"You're going to be engaged."
Silence filled the room. Walang nagsasalita at tila nanantya sila sa nararamdaman ko. Wow? What a word. At ngayon pa sila mag-aalala sa mararamdaman ko?
"When?" mahina kong tanong na pilit itinatago ang emosyong umuusbong sa loob ko.
Si Daddy ang sumagot.
"I-mi-meet natin ang magiging fiance mo sa Myerkules. Don't worry honey, mabait ang batang iyon at tiyak na magugustuhan mo."
I laughed sarcastically. Nagtitimpi na makapag-salita ng hindi maganda sa harap ng mga magulang ko.
"Hindi ka pa naman ikakasal anak. It will take more or less two years. Titiyakin muna namin na makakasundo mo ang fiance mo." si Mommy habang pilit inaabot ang kamay ko na agad kong iniwas.
Pumikit ako ng mariin bago sila muling tinignan.
"Are you happy now?" tanong ko sa mababang boses.
Walang nagsalita sa kanila. Yumuko si Mommy at tinignan lang ako ni Daddy.
"f**k! Is this even a discussion? Kayo lang naman ang nag-desisyon. I was just sitting here to hear your decision on how to ruin my life."
"Mag-ingat ka sa sinasabi mo--"
"Kayo ba nag-ingat, Dad? Ha? Kahit kailan ba nag-ingat kayo sa nararamdaman ko? Nag-alala na baka masaktan ako? I felt really- really betrayed right now and I cannot express it as much as I want to."
Namumuo na ang luha sa mga mata ko at muli ay naramdaman ko na naman ang kirot sa aking puso. This won't do. Kung gusto nilang matuto ako they can give me something I should do. Hindi iyong ipapakasal nila ako na parang isang gamit na ipamimigay lang nila.
I saw a tear escaped from my Mom's eyes because of my reaction. Pero sa pagkakataong iyon hindi awa para sa kanila ang nararamdaman ko kundi awa para sa sarili ko. Oo immature ako, oo childish ako, maarte, maldita, pero hindi ako ganoon kasama para manipulahin nila.
Tao din ako. Anak nila ako...
Lumunok ako at pinigil ang luha na lumabas mula sa aking mata bago tumayo.
"I'd rather leave than--"
"Go on! Leave! Kung aalis ka ay siguraduhin mong hindi ka na babalik. Hindi mo ba nakikita na para sa iyo ang ginagawa namin ng Mommy mo? Can't you stop being a brat and--"
"I'll leave. Kung iyan ang makakapagtigil sa inyo na sirain ang buhay ko."
"Anak..."
Padabog na nagmartsa ako papasok sa kwarto at inayos ang mga gamit. Damn. At saan naman ako pupunta? I cannot stay here in Davao because for sure madadamay ang tutulong sa akin. My parents and our business is well-known here.
Kaunti lang ang dinala ko. I want to shout but I'm controlling my anger. Isiniksik ko sa maleta lahat ng maaabot ng kamay ko at inilagay sa backpack ang mahahalagang gamit. Gabi na at siguradong hindi na makalalabas ng bahay si Hannah o si Aki...
Nag-ayos ako ng sarili bago lumabas dala ang mga gamit. Mom and Dad is at the door waiting for me. Umiiyak si Mommy at napansin ko rin na lumambot ang mukha ni Dad.
"Anak, let's talk about this first--"
"Excuse me," sabi ko at nagdire-diretsong lumabas.
Narinig ko pa ang paghagulgol ni Mommy na siyang naging hudyat ng pagtulo ng luha ko.
I don't want to see you cry Mom. I don't want to hurt any of you... But I cannot let my life be ruined because of you. May buhay din ako. May pangarap... if only you tried to hear me out.
Agad akong pumara ng taxi at nagpahatid sa airport. I need to get out of this place. Pero saan naman ako pupunta? It's for sure that Dad will cut all my credit cards and luckily I have 5,000 cash left on my wallet. At hindi ako makakasurvive ng maski isang linggo lang gamit ang perang ito.
Nang nasa airport na ay tinawagan ko si Hannah pero hindi ito sumagot kaya ang sunod ay si Aki na agad namang sumagot.
(Hmm? Hindi ka pa ba matutulog at nang-iistorbo ka babae?)
"Aki..."
Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya...
(Oh? May problema ka na naman noh? Sinugod ka na naman ba ng mga girlfriend ng nilalandi mo? Naku babae ka sasabunutan kita.)
I chuckled while my tears are still flowing. Kung aalis ako ay matagal ko silang hindi makikita. I'll miss their faces. Yung mga expression nila na ikinaiinis ko minsan. Mga sermon nila na tinatawanan ko lang.
(Huy? Nandiyan ka pa ba? Wag mo akong pinapakaba Aella ha!)
"I'm.. I'm leaving."
(Ha? Ano?)
"Aalis ako. I'm not sure kung kailan ako babalik o kung babalik pa ako but--"
(Teka nga... Anong aalis? Magbabakasyon kayo? Tumawag ka ba sa akin para magpa-inggit ha babae?)
Malungkot akong tumawa.
"No. I left home."
(I left home-- HA? Gaga ka 'wag mo akong pina-prank ha. Hindi na ako natutuwa.)
"I'm here at the airport and I'll leave anytime now. Tatawagan nalang kita kapag nakabili na ako ng bagong sim card."
(Hoy! Teka teka. Anong airport? Bakit ngayon mo lang sinabi? Teka pupunta kami..)
Too bad. Ten minutes from now ay aalis na ang eroplano patungo sa Maynila. Maynila ang nakuha ko dahil iyon lang ang available na byahe para sa oras na ito. Kung ano mang naghihintay sa akin doon ay wala akong ideya pero nandito na eh, I should be ready for the worse.
"Hindi na kayo aabot, Aki. Ma-mi-miss ko kayo. Even if I am a brat, I do really love you guys. Goodbye for now.."
(Teka. Teka naman--)
Lumuluhang pinutol ko ang tawag at tinanggal ang sim card ng teleponong iyon.
Gusto ko kung babalik ako rito ay mapapatunayan ko sa mga magulang ko na I'm more than just a brat. Na may kaya rin akong gawin at abutin sa buhay ko.
But for now, I have to live. Make a living, start a new life and be a better person that will make my parents proud. Gusto ko dumating ang araw na magtiwala naman sila sa akin.
Sa daan patungo sa Maynila, iniisip ko kung saan ako magsi-simula? Of course sa hotel. Saan naman ako matutulog ngayong gabi? Damn. If I'm going to check in, this cash I have right now won't be enough for a day or two.
"Ang lakas ng loob kong maglayas wala naman akong pera. Tsk."
Nagbuntong-hininga ako bago sinulyapan ang mga dala kong gamit. Now it feels real. Wala na ako sa lugar ko. Malayo na ako sa pamilya at mga kaibigan ko. Ang tanong ay kung kaya ko bang lumayo at mamuhay na mag-isa?
Ni hindi ko nga alam ang pasikot-sikot sa Maynila.
Ilang minuto pa ay lumapag na ang eroplano. Alas-diyes pasado na at tiyak na bihira nalang ang dumadaan na sasakyan.
Naiilang na naglakad ako palabas ng airport. Ako lang yata ang walang kasama. Ang iba ay mag-anak, mag-jowa at magkakaibigan.
"Kuya sa pinaka-malapit na hotel po," sabi ko sa driver ng taxi na sinakyan na agad niyang tinanguan.
Pinaandar niya na agad ang sasakyan habang ako'y abala sa panonood ng mga dumadaan. Mukhang mas madaming sasakyan rito kaysa sa Davao. Doon kasi kapag ganitong oras na ay tahimik na ang paligid at wala na ring lumalabas.
"Galing po kayong abroad, Ma'am?" tanong ni Kuya
"Ahm... Hindi po."
"Ahh.. mukha po kayong artista, Ma'am. Ang ganda niyo po. Kaedad niyo ho siguro ang panganay ko."
Ngumiti ako. Sana ay lahat ng tao rito ay kasing-bait ni kuya.
"Ganoon ho ba?"
"Lalaki ang panganay ko at nakapagtapos ng engineering sa awa ng Diyos."
Patuloy ang pagke-kwento nito tungkol sa anak na para bang proud na proud siya. Nasabi niya pa na lahat ng desisyon nito ay sinusuportahan niya.
"He's lucky then."
"Ha? Naku ako ang maswerte at ganoon siya.."
"Hindi ho kasi lahat ng magulang ay suportado sa mga ginagawa ng anak nila."
Hindi na nagsalita pa si kuya lalo ng mapansin na medyo lumungkot ang awra ko. Ilang minuto pa ay hininto nito ang sasakyan sa isang mataas na building.
"Magkano po?"
"Hindi na iha. Pauwi na rin naman ako at parang isinabay lang kita. Itago mo nalang iyan."
Lumabas ako at ngumiti sa kanya bago nagpasalamat.
"Iha.. lahat ng magulang ay proud sa ginagawa ng mga anak nila. Minsan lang ay hindi nila iyon nasasabi o naipaparamdam."
Natigilan ako roon. Ngumiti siya at pinaandar ng muli ang taxi. Napaisip ako bigla. Totoo nga kaya?
Umiling ako at huminga ng malalim bago pumasok sa hotel.
"How much for a night?" tanong ko sa babaeng naroon sa Frontline desk.
"3,000 until tomorrow morning without breakfast," nakangiting sabi ng babae
3000? What the heck? Saktong 3000 nalang ang pera ko. Mahal kasi ang airfare. Ugh. This is annoying.
"Is there a cheaper hotel around?" nahihiyang tanong ko sa babae.
"For hotel, Ma'am, we are one of the cheapest. But you can try to ask transients around the area."
Nakasimangot akong lumabas ng hotel na iyon. Where am I going na? I do not even know this place.
"Aahhh.. I want to sleep na," reklamo ko at padabog na sinipa ang maleta. Mahina lang naman.
A guy from somewhere came over.
"Bakit Miss? Puno na ba ang hotel?"
Nilingon ko ito and to my surprise, a handsome man is in front of me holding a... dog?
He has cute little dimples on his cheeks and his hair looks messy but I think it's his style naman. Nakasuot siya ng floral polo at shorts. In short parang mag-bi-beach ang suot niya.
"I'm handsome, right?" mayabang na ani nito at kumindat pa sa akin.
I have no time for his shits.
Inirapan ko ito at hindi pinansin pero hindi pa rin umalis. Nilalaro nito ang aso niya sa tabi ko.
"Mukhang hindi pa naman puno ang hotel so saan ka pupunta?" tanong niya
"It's expensive. I'll find another place," sabi ko
"Ha? Expensive eh ito na ang pinakamurang hotel dito noh. Kung meron man ay mga mas mababang klase na."
I glared at the guy. Bakit ba ang pakielamero niya? Can't he see that I'm not in the mood to listen to whatever he is talking about? Tss.
Pagod na pagod na ang utak at katawan ko and I really- really need to rest. Ugh. I miss my bed. My room, my pillows, my mattress, the chandelier on my room, the cold juice from the refrigerator, my pancakes. Aahhh... I miss home.
"Do you want to share with me?" tanong nito sa malanding tono na mas lalo kong ikinairita.
"Stop flirting with me. And no, why the heck would I share a room with you?"
Tumawa ito at umiling-iling pa na parang nasisiyahan sa reaksyon ko. Tinaasan ko siya ng kilay pero hindi niya iyon pinansin at nagpatuloy sa pagtawa. Bumulong pa ito sa aso niya pero hindi ko narinig.
"Crazy," bulong ko
"I'm not flirting with you. Look, mahihirapan ka na maghanap ng pagtutulugan kung hindi ka mag-i-stay dito. Isa pa, I have two rooms at the penthouse. Hindi tayo magshe-share ng room."
Pinakiramdaman ko kung seryoso nga ba ang sinasabi nito. Well, alam kong mukha siyang katiwa-tiwala dahil maayos naman ang itsura nito but I can't really tell. We can't judge a substance by it's form.
"Sounds like a nice deal."
"Great. So let's go?"
"No. That's too nice for someone you just met. Hindi ako maniniwala sayo. So get the hell out of my face and do live your f*****g life. Don't mind other's business. Tss."
At ang loko ay lumipat pa sa harapan ko at ngumiti ng nakakaloko.
"Just help me about something and I'll let you sleep on the vacant room for free."
"What's it ba?"
"Tulungan mo akong paalisin ang babae na magtatangkang pumasok sa kwarto ko."
Babaeng magtatangkang pumasok sa kwarto niya? Is he crazy? Hahahaha. I think he is. Tawa ako ng tawa pero nanatiling seryoso ang mukha niya kaya ng naubos ang tawa ko ay hinarap ko ito ng maayos.
"And why is that? Did you make buntis her and nagtatago ka ngayon?"
"That's f****d up. No."
Kumunot ang noo ko. Kung ganoon ay bakit?
"I'm busy today, I have a deadline to meet and s*x is not on my schedule."
Sex is not on my schedule.
Huwaw? Ini-ischedule pala iyon?
"You can just tell her that you're not interested--"
"Ohh. Darling hindi mo sila kilala. They can literally get n***d in front of me, grab and kiss me."
"Then push them away--"
"That's the problem," ngumiti ito bago tinuloy ang sinasabi, "Maiksi lang ang pasensya ko sa pagpipigil."
"Ha!" nagbuga ako ng hininga at weirdong tinignan ang lalaking ito. What the heck?
"You're gross."
In the end ay napilit niya rin ako. Isa pa ay wala na rin akong choice. Bukas na bukas din ay maghahanap ako ng trabaho. Yung trabaho na may kasamang tutuluyan.
"I'll just shower," paalam nito pero bago pa makaalis ay pinigilan ko na.
"Can you make buhat this things to my room? Ako na muna ang maliligo. Mamaya ka na."
Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya at kinuha ang tuwalya at pamalit. He's looking at me until I entered the bathroom.
"Uh.. ang sarap ng tubig."
I spent thirty minutes in the shower. Agad ring sumunod ang lalaking iyon at habang nasa shower siya ay may kumatok. I was about to open the door but then the guy came out from the bathroom at pinigilan ako.
"Don't let her in," bulong nito
Kunot-noo ko siyang tinignan. Paano ko mapapaalis ang babae niya kung hindi ko bubuksan?
"I told you. Mahirap silang kontrolin kapag nakapasok sila."
"Sila?"
"Oh. Don't get me wrong. It's only one. Naka-general lang."
Inilingan ko siya at bago pa muling makasabat ay may nagsalita na. It's really a girl.
"Baby? Are you there? Let's have a sexy time, I'm ready."
"The f**k?" gulat na sabi ko.
Pokpok ba siya? It's a disgrace on my side as a woman. Natawa naman ang katabi ko sa reaksyon na lumabas sa akin. He knows nothing but to laugh. Malamang ay sanay na siya.
"Just shoo her away."
"Paano? Oh I have an idea."
"What is it?"
Lumapit pa ako lalo sa may pintuan at umungol ng malakas.
"Ohhh... Faster baby, ohh yeah like that.... aaahhh..."
Nilingon ko ang lalaking kasama ko para tanungin ang pangalan niya pero nagulat ako sa pamumula ng mukha niya. What the heck? May kung ano ba siyang iniisip? This horny man!
"What's your name?" bulong ko
"f**k. You know how to turn a man on."
"I'm asking your name. Stop your kalandian."
He sexily chuckled. Pero sa halip na sabihin ang pangalan niya ay lumapit ito sa pintuan sa tabi ko.
"Ohhh... You like that baby? Yeah, I'm cumming... Ooohhh.."
Sinenyasan niya akong sumabay sa kanya.
"Yeah like that... ooohh ahhh..."
"Ang sarap..."
Nang marinig ang pagdadabog ng tao sa labas ay tumigil na kami at sabay na natawa sa ginawa namin. What the heck? That was so uncomfortable but it's funny.
"What a nice idea," puri niya na ikinatawa ko.
Kinindatan ko siya bago nagsalita, "That's called diskarte. Sana ay kasama ng kalandian mo ay ang pag gana ng brain mo, right?"
Pinitik nito ang noo ko. Ouch.
"You're so maarte, sana ay mag thank you ka nalang dahil tinulungan kita."
Umirap ako at tinapon sa kanya ang tuwalya na hawak.
"Please throw that towel."
"Ha?"
"I use towel only once."
Umiling ito at sumunod rin sa sinabi ko. Now, I'm ready to sleep.
"Wait..."
"Ano na naman?"
"I'm not comfortable with the bed on the guest room. I want the Master's bed room."
Umiling siya at tinignan pa ako ng masama.
"No. It's my room."
"Let's switch then."
"Ako ang may-ari, hindi ba?"
"But I just helped you."
"No."
"Never mind. I don't need your permission."
Wala na siyang nagawa ng pumasok ako sa kwarto niya at doon nga natulog. Bukas pagkatapos ng agahan ay aalis na rin ako. I'll find a job. Sana lang ay may tumanggap sa akin kahit wala akong mga dalang papeles like bio-data, or even birth certificate and whatever needed.