MAAGA akong umalis ng mansion upang puntahan ang Daddy ni Bernadette. Lingid kasi sa kaalaman ni Bernadette naging malapit ako sa Daddy niya mula noong una kaming magkita. Palagi siyang dumadalaw sa mansion namin O di kaya'y ako ang dumadalaw sa kanya. Gusto kasi niyang palaging makarinig ng kwento tungkol sa anak niyang si Bernadette. Hindi kasi siya makalapit sa anak niya dahil matindi ang galit nito sa kanya. Dahil sa pang-iiwan niya dito.
"Sir, kanina pa po kayo hinihintay ng Amo ko. Pasok po kayo." Sabi ng katulong nila ng makarating ako ng mansion nila.
"Na Traffic po kasi ako. Nasaan po siya?"
"Nasa kwarto niya. Sumunod po kayo sakin. Dadalhin ko po kayo doon."
Tumango ako sa katulong pagkatapos. Sumunod ako sa kanya.
"Nandito na po tayo. Kumatok na lang po kayo Sir."
"Sige Salamat!" Pagkatapos Dahan-dahan akong kumatok sa pintuan niya.
"Bukas yan!"
Nakaratay siya sa higaan ng pumasok ako. Eksaktong kakapa-inom lang sa kanya ng Personal Nurse niya ng gamot. Maputla ang mukha niya at payat. Pilit pa itong ngumiti sakin ng makita ako. "Kanina pa kita hinihintay. Tara samahan mo ako sa Anak ko."
Lumapit ako sa kanya at pinagmasdan ko siya. "Hindi nyo po kayang lumabas. Mahina pa kayo."
"Pero gusto kong makita anak ko." Bakas sa mukha nito ang kalungkutan.
"Sa ibang araw na lang po. Pinapangako sa inyo dadalhin ko siya dito."
Pilit siyang ngumiti sakin. "Salamat!"
"Aalis na po. Pupuntahan ko si Bernadette sa school niya. Susubukan ko din na makumbisi siyang pumunta dito. Magpagaling po kayo."
"Salamat ulit. Mag-iingat ka."
"Salamat din po." Pagkatapos tuluyan akong lumabas ng silid. Awang-awa ako sa kalagayan ng Daddy ni Bernadette. Kung maari lang sana na pilitin kong dalhin si Bernadette sa mansion at sabihin ang totoo sa kanya. Ngunit wala ako sa posisyon para makiaalam. Kaya kahit gustuhin ko. Wala akong magawa kung hindi ang sumunod na lang sa nais ng Daddy ni Bernadette ngayon.
"Saan ang punta mo Patrick?" Tanong ni Frits matapos kong magpaalam agad sa kanya.
"Maghahanap ng Girlfriend."
Pagkatapos mo kaming inggiting apat sa gala nyo ni Ally sa Enchanted Kingdom. magtatanong pa kung saan ako pupunta, ugh! Hindi ba alam ng Frits na yan na naiingit kami, magkaroon ka ba naman ng Allyson Ramirez na girlfriend ewan ko lang kung hindi ka maging masaya.
Sumakay ako ng kotse ko.
"Pupunta ka ba sa Sta clara Academy, tanong ni Troy.
"Oo! Manghihila ako do'on ng Girlfriend."
"Goodluck sayo! Sana after one year mo d'yang pagpunta mahila mo nga! Haha!" Biro pa ni Troy sakin.
"Psh! Yabang nito wala ka din namang serious girlfriend."
Humalakhak si Troy. "Akala mo lang 'yon bro. Sige mag-ingat ka at goodluck dyan sa panliligaw mo."
Tumango na lang ako pagkatapos pinaharurut ko ang sasakyan ko patungo sa Sta clara Academy. School yon for the girls , halos pabalik-balik na ako do'n, bumili muna ako ng red roses sa isang malapit na flowers shop, bago ako tuluyang pumunta roon, limang minuto din ang byahe bago ako makarating do'on.
"Sir, dadalawin ko lang po si Bernadette Clinford," sabi ko sa guard ng school.
"A-akyat ka naman ba ng ligaw sa kanya? Goodluck sana mapasagot mo na!" Ani ng guard na naka duty, kilala na ako dito sa school na'to madalas kasi akong bumibisita dito.
"Salamat!"
"Kapag sinagot niya ako kuyang guard, ililibre kita! kasama ang buong pamilya mo ng one day vacation sa boracay." Sabi ko pa habang pinagbubuksan niya ako ng gate.
"Wow!! thank you sir. Hindi pa nga ako nakakarating do'n!" Tuwang-tuwang sabi ng guard.
Inayos ko muna ang buhok ko at ang suot kong damit, habang naglalakad ako, narinig ko na ang mga sigawan at tiliin ng mga estudyante don, hindi na ako magtataka, kung sa Saint Paul International Academy nga maraming Hearthrob na lalaki, pero kami parin ang kauna-unahang tinitilian at pinag kakaguluhan don. Dito pa kaya sa school ng mga babae na ako lang ang gwapo at machong naligaw na kalahi ni adan.
"Goodmorning ma'am bati ko sa isang teacher na nakasalubong ko,"
Ngumiti naman ito sa'kin, "Goodmorning Mr, corpuz."
Tinungo ko ang paboritong tambayan ni Bernadette ang music room, mahilig kasi itong kumanta. Doon nga ako na-inlove sa kanya, pagpasok ko doon nakita ko si Bernadette at ang dalawa nitong kaibigan, ngumiti ako. "Good morning girls!"
Nakita ko ang malapad na ngiti nang dalawang babaeng kasama ni Bernadette, pero si Bernadette nakasimangot sa'kin.
"Ano naman ba ang kailangan mo?" Aniya
"Dinadalaw ka!"
Tumaas ang kilay nito, at inihinto ang pagsasa-ulo ng lyrics. "Bakit sinong may sakit?"
"May sakit lang ba ang dinadalaw?"
"Oo bakit?" Pagtataray nya,
Haist! Napakasungit talaga ni Bernadette sa'kin, palagi na lang akong binabara, buti na lang mahal ko s'ya.
"Flowers for you."
Hindi nya tinanggap ang bulaklak tinitigan nya lang ito.
"Ano ako patay!"
"Patay lang ba binibigyan ng bulaklak?"
"Yah! I always gave a flowers for a dead people, at ayokong binibigyan ako ng bulaklak." nakataas pa ang kilay nito.
"Ganon ba? Bakit hindi mo agad sinabi."
"Bakit nagtanong ka ba? Umalis ka na nga! Nakakaistorbo ka e,"
"Ano ba'ng ayaw mo sa'kin? gwapo naman ako, macho, habulin ng chiks, matalino. mayaman."
"At MAYABANG!! hindi mo sinabi ang pagiging mayabang mo! Ayoko sa'yo! Bukod sa mayabang ka! Babaero ka pa!"
Nakaramdam ako ng lungkot ng muli ko iyon marinig, haist! Araw-araw ko nang naririnig ang salitang "AYOKO SA'YO!"
Tinitigan ko siya. "Akala ko ba nag-usap na tayo tungkol dito Idol? Bakit bigla ka na namang nagbago? Sabihin mo na ang masasakit na salita sakin. Pero isa lang ang kaya kong ipagyabang sayo. Babaero man ako sayong paningin pag nagmahal ako stick to one parin at ikaw lang ang nag-iisang mamahalin. Kahit na nga maraming babae ang gusto akong akitin. Ang puso ko sayo parin titibok at titingin."
"Edi wow! Kailangan ko bang kiligin sa sinabi mo?!" Nakataas pa ang kilay niya sakin." Ano pang tinatanga mo d'yan? Go alis na! Tsupi!"
Bumuntong-hininga ako bago umalis. Sobrang sungit talaga ni Bernadette. Bagsak ang balikat ko nang umalis ako ng Music Room. "Psh! Basted na naman!" Itinapon ko nalang sa basurahan ang hawak kong bulaklak tapos naglakad ako papalayo. Nang makarating ako malapit sa exit ng School. Biglang tumunog ang fire alarm nila. Kinabahan ako, mayamaya nagkakagulo na ang buong school.
"May sunooggg!!! sa Musicc Room!!!" Sigaw ng isang babae.
Agad sumagi sa isip ko si Bernadette. Agad akong tumakbo pabalik patungo sa music room.
"Bernadette!!! Sigaw ko,
Kumuha ako ng tubig at binuhos ko iyon sa katawan ko. Pagkatapos pumasok ako sa loob ng nasusunog na music room.
"Wag kang pumasok d'yan!!" Sigaw nila, pero hindi ako nakinig. Kailangan kong iligtas si Bernadette. Pagpasok ko doon, nakita ko sa bungad ang dalawang kasama ni Bernadette, mabilis ko silang nailabas.
"Nasaan si Bernadette?"Tanong ko sa kasama nya.
Kahit hirap na hirap sa pag sasalita ang kasama ni Bernadette, sinabi parin nya.
"I-iligtas nyo si Bernadette naroon s'ya sa may comfort room."
Agad akong tumakbo papasok, sobrang kapal na mga usok sa loob kaya ang hirap ng makita ang loob na nasusunog na music room, ang hirap na din huminga, hinubad ko ang damit ko at itinakip ko sa bibig ko,
"B-bernadettee!!!"
"B-bernadette!!!"sigaw ko, paikot ikot na ako pero hindi ko s'ya makita,
"H-help. . ."
Narinig ko iyon, kahit sobrang hina ng boses, agad kong hinanap iyon, nang makita ko s'ya. Nakahiga sa sahig,
"Ohh God, Bernadette!!"
"P-patrick.." Aniya sa mahinang boses.
"Y-you're safe baby!!" Tapos binuhat ko sya papalayo,
wala ng malay si Bernadette. Tumakbo ako papalabas. Hindi ko na alintana ang mga paso na nararamdaman ko. Ang mahalaga sa'kin, mailabas ko si Bernadette, nahihirapan na din akong huminga kaya bago pa ako tuluyang mawalan ng malay sinikap ko munang makalabas kami sa sunog.
"Y-you're safe baby." Tapos tuluyan na akong nawalan ng malay
Nang magising ako, bumungad sa'kin an nakangiting si Bernadette.
"Nanaginip ba ako? O nasa langit na ba ako? Bakit s'ya nakangiti sa'kin?"
"T-thanks God at nagising ka na!"
Inikot ko ang paningin ko sa paligid, naroon sila Frits at si Bernadette na nasa harap ko.
"Anong nangyari?"
Ngumiti si Bernadette sa'kin. feeling ko na dagdagan ang lakas ko. Ngumiti kasi s'ya sa'kin, At ngayon niya lang ulit 'yon ginawa.
"Iniligtas mo kami ng mga kaklase ko, iniligtas mo ako, salamat dahil kahit hindi naging maganda ang pinakikita ko sa'yo, itinaya mo parin ang buhay mo para sa'kin, sana mapatawad mo ako sa mga ipinakita kong hindi maganda sayo."
"Gagawin ko 'yon ng paulit-ulit, mailigtas lang kita, ganyan kita ka mahal."
Nakita ko ang pamumula ng mukha nya. its very rare to see her Smile and talking me like this.
"Thank you Patrick."
Napapikit ako.Ang sarap palang marinig galing sa kanya ang pangalan ko. Ngayon ko lang ulit narinig na tinawag nya ako sa pangalan ko.
"K-kamusta na pala ang pakiramdam mo?" Tanong ko sa kanya.
"Ako dapat ang magtanong sa'yo nyan! Two days kang tulog, may mga minor injury kang natamo sa sunog, mga paso sa katawan mo, masakit pa ba?"
Tumango ako, "Pero masaya ako ngayon! kasi sa wakas napansin mo na ako."
Ngumiti s'ya sa'kin, "I-i owe you a lot, kaya napag isip-isip kong pagbigyan ka ulit Idol."
Ngumiti ako sa kanya, "Thank you!"
"Yuckk!! Ang baduy nyong dalawa, hoy! Patrick! Ano pang hinihintay mo? Yayain mo nang maging partner mo yan sa debut ni Ally." Sabad ni Troy.
Napalingon kaming dalawa. Kahit talaga kelan itong si Troy panira ng sweet moment.
"Sige papayag akong maging partner sa debut ng friend nyo. 'yon ay kung ako ang gustong isama ni Patrick." Tumingin pa s'ya sa'kin.
"Syempre naman! Ikaw lang ang gusto ko'ng makasama."
"Ahmm.. guys, since nagising na ang ugok na yan! Mauna na ako sa inyong umalis, marami pa akong aasikasuhin." Sabad ni Frit. Tumayo na ito sa pagkakaupo sa mahabang upuan sa loob ng private room ng hospital.
Tumango ako." Salamat Frits."
"Sama na kami sa'yo Frits. Para makapagsolo ang dalawa!" Sabad ni Troy, kinindatan pa ako ng loko, parang sinasabi nyang. "Good luck brad! This is your chance."
Hinayaan ko lang silang umalis. 'Yon naman talaga ang gusto kong mangyari ang makapag solo kami ni Bernadette.
"Bye guys!" Sabi ni Frits.
"Mga makukulit din ang mga kaibigan mo noh! Parang ikaw lang din." Ani Bernadette.
"Mga loko mga yan e,"
"May gusto ka bang kainin Idol? Sabihin mo lang at ibibili kita."
Pinagmasdan ko siya. "May gusto sana akong hilingin sayo. Kaya lang baka mainis ka sakin kaya siguro wag na lang."
Ngumiti siya sakin. "Kahit ano pa yan! Papayag ako."
"Idol.. Pwede mo bang dalawin ang Daddy mo? May sakit kasi siya." Diretso kong sabi sa kanya.
Saglit siyang natahimik. Pagkatapos umiwas siya ng tingin sakin. Nanahimik ako at hinintay ang sagot niya. Tapos bumungtong-hininga pa ito. "Pasalamat ka malakas ka sakin ngayon dahil niligtas mo ang buhay namin ng mga classmate ko. Kaya kahit alam mong mahirap para sakin ang hinihiling mo. Pagbibigyan parin kita." Pilit pa itong ngumiti sakin.
"Thank you ang bait mo talaga kaya mahal kita e,"
Hinampas niya ako. "Bolero! Mga the moves mo ha!"
Humalakhak ako. "Ikaw lang talaga ang walang tiwala sakin."
Umirap siya sakin. "Ewan ko sayo!"
Tumawa na lang ako. Blessing in disguise din naman ang nangyari sakin ngayon. Bagama't nagkaroon ako ng Minor injury dahil sa sunog. Nagkaroon naman ulit ako ng chance para lubusang mapalapit at makuha ang tiwala ng babaing mahal ko.