pa Ella? HAHAHAHA." Biro ni kuya Chase at tawang tawa. "Pwede humingi ng tulong, Ella," si Aeron 'yan, lakas din mang-asar. Ang lakas pa ng tawa niya. Lumapit naman si Caden sa'kin, dinala na rin niya ang laptop niya, chineck niya ang gawa ko. "Baliktad naman 'tong pagkakalagay mo," sabi niya at hinayaan ko na siya na magpindot sa keyboard ko. Tinuruan ako ni Caden, mag execute ng code nang maayos. Minsan pa ay nagtatawanan kami kasi sobrang lakas mang-asar nilang tatlo amp. Bigla namang dumating na si Zydrix. Sakto katatapos lang namin. Napabaling ang tingin niya sa amin ni Caden, may inayos kasi saglit sa laptop ko si Caden. Masama siyang tumitig sa amin anong problema niya? Tumayo ako para salubungin siya, nilagpasan niya lang ako at dumiretso siya sa kwarto. Sinenyasan naman ako ni kuya Chase na sundan kaya sinundan ko. "What's the matter?" I asked as I closed the door, naka upo siya sa kama. "Nothing," sabi niya, nothing pero ang cold, pakuluan kita riyan eh. "Okay," sabi ko nalang. "Tss," he hissed, tumingin ako sa kanya "Kailangan magkatabi? Psh," He asked. "Tinutulungan ako nung tao. Wag mong masamain," sabi ko at umupo sa kama pero hindi malapit sa kanya. "Pwede naman na kay Chase ka humingi ng tulong o kay Aeron. Bakit kay Caden pa?" Inis niyang sabi. "Eh kasi siya lang ang bakante, may tinatapos pareho ang dalawa. Makapag duda ka naman kala mo hindi mo kaibigan." Inis na sabi ko. "He f*****g liked you, anong gusto mo? Mag relax ako?" "Noon 'yon! Ano ka ba. Ganyan ba ang tingin mo sa kaibigan mo, ha?" Inis ko ng sabi. "Ikaw nga hinahayaan kita na pumunta sa Shane na 'yon eh, tapos ikaw ganyan," dagdag ko. "Are you jealous?" Hindi ako sumagot. "If you do, stop it. Pinsan ang turing ko sa kanya at kailangan niya lang talaga ng tulong okay?" He said. Sana nga pinsan lang din ang turing niya sa’yo, kasi the way she looked at you, ganoon din ako, sabi ko sa sarili ko. "Then, are you jealous too?" Hindi s'ya sumagot. "If you do, stop it. Kasi kaibigan lang ang turing ko kay Caden," panggagaya ko sa kanya. "Damn, it!" Napasabunot siya sa buhok niya. "What? I'm just telling the truth. Aren't I?" Maang-maangan ko. "Magkaiba pa rin 'yon," inis niyang sabi. "Oo, magkaiba pa rin 'yon kasi ikaw– isang tawag lang niya pumupunta ka na agad, isang lapit lang niya bumibigay ka na agad, wala ba siyang kamay at paa, ha?" Hindi ko na napigilan ang bibig ko. "It was because I felt sorry for her," tumayo siya at tumalikod. "No, it's because she's important to you!" Napatayo na rin ako. "So, you are," hinarap niya ako. "Pero mas mahalaga siya!" Mapait kong sabi. "No, hindi sa ganun. It's because she needs me now." "She's sick– intindihin mo naman oh," dagdag niya. "May mga magulang naman siya, ah. Bakit kailangan ikaw pa?" I just don't get it. Or Am I being petty right now? I don't know! "Kasi kailangan niya ng lakas ng loob at malalapit na tao by her side," pilit niyang ipinapaintindi sa'kin pero sarado ang utak ko. "Bullshit!" Hindi ko mapigilan na mapamura. "So ako rin ang uunahin mo kapag naghingalo na ako, ganun ba?" I asked. "Ella, you're perfectly fine." "Hindi naman porket maayos ako ay pwede mong isantabi muna ako Drix eh!" "Alam mo walang patutunguhan 'tong usapan natin. Mabuti pa aalis na lang ako," I said as I opened the door and walked out. Niligpit ko ang gamit ko at nagpaalam kila kuya Chase, nag offer siya na ihatid ako pero tinaggihan ko. Gusto ko munang mapag-isa, si Zydrix? Ayon hindi na ako sinundan, baka pupunta na naman ulit sa pinsan niyang hilaw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD