CHAPTER 19

2344 Words
Chapter 19 Hindi sila magkanda-uga-ga sa pag-aayos sa’kin may apat O limang katao na yata ang nasa tabi ko upang ayusan ako, ilang beses kasi nilang inaayos ang make up ko dahil nasisira dahil sa walang tigil ang pagpatak ng luha ko. Kaninang madaling araw lang kasama ko si Patrick, magkasama kami noong nasa simbahan kami at nagsusumpaan na kahit hindi siya legal naging meaningful naman para sa’kin ‘yon. “Madam, Hindi na namin kaya ang bride, parang a-attend ng libing, dinaig pa si Vilma Santos kung umiyak. Nasisira ang make up niya.” Reklamo ng Head make up artist na inarkila nila Mama. Pinahid ko ang luha sa mukha ko, kaya naman kumalat ang mascarang nilagay sa’kin. “My gosh! Look, nasira na naman!” maktol ng bakla, nakapameywang pa siya. Lumapit sa’kin si Mama at inakbayan ako. “Bernadette, di ba, nag-usap na tayo dito?” tanong niya sa’kin. Tumango ako, alam ko naman na mangyayari ito, hindi ko lang talaga matanggap. “I’m sorry Mama,” “Sige na, wag ka ng umiiyak, mas lalo lang tumatagal ang pag-aayos sa’yo, ang Daddy mo baka mainip ‘yon, alam mo namang hindi siya pwedeng magtagal na nasa labas ng hospital.” Oo nga pala, hindi naman in-advice ng Doctor na lumabas siya dahil delikado sa kalusugan niya, si Daddy lang ang mapilit kailangan daw niyang maka-attend ng kasal ko. Kinailangan pa tuloy ng pumirma nila Mama ng waver para lang payagan si Daddy na lumabas ng hospital. “Opo, Ate ayusan niyo na po ako.” Agad namang lumapit ang nag-aayos sa’kin, upang lagyan ulit ako ng make up, iisipin ko na lang si Daddy, para sa kanya ang lahat ng ito. Ilang minuto lang ang lumipas, natapos na akong ayusan, paglabas ko ng kwarto, magagandang feedbacks ang narinig ko mula sa kanila, para sa’kin ang ganda ko bilang bride ngayon ay walang saysay dahil, hindi ko feel ang kasal na ito. Dahil malapit lang ang simbahan sa’min. Limang minuto lang naroon na kami sa simbahan, agad kaming pinaayos sa pwesto namin. Katabi ko si Mama at si Daddy naka-wheelchair. Hila-hila ng personal ng nurse niya. Naramdaman ko ang paghawak ni Daddy sa kamay ko, kaya nilingon ko siya. Nakatingin siya sa’kin at ngumiti. “B-baby, I-I want to make you happy,” sabi niya sa mahina at paos niyang boses. Hinamplos ko ang buhok ni Daddy at pilit kong itinago ang lungkot, ngumiti ako sa kanya. “Thank you, Daddy. Please! Magpalakas ka.” Hindi ko napigilan ang luha kong bumagsak ng makita kong tumulo ang luha ni Daddy, parang nadudurog ang puso ko ng makita ko siyang nahihirapang lumaban. “I-I will,” Niyakap ko si Daddy ng mahigpit, parang nakakalungkot ang araw na ito para sa’kin. Kung hindi pa sinabi ni Mama na nag-uumpisa na hindi ako kakalas sa pagkakayakap kay Daddy. “I love you Daddy.” Sabi ko pa. Pagbukas ng malaking pintuan ng simbahan. Nag-umpisa ng magpalakpakan ang nasa loob ng simbahan, nagsaboy rin sila ng mga confetti habang kinakanta ng wedding singer ang kantang For the Gift. Ang kaliwang kamay ko ay nakahawak sa wedding flowers, ang isa naman ay nakahawak kay Daddy, hindi ko maiwasang umiyak sa sari-saring emosyon. Nalulungkot ako dahil ikakasal ako sa taong hindi ko naman mahal. At nalulungkot ako dahil sa kalagayan ni Daddy, kahit anong gawin namin alam kong anumang oras iiwan niya kami. Nang papalapit na ako sa unahan ng simbahan, nakita ko na agad ang groom ko si Timothy, ang lapad ng pagkakangiti niya sa’kin. Sunod-sunod na luha tuloy ang mga luhang pumapatak sa mukha ko, ang magulang ni Patrick ang kasama ni Timothy dahil nasa ibang bansa ang Magulang niya at hindi pwedeng umuwi ng bansa. “You’re so beautiful bride,” he said, “Thanks.” Tipid kong sagot. “Bernadette, we’re happy for you.” Sabi pa ng parents ni Patrick na masayang-masaya ngayon. Kung alam lang nila na ang anak nila ang gusto kong pakasalan. “Thank you.” “Umpisahan na natin ang kasal.” Sabi ni Timothy. Tumango ako. “Ang araw ng aking kamatayan.” “B-bernadette…” Nilingon ko si Daddy ng maramdaman ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko, kahit hirap siya sa paghinga pinilit niyang bigkasin ang pangalan ko. Yumuko ako upang magpantay kaming dalawa. “Yes, Daddy?” “G-gustong maging masaya ka ngayong araw. Ginagawa ko ang lahat ng ito para makita kitang masayang kinakasal sa lalaking mahal na mahal mo. G-gusto kong ako ang maghahatid sa’yo sa altar, pinangako ko ‘yan sa’yo no’n di ba, kahit anong mangyari ako ang maghahatid sa’yo sa altar.” Tumulo ang luha ko, bigla kong naalala noong bata pa ako, kapag may napapanood kami nila Daddy na ikinakasal, palagi niyang sinasabi na balang araw ikakasal din ako, at siya daw ang proud Daddy na maghahatid sa’kin. “Daddy, Hindi ko mahal si Timothy, pero hindi kita sinisisi, gagawin ko ang lahat para lang sa’yo, Daddy.” Sa lungkot niyang mukha, nagawa niyang ngumiti. “This is wedding surprise.” Sabi pa ni Daddy. Kumunoot-noo ako, hindi ko maintindihan si Daddy. “What do you mean, Dad?” Ang wedding singer ay huminto sa pagkanta. “Let’s us call the groom, Mr Patrick Corpuz!” Nagpalakpakan ang lahat habang nakatingin sa labas ng pintuan. Bumilis ang t***k ng puso ko ng makita kong naglalakad si Patrick palapit sa’kin, nakangiti siya. Habang hinahagisan siya ng confetti, hindi ko maintindihan ang nangyayari, ang alam ko parang sasabog na ang puso ko dahil palapit na sa’kin si Patrick. Hindi ko magawang kumurap dahil baka nanaginip lang ako. He touched my hand. “How are you my Lovely bride.” Lumapit siya sa’kin at hinalikan niya ako sa labi sa harap ng maraming tao. “Paanong ikaw ang groom ko?” naguguluhan kong tanong sa kanya. Ngumiti siya sa’kin at binaling ang tingin kay Daddy. “Kami ng Daddy mo ang nagplano nito, ang palabasin na sa ibang lalaki ka ikakasal.” “Planado ang lahat umpisa pa lang?” Tumango si Patrick habang nakangiti sa’kin, pinagmasdan ko ang mga tao sa paligid ko, lahat sila alam nila ako lang ang hindi nakakaalam. Ngumiti ako, “Ang daya niyo.” “Si Timothy ang bestman ko.” Muli namang tumulo ang luha ko, tumingin ako kay Daddy, tapos niyakap ko siya ng mahigpit. “Daddy, thank you! Thank you!” sabi ko sa kanya. Sobrang nagulat ako sa nangyari, kahit nakikipaglaban siya sa kamatayan. Nagawa pa rin niya akong i-surprise. “I love you, Dad.” “I-I love you, baby.” Sagot ni Daddy. Niyakap ko rin si Mama, ate noralyn, si Tita at parents ni Patrick, lahat sila naging kasabwat ni Daddy at Patrick. Ngayon ko lang din napansin ang mga abay namin, ang mga kaibigan naming lahat ay naroon. Ang kaninang kalungkutan ko ay napalitan ng kaligayahan at saya dahil ikakasal ako sa lalaking mahal na mahal ko. Hinawakan ni Patrick ang kamay ko, ngumiti ako sa kanya, pagkatapos magkasabay kaming naglakad palapit sa altar. “Thank you, God. Ibinigay mo sa’kin ang lalaking mahal ako, thank you dahil binigyan mo ako ng mabuti at mapagmahal na magulang, hinihiling ko sa inyo na habaan niyo sana ang buhay ni Daddy, gusto ko pa siyang makasama ng matagal.” Dasal ko. “Simulan na ang seremonya ng kasal.” Sabi ng pari. Magkahawak ang kamay naming dalawa habang nakikinig kami sa Pari, pakiramdam ko nasa ilalim ako ng aking panaginip ko, na sandaling mauntog ako O masaktan ako, magigising ako sa panaginip ko, hindi ko mapilang tumulo ang luha ko, mabuti na lang at nakatakip na ng belo ang mukha ko, wala ng makakapansin na umiiyak ako dahil sa kaligayahan. Naramdaman ko ang hininga ni Patrick na dumampi sa balat ko, kaya naman napalingon ako sa kanya. Muntik pa’ng maglapat ang labi namin dahil nakatitig pala siya sa’kin. “Hindi ako magsasawang titigan ka Bernadette.” Umiwas ako ng tingin sa kanya, at binaling ko ang tingin sa pari, pinisil ko ang palad niya. “Idol, makinig ka nga kay Father.” “Nakikinig naman ako, hindi nga lang ako nakatingin sa kanya.” Pasimple ko siyang kinurot sa tagiliran, gusto kong tumawa sa itsura niyang nakasimangot dahil kinurot ko siya at hindi siya makapagreklamo. “Humanda ka sa Honeymoon natin, Idol.” Pabulong niyang sabi. “No way! Ayoko pa.” medyo napalakas ang boses ko kaya napatingin sa’min ang pari, kaya naman yumuko ako. Ang kulit kasi ni Patrick. “I love you, Idol.” Pabulong niya sa’kin. Ngumiti ako ng tumingin ako sa kanya at sumagot ng I love you too. Nakatitig kami sa isa’t-isa habang tinatanong ito, “Patrick Corpuz, do you take Bernadette Clinford as your lawful wife, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?" He smile at me while he saying, “Yes, I do.” Binaling naman sa’kin ng pari ang tingin habang tinatanong ito, “Bernadette Clinford, do you take Patrick Corpuz as your lawful husband, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?" Ngumiti ako sa kanya. “Yes, I do.” Pagkatapos naming isuot ang wedding ring namin, nag-uumpisa ng magpalakpan ang mga Bisita namin. “And now I pronounce you, Husband and Wife, you may kiss the bride.” Pabilis ng pabilis ang t***k ng puso ko . Habang daha-dahan niyang inilalapit ang mukha hiya sa’kin. “You’re mine forever,” he said. Napapikit ako ng maglapat ang labi niya sa labi ko, isang simpleng halik lang iyon, ngunit para siyang bagyo na napagulo ng sistema ko, aamin kong medyo mabitin ako sa kissing samin, hindi ko naman kasi alam na magiging wholesome siya, “I love you My Wife.” Sabi niya matapos niya akong halikan. Niyakap ko siya ng mahigpit. Hinilig ko angg mukha ko sa balikat niya. “I love you more my husband.” I whisper. Ito na yata ang pinaka-espesyal na araw. Sa’ming dalawa ni Patrick, ito ang pangarap kong hindi ko aakalaing matutupad agad. “DAADDDDYYY!! MY GOD, DADDDYY!!” Bigla akong kumalas sa pagkakayakap ko kay Patrick ng marinig ko si Ate Noralyn na sumisigaw, kinabahan ako ng magkagulo sa harapan ni Daddy, tumakbo ako palapit sa kanya. “Daddy!!” halos itulak ko na palayo ang mga nakaharang sa harapan namin ni Daddy. “Dalhin niyo siya Hospital!” narinig kong sigaw ni Mama. Tumulo ang luha ko nang makita ko si Daddy na hinabol ang hininga, namumutla na siya, niyakap ko siya. “Daddy! Wag kang sumuko, lumaban ka please!” sabi ko. Habang walang tigil ang patak ng luha ko. Naramdaman ko ang paghawak niya sa balikat ko kaya tinitigan ko siya. Parang nadudurog ang puso ko ng makita ko ang namumuong luha sa mga mata ni Daddy, hinahabol niya ang paghinga niya. “I-m—H-happy F-for Y-you, B-baby.” Halos idikit ko ang tenga ko para lang marinig ko siya. “Daddy, Wag kang sumuko, gusto kong bumawi sa’yo.” Humahagulgol pa ako, Agad na binuhat ng dalawang lalaki si Daddy, may dumating na kasing ambulansya. Hindi ako bumitaw sa kamay ni Daddy kahit buhat-buhat siya papuntang Ambulansya, sumama ako sa loob ng sasakyan, agad namang nilagayan si Daddy ng oxygen. “Daddy, wag mo. Kaming iiwan, wag po Daddy, wala pa tayong family picture kasama siAte Noralyn. Pleaese! Sabi mo lalaban ka, lumaban ka Daddy!” pakiusap ko sa kanya, patuloy ang pag-agos ng luha ko, hanggang sa makarating kami ng hospital. “Miss, bawal na po kayong sumama sa emergency room.” Sabi ng Nurse ng harangin kami. Wala kaming nagawa kung hindi ang magdasal at maghintay, bakit ngayon pa nawala si Daddy? Kung kailan, okay na ang lahat. Nakaupo kami sa waiting area, habang hinihintay naming lumabas ang doctor, walang tigil ang paghagulgol ni Mama at Tita, Nakatingin ako sa kanilang dalawa, maari rin pa lang maging magkaibigan ang dalawang magkaribal, tanggapin ang pagkakamali at magpatawad alaalang sa taong mahal nila. Isang halimbawa na do’n sila Mama. “Bernadette,” Nilingon ko si Ate, “Bakit ate?” “Puntahan niyo na ang mga bisita niyo sa kasal, kami na ang bahala dito.” Tumingin pa siya kay Patrick. “Sige na, Idol. Ako na lang ang haharap sa mga bisita natin, hintayin mo’ng magising si Papa.” Lihim akong napangiti dahil tinawag ni Patrick si Daddy na Papa. “Thank you.” Niyakap niya ako at humalik sa labi ko, “Babalik ako mamaya.” Pinunasan pa niya ang mga luha ko gamit ang daliri niya, “Kumain ka mamaya, Okay!” Pilit akong ngumiti sa kanya at tumango, Nakakatatlong hakbang pa lang si Patrick ng biglang bumukas ang pintuan at lumabas ang doctor, lahat kami napatayo upang salubungin ang doctor. “Doctor, kumusta na ang Daddy ko?” tanong ko. Isa-isa niya kaming tiningnan, pagkatapos huminga ng malalim. Kinabahan ako sa naging reaksyon ng doctor. “I’m sorry, hindi na kinaya ng pasyente, patay na siya.” Pumalahaw ng iyak si Mama, Tita at Ate Noralyn, Parang bombang sumabog sa harapan ko ang narinig kong balita. Hindi ako agad nakapagsalita, parang naninigas ang panga ko at katawan, ang mga nag-uunahang luha sa mata ko ang tanging naging reaksyon ko. Wala na si Daddy, wala ang taong mahal ko, “D-daddy..” unti-unti ng sumisikip ang dibdib ko, “Idol, namumutla ka at nanginginig ka?” narinig ko pa’ng sabi ni Patrick sa’kin, niyakap niya ako. Pero parang manhid ako at statue na hindi makakilos at maibuhos ang bigat sa dibdib ko. “D-daddy!” “Bernadette!!” ‘Yan ang huling narinig ko ng tuluyan akong mawalan ng malay, ang Daddy ko patay na siya at napakahirap tanggapin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD