PARANG MADUDUROG ANG PUSO KO ng makita ko si Daddy na malalim at nangangalumata. Ang laki na din ng binawas ng timbang niya mula ng huli ko siyang makita. May Oxygen siya. Habang pilit na ngumiti sa’kin ng makita ako. “Baby..” Halos naging bulong na lang iyon ng sambitin niya dahil sa hirap siyang magsalita.
Pigil na pigil ang mga luha ko habang pinagmamasdan ko siya. Pansamantala kasing sinantabi ko ang galit ko sa kanya. “Daddy!”
“I’m happy because you’re here. Thank you!”
Bumuntong-hininga ako upang kahit papaano mabawasan ang bigat ng loob ko. Kapag hindi ko kasi iyon ginawa babagsak ang luha ko. Ayokong mangyari iyon. Ayokong ipakita kay Daddy na naawa ako sa kanya. Ayokong maramdaman niyang may concern pa rin ako sa kanya.
“Ano po ang sakit nyo?” Tanong ko sa kanya.
Pilit siyang ngumiti sa’kin. “Nahirapan akong huminga at tumaas ang blood pressure ko.”
“Magpagaling po kayo.” Tipid kong sagot sa kanya.
“Patrick, thank you! Dahil dinala mo dito ang anak ko.”
“Wala po kasi siyang magagawa kung hindi ang sundin ang hiling ko.” Tumingin pa sa’kin si Patrick ako naman yumuko.
“Thank you!” sagot ni Daddy.
Hinawakan ko ang kamay ni Daddy. “Daddy, may gusto ba kayong kainin? Magpasalamat kayo kay Patrick dahil ngayong araw na ito ako magiging mabait ako sa inyo.” Ngumiti pa ako sa kanya.
Tumulo ang luha ni Daddy. Tapos tumingin kay Patrick. “Pat, pwede mo ba kaming iwan muna ng anak ko? Mag-uusap lang kami.”
Tumingin muna sa’kin si Patrick upang humingi ng signal kung papayag ako. Tumango ako tanda ng pangsang-ayon sa kanya.
“Sige po sir.” Tapos umalis na siya. Naiwan kaming dalawa ni Daddy.
“Bernadette. Alam kong hanggang ngayon. Galit na galit ka pa rin sa’kin. Dahil sa ginawa kong pang-iiwan sa inyo ng Mama mo. Saan mapatawad mo ako. Alam ng Diyos kung gaano ko kayo kamahal ng Mama mo. Ngunit may bagay talagang kailangang itama.” Panimula ni Daddy.
“Wag na po nating pag-usapan ang bagay na ‘yan Daddy. Isipin nyo po ang sarili nyo magpalakas at magpagaling kayo.”
“Gustong kong marinig ang kapatawaran mo anak.” Tumingin pa siya sa’kin.
“Ayoko pong ipilit ang sarili kong patawarin kayo ngayon Daddy. Ang sakit na binuo ninyo sa puso ko. Patuloy na kumikirot. I’m sorry hindi kita kayang patawarin sa ngayon.”
Pilit siyang ngumiti sa’kin. “Naiintindihan ko. Pero sana pagbigyan mo ang hiling ko sayo.”
“Ano po iyon Daddy?”
“Ipapakasal kita sa anak ng matalik kong kaibigan. At si ate Noralyn mo. Ipapakasal ko din kay Patrick.”
Ang kaninang awa ko sa kanya napalitan ng galit. Galit dahil pati buhay ko pinangunahan na niya. At ang Anak niya sa labas ipapakasal kay Patrick! Hindi ako makakapayag!
“Hindi ako para sumunod sa inyo. Ako ang gagawa ng buhay ko ng pangarap ko at hindi ikaw!” halos pasigaw ko na.
“Anak.. Kailangan mong gawin iyon para sa’kin.”
Tumayo ako. “Nagkamali ako ng pagpunta dito. Hindi ka pa rin nagbabago. Selfish ka pa rin Daddy!” sabay lakad ko palabas. Eksakto namang pagbukas ng pintuan bumungad sa’kin ang kapatid kong si Ate Noralyn at ang Mommy nito. Sila ang dahilan kung bakit iniwan kami ni Daddy. Ang Daddy ko. Girlfriend pa lang niya si Mommy nagtaksil na siya. Hindi niya sinabi kay Mommy na may nabuntisan siya. Tinago niya ito ng matagal hanggang sa kusa itong lumitaw. Galit na galit ako sa daddy ko at sa mag-inang iyon. Dahil sila ang dahil bakit broken family kami.
Ngumiti sila sa’kin samantalang ako nakataas ang kilay. “Excuse me!” sabi ko.
“Mag-usap muna tayo sissy!” ani Ate Noralyn.
“Ayokong makipag-usap sayo!”
Hinawakan niya ang kamay ko. “Sasama ka sa’kin sa ayaw at gusto mo!” hinila pa niya ako palabas ng Hospital.
“Bakit ba!!”
Tuminingin siya sa’kin. “Sinabi na ba sayo ni Daddy?”
Kusang tumaas ang kilay ko sa narinig ko mula sa kanya. “So alam mo na pala. Tch, ibang klase din kayo. Talagang pinagplanuhan nyong dalawa ni Daddy ang lahat. Ang galing! Napakagaling nyo!”
“Wala kang alam. At kapag nalaman mo siguradong pagsisihan mo.”
“Pwede ba Noralyn! Wag na tayong maglokohan. Kahit anong gawin nyo hindi ako papayag. Gusto mo ikaw ang magpakasal O kaya si Daddy. Tutal kayo naman ang may gusto nyan!”
Isang sampal ang tumama sa pisngi ko. Matalim ang mga tingin niya sa’kin. “Wala kang galang! Lumalaki kang bastos!”
Humalakhak ako. “Marunong akong gumalang depende sa kaharap ko. At sa susunod na sampalin mo ako hindi na kita patatawarin. Magsama kayo ng Tatay mo!” binunggo ko pa siya ng dumaan ako sa harap niya.
“Are you okay?” tanong sa’kin ni Patrick habang binabagtas namin ang daan pauwi.
“Hindi ako okay.”
“Anong problema?”
Tumingin ako sa kanya. “Kaya mo bang magpakasal sa hindi mo mahal?” tanong ko sa kanya.
Mabilis niya akong tiningnan pagkatapos muling binaling ang tingin sa daan. “Syempre hindi ako papayag na magpakasal sa iba. Bakit mo naitanong?”
“Paano kung kailangan para sa pamilya mo? Papayag ka ba?” muli kong tanong.
“Hindi ko kayang magpakasal sa babaing hindi ko mahal. Lalo na kung may iba akong mahal. Ayokong magsakrispiyo ng matagal. Gusto kong maging masaya sa babaing mahal ko.”
“Mahal mo ba ako Patrick?”
“Alam mo naman ang sagot diba?”
“Kung ganon magtanan na tayo! Magpakalayo-layo. Umalis na tayo malayo sa pamilya natin.”
Biglang hininto ni Patrick ang kotse niya at humarap sakin. “Bakit ka nagkakaganyan? May problema ba idol?”
Tumango ako. “Gusto akong ipakasal ng Daddy ko. Sa taong hindi ko kilala.” Tumulo ang luha ko. “Sinikap kong maging mabait sa kanya ngayon dahil sa nakita ko sa kanyang paghihirap niya sa hospital. Pero kahit pala nakaratay siya ang lupet niya sa’kin. Pati kaligayahan ko gusto niyang sirain. Napakasama niya!” pinahid ko ang mga luha ko sa pisngi.
Kinabig niya ako at kinulong sa dibdib niya. “Idol, nandito lang ako para sayo. Mahal na mahal kita. Hindi ako papayag na ipakasal ka sa iba.”
Gusto ko sanang sabihin sa kanya na ipapakasal din siya sa Kapatid ko sa labas na si Ate Noralyn. Kaya lang baka hindi siya maniwala sa’kin. “Ilayo mo ako sa kanila Idol.” Sabi ko pa.
Tumango siya sa’kin. “Sige! Ilalayo kita.” Kasunod no’n ay kumawala siya ng yakap sa’kin at pagkatapos ay mabilis niyang pinaharurut ang sasakyan niya palayo. Nakayakap ako sa kanya habang nagda-drive siya. Wala akong ibang magandang maisip na paraan para maging solusyon ng problema ko kung hindi ang lumayo kasama Patrick ang lalaking mahal ko.
MATALIM kong tinitigan si Patrick habang nasa loob kami ng kotse. Nakahinto ang kotse niya sa mismong tapat ng bahay namin.
“Akala ko ba Ilalayo mo ako? Hindi mo kaya?” nanggigil kong sabi sa kanya.
“Bernadette.. Kaya ko kaya lang hindi dapat tinatakasan ang problema.” Tatangkain niya akong hawakan pero tinulak ko siya.
“Wag mo akong hawakan!” nagmadali akong lumabas ng kotse at pagkatapos padabog kong sinara ang pintuan ng kotse. Walang lingon-lingon akong pumasok sa loob ng bahay. Hinabol naman ako ni patrick.
“Bernadett sandali lang!” Hindi ko siya pinansin ng maabutan niya ako hinawakan niya ang braso ko. Sinampal ko siya. “Wag na wag kang magpapakita sa’kin kahit kelan!” sabay talikod ko.
“Bakit ba napaka selfish mo!”
Huminto ako ngunit nanatiling nakatalikod sa kanya.
“Lahat na lang ng taong nagmamahal sayo iniiwasan mo. Inilalayo mo sayo. Ano bang gusto mo? Ikaw ang ang nakakaramdam ng sakit? Ikaw lang ang pwedeng masaktan? Pare-pare lang tayo nakakaramdam ng sakit. Wag mo naman idamay ang ibang tao kapag nasasaktan. Ang hirap sayo sarili mo lang iniintindi mo. Na kapag nasaktan ka kailangan mas dobleng sakit ibibigay mo sa taong mahal mo.”
“Wala kang alam sakin Patrick kaya mo sinasabi iyan. Hindi mo alam ang pinagdaan ko.”
“Alam ko ang lahat sayo Bernadette. Pero ikaw lang itong ayaw magpatulong. Umpisa pa lang mahal na kita. Pero sa ginagawa mo pilit mo akong inilalayo. Sana matutunan mong maramdaman ang sakit ng ibang tao hindi puro sayo. Wag mong hayaang lamunin ka ng galit mo. Nandito lang ako para sayo kapag kailangan mo ako. Sana maging masaya ka na. Goodbye!” sabay talikod niya sakin. Nanatili akong nakatayo hanggang makaalis siya pagkatapos noon. Napaupo ako sa semento at ibinuhos ko ang iyak na gustong kumawala kanina.
Kasalan ko bang masaktan ako ng sobra? Pinipilit ko namang maging normal ang lahat. Pero wala e, nasasaktan lang ako. Siguro nga pinanganak lang ako para pahirapan.
"Malalampasan mo din ang lahat Bernadette." Sabi ko sa sarili.