CHAPTER 14

1906 Words
“Paano na yan Bro, naka-set na ang lahat at hindi pwedeng tanggalin si Bernadette sa listahan ng mga Eighteen Candles ni Ally.” Sabi ni Luke. Habang nasa loob kami ng isang Fastfood chain malapit sa school namin. Oras kasi ng breaktime ngayon kaya lumabas kami para kumain. Kasama namin si Troy at Drek maliban lang kay Frits na hindi pumasok dahil pinaghahandaan ang birthday party ni Allyson ang girlfriend nito. Uminom muna ako ng softdrink bago ako nagsalita. Malungkot akong tumingin sa kaniya. “Hindi ko mapipilit si Bernadette dahil galit siya sa’kin.” “Ano ba yang girlfriend mo. Ang tigas ng puso, bakit hindi mo sabihin kaniya sabihin ang totoo? Para matapos na ang problema mo?” tanong muli ni Luke. “Oo nga Bro, sabihin mo na kasi sa kaniya ang totoo. Kesa naman pinapaniwala niya ang sarili niyang tama siya at kayo ang mali.” Sabad naman ni Troy. Bumuntong-hininga ako. “Kung sana ganoon lang kadali ang lahat. Ginawa ko na sana. Hindi ako pwedeng maghimasok sa problema ng pamilya nila.” Sinabi ko kasi sa mga kaibigan ko ang katotohan. Si Bernadette lang ang hindi nakakaalam. “Paano na ‘yan? Bukas na tayo pupunta ng Puerto. Ikaw lang mag-isa wala kang partner?” “Siguro naman may pwedeng hilahin doon na mga bisitang babae para pumalit kay Bernadette. Ayoko na siyang pilitin.” “Mahal mo ba siya Patrick?” seryosong tanong sa’kin ni Drek. Lahat sila sa’kin nakatuon at hinihintay ang magiging sagot ko. “Hindi ako mag-aaksayan ng oras kung hindi ko siya mahal. Isa pa siya lang ang babaing sineryoso ko.” “Pero hindi siya katulad ng ibang babae na pwedeng I-please. Mahirap siyang mapapayag.” Sabad naman ni Luke. Tinuon ko na lang ang pansin ko sa iinom kong softdrink. Bahala na bukas kung wala akong partner okay lang. Hindi naman iyon mapapansin ng mga bisita. “Magkita-kita tayo bukas.” Iyon na lang ang naging tugon ko sa kanila. Tapos inabala ko ang sarili ko sa pagkain. Habang naglalakad ako papunta sa Classroom namin. Napansin ko ang bestfriend ni Allyson na si Dianne. Wala sana akong balak lapitan siya kung hindi ko napansin na hirap na hirap siyang maglakad. Nakapamulsa pa akong lumapit sa kaniya. “You need help?” nag-aalangan kong tanong sa kaniya. Baka kasi bigla akong tarayan. Ang pagkakaalam ko kasi dito mataray din katulad ng bestfriend niya. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako sa nakita kong pamumula ng mukha niya. “A-AH- No Thanks! N-nakakahiya naman sa’yo.” Nauutal niyang sagot sa’kin. Pagkatapos nauna siyang naglakad na pa-ika-ika. Binagalan ko lang ang paglalakad upang alalayan siya. Hindi na rin kasi ito iba sa’kin. Bestfriend siya ng Girlfriend ng kaibigan ko. “Sigurado ka bang kaya mo? Hirap na hirap ka na.” sabi ko pa. “Oo naman! Mauna ka na.” “Ano ba ang nangyari sa'yo?” tanong ko. “Natapilok ako kaya ganito.” Sagot niya. Huminto ako at pailing-iling na tiningnan siya. “Bakit kayong mga babae ang hirap niyong intindihin.” Tapos lumapit ako sa kaniya at walang sabi-sabi ko siyang binuhat. Tiningnan ko siya at ngumiti ako. “Sa ayaw at gusto mo ihahatid kita sa Classroom mo Miss Rutcher.” Kinindatan ko pa siya. Nakita ko naman siyang umiwas ng tingin sa’kin. “Excited ka ba para bukas?” tanong ko habang karga-karga ko siya at naglalakad ako papunta sa classroom niya. Ang tahimik kasi niya. “Oo naman! Kayo ba ng girlfriend mo excited na?” sagot niya sa’kin. Umiling ako sa kaniya. “Ako lang siguro ang aattend si Bernadette. Masama ang pakiramdam niya.” Alibay ko. “Sayang naman! Sana maging okay na siya.” Sagot ni Dianne. Hindi ako kumibo hanggang sa makarating kami ng classroom niya. “Thank you Patrick.” Sabi ni Dianne. “Welcome!” “Ah- Patrick.” Huminto ako at lumingon ako sa kaniya. “Yes?” “Mukhang kailangan mong magpaliwanag sa gifriend mo.” Kumunot ang noo ko. “Bakit naman?” “Ayun siya Oh!” turo ni Dianne sa gawing kaliwa ko. Paglingon ko nakita ko si Bernadette na nakatayo at nakaharap sa’min. Ngumiti ako kay Dianne. “Wala tayong dapat ipaluwanag sa kaniya. Sige mag-iingat ka. Bye!” tapos umalis na ako. Sinundan ako ni Bernadette sa paglalakad. Tinatawag kasi niya ako hindi ako huminto. “Patrick! Saglit lang!” hila niya sa braso ko ng maabutan niya ako. “Paano kang nakapasok dito?” tanong ko sa kaniya. Hindi naman kasi ito estudyante ng SPIA. Kaya curious ako kung paano siya nakapasok dito, lalo na at maraming bully sa paligid. “Nakita ko si Allyson sa labas. Siya ang naging dahilan para makapasok ako dito.” “Okay!” tapos umalis na ako. “Sandali lang Idol!” Huminto ako at humarap sa kaniya. “Hindi ko kailangan magpaliwanag sa’yo. Kung anoman ang nakita mo bahala ka kung ano ang isipin mo. Tutal naman kahit magpaliwanag ako hindi ka makikinig sa’kin.” “Alam ko! Nakita ko kung anong nangyari kay Dianne. Hindi ako magagalit sa’yo.” Sagot niya sa’kin. Tinitigan ko siya bakas sa mukha niya ang pagiging seryoso sa mga sinabi niya. “Mabuti naman kung gano’n.” tapos pumihit ako patalikod sa kaniya. “Aattend ako ng birthday ni Allyson!” habol niyang sabi sa’kin. Saglit akong huminto tapos palihim na ngumiti. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Hahayaan ko muna siyang malaman niya ang pagkakamali niya. Kahit gustong-gusto ko na siyang yakapin. Titiisin ko muna. Kinabukasan PABUKANG LIWAYWAY pa lang ng lumabas ako ng mansion upang pumunta ng puerto. Agad kong napansin si Bernadette na nakatayo sa harapan ko, may dala siyang backpack at nakangiti sa’kin. Marahil pinapasok siya ni Mommy kanina. Lumapit siya sa’kin. “Pwedeng makisabay?” Tinitagan ko siya ng ilang segundo tapos huminga ako ng malalim. “Get in!” sabi ko. “Thank you!” tipid niyang sabi sa’kin. Tapos agad siyang sumakay sa kotse ko. Hindi ko siya kinakausap ng sumakay ako sa kotse ko. Parang may anghel na dumaan sa pagitan naming dalawa. Walang may gustong magsalita sa’min. Hanggang sa makarating kami sa Airport upang sumakay papuntang Puerto. “Patrick, I’m sorry!” panimula niyang sabi sa’kin. Nakasakay na kami sa eroplano at magkatabi kami sa upuan. Hindi ako kumibo. Tapos narinig ko ang pagsinghot-singhot niya. Umiiyak siya. “Alam ko napakaselfish kong tao. Palaging yung nararamdaman ko na lang ang iniintindi ko na kapag walang sumang-ayon sa nararamdaman ko nagagalit ako.” Tiningnan ko siya. Gustong-gusto kong yakapin siya para i-comfort tinitiis ko lang. “Idol, noong nasa Hospital tayo sinabi sa’kin ni Daddy na ipapakasal daw niya ako sa ibang lalaki at ang kapatid ko sa labas ipapakasal daw niya sa'yo. Noong narinig ko iyon mula sa kaniya. Muli na namang umusbong ang galit ko sa kaniya. Kasi alam naman niyang ikaw ang mahal ko na ikaw ang boyfriend ko. Bakit ang anak pa niya sa labas ang pinili niyang ipakasal sa'yo. Galit na galit ako noon kaya kinausap kitang magtanan na tayo. Handa akong sumama sayo kahit saan basta makakasigurado lang akong ikaw ang makakasama ko habang buhay hindi ang ibang lalaki. Pero nabigo ako dahil tinanggihan mo ako. Inisip kong mas gusto mo na yatang sa kapatid ko sa labas ka gustong magpakasal.” Mahabang paliwanag niya sa’kin. Hinaplos ko ang buhok niya. Ngumiti ako ng tumingala siya para tingnan ako. “Hindi naman ako papayag na ipakasal sa iba Idol, wag kang mag-isip ng kung ano-ano dahil walang pwedeng makialam ng buhay ko. Ako ang madedesisyon kung sino ang babae para sa’kin at ikaw lang iyon wala ng iba. Kaya wag kang matakot na magpapakasal ako sa kapatid mo.” Niyakap niya ako ng mahigpit tapos ilang beses siyang humingi ng sorry sa’kin. Pinatawad ko na siya. Nami-miss ko na siya eh. Kaya naman pagpunta namin sa hotel kung saan ang barkada ay magkita-kita, gulat na gulat sila Luke dahil nakita nilang magkasama kami ni Bernadette at masaya na ulit. Kinagabihan noon nagkaroon ng lihim na pagpupulong sinakto naming tulog si Allyson. Ang iba kasing mga Kaibigan ni Allyson ay palihim na nagtatago sa kaniya. Isa kasing surprise birthday party ang mangyayari. Ang akala lang ni Allyson kaya kami nandito dahil vacation lang. Walang siyang kaalam-alam na may inihandang surprise party si Frits. “Tingnan mo sila Idol oh! Nakakatuwa silang magligawan. Parang si Yurielainne pa ang nanliligaw kay Teo.” Turo sa’kin ni Bernadette habang magkatabi kami sa buhangin. Matapos kasi naming magpakilala sa isa’t-isa nagkanya-kanya kaming pwesto sa pag-upo. Wala namang balak mag night swimming kami. Pinagmamasdan lang namin ang liwanag na buwan at musika na galing sa maliit na Bar na malapit sa dagat. Alas nueva na ng gabi ngunit sa lugar na ito parang ngayon pa lang sisikat ang umaga dahil sa dami ng tao. “Yeah, alam mo namang Gangster ng School namin si Teo. Kinatatakutan siya doon. Kaya hindi mo aakalain na may babaing magagawa siyang pasunurin.” “Lahat sila hindi pa magkakasintahan?” tanong niya sa’kin. Tumango ako sa kaniya. “Tayo pa lang dito ang magkasintahan.” Nakangiti kong sagot. “Magpanggap tayong katulad nila. Tutal naman sabi mo liligawan mo pa rin ako kahit magkasintahan na tayo.” Pulang-pula pa ang mukha niya ng sabihin niya iyon. Tumawa ako tapos niyakap ko siya. “Sure!” tapos niyakap ko siya habang nasa ilalim kami ng puno ng niyog. "Bernadette, kelan mo ba ako sasagutin?" Panimula ko ng acting namin. Ngumiti si Bernadette. "Hmm.. pag-i-isipan ko pa." Sumimagot ako. “Ano ba yan! Sagutin mo na ako. Alam ko namang mahal mo ako.” Gustong-gusto kong matawa sa ginawa naming kalokohan ni Bernadette. Pinipigilan ko lang lalo na at nakatingin sa’min ang ibang kaibigan namin. "Wow ang kapal ng mukha mo Patrick Corpuz!" "Syempre gusto ko na maka-kiss sa’yo." Ngumuso pa ako sa kaniya. Hinampas niya ako kunwari sa balikat. "p*****t!" Sabi ni Bernadette. "Idol ko nagbibiro lang naman ako.” "Hmft! Ewan ko sa'yo," Dahan-dahang ko siyang niyakap. “Idol, payakap naman ang lamig kasi. Kanina pa ako lamig na lamig.” “Wow Idol! Ang galing mong makagawa ng moves ha!” bulong niya sa’kin. Habang magkayakap kami ng mahigpit dalawa. "Bernadette, kahit walang kiss, basta kasama lang kita. Sobra-sobrang gift na iyon ni God sa'kin.” “Idol, ginalingan mo sa pag-arte. Kinikilig ako sa’yo. Sana ganito na lang tayo masaya. Walang problemang iniisip.” “Basta walang susuko sa’ting dalawa. Hindi tayo magpapakasal kung sinoman ang gusto ng magulang nating dalawa. Ipangako mong hindi ka magpapakasal kung sinomang lalaki ang ipakasal sa’yo.” Tumango siya sa’kin. “Pangako Idol.” Sabi niya sa’kin. Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kaniya. Ganoon din siya wala na kaming pakialam sa mga kasamahan namin. Ang hampas ng malakas na alon na naririnig namin sa dalampasigan ay kasing lakas ng puso naming ang bilis at lakas ng pagtibok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD