Caily Aella Smith's POV
September 1st. The cold weather is starting to arise. But I can't help but to still love swimming in the ocean. The sun is already setting and minutes by now, it will be dark again.
"Should we go home na?" tanong ni Hannah habang nagsusuklay ng hanggang balikat niyang itim na buhok at kasalukuyang nakaupo sa sun lounger sa tabi ko.
"Oo. Loka-loka kayo, baka nakakalimutan niyong hinila niyo lang ako rito at hindi nagpaalam sa nanay ko? Ako na naman malalagot dito!" problemadong reklamo naman ni Akiro, Aki for short. Bakla kasi at hindi niya gusto ang lalaking-lalaking pangalan na iyon.
Natawa ako sa sinabi niya. Kinidnap lang kasi namin ang isang ito ng madaanan naming nagwawalis sa labas ng bahay nila.
"As if hindi nag-enjoy," pasaring ni Hannah na ikinairap ni Aki.
The ocean in front of me is peaceful, unlike my life, unlike my heart. Tiyak na hinahanap na rin ako sa bahay. Kahit gaano ka-busy sila Mommy, tila ba manipulado pa rin nila ang buhay ko. It's scary and it's crazy.
Muli kong tinignan ang paligid at napadpad ang mata ko sa lalaking nakatingin sa gawi ko. Mukhang girlfriend niya ang kasama niya. Wow! Men. Tsk tsk. They always tend to look at other women kahit na nasa isang relasyon na sila.
I winked at him and he smiled flirtatiously. Jerk!
"Excuse me, guys. May gagawin lang ako. Check on our belongings then we'll leave na," maarteng paalam ko kila Hannah at Aki bago malanding naglakad palayo.
But before that, I heard Aki saying, "She's definitely up into something again. Dali Hannah, g**o na naman ang iuuwi niyan rito."
I chuckled. Kilalang-kilala talaga nila ako. But nevermind. I'm not gonna do this just because that guy is hot, but because I do not want any women to stay in that kind of man. Playboy will always be a playboy.
Napangisi ako ng makita sa dulo ng aking paningin ang pagpapaalam nito sa kasintahan. Tss.
I entered the comfort room, minutes after... he followed. Wow, talagang pumasok siya sa girl's CR huh?
"Hi Miss..." he licked his pink lips before smiling at me.
Ngumiti ako at marahang kinagat ang ibabang labi, tinutukso siya. He looks clean and soft.
"Anong pangalan mo?" tanong niya na hindi nawawala ang nakaplaster na malanding ngiti sa mga labi.
I smirked. Masyado yata siyang mabagal kaysa sa mga kauri niya? I thought he'll just grab me and kiss me and play with me. Ganoon ang madalas mangyari... this is kinda unusual for a jerk like him.
"Do you have a girlfriend?" matamis na pagkakasabi ko.
"Wala. I came here to ask you to be my girl though," walang pag-aalinlangang aniya.
Aww... the poor woman is sitting peacefully in a sun lounger outside while he's boyfriend is here, flirting with me and denying he's in a relationship. Nakakatawa, pare-pareho silang lahat.
Hinila ko ang batok nito at hinalikan sa labi. Napaigtad siya pero agad ding tumugon sa mga halik ko. My lips danced with the rhythm and so does he. Halatang magaling ito humalik, of course... Paanong hindi kung madami ng natikman.
Gamit ang kanang kamay ay marahan kong hinagod mula itaas pababa ang balikat nito. Nag-uumpisa na ring maglumikot ang kamay niya. Pataas-baba ang mga kamay niya sa baywang at likod ko at hinihila ako palapit.
Nasa ganoon kaming posisyon ng biglang bumukas ang pintuan. A familiar lady entered the room.
Tinulak ko ang lalaking kahalikan ko pero hinapit niya pa ako palapit. Oohh... I know that moves well. But sorry, here comes your girlfriend to cause a riot for the day.
"What the heck, Felix?" sigaw ng babae
Naramdaman ko ang paninigas ng lalaking tinawag na Felix. Mukhang pamilyar siya sa boses ng babae. Of course, it's his ever-loyal girlfriend. What a damn cheater!
Hinarap nito ang babae at mukhang magpapaliwanag pero sampal ang sumalubong rito. Sunod naman ang masamang tingin nito sa akin. Well, he deserves that slap. Dahil kung hindi iyon gagawin ng girlfriend niya ay ako ang gagawa niyon sa kanya. But I do not deserve her glares. Duh! I helped her na nga lang, ma-aatitude pa siya.
"Why? Akala ko ba wala kang girlfriend?" painosenteng tanong ko habang dinadagdagan ang init na nag-aalab sa harapan ko ngayon.
"Anong tawag mo sa akin Miss?" mataray na sabi ng babae sa akin.
"Eww.. so I kissed a man who has a girlfriend already? What the heck?"
"At sinabi mo pa talaga sa kanya na wala kang girlfriend? f**k you!"
"Eliz... M-magpapaliwanag ako... It's an accident--"
"Accident? Kitang-kita ko kung paano mo hapitin ang baywang niya para mahalikan mo!" sigaw ulit ng babae
"Whatever, I'm out of it," sabi ko at naglakad palabas pero bago ako umalis ay hinarap ko ang babae.
"I'm not sorry, Miss."
"What the--"
"I just saved your a*s from a cheater."
Dali-dali akong umalis doon at ngumisi. I tore a relationship apart but I saved a woman from that kind of toxicity. Well, hindi naman masarap ang labi ng boyfriend niya. It's just too common, nothing special.
"Taralets na girl. Kanina pa tumatawag ang mudrabels ko."
Hinila kami ni Aki palabas ng resort at halatang nagmamadali. Natawa ako. Takot na takot masermonan eh.
Buong byahe pauwi ay panay ang salita ni Aki. Baklang-bakla talaga, napaka-daldal. Una siyang hinatid at sumunod kong hinatid ay si Hannah. Malapit lang ang bahay ng dalawa sa amin kaya agad rin akong nakauwi.
"Yaya, bring me juice on my room please," sabi ko at dire-diretsong pumasok sa kwarto.
Hindi ko pa naibababa ang hawak na susi ay bigla ng pumasok si Mom at Dad sa kwarto ko. Oh, too bad... hindi ko nai-lock. Tss.
"Saan ka na naman galing, Aella? Ilang beses ko bang sasabihin na magpaalam ka--"
"--bago aalis. Yeah Mom, I know. Kaso wala kayo at biglaan kaya hindi na ako nakapagpaalam."
"You should have texted!" singhal ni Mommy sa akin, bakas ang inis at pagka-irita.
"I left my phone kasi lowbatt," sabi ko at nagpapaawang ngumiti sa kanila.
As usual ay masama pa rin ang tingin ni Mommy at si Dad ay nakaalalay sa kanya.
"Ugh! Caily Aella! Hindi ko na alam kung anong gagawin sayo."
"Bukod sa hindi nagpaalam ay wala naman akong ibang kasalanan, Mom."
"At sumasagot ka pa."
I pursed my lips together. Sabi ko nga tatahimik na eh.
"Hindi ka na pwedeng umalis--"
"Mom! I'm already 19. I'm not a kid anymore."
"You're still a kid to me."
"Can't you just let me do the things that I want?"
"Binibigay naman namin sayo ang lahat."
"There's one thing I want then."
"At talagang isisingit mo--"
Pinutol ni Dad ang sinasabi ni Mommy at tumingin sa akin.
"Ano iyon, anak?"
I sighed. Siguradong hindi nila ito ibibigay sa akin. It's more possible to make an elephant fly than having this.
"Nevermind. Hindi niyo rin naman ibibigay."
Lumambot ang mukha ni Mom at lumapit sa akin. She caressed my cheeks softly and my heart melted for a reason. She's always like this. Kahit gaano ka-istrikto ay hindi niya nakakalimutang maglambing sa akin. But I want more than that, I want my beloved freedom. Iyong kalayaan na kaya kong gawin ang ano mang gustuhin ko na hindi nila pakikielaman.
"Anak, were just worried. Nag-iisa ka naming anak at babae ka pa. I'm sorry if it seems like we're too protective of you," malambing na sabi ni Mommy
"Tama na iyan. Go and shower. Nagpaluto ako ng paborito mo. Hintayin ka namin sa baba," Daddy
I giggled. "Thanks Dad."
"No worries."
Pagkalabas nila Mom ay agad akong sumalampak sa higaan. Ganoon sila. Magagalit, maglalambing pero sa huli, they will still manipulate my life. I actually overheard them talking weeks ago na may napili na silang lalaki na pakakasalan ko years from now. Ganoon ba talaga kapag magulang? Na pati lalaking mamahalin ay kailangan pa nilang piliin?
Cut that crap! Siguradong hindi lahat ay ganoon. Ang malas lang at naisama ako. But I'm thinking, kaya nila iyon? Kaya nilang ipamigay ako sa taong ni pangalan ay hindi ko alam? Can they really trust someone to stay with me for a lifetime?
This is not just about freedom. Ang sakit isipin bilang anak kung paano nila nagagawa sa akin ito. I feel betrayed but I can't tell them about it. Ano bang alam ko? Mag-inarte, mag-maldita at manggulo ng buhay ng iba.
Yup, that's me. Caily Aella Carson-Smith. A nineteen-year-old girl who knows nothing but to buy a limited edition thing that I do not even use. Ang alam ko lang ay kung paano gumastos. At iyon marahil ang dahilan ng lahat ng ito. Na ang iniisip nila ay wala akong alam na gawin at kailangang manipulahin.
The day ends well but the pain never left. Mas naging istrikto sila Mommy nitong sumunod na linggo. They always ask kung saan ako pupunta, anong plano ko sa araw na iyon at kung anong gagawin ko sa bawat oras.
"Eeww. What's that?" tinuro ko ang gulay na parang d**o ang itsura.
"Eh anak iyan ang pinaluto ng Mommy mo. Saluyot iyan. Masarap iyan 'nak." Yaya
What the heck? Alam nilang hindi ako kumakain ng ganito.
Mommy is a health-conscious woman, as in kung pwede lang na walang karne sa mesa ay iyon ang gagawin niya. Mom grew up in a simple way of living. Nasanay sa mga pagkain na ganito. She actually has lots of vegetable plants in our backyard.
Sa kabila ng natamo nilang posisyon ni Dad ngayon, Mommy remains who she is. Sa simpleng pamumuhay na siyang tinuturo niya sa amin ni Daddy palagi. That's why there's a saluyot on our table right now. But that's not the point, Mom knows that I hate this kind of food. Ugh!
I'm never a fan of grasses. Duh! I'd rather eat steak, chicken, or anything that has a better taste than Mom's kind of food.
"I'm hungry, Ya." nakasimangot na pagpapa-awa ko sa kanya.
Yaya Miling is my yaya ever since I'm a baby. She's 50 years old now and a very trusted person by my parents.
"Wala ng nalutong iba. Tikman mo."
Umirap ako at mas lalong sumimangot. Itsura at amoy palang ayoko na.
"I'll just take out some food nalang," sabi ko at umakmang aalis sa hapag ng pigilan ako ni Yaya.
"Kinuha pala ng Mommy mo ang susi ng kotse. Ipapalinis niya raw."
Nanlaki ang mata ko. Ano na naman ito? What the hell! Padabog akong umalis sa kusina at dumiretso sa kwarto. Tumawag ako kay Hannah at Aki. Good thing ay libre sila pareho kaya niyaya ko sila dito sa bahay.
"Don't forget my KFC ha," bilin ko bago pinatay ang tawag.
Nasanay din ako sa mga pagkain sa fastfood restaurants. Mas mura kasi doon and my friends aren't that rich. Simple lang ang mga buhay nila at kadalasan ay sa mga ganoong pagkainan sila nagyayaya. Foods on that kind of places are tasty, it suits my taste kaya nakasanayan ko na rin.
They even ask me to eat on a karinderya but I didn't agree. Duh, there's a lot of langaw kaya there and it's amoy pawis pa.
Aish. I need to shop for new clothes today and Mom took out my car without my consent. Just wow!
**********
"AELLA! Ano na naman at hindi ka raw kumain?" bungad ni Mommy ng makauwi ng hapon na iyon.
"I ate KFC, Mom," kalmadong sabi ko at pinanatili ang mata sa telebisyon.
"KFC? May pagkain na niluto para sa iyo tapos bibili ka pa?" nakapamaywang na ito ngayon sa harap ko.
When it comes to healthy foods and routines, madalas kaming hindi magkasundo ni Mommy. As I have said, health-conscious siya.
"Hayaan mo na ang anak mo, Mahal. Baka na-miss niya lang ang pagkain sa KFC," pagtatanggol ni Dad sa akin na mukhang mas lalong ikinagalit ni Mommy.
"Ano ba naman at pati pagkain ng gulay ay pinag-iinarte mo pa? Aella you're no longer a kid. At isa pa, kailangan ng katawan mo ang sustansya."
"Mommy kumakain naman ako ng fruits."
Nasapo nito ang noo at binato ako ng masamang tingin.
"Kailangan mo na talagang mag-mature," makahulungang sabi ni Mommy.
"Mahal.." si Daddy iyon
Hindi nakaligtas sa akin ang makahulungang tingin ni Dad kay Mom. Para bang pinipigilan niya ito sa sasabihin. What is it kaya? Are they planning something?
"By the way Mommy, I'll go to the Mall tomorrow--"
"No. We're having a dinner tomorrow at may pag-uusapan tayong mahalaga."
"Well since it's dinner naman, I can still go out in the morning."
"I said no!" inis na sigaw ni Mommy na kinagulat ko.
The way she shouts at me is like she's really really pissed. Halong kaba, takot at lungkot ang naramdaman ko. Madalas mainis si Mom sa akin pero ngayon lang siya sumigaw ng ganoon kalakas at iritang-irita pa ang tono ng boses na ginamit.
Napayuko ako at hindi na sumagot pa. There's no sense to talk anyway. She won't listen.
"Anak, I'm sorry. I didn't mean to shout at you--"
"It's okay. Magpapahinga na po ako."
Tumayo na ako at naglakad patungo sa kwarto. As I closed the door, my tears started to flow from my eyes down to my cheeks. Like how the pain flows from my brain down to my heart.
It's true. Mommy can be so insensitive sometimes pero anak niya ako eh. Pwede bang mas habaan niya pa ang pasensya niya sa akin? Or at least listen to me.
Nakatulugan ko na ang isiping iyon. Kinaumagahan ay sinadya kong hindi sumabay ng breakfast sa kanila. Although my Mom tried to wake me up earlier, I didn't respond. Hindi sa nag-iinarte but I do not want to mingle with anyone right now.
Alas-nuebe na ng umaga ng pumasok si Yaya Miling sa kwarto ko na may dalang pancake at chocolate syrup. May kasama ring kape na mukhang mainit pa dahil may kaunting usok na nanggagaling sa tasa.
"Ito na anak. Nagluto ang Mommy mo ng pancake bago pumasok sa trabaho. Gusto ka sana niya kasabay kumain pero tulog ka pa kanina.."
Pilit na ngiti ang naging tugon ko sa sinabi niya.
"Ayos lang, Ya."
Malinaw kong narinig ang pagbuntong-hininga ni Yaya bago nito inilapag ang tray sa mesa sa may mini living room ko sa kwarto.
"Anak, pagpasensyahan mo na ang Mommy mo. Pagod lang iyon sa trabaho at madaming iniisip kaya nasigawan ka kahapon," paliwanag ni Yaya
"Ayos lang po."
Ngumiti siya at hinaplos ng marahan ang buhok ko.
"Ang laki mo na. Masaya ako na nasaksihan kitang mag-dalaga. Lagi mong tatandaan na narito lang ako anak ha? Kapag nag-aalangan kang magsabi sa Mommy at Daddy mo pwede mo akong lapitan."
Niyakap ko si Yaya. She's the realest and sincerest person in my life. Ang totoo ay mas close pa ako kay Yaya kaysa sa parents ko. Why? Because they're always busy and they always try to manipulate me.
"Oh siya, bababa na ako. Ubusin mo iyan ha."
"Sureness, Ya. Salamat!"
I took a bite of pancake and took another and another. Literal na naubos ko lahat. It's my favorite. Lalo na at sinamahan ng coffee.
Crap! Did Mom tell me that she'll be discussing an important matter with me today?
Ano naman kaya iyon? Sana'y sinabi niya nalang rin kahapon.
Buong maghapon ay iyon ang nasa isip ko. Kung ano ang sasabihin nila. Kung gaano ito kaimportante. Masisiyahan ba ako dito o malulungkot. I was beyond curious. Alam niyo ba ang pakiramdam na binitin ka ng kausap mo? Yung parang nag-update si author tapos bitin ang dulo? Nakaka-frustrate diba?
Pero sa kabila ng kagustuhan kong malaman ay hindi mawala ang kaba. Why do I have this gut feeling na hindi ko gusto ang sasabihin nila?
"Can't you just say it to me, Mom? Dad?" iritang sabi ko matapos kaming maghapunan.
Kanina pa kasi sila tahimik at mukhang walang balak magsalita.
"Anak please understand that we are just doing this for you--"
"Yeah. So now, would you mind to tell me kung anong problema na naman ang susuungin ko?"
"Don't talk to your mother like that, Caily Aella!" seryosong sabi ni Daddy
Tama siya. Hindi ako dapat nagiging bastos. I love my parents but lately, they're being unreasonable. Lahat nalang ay kinokontrol nila. At lagi silang galit at wala sa mood.
Mom sighed. Mukhang nahihirapan siyang sabihin ang kung ano mang sasabihin niya.
At sa sinabi niya ay nagsisi ako na naging atat pa akong malaman. This is f*****g crazy. Please let me wake up from this bad dream.
"You're going to be engaged."