Chapter Three

2452 Words
Nagising ako sa isang kwarto na halatang panlalaki. Medyo magulo at nagkalat ang ilang papel at damit kung saan-saan. Oh, I remembered. An unknown guy offered me some help. Eeww. His room is kinda gross. But nevermind, ayos na rin at nakatulog ako sa malambot na kama ng libre. For now, I have to find a job that will let me live in a place for free.  Walang bathroom sa kwarto na ito kaya matapos magsuklay ay lumabas na ako na walang hilamos at toothbrush. "Hi. Morning." Tinignan ko ito. Nag-aayos siya ngayon ng mesa at naghahanda ng pagkain. He's now wearing a tuxedo, enough to call him a decent guy. Pero hindi siya disente. From what I have heard and saw yesterday, he's a jerk horny human being. Pero he's kind rin naman since he helped me. "May extra towel ka?" "Mayroon sa kwarto ko. Kukunin ko lang..." "Unused ha," bilin ko na ikinatawa niya. What's funny? Ilang minuto pa ay bumalik siya na may hawak na puting twalya. "Do you use towel only once?" "Nope." Nagkamot siya ng ulo. "Pero ang sabi mo kahapon ay isang beses lang." I rolled my eyes. "Pina-OA ko lang. I used a towel for a week before changing it. But sometimes, especially if nagbyahe, I change towels often. Never mind. Go and ready the breakfast na. I'm hungry," sabi ko at dumiretso na sa bathroom. "Siya na pinatulog at pinakain, mag-uutos pa? Tss." Pagkatapos mag-hilamos at mag-tooth brush ay dumiretso na ako sa mesa. He's still there on his seat while drinking his coffee. "Where's my coffee?" tanong ko Nagsalubong ang kilay niya at ngumisi na parang baliw. Not to mention that whether he smile or not, he looks crazy. Para siyang may binabalak na hindi magandang gawin o sabihin parati. "I'm not your maid, Miss. Mag-timpla ka kung gusto mo." "I don't know how." "Tuturuan kita. First, get a cup." "Ikaw nalang. You know naman kung saan nakalagay eh." Inis na nagbuntong hininga ito at tumayo. He even dared to glare at me before getting a cup from the cabinet. "I can't wait to send you out." "Whatever, Mister." Inilapag nito ang mainit na kape sa harapan ko kasunod ng pagkatok ng kung sino. "f**k. Umagang-umaga, may babae ka na naman?" iritang tanong ko. Seriously? Agahan at gabihan niya ba ang mga babae? He laughed. At hindi lang basta tawa dahil tawang-tawa siya. May pahawak pa siya sa tiyan na nalalaman. Patuloy naman ang pagkatok ng kung sino sa pinto kaya ako na ang tumayo. Ini-ready ko na ang sasabihin bago binuksan ang pinto but to my shock hindi iyon babae. It's a delivery boy from a fast-food restaurant. "Magde-deliver lang ho, Ma'am. Enjoy your food," anito bago umalis. What? Darn. Nakakahiya. Bumalik ako sa mesa at hindi pa rin tumitigil sa pagtawa ang bruhong ito. Di maka-move on, teh? "Tss.. hahaha oh tama na. Kumain na tayo, papasok na ako at umalis ka na. Okay?" "Excuse me. Kahit hindi mo sasabihin ay aalis ako. You're so gross kaya kasama." "Wait, what's your name anyway?" tanong niya habang inaayos ang mga pagkain. Wow! Chicken joy. Kumagat muna ako ng manok bago siya sinagot. "I'm Ae--" napatigil ako. No! I cannot let them know my name and as well as my real identity. Anong sasabihin ko? I can't make a fake one din naman. Oh, alam ko na. I'll use my first and middle name nalang. For sure, my parents can't track me with this. "Pati pangalan mo ay ipagdadamot mo ha? 'Wag kang feeling. Hindi kita type." Binato ko ito ng tissue. Feeling naman niya, mas lalong hindi ko siya gusto. He's so annoying kaya. "Eeww. Don't say that. Mas lalong hindi kita type." Ngumiti siya at iniabot ang kamay na parang magpapakilala. "But I admit, it's nice meeting you... I'm Liam. Liam Soberano." "Well since you helped me naman, I'm Caily Carson," iniabot ko ang kamay niya at agad ding binitawan. "You sure you do not have any germs ha.." Tumawa ito at umiling-iling pa. Pagkatapos kumain ay nag-ayos lang kami sandali ng kani-kaniyang sarili at sabay na bumaba sa ground floor. Nagpatulong rin ako sa kanya na kausapin ang mga staff roon kung pwedeng iwan ko muna ang mga gamit ko at daanan nalang mamaya. I'm not shocked when they agreed on this guy named Liam. He's after all a VIP guest here. Sa penthouse ba naman. "Thank you!" pasasalamat ko bago kumaway at tuluyang nagpaalam. Now, where am I going? Wala akong alam rito. And what keeps bugging me is the sun. Bakit ba kasi nag-crop top at shorts pa ako? I have no payong pa naman na dala. Nakakainis naman! Kailangan kong makahanap ng trabaho o kung hindi naman ay pansamatalang matutuluyan. Ano nga bang trabaho ang kukuhanin ko? Tss. For sure ay hindi ako tatanggapin sa corporate world. Bukod sa ganito ang suot kong damit at walang experience ay wala rin akong bio data. I didn't even bring anything. Literal na wala, maski birth certificate ay wala. Malamang, napaka-dramatic kaya ng eksena sa bahay kagabi. But then, I suddenly remembered my parents. Hinahanap kaya nila ako? Are they guilty? Haist. Ang daming problema. I should start looking for a job now. Kailangan ko pa palang bumili ng sim card dahil tiyak na nag-hi-hysterical na ang mga kaibigan ko sa biglaang pangyayari. "Pasensya na Miss pero kailangan ng bio data bago ka makapag-apply." "Sigurado ka, teh? Waitress? Eh mukha kang anak mayaman. Nako. Doon ka na nga, kailangan namin ng masipag rito." "Miss, ang kailangan namin ay may experience. Sa iba nalang. Pasensya na." "Nako iha... Hindi ka bagay rito at baka makasira ka lang ng mga gamit. Mag-apply ka nalang na modelo sa mga talent agencies." Inis na napaupo ako sa gilid ng hagdanan ng isang establishment. Mag-a-alas tres na at hindi pa ako nagtatanghalian dahil sa paghahanap ng trabaho. Pare-pareho lang sila ng sinasabi. It's true naman na wala akong alam but I can learn. And if my bio data is the problem, I can make naman. I can also request for birth certificate and such but I can do it later. Isa pa, hindi naman ang mga papel na iyon ang magta-trabaho para sa kanila. Gosh. I can't believe it. Nag-apply akong waitress, taga-urong, saleslady at kung ano-ano pa but still ni isa ay wala man lang nag-konsidera sa akin. Kinagat-kagat ko ang hinlalaki ko sa kamay habang dinaramdam ang init ng sikat ng araw. "Uhh.. of course mahirap. Kung madali lang edi sana iilan nalang ang tambay at walang trabaho," sabi ko habang pilit pinapagaan ang sarili kong damdamin. I have tried the best that I can. Kung wala akong mahahanapang trabaho ngayon ay kailangan ko ng tumingin ng matutuluyan. Tumayo ako at pinagpag ang dumi sa aking shorts bago nagsimulang maglakad. Saan naman ako hahanap ng murang hotel rito? Nakakainis! Kruuu! Kruuu! Ngayon ko lang naramdaman ang gutom. May mga nadaanan akong kainan kanina pero puro karinderya at punuan pa. I can't eat there. Bukod sa amoy pawis ng mga tao there's a lot of flies pa. I stopped in front of a building. May mga lumalabas-pasok rito. I don't know if I'm gutom lang kaya ganito ang unang pumasok sa isip ko but it looks like a restaurant. Pero nang tignan ko ay hindi. It's an agency for maids/helpers. May nakapaskil pa na papel sa labas na nagha-hire sila ngayon. "I'm hungry na," naiiyak kong sambit sa sarili ko. Gutom na ako pero I have to try this one. Kapag katulong siguro naman ay may matutuluyan ako? Can I choose my amo kaya? Ugh! Baliw ka na talaga, Aella. May gana ka pang mag-inarte? Pumasok na ako sa loob ng building at agad hinanap ang HR. Everyone's looking at me like I'm not allowed at this place. Oh f**k. I'm wearing a crop top and shorts. Bakit ba kasi ito ang sinuot ko? "Hi po. I'll apply as a helper sana?" tanong ko sa HR Kumunot ang noo niya. "Resume, Miss?" "Ahmm.. wala po kasi akong naihanda. I'll give it later nalang--" "Miss, kailangan ng resume sa paghahanap ng trabaho. Ano ito, napadaan ka lang at nakita mo ang karatulang nakalagay, mag-aapply ka na?" Kinagat ko ang aking labi. Nagpipigil ng inis. Can't she approach me in a more friendly way? Tss. "May nangyari lang po kasi--" "And seriously? With that outfit you'll apply for a maid position?" Madami pa siyang sinabi at ilang beses pa akong nangulit. I'm getting annoyed but I have to do this. Kahit hindi ko ma-imagine ang maging katulong ay kailangan. Kapag nakahanap ng mas matinong trabaho ay aalis rin ako.. "Ma'am, I really need a job--" "Anong meron dito?" Hindi ko na pinansin pa ang panlalaking boses na iyon at itinuloy ang pangungulit sa babae na tanggapin ako. "Sir, gusto daw ho mag-apply pero wala namang dalang kahit ano maski resume. Walang tatanggap sa kanya na employer," sumbong ng babaeng akala mo naman maganda. Nadala lang naman ng make up. Naiinis na inirapan ko ito at tumalikod na. Wala naman akong mapapala rito. Ibinaba ko na nga ang sarili ko sa pagiging katulong pero wala pa rin. "Wait. Kung employer ang problema, I'll hire her," sabi ulit ng boses lalaki na iyon. I'll hire her pang nalalaman. Nabi-bwisit a-- ano daw? I-ha-hire niya sino? Dali-dali akong humarap at nagtama ang mata namin ng isang mala-adonis sa gwapong lalaki. I can see his Spanish and Filipino decent. Hindi ako sigurado pero iyon ang lahing nakikita sa itsura niya. Muli nitong hinarap ang HR at makipag-usap rito. He has thick eyebrows and cute eyes. Matangos din ang ilong niya at may mapupulang labi na parang ang lambot lalo na at gumagalaw ito dahil nagsasalita siya. His overall outfit shows elegance. Mukhang hindi ito basta-basta. Mukha siyang CEO ng isang kumpanya. Of course malabo iyon. Sa w*****d lang may ganito ka-gwapong lalaki na nagma-may-ari ng malaking korporasyon. And for the info, I'm not a w*****d reader. I'm not a bookworm unlike Hannah. It's eww. At isa pa, he's too young to be a CEO of his own. "Pero sir..." Bumalik ako sa katinuan ng mapansin na hindi pa rin payag ang babae. Ang epal niya ha. "I'm looking for a housemaid that's why I'm here. Ang problema niyo ay wala siyang background papers kaya baka walang employer na tumanggap. That's why I'll hire her." In fairness ha gwapo na nga matulungin pa. Alam ko na. Pangit siguro ang ugali ng lalaking ito. I mean, he can't be perfect right? Baka masungit ito o 'di kaya'y maikli ang pasensya at laging naninigaw? Or he could be like Liam too. A horny jerk who knows nothing but to scream and dance in bed. Wait what? At paanong napunta sa s*x ang usapan? Pinokpok ko ang aking ulo dahil sa naisip. Sabay namang napatingin sa akin si Mr. Hottie at ang bruha. "Let's go and talk," sabi nung lalaki at naglakad palabas ng building. Mukhang ako ang sinabihan niya kaya agad-agad akong sumunod. Balak ko pa sana sermonan ang babaeng iyon pero 'wag nalang. She's not worth any second of my precious time. Sa isang coffee shop kami huminto para mag-usap. Magpipirmahan ba kami ng kontrata rito? Um-order muna siya bago tumingin sa akin at nagsimulang magsalita. Earlier he looks hot but now he's intimidating. Seryoso ito at parang kumakausap ng isang possible investor. "You do not have any bio data nor resume so mind if you let me know some basic information about yourself?" Tumikhim ako at ngumiti. I have to get this job. "I'm Caily Carson, 19 years old," pakilala ko Tumaas ang kilay niya ng matapos akong magsalita. "That's all? Saan ka nakatira?" "I'm living in Davao before." "And now?" "Now... Uhmm.. ang totoo Sir ay wala akong tinutuluyan ngayon. That's why I'm looking for a job so I can afford to rent." Lalo pang kumunot ang noo niya. Pinag-krus nito ang dalawang braso at tahimik na tumitig sa akin. Umiwas ako ng tingin. Ang gwapo talaga! "Why did you go here in Manila, then?" "Uhmm.." Kruuu! Kruuu! Ugh. My tummy's growling again. Napapikit ako sa kahihiyan. "Sorry for that. I'm.. uhh... I'm a little bit hungry." I saw a glint of amusement on his eyes. Dumating ang order namin at hinayaan niya akong kumain. He even let me order another flavor of cake. Yum! Their cakes taste good ha. "Kailan mo ako papipirmahin ng kontrata, Sir?"- tanong ko Muntik pa siyang mabulunan sa tanong ko kaya agad ko siyang inabutan ng kape. Tinignan niya ako na parang isa akong nababaliw na babae. Luh? Inaano ko siya? I'm helping him pa nga eh. Hindi nito pinansin ang iniaabot kong baso ng kape at kinuha ang isang baso ng tubig at dire-diretsong nilagok ang laman niyon. Ahh tubig pala gusto niya. "I don't even know you yet. Tell me more and I'll see if I will hire you." "Ha? Akala ko ba i-ha-hire mo ako? Come on... I'll try to be the best maid in town. Just hire me please?" Kapag ito ay pumalpak tiyak na sa kalsada ako matutulog o 'di kaya'y sa maduming apartment kung saan-saan sa paligid. I have to give this chance a shot. Halatang nag-iisip pa rin ito at bahagya pang nilalaro ang daliri na nakapatong sa mesa. "I'll hire you but I have to check you first. I won't pay you for two weeks and after two weeks, I'll see to it if I'll hire you for real." Ha? Kung ganoon wala akong sweldo? Ano daw? Is he crazy? Magkakatulong na nga ako wala pa akong sweldo? Does he even know how hard it is for me to sweep? Ni baka pagpapainit ng tubig ay mahirapan pa ako. It means I have to do a lot of efforts and-- "Are you annoyed? What's with that expression, Miss?" Pilit na ngiti ang pinakita ko sa kanya, "Nothing, Sir." "Daanan natin ang mga gamit mo mamaya. You can start tomorrow." "So may tutulugan na ako mamaya?" malakas na tanong ko. I can't help it but to be happy. Kahit walang sweldo basta ay may matutulugan. Sa pagkain ay mangunguha nalang ako sa kusina niya. Bwahahaha. "Where are your things anyway?" "Hotel." "Hotel? Nakapag-hotel ka pero hindi ka makapag-renta ng kwarto?" takang tanong niya. What's the big deal? Can't he see that it's more safe at the hotel? Mas malinis pa. "Isa pa, ano iyang outfit mo? Mukhang mas bagay kang magtrabaho sa bar kaysa mag-apply na katulong," paninita niya Aba! Bwisit ito ah. Edi siya nalang mag-apply sa bar. If I can only tell him who I really am. Ugh. "Bar... barilin kaya kita," bulong ko na mukhang narinig niya. "Finish up and we'll go. Marami pa akong gagawin. By the way, what's your number?" "Ha?" "Ha? Ha-ha-in mo mukha mo. I'm asking for your number!" "Ah kasi... I... I have no sim pa eh." Tumawa ito na parang naiinis bago pumikit ng mariin at nauna ng tumayo at lumabas ng coffee shop. Naiinis ba siya? Why? Ilang segundo pa ay bumalik ito. "I hate waiting and I hate annoying people. So get your crazy a*s up there and we'll leave now." "No." Nagsalubong na naman ang kilay niya. "Anong no?" "My a*s is not crazy, it's sexy. Look--" "What the f**k, woman? Bilisan mo." Nag-walk out ulit ito at lihim akong napatawa. Well, he looks harmless naman even though he's always annoyed. Ginaya ko ang ekspresyon ng mukha nito pero nahuli ko ang tingin niya sa pwesto ko. Hilaw na ngiti ang ipinakita ko rito at agad-agad sumunod. He probably thinks I'm crazy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD