Chapter Five

2095 Words
Caily Aella Carson-Smith's POV Nakasimangot na pinapatay-sindi ko ang TV. Ang boring. Matapos matulog ay hindi ko na alam kung anong gagawin. I want to shop but I do not have any money naman. I want to watch cooking tutorials sana but my boss didn't tell me the password. I want to catch up and talk to my friends at kumustahin sila Mommy pero wala akong sim card. I'm also nagugutom na rin because I only ate cup noodles. "Wait, what's my boss' name again?" Muli akong natawa ng maalala ang first name niya. I can't remember his full name but I remember the first is Dax. For real? Hahahaha. I can't stop laughing whenever I remember it. Bakit naman kaya iyon ang pinangalan sa kanya? Then I remembered my parents. I love my name because it's like a name of an angel, Caily Aella. Because according to Mom and Dad, I'm their angel. Gustong-gusto ko ng bumalik. Hindi dahil nahihirapan na ako rito pero dahil miss na miss ko na sila. But what can I do? I have to stand up alone. Sawa na akong kontrolin nila ang buhay ko. And I want to prove to them that I can do so much more than being just a brat. "Seriously? Hindi ka na nga naglinis, nanunuod ka pa ng TV?" "Ay Dax." Ang nakakunot niyang noo ang sumalubong sa akin. Nasa pintuan siya ngayon at nakatayo habang nakasukbit ang laptop bag sa kanya. "Asher nalang. Why do you keep calling me by my first name?" Napangisi ako. Ang cute kaya. Hahaha. "I prefer Dax." "Whatever. What did you cook for dinner?" Ano daw? Anong niluto ko? Akala ko bibili siya sa labas. "Wala hehe. Magpa-deli--" "Anong ginawa mo maghapon?" seryoso at nakakatakot na tanong niya. "Uhmm.. naglinis." "Wala namang nabago ah?" "Yeah. Malinis na kasi dati that's why hindi ko na ginalaw." Hinilot nito ang sentido at tinignan ako ng masama. Why does he keep glaring at me? Inaano ko ba siya? "Do you want me to fire you?" namumula na ito sa sobrang inis. Ano ba kasalanan ko? "Fire agad?" "Damn!! Magpa-deliver ka na. There's a Japanese restaurant's number there. Dial it and order food." "Okay!" masiglang sabi ko. Finally. Makakakain na rin ako. "You didn't even cook? Seriously?" "Eh magse-search sana ako kanina--" "You should have!" "Hindi mo kasi sinabi ang password. Bakit ka ba naninigaw?" inis na sumbat ko. Aba. Kung siya wala sa mood, ako rin noh. Gutom na gutom na kaya ako. Sunod kong narinig ang papalayong yabag niya at ang padabog na pagsara nito ng pintuan ng kwarto. Sungit. Sasabihin ko pa sanang palitan ng color pink yung bedsheet ko eh. It's color blue kasi eh I'm not a boy naman. Kinuha ko na ang telephone at tinawagan ang Japanese restaurant na sinasabi niya. Hinintay ko na rin iyon sa sala.  "Delivery, Ma'am." "Teka kuya ha.. kunin ko lang pambayad." I was about to leave pero naroon na pala sa likod ko si Dax. Iniabot nito ang bayad sa nag-deliver at kinuha ang mga pagkain. Nakatikim na ako ng Japanese foods not to mention that I had my vacation in Japan years ago. But I'm not familiar with this Japanese restaurant. Sometimes kasi hindi nila nami-meet ang lasa na hinahanap ko. "Masarap ba 'yan, Sir? I'm not familiar with that resta--" Natahimik ako ng tignan ako nito muli ng masama. Bakit ba ang talim ng tingin nito sa akin lagi? Wala naman akong ginagawa sa kanya. "I'll eat first," pahayag nito na ikinasimangot ko. "But.." "Hindi ako sanay kumain kasama ang katulong. Know your place." Padabog akong umalis ng kusina. Edi 'wag sumabay. Ang arte niya ha. I'm hungry na nga eh. Kruuu!! Kruuu!! "Gutom na ako," mahinang sambit ko sa sarili. Umakyat ako ng kwarto at kumuha ng 500 pesos. I can't take it anymore. Hindi ako pwedeng malipasan dahil aatake na naman ang sakit ng tiyan ko na madalas kong maramdaman noon pa. Dali-dali akong lumabas at naghanap ng malapit na mapagbibilhan ng pagkain.  Ngayon ko lang napansin, were in a subdivision. It's an exquisite subdivision at siguradong puro mayayaman ang mga tao rito. Despite that, madaming puno sa paligid. Na-miss ko tuloy ang Davao. I should jog around here in the morning. Mayroon naman kayang bilihan rito? Parang wala naman. I should go home nalang at tapos na rin siguro yung Dax na iyon na hindi ko alam kung Daks talaga. I smiled again. Tuwing naririnig o nababanggit ko ang pangalan niya ay hindi ko maiwasang matawa. "Nawawala ka ba, Miss?" A guy on his jersey outfit approached me. He has a cute chinky eyes and a clean-cut hair.  More or less three days here in Manila and I kept seeing and meeting cute guys here. Kung si Aki at Hannah ang nandito for sure magtatatalon sa tuwa ang dalawang iyon. Pasimpleng malandi si Hannah at literal na malandi naman si Aki. Oh, 'di ba? We're really friends. Pero wala ako sa mood makipag-landian sa kahit kanino ngayon. Psh. "Was that a pick up line? I'm not in the mood," inirapan ko ito at nilagpasan. But men, of course, he followed me. Tinanggal nito ang nakasabit na earphones sa tainga at sinabayan ako sa paglakad. Seriously? "Sorry to disappoint you but that's not a pick-up line," nakangising sabi nito na hindi ko nalang pinansin. "Sungit, ah? Bago ka rito? I think ngayon lang kita nakita." Tumigil ako at hinarap ito. Can't he see that I'm not interested to whatever he is saying? "You know what, why don't you show me a restaurant near here? I'm nagugutom na and I'm not in the mood if I'm gutom. So stop talking if you won't help." He chuckled. Weirdo pa nga. The first one I met here is that horny human being named Liam- was it Liam or it just sounds like that? Nevermind basta iyon, the second one is my weird Boss whose always irritated and angry, and now this guy who keeps on talking and talking without any sense. "Come on, walang restaurant pero may coffee shop dito sa subdivision, samahan na kita." "No thanks. Just show me the way--" "Libre ko." Napahinto ako at agad siyang nilingon. I can't believe lahat ng libre ay hindi ko pinapalagpas. What the hell, 'di ba? "Lead the way, Sir," nakangiting sabi ko. Humalakhak siya bago nagsalita ulit. Ang daldal. "Mukha ka namang mayaman... Kuripot ka ba?" "I'm not mayaman." "So bakit ka nasa subdivision na ito?" "I'm a maid." "Ahh.. what?" napasigaw pa ito sa gulat at huminto. "Ang OA mo ha." Thank God narating na rin namin ang coffee shop na tinutukoy niya. I ordered mocha flavor cake and Americano. Mabuti nalang nandito na kami. I need to eat fast dahil baka masesante na ako ng tuluyan dahil hindi ko na naman naiayos ang pinagkainan niya. Tss. Ubusin niya iyon dahil hindi ko na iyon kakainin. "So tell me, mukha ka namang hindi maid. How come you are?" tanong nito habang nilalantakan ang biniling cheesecake. Parang siya yata ang gutom sa amin.  "And why would I tell you?" "Mas magandang magkwento sa stranger, alam mo ba iyon?" "Sa iba siguro applicable iyan. But not to me. Why the f**k would I share something private to someone I don't know?" He laughed again. Naaasar na ako ha. Am I a clown to him? Kanina pa siya tawa ng tawa sa harap ko. "Okay then, let me introduce-" "I'm not interested." "Ouch. Hindi ko pa nga nasasabi pangalan ko eh." I sighed and glared at him. Hindi ako makakain ng maayos dahil sa daldal niya. This guy is annoying. Is he gay? Mas madaldal pa kasi siya kay Aki. Nagpapaawa itong ngumiti at bahagya pang nag-peace sign ng mapansin na wala ako sa mood makipag-biruan sa kanya. We ate in silence. Buti naman. Pagkatapos kumain ay agad na akong nagpaalam but he insisted na ihatid ako. But of course hindi ako papayag lalo na ng malaman na iba ang daan niya.  "I can definitely go back there alone. Ayoko ng maingay na kasama." "What a way to reject someone. Fine. Sige na nga. Pero magpapakilala muna ako." "I said..." "I'm Ethan. Ethan Sanford. See you again, Miss." Kumaway ito at tumakbo patungo sa kabilang direksyon. Sinundan ko ito ng tingin at ng maglaho na sa paningin ko ay dumiretso na ako pauwi. Wait... Bakit nasa gate si Dax?  Nang mamataan ako ay agad itong pumasok sa bahay. Nagmamadali rin akong sumunod at nang makapasok ay agad niyang sininghalan. "Where the hell did you go? Hindi ka man lang nagpapaalam," galit na sabi nito. Sabi na eh. Of course hindi ko na naman naiayos ang pinagkainan niya kaya ganyan. "I just.." "What? Umiiwas ka na naman sa trabaho? Kung ganoon edi sana hindi ka nag-apply na katulong. Damn. Hindi ka na nga makatulong, pabigat ka pa!" sigaw nito. Sumikip ang dibdib ko sa mga sinabi niya. Hindi ako umiiwas sa trabaho. Siguro nga wala akong alam but I'm trying myself to learn naman. "Sir.." "Go. Go to your room because I can't stand looking at you. Bukas ay ayoko ng tatamad-tamad sa bahay ko or else maghanap ka na ng ibang trabaho." He didn't even let me talk. Yumuko ako at dali-daling umalis sa harap niya. Kung sana ay pinakain niya ako kanina edi sana hindi na ako lumabas. Tapos ngayon siya pa ang galit? Eh ano naman kung gwapo siya? Ang pangit naman ng ugali niya. So? Ano kung katulong lang niya ako? Can't he see that I'm trying my best here even though I can't stand doing chores. Matapos maligo at mag-ayos ng sarili ay natulog na ako.  Kinaumagahan ay dali-dali akong naligo at nag-ayos. It's 6:30 in the morning. Kailangan ko ng mag-ready ng breakfast kung ayaw kong tuluyang matanggal. I have to set aside my pride because this is my only chance. Suot ang oversized tee at maikling shorts ay lumabas na ako. I decided to fry eggs nalang. May bread pa naman kaya ipapalaman nalang doon. I know how to cook eggs but... "Ouch.. s**t. Bakit ka ba tumatalsik ha?" Tumatalsik ba talaga ang mantika kapag nagpi-prito ng itlog? This is annoying.  "Ugh. Sunog na!" Nakasimangot kong pinatay ang lutuan at tinignan ang tatlong itlog na sunog sa harap ko. Hindi naman ito masusunog kung hindi tumatalsik ang mantika eh.  Saka isa pa, hindi naman ito sobrang sunog. Pretty sure makakain naman saka nilagyan ko ito ng asin kaya for sure masarap ito. Wait... I don't know how to make a coffee. Bahala na. Naglagay ako ng dalawang kutsarang kape, isang kutsarang coffee mate at isang kutsarang asukal. Hindi ko alam ang lasa nito pero kumpleto naman sa rekado kaya pasado naman siguro. "What the.. bakit ang alat nitong itlog?" sigaw ni Dax matapos tikman ang itlog. Ano daw? Maalat? "Ha? I put a tablespoon of salt. Paanong maalat--" "Ugh. Itong kape nalang iinumin ko." And true to his words, ininom niya nga ang kape pero wala pang limang segundo ay ibinuga niya iyon sa harap ko. Buti nalang hindi umabot sa mukha ko kundi ibubuhos ko sa kanya ang mainit na kapeng iyon. Ano na naman ang iaarte niya ngayon? "What the f**k, woman? Balak mo ba akong patayin sa sobrang pait ng kapeng ito? Ugh. I hate this. Sa office nalang ako kakain." Tumayo ito at dumiretso na sa kwarto niya para siguro mag-ayos. Ilang minuto lang ay bumalik ito at may iniabot sa aking papel. To do list: Magwalis sa buong bahay Magtanggal ng mga agiw Magdilig ng halaman  Maglinis ng kusina Maglinis ng kwarto Ilista lahat ng gamit at pagkain na wala Ang dami naman... "Huwag kang sumimangot diyan dahil napakaliit lang niyan. Kung tutuusin dapat hindi na kita binibigyan pa ng konsiderasyon," umirap ito bago muling nagsalita, "I need to see all of that to be done 'pag uwi ko." "Ha? Agad-agad? Ang dami--" "I can even finish that for only half day. Walang ka-rekla-reklamo diyan." "Edi ikaw nalang guma-- hehe sabi ko nga gagawin ko eh. Pero teka, I can't clean your room ha." Nagsalubong na naman ang kilay niya. "At sinong katulong ang namimili ng trabaho?" "Eh kasi..." "What?" "It's gross kaya to clean your room. Of course I'll change the bed sheet and all that. Probably--" "What's gross in my room?" "Probably nag-uuwi ka ng girls dito and you do some activity there. What if there's an eewie thing on the bed or baka may nagkalat na condoms sa sahig--" His face reddened. Galit na naman ba siya? Umiwas ito ng tingin sa akin. "What the f**k? Alam mo ba ang sinasabi mo?" Ngumisi ako ng lalo siyang namula. "Fine! Don't clean my room. Aalis na ako at hindi ko matagalan ang bibig mo." Before I can utter any word, umalis na siya. Well at least he didn't fire me. Ayos na iyon. Inuna ko na ang pagdidilig ng halaman, I know how to do this chores naman dahil ginagawa ko ito before with Mommy. Ang hindi ko lang kaya ay.. "Ouch." Again, this is the third plate na nabasag. Ang dulas naman kasi eh. I cleaned the mess pero hindi ko naiwasang masugat. OMG! I'm bleeding. What should I do? Dali-dali ko iyong hinugasan at pinunasan ng panyo. Should I go to the hospital? Hindi kaya malalim ito? But it hurts, what if may nagasgas sa loob? Ouch...  Isa pang problema ko, I don't know how to tell Dax that there's one plate left nalang. For sure mapapansin niya na nawawala ang mga plato. What to do?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD