Chapter 11

2488 Words
Pagdating namin ay pagod na pagod ako kahit natulog lang naman ako sa byahe at nagbasa-basa. Wala naman akong gagawin talaga rito, gusto ko lang talagang magrelax. Nag-aya pa si ate na pumunta raw kami sa Barcelona pero tumanggi ako dahil balak kong magkulong lang sa kwarto buong linggo. "You sure na ayaw mo talagang gumala? Pwede naman kitang samahan," she asked. "No, thank you, ate. Tsaka na, huwag ka rin magpagod masyado baka kung ano mangyari sa baby mo," paalala ko. Hindi pinanagutan si ate ng nakabuntis sa kanya, pero nagka demandahan kasi ang sabi ni mama– kung ayaw panagutan ng nakabuntis sa kanya silang mag-ina ay gusto ni mama na magkaroon ng kasunduan na kahit anong mangyari in the future ay bawal lumapit kay ate at sa baby niya 'yong lalaki. Kami na rin ang bahala sa lahat ng gastos ni ate, hindi rin kami naghabol ng sustento. Engineering student ang nakabuntis kay ate, hindi rin namin alam na mayroon pala siyang naging boyfriend sa school na pinapasukan lang din namin nag-aaral. Nakaka intimidate lang tignan si ate pero deep inside hindi pala. Kahit ako, nito ko lang nalaman kaya siguro mabilis siyang naloko nung lalaki. "Ate, 'yong ex mo...hindi na ba kayo nagkausap talaga?" I asked. "Kinausap ko siya. Siya ang kauna-unahan na nakaalam na buntis ako but he said he doesn't want the baby and that day he also broke up with me," she bitterly said, wala talagang ganda-ganda kapag manloloko na ang nakasalamuha mo. Hindi ko alam na mayroong lalaking kayang tanggihan si ate. Knowing it, napaisip tuloy ako kung anong magiging ending namin ni Zydrix. "He's such a jerk, matalino ka, maganda, at talented tapos ginanyan ka lang niya, psh. Pag nakita ko 'yon sa school baka ibitin ko nang patiwarik 'yon," natawa naman siya sa sinabi ko. "Matalino, maganda, at talented…pero tanga sa pag-ibig. Don't end up like me, okay?" Dagdag niya, she must be in a lot of pain right now. Madalas ko rin siyang nakikita na nakatulala, hays. Pag-ibig nga naman. Tumunog ang phone niya, messenger call yata pero napatingin din siya agad sa'kin. "Si Ara," she said, tinatawagan ako ni Ara pero kay ate siya tumatawag dahil wala akong dalang phone. Sinenyasan ko si ate na ibigay sa akin, tsaka ko sinagot ang call. Naramdaman ko naman na lumabas na si ate ng kwarto. "Oh, bakit?" Tanong ko agad sa kanya. "Gagita ka, kailan ka uuwi? Binubulabog na ako ni Drix!" Bungad niya, kumunot tuloy ang noo ko. "Bakit ka naman bubulabugin non, aber?" Takang tanong ko. “Halos araw-araw akong pinupuntahan at hinahanap ka, ano ba kayong dalawa? Hindi ba kayo ayos, ha?" She asked, hindi ko pa kasi naku-kwento sa kanya ang nangyari. "Hindi eh," sagot ko. “Umalis ka ng hindi kayo ayos, sana ayos ka lang. Mag-usap kayo nang matino, gagita ka ha.” Hindi ko tuloy maiwasan na ikwento sa kanya ang nangyari, para naman alam niya kung bakit ako nagkakaganito. “Ano?! So ganun naman pala ang nangyari…huwag mo na pala uwiin ‘to. T*ngina niya,” natawa tuloy ako sa kanya, pinaalala ko naman sa kanya na huwag magbanggit ng kahit ano kay Zydrix. "Pero, seryoso na. Mag-usap kayo nang maayos para pareho kayo na malinawan," saad niya. "Yes, boss. Bye na ibabalik ko na phone ni ate," pagpapaalam ko sa kanya. "Here!" Nakita kong itinaas ni kuya ang kamay niya at kumaway pa, nakalapag na ako, grabe ang haba ng byahe. Hanggang ngayon ay medyo hindi pa rin ako sanay, nakakapagod kahit wala naman akong ginagawa sa plane. Nag drive thru muna kami dahil nagugutom na talaga ako, ayaw ko naman na bumaba pa kami. "Hinanap ka sa'kin ni Zydrix, may problema ba kayo?" Muntik na akong mabulunan nang magsalita si kuya, hindi ko akalain na aabot siya sa punto na pati si kuya ay lalapitan niya. "Uhm...yes," tanging sagot ko lang. "Was that the reason why you suddenly had the urge to go with Desha in Spain?" He asked, napatango naman ako. "Problems are meant to face...the more na dini-delay mo harapin, mas lumalala," he said, napatingin ako sa kanya. "He looked desperate, mukhang hindi simpleng bagay ang away niyo," sabi niya, kung hindi ko nalaman na nakipagkita siya sa iba, iisipin ko na simple lang pero nakita ko mismo e. "I'll talk to him tomorrow kuya, t'yak magkikita naman kami sa school," sabi ko sa kanya, hindi na rin niya ako inechos pa. Pagdating ko sa bahay ay nagpahinga muna ako at tsaka binuksan ang phone ko. Sunod-sunod naman ang pagtunong nito kaya hinayaan ko muna at naligo muna ako. Paglabas ko ng shower ay tumutunog pa rin phone ko, tawag 'yon at gaya ng inaasahan ko... si Zydrix 'yong tumawag pero hindi ko sinagot. Hinayaan ko lang hanggang sa tumigil sa pagtunog, tsaka ko tinignan mga notif ko, madami sa sss pati sa IG tapos mga text messages at missed calls. Galing ang mga 'yon kay Zydrix at mga kaibigan niya pati na rin kay Ara at 'yong iba ay kay Cheska. Kinabukasan ay maaga akong gumayak kasi magpapa-clearance pa ako. Sumabay ako kay kuya dahil wala naman akong kotse at hindi rin ako marunong mag drive. Nakasabay ko pa si Ara papasok ng gate. "Buti naman at nakauwi ka na e 'no?! Tapos wala ka pang pasabi, nakakatampo ka na ah!" She pouted, pinisil ko nga ang mukha niya. "Hindi bagay sa'yo, gaga," tawa ko pa. Pumunta muna ako ng CSIT department dahil sa Dean kukunin ang clearance, nagpasama ako kay Ara. Pero nang makapasok kami ay parang gusto ko na lang lumabas ulit dahil nando'n si Zydrix, Caden, Aeron at kuya Chase sa bandang table ng major teacher nila. Halata ang gulat sa mukha niya nang makita ako, maging ako ay nagulat din. Napatingin siya sa'kin mula ulo magandang mukha– este mula ulo hanggang paa. Napatingin din tuloy ako sa sarili ko, naka civilian ako, high waisted black jeans at white shirt na medyo fitted sa'kin, showing my curves kasi naka tuck in 'yon sa jeans ko. Kaagad ko ring itinuon ang atensyon ko sa table ng Dean namin at lumapit do'n para kunin na ang clearance ko para makapagpa-clearance na ako. "Oh, Miss de Leon. Late ka na yata magpapaclearance ah," puna ni Dean. "I accompanied my sister in Spain po, my parents are busy po kasi," dahilan ko. "Umiiwas ka lang talaga kamo," rinig kong bulong ni Ara, pero malakas kaya sure ako na narinig din ni Dean kaya siniko ko si Ara at sinamaan ng tingin. "Here," bigay ni Dean sa clearance ko, agad naman akong nagpaalam at nagmadaling lumabas. "Alam mo, ikaw– napaka echosera mo," inis kong sabi sa kanya, aba't tinawanan lang ako ng gaga. "Sorry, akin," sabi niya at tumawa ulit. Buti na lang at hindi ako sinundan ni Zydrix, kaya tuloy-tuloy lang ako na nakakapag papirma ng clearance. Natapos ko naman ang clearance ko bago mag lunch kaya nakahinga na ako nang maluwag. "Lunch time!" Excited na sigaw ni Ara. "Shakey's tayo?" I asked her. "Tara, G ako r'yan," agad naman niyang pagpayag. Palabas na kami ng gate nang matanaw ko si Zydrix, parang mayroon siyang hinihintay. Amporky, ayaw ko pa siyang harapin eh! Lalagpasan na sana namin siya nang magsalita siya. "Can we…talk?" Hindi ako tanga para hindi malaman na ako ang tinutukoy niya. "Kakain pa kami," sagot ko sa kanya. "Sige, mag-hihintay na lang ako rito," sabi naman niya, bakit ba ang kulit niya?! "Don't wait, tsaka na tayo mag-usap." "Uhh– Ella, I think sa bahay na lang ako magla-lunch parang gusto ko rin kasi magpahinga. Sige, una na ako, ha? Bye!” Napabuntong hininga na lang ako. Sinundan ko siya papunta sa kotse niya, hindi ko na hinintay pa na pagbuksan niya ako at nagkusa na akong sumakay mag-isa. Umikot naman siya papuntang driver's seat. Hindi ako nagsalita buong byahe, nakatingin lang ako sa labas ng bintana at as usual. Daan ito papunta sa condo nilang magkaibigan. Pagkapasok namin sa condo unit nila ay nando'n ang mga kaibigan niya at 'yong babaeng nakita ko noon sa labas ng hotel na kasama niya. Dito na rin 'to namamalagi? Wow, gandang bungad ah. "Zy, buti naman nandito ka na ipinagluto kita. Tara lunch na tayo," lumapit siya kay Zydrix at nagbeso, totally ignoring my presence. Napatihimik lang naman ang mga kaibigan ni Zydrix na nakaupo sa sofa. "I'm going home," anunsyo ko, nilapag ko ang pagkain na binili namin ni Zydrix sa table sa living room nila, dumaan kasi kami sa isang restaurant para mag take out. "Bitaw," sabi ko nang hawakan ako ni Zydrix sa braso para pigilan. "Let's talk," maamong sabi niya. "Sa ibang araw na lang," sabi ko, naiinis na talaga ako e. Humakbang ako papuntang pinto pero pinigilan niya ulit ako, nakakahiya naman sa mga kaibigan niya kung mag-aaway kami rito sa harapan nila. Iyong babae naman ay gumilid lang. "1 week, 1 week kang nawala. Wala ka man lang paramdam, do you know how worried I was? I tried to reach you pero halata naman na iniiwasan mo ako," he sighed, kinakalma niya ata sarili niya. "Hindi ba't gano'n din ginawa mo sa'kin? " Sagot ko, I am trying my best not to sound mad kasi hindi ko naman bahay 'to. "Alam kong galit ka but you should have waited for me to explain everything, hindi 'yong bigla ka na lang pumunta sa Spain. Konting problema lang umaalis ka na at ang layo pa, sa susunod na magkatampuhan tayo saang malayong bansa naman kita hahagilapin?" Saad niya. "I waited, nakatulog na nga ako kahihintay sa'yo eh." I said. "Kumakain tayo, ni-wala pa sa kalahati ang kinakain natin tapos bigla ka na lang umalis nang walang sinabi kahit isang bye man lang. So, naghintay ako kaso ni-isang text ay wala akong natanggap galing sa'yo! I tried to call you but your number was busy o kaya hindi mo naman sinasagot," hindi ko na mapigilan na alalahanin ang araw at gabi na 'yon. "Do you know how worried I was? Kasi alam ko na pagod ka! Kasi alam ko na kailangan mo ng pahinga tapos ganito pa masasaksihan nang mismong mga mata ko!?" Medyo nabasag ang boses ko at ipinakita ko sa kanya ang pictures na kinuha ko noong gabing 'yon. Halata sa mukha niya ang gulat. "Babae ako Zydrix, ano sa tingin mo ang iisipin ko nang makita ko kayo? Tapos ganyan ang pa ang senaryo, ha?" Nilagay ko ang kaliwang kamay ko sa bewang ko dahil hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong i-akto. "Tapos ganito pa madadatnan ko…nakakasama ka na ng loob masyado eh," tumingala ako dahil feeling ko tutulo na ang luha ko. Wala na akong pake kung nandito 'yang babae na 'yan at makita kung pano namin siya pag-aawayan. "She's just…someone I know," he said, just what? Tapos gano'n na agad ang reaction niya? Nabalewala na agad ako? I smiled bitterly, sinulyapan ko ang phone ko dahilan para makita ko ulit pictures nila, sa sobrang inis ko ay naihagis ko sa pader ang phone ko, basag. I don't know how to handle this kind of situation– ganito pala pag nagmahal ka na? Ang sakit naman. Will he hate me for doing this? Aayawan na ba niya ako dahil ganito ako mainis? Para akong mababaliw kaiisip, ayaw kong marinig mula sa kanya na ayaw niya na sa'kin. "Maghiwalay na tayo." I said, masyadong masakit pag sa kanya mismo manggaling kaya uunahan ko na kahit masakit. Napasabunot siya sa buhok niya at napayuko. "Awat muna ha," nagsalita na si kuya Chase. "Aeron bro, hatid mo muna si Shane sa baba," utos ni kuya Chase. "Kayong dalawa, mag-usap kayo nang maayos," baling naman ni kuya Chase sa amin. "Let's end this..." para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko siyang nagsalita, did he just.. "Ulol ka ba, ha?!" Si Caden 'yon, bigla naman siyang pinigilan ni kuya Chase na tumayo. "Let's end this fight, I am sorry. I was wrong," tumayo siya at lumapit sa akin, hinawakan niya ang dalawang balikat ko. "I really am sorry, please forgive me. I won't do it again, I won't do anything na ikakasakit mo ulit. I can't promise but I'll try my best," tinignan niya ako sa mata na para bang gusto niyang iparating na seryoso siya sa sinasabi niya. Naramdaman ko naman na hinila ni kuya Chase si Caden palabas, leaving us two here. Tumingin ako sa kanya pero agad din akong napaiwas ng tingin– hindi ko siya kayang titigan nang matagal. Umupo ako sa sofa at napasandal, hinayaan ko muna ang sarili ko na kumalma. "Hotel 'yon eh... ano sa tingin mo ang iniisip ko noong time na 'yon? Andaming tanong na pumasok sa isip ko, ni-hindi ko nga alam kung mahal mo ako eh…dahil hindi mo pa sinasabi sa'kin 'yon, kasi ako? I just realized na mahal na kita kaya ang sakit," napapikit ako habang nakasandal sa sofa, parang pagod na pagod ako. Naramdaman ko na lumapit siya sa'kin, hinawakan niya ang isang kamay ko, kaya tamad na napalingon ako sa kanya habang nakasandal pa rin. "I've been telling you that I love you," napakunot tuloy ako ng noo ko sa sinabi niya. "I've been calling you my love," akala ko naman kasi trip niya lang na 'yon ang tawagan namin, 'yon pala ay may hidden meaning ‘yon. "I love you…and I will continue loving you. So please, don’t leave me." He said, he looked tired. "I'm sorry," I apologized. "Lagyan mo naman nang konting lambing," he demanded. "I'm sorry na may konting lambing," I shrugged nang sinamaan niya ako ng tingin. Bigla naman siyang humiga sa sofa at iniunan ang lap ko. "I'm tired. I didn't get enough sleep thinking of you the whole week," sabi niya ng nakapikit, sinuklay ko naman buhok niya gamit ang mga daliri ko. "I'm sorry, I was afraid that's why I left without thinking at para makapag-isip isip na rin ako kasi iniiwasan ko na ibuhos sa'yo ang galit ko, pero nangyari pa rin kanina. I thought pag nalaman mo na ganun ako, aayawan mo na ako, na makikipaghiwalay ka na kaya inunahan na kita," paliwanag ko, dumilat naman siya at tumingin sa'kin. "I'm sorry for not giving you enough assurance," bumangon siya at hinila niya ako payakap sa kanya, niyakap ko naman siya nang mahigpit– namiss ko siya, sobra. "I'm sorry for giving you doubt about your existence in my life," he kissed my forehead. "I'm sorry for making you angry," he kissed the tip of my nose. "I'm sorry, I love you." He then kissed my lips, pero smack lang at tumingin siya ulit sa'kin tapos ngumiti. "I want to cuddle with you right now, but I'm afraid you'll get sick if we skip lunch," sabi niya at tumayo, inilahad niya ang kamay niya sa'kin, malugod ko naman 'yong tinanggap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD