Chapter Four

2170 Words
Dax Asher Bierman's POV "Is this your house? Ikaw lang ba ang nakatira rito?" Nilingon ko ang bago kong katulong na ngayo'y abala sa pagmamasid sa paligid. Damn. How can I trust someone who doesn't even have any biodata? Paano kung magnanakaw pala ang isang ito? "Don't touch my things unless it's necessary. Mag-ayos ka na ng gamit mo. I'll show you your room." Sumunod ito sa akin dala-dala ang kanyang mga gamit. Mukha siyang nabibigatan pero hindi ko na tinulungan. Dinala ko ito sa maids quarter. "f**k!" she cursed. Kusang nagsalubong ang dalawang kilay ko sa sinabi niya. Did my maid just cursed in front of me and inside my house? Hindi ba siya natatakot na tanggalin ko siya? "What's this dirty little storage room?" maarteng sabi niya at nandidiring tinignan ang maids room. Wala namang nakakadiri dito ah? May single bed at cabinet. Mas malinis naman ito kung ihahambing sa mga lumang apartment sa labas. And this woman in front of me dared to say that it's a dirty little storage room? "Well, this will be your room from now on," sabi ko  "Oh... What the f**k? No. I won't sleep on that f*****g bed, I won't use that f*****g dirty cabinet---" "And don't use that f*****g word to me." Sumimangot ito at padabog na umalis sa harapan ko. See? For someone whose applying for a maid, she got some attitude. Binuksan nito ang guest room at doon tumuloy. At bago pa ako makalapit ay padabog niya iyong isinara. Damn! Is she crazy? Boss niya ako. I sighed heavily and let her sleep on the guest room. Wala rin namang natutulog doon kaya ayos lang. But still, how could a maid be so picky?  Tumalikod na ako at umambang papasok sa kwarto ko ng biglang bumukas ang pintuan ng guest room at iniluwa nito ang babae. What's her name again? "What should I call you pala? What's your name anyway? You haven't told me yet." "Galing ka ba sa may kayang pamilya? Why do you keep speaking in English?" Ang mga mata niya'y tila nabahala. I think she is. Pero ang tanong ay kung bakit siya umalis sa kanila? Did she caused some trouble? Hindi na imposible iyon. Unang kita ko palang sa kanya ay alam ko ng marami itong kalokohan sa buhay. "Hindi naman ah. Okay, I wont- I mean... Well, hindi na ako magto-talk ng english," hirap na sabi niya. I pinched the bridge of nose. Iyon ang ginagawa ko kapag naiinis.  "Tapusin mo na ang ginagawa mo at tumawag ka ng fast-food for dinner." "Okay!" Sinara nitong muli ang pintuan. She doesn't even know how to respect her boss. Tss. "What- este anong gusto mo po? KFC? Jollibee? McDonald's? Or you want pizza from Shakey's or Gree--" "Kahit ano," tipid kong sabi at nagpatuloy sa pagbabasa ng business plan na sinend ng assistant ko. We're now up to a new project. Ilang linggo nalang ay matatapos na ang proyektong bahay na ipinagawa ni Mr. Choi, a businessman. Pagkatapos na pagkatapos ng proyektong iyon ay magha-hire kami ng mga bagong arkitekto at inhinyero para sa pagpapaunlad pa ng kumpanya. "What is that? Nag-aaral ka pa ba? Why are you reading?" pangungulit nito bago tuluyang lumapit at tumabi sa akin. Hindi ko siya pinansin at pinanatili ang mata sa laptop habang binabasa ang document. "Business plan? Nag-ma-masteral ka ba? Why do you have that?" Ipinikit ko ng mariin ang mata at tinignan siya ng masama. Ni hindi ko na maintindihan ang binabasa ko dahil sa pangungulit niya. "Why are you looking at me like that? I-ipapagawa mo ba sa akin iyang requirement mo? I do not know how to do that. I'll just support you nalang hehe," ngumiti pa ito na parang hindi natatakot sa masasamang titig ko sa kanya. Naramdaman ko na ang pamumula ng mukha ko dahil sa nagpupuyos na inis sa babaeng nasa tabi ko. Can't she see that I'm working? Sumimangot ito at umambang kukunin ang laptop ko. "Okay. I'll help you na nga. Ang sungit--" "Damn. Go. Away. From. Me." may diin ang bawat salita na binitawan ko at mukha namang naintindihan niya. "Okay. Call me if the food is here na ha. I'm nagugutom na--" "I said go away or else I'll throw you out!" "Sabi ko nga.." Sinundan ko ito ng tingin hanggang makapasok sa kwarto niya. Damn. I really have no patience especially to someone whose annoying like her. Binasa kong muli ang business plan. Maganda ang plano ng may-ari. Maluwang ang lupa at maganda rin ang pwesto. Isang malaking pastry shop ang gagawin sa first floor, bowling center and indoor activities sa second floor, mini bar sa third floor and a karaoke room and a souvenir and other shops on the fourth floor including also the office of the owner. Maganda na hindi lang straight ang postura ng building. It would be better if it is designed like how malls are designed. Masyadong boring kung parang kumpanya ang ayos nito. Pero ano bang plano niya for the land inside the area na hindi magagamit para sa building? Tumayo ako upang tawagan ang aking assistant. But before I could dial her number, may kumatok na sa pintuan ng bahay ko. I opened it only to see a grab driver who holds four different plastic bags. "Your order, sir." "Alin diyan?" "Hindi ba't inorder niyo ito lahat, Sir?" At bakit ko naman o-orderin-- what the? Kagagawan na naman ba ito ng katulong na iyon? Wala na rin akong magagawa kaya kinuha ko na ang mga iyon at binayaran. Matapos ibaba ang mga pagkain ay umakyat na ako upang tawagin ang babaeng iyon. Teka, bakit ko ba siya tatawagin? Ako ang boss rito. Isa pa, she's my maid. Talagang hindi kami sabay kakain. Kelan pa ako sumabay sa katulong? Tss. Tumalikod na ako at bumalik nalang sa kusina. Bahala siya.  Inayos ko ang mga pagkain isa-isa. It's too many for the two of us. A pizza from Shakey's, a cinnamon bread from Greenwich, Spaghetti and a bucket of chicken joy from Jollibee, chicken fillet, fries and burger from Mcdonalds. Oh, there's more. Ice cream and drinks. "Sabi na eh. Ang galing talaga ng pang-amoy ko. Let's eat!" magiliw na sabi niya at inunahan pa ako sa pagkuha ng pagkain. While looking at her eating, I can't help but to check her out. She has a fair skin, pointed nose, almond eyes, delectable lips... teka, bakit puro papuri iyon? Tss.  But there's one thing I'm sure of, this girl isn't just any kind of girl. Tiyak na galing ito sa mayamang angkan. But why is she here at my house and offering herself to be a maid? "Bakit hindi ka pa kumakain? Ayaw mo ba? Masarap ito. Try this spaghetti--" "I'm not a kid," singhal ko. Ngumuso siya pagkatapos ay ngumiti ulit. "Uhm how about the pizza--" "Do you even know how unhealthy that foods are, woman?" "So? Masarap naman. Healthy foods are boring." "Boring? At sino ang maglalarawan sa pagkain na boring?" "It's true kaya. Just eat nalang." Inis na umupo ako sa harap nito at kinain ang chicken fillet at cinnamon bread. Why did I even let her order anyway? Malamang ay katulong ko siya. Alangan ako ang gumawa ng mga trabaho niya, hindi ba? Argh! I must be crazy to hire someone like her. "What's your name ba kasi? Hindi mo pa sinasabi. I don't know what to call you-" "You can call me Sir." "Sir? Ano nga pangalan mo? Wala ka bang pangalan?" inosenteng tanong niya bago kumagat sa pizza na hawak. Nakalahati niya na ang lahat ng pagkain at mukhang hindi pa siya busog.  "Asher. Call me Sir Asher." "Wala kang surname? Tao ka ba?" wika niya na parang hindi niya boss ang kausap. "May I remind you that I'm the boss here." "Noted." sabi niya na parang hindi nakakahalata sa inis na nararamdaman ko. "Tss. My name is Dax Asher Bierman. Happy?" Nanlaki ang mata niya at unti-unting nagpakawala ng tawa. "Ohh.. Dax Asher. I wonder if daks ba si Asher?" nakangising ani niya What the f**k is this woman saying? "Anong nakakatawa?" tanong ko ng hindi pa siya natapos sa kakatawa. "Wala naman, Sir Dax." tumawa siyang muli matapos sabihin iyon. Sa kabila ng inis ay hindi ko maiwasang humanga sa paraan ng pagtawa niya. Ang sarap sa pandinig. She sounds so carefree and happy. Matapos naming kumain ay umakyat na ito pero bago pa siya makaalis ay napigilan ko na. "What the heck are your plans for this mess?" tanong ko at itinuro ang pinagkainan namin. Kumunot ang noo niya. "What should I do with those?" Argh! Siya ba ang boss rito? She's more bossy than I. "Katulong ka diba? You should clean this mess," sabi ko at iniwan siya roon. I grabbed my things on the living room and head straight to my room. Dito nalang ako magbabasa at tiyak na wala akong matatapos kung sa labas ako gagawa ng trabaho.  ********** "Anong agahan na-- where is that woman?" Bumaba ako at dumiretso sa kusina pero wala siya doon. At ang nakakainis ay wala pang naluluto na pagkain. I'm getting late! I toast a bread at nagtimpla na rin ng kape. This is what I hate the most. Kaya nga ako kumuha ng katulong para kahit papaano'y mabawasan ang ginagawa ko. And where is that woman? "Good morning, Sir Dax!" Speaking of the devil. Ngumiti pa ito at bahagyang g**o-g**o pa ang buhok. Mukhang kagigising niya lang. I'm getting late tapos siya ay natutulog lang? "Bakit ngayon ka lang? You should have cooked me a breakfast meal," pagalit kong sabi ng makarating na siya sa harapan ko. "Yeah. I was about to cook na nga. What do you want?" siya "Nag-toast na ako ng bread. Next time you have to wake up ear--" "Maaga naman ako ah? It's still 8:00 in the morning. Nag-alarm pa kaya ako." Nagtitimping hindi ko nalang siya pinansin. "Where's my coffee?" tanong nito na nakatingin pa sa akin na para bang obligasyon kong timplahan siya ng kape. Tinaasan ko siya ng kilay at salamat naman ng makuha niya. "Ah oo nga pala. Okay, I'll make my coffee na." Lumapit ito sa lalagyanan ng mga baso at nanguha ng isa. Kinuha niya ang kape, asukal at creamer at inilapag sa harap ko. "Uhm.. I don't know how to make coffee eh. Can you measure it for me?" nakangiting sabi nito. I glared at her. "I'm your boss, remember?" Ngumuso siya at ibinalik ang mga kinuha kanina. "Boss, boss. Tss. I'll buy 3in1 na nga lang," she murmured but I didn't heard it clearly. Nakasimangot siyang umupo sa harap ko at dinampot ang bread na para sana sa akin. Ugh! This woman! Inubos ko ang kape at tumayo na. I can't stand this lady in front of me.  "Papasok na ako sa trabaho," paalam ko bago kinuha ang susi ng kotse. "Teka.." Nilingon ko ito. "Bili mo ako ng sim card ha." "I'm your--" "Boss, remember? Oo na alam ko na 'yan. Basta ibili mo ako. I need a sim card." Kunot-noong kinuha ko ang susi at umamba ng aalis ng magsalita na naman siya. "What's the wifi password pala?" Tinignan ko ito ng masama pero hindi siya nakatingin sa akin dahil hawak niya na ang cellphone niya at nagtitipa ng kung ano roon. I didn't answered her question and instead I walked out. Why did I f*****g bring that woman on my house? "Ayos ka lang, Sir?" Margaux my assistant, asked. "I'm fine. Send me the final details of our project with Mr. Choi. Ibigay mo rin sa akin ang schedule ko with Miss Sanford." Margaux is my assistant ever since I started this firm. She's responsible enough to stay here. Marunong din siya sa pasikot-sikot sa field na ito kahit na hindi related sa engineering or architecture ang kursong natapos niya. "Copy, Sir. Wala na ho ba kayong ipapagawa?" tanong niya Wala na sana akong sasabihin kaso ay naalala ko ang inutos ng katulong na iyon sa akin. And why am I suppose to listen to her? She's just a maid! Argh. "Fine." "Sir?" "Uh.. I mean... Buy me a sim card. I need that before dismissal." "Sim card po?" "Yes." Nagtataka man ay hindi na nagtanong pa si Margaux. She knows I'm not in the mood to talk more. Pagkaalis niya ay sinimulan ko ng basahin ang proyekto na patapos na. Sa firm na ito ay kanya-kanyang projects ang bawat grupo. I have a lots of employee engineers and architects. Sa loob ng five years ay nakilala ang Bierman Worx engineering firm dahil na rin sa galing at talento ng mga empleyado ko. We started this firm five years ago, I admit I used lots of connection to build my own firm. I borrowed money from my parents and hired some of my classmates. Mahirap noong una but with the help of my great and talented employees, everything's going on smoothly. "Sir, I emailed you the project with Mr. Ladesma," Engr. Samonte "Sinong naka-assign sa project na iyon?" "Ako, sir." Tumango ako at umalis na rin siya. As the CEO, dumadaan sa akin lahat ng proyekto at design. I need to make sure that we will do the best design and best quality we can offer. At kailangan ko rin siguruhin ang kaligtasan at kakayahan ng mga empleyado ko. I won't sign a contract that my employee's can't do- like complicated structure of buildings. Mahihirapan lang sila at delikado pa kung ganoon. I won't put the whole company including my employees at risk. "You're busy?" Unti-unti kong inangat ang tingin sa babaeng nakasuot ng kulay itim na bestida. She's wearing a formal attire with a white sling bag on her side. "Rox.." Sinilip ko ang schedule na binigay ni Margaux and I have no appointment with anyone right now. What is she doing here?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD