Kalungkutan ang namamayani sa buong paligid habang nagbibigay ng mensahe si Mama kay Daddy, ito ang huling araw ni Daddy na makasama namin siya, tahimik na pag-iyak ang nakikita ko sa tuwing ibabaling ko ang paningin ko sa mga taong naroon, hindi ko mapigilang pumatak ang mga luha ko, habang sinariwa ni Mama kung paano sila unang nagkakila at kung paano naging mabuting asawa si Daddy sa kabila ng mayroon siyang ibang pamilya, dapat sana nasa ibang bansa kami ni Patrick upang maghoneymoon, pero narito kaming dalawa sa para ihatid si Daddy sa huling hantungan, ang sakit ng pagkawala niya na parang kahit anong gawin ko, hindi mawala ang sakit, lalo na kapag naalala ko siya. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong hinimatay habang pinagmamasdan siya sa loob ng kabaog niya.
"Daddy..." halos pabulong kong sabi, habang nakikinig kay Mommy na hirap na hirap ng magsalita dahil sa punong-puno siya ng mga luha,
Naramdaman ko ang pagtapik sa balikat ko ng iangat ko ang mukha ko, pilit ang mga ngiti ni Patrick sa'kin, sinikap kong ngumiti sa kanya, masyadong maraming sakripisyo na ang ginawa niya para sa'kin. Nagpapasalamat talaga ako palagi siyang nasa tabi ko.
"Alam kong masaya na si Papa, dahil wala na siyang iisipin ng mawala siya, ang paborito niyang baby girl napatawad na siya, naging maayos na rin ang pakikitungo mo sa unang pamilya ni papa, alam kong masaya siyang iniwan kayo, mahal ko." Ani Patrick.
Niyakap ko ng mahigpit si Patrick, sa balikat niya ako umiyak nang umiyak binibindisyunan ng pari ang kabaog ni Daddy sa loob ng simbahan, pailan-ilan ang naririnig kong hikbi nila.
"Bernadette, ikaw naman ang magsalita, kailangan ni Daddy na marinig ang boses mo, alam kong nakikita niya tayo at nakikinig siya sa'tin." Ani Ate Noralyn.
Tumango ako at agad na pumunta sa gitna upang magsalita sa maraming tao. Huminga ako ng malalim, pagkatapos sinipat ko ang kabaog ni Daddy, muli na namang kumirot ang puso ko dahil sa katotohang wala na siya.
"Nakakalungkot, kung kailan wala ka na Daddy, saka ko makikita kung gaano ka naging mabuting Ama sa'kin. Hindi ko na alam kung ilang beses kong pinagdasal noon na sana hindi na tayo magkita ulit." Tumulo ang luha ko, napakagat ako sa labi. "Alam mo iyon Dad, hinayaan mo akong magalit sa'yo, hinayaan mo'ng maniwala ako na hindi ka mabuting Ama at Asawa. Hinayaan mo ako Dad... na maramdaman ko lahat ng iyon para kamuhian kita at halos pagsisihan kong naging Daddy kita." Pinunasan ko ang luha ko gamit ang mga kamay ko, habang nakatingin ako sa maraming taong lumuluha at nagdadalamhati sa pagkamatay ni Dad. "Bakit, Dad? Bakit mo ginawang pagtakpan kami ni Mommy? Akala ko kami ang una, akala ko noon sila Ate Noralyn ang pangalawang pamilya mo, pero nagkamali pala ako, ako lang pala ang walang alam sa mga nangyayari sa pamilya natin. Dahil gusto mo maganda pa rin ang tingin ko sa pamilya natin, dahil gusto mo mabuhay akong normal, pero Dad, unfair naman, kung alam ko sana ang lahat, sana hindi ako nagalit sa'yo, sana kasama pa rin kita, sana nakasama kita ng matagal. " Napalunok ako at huminga ng malalim upang pakawalan ko ang bigat ng nararamdaman ko. "Naging masama ako sa'yo Dad, naiinis ako sa sarili ko, dahil galit na galit ako sa'yo, samantalang ikaw mahal na mahal mo ako, I'm sorry, hindi ko agad iyon naramdaman, I'm sorry, kung pwede ko lang sanang ibalik ang mga oras na iyon, sana marami tayong pagsasamahan. Katulad ng ginagawa natin Dad sa tuwing nanonood tayong tatlo ni Mommy ng movie, kumakain sa mga paborito nating restaurant, at naglalaro ng computer games. Sana pwede kong ibalik ang noon.. eh, di sana nagawa kong alagaan ka simula pa lang ng sakit mo, sana nagawa kong sabihin sa'yo ng paulit-ulit na ma-swerte ako sa'yo at sabihing mahal na mahal kita Dad, thank you sa lahat, alam kong hindi sapat ang paghingi ko ng tawad sa'yo. Dad, Thank you! I love you." Humagulgol ako ng iyak. Agad namang lumapit si Patrick para yakapin ako, napakasakit ang nararamdaman ko na parang kahit anong gawin ko, patuloy siyang kumikirot ng paulit-ulit. Kung sana binigyan pa ako ng chance na makasama ko siya ng matagal, sana hindi ganito kasakit ang nararamdaman ko. Ilang minutong hikbi ko lang ang naririnig nila sa micropone. Kay nang makakuha ako ng lakas upang kantahan siya ng— Dance with my Father By Luther Vandross. Pinikit ko ang mga mata ko at pagkatapos nag-umpisa kong kantahin ang Dance with my father.
Back when I was a child
Before life removed all the innocence
My father would lift me high
And dance with my mother and me
And then
Spin me around 'till I fell asleep
Then up the stairs he would carry me
And I knew for sure
I was loved.
Maririnig mo ang paghikbi ng mga tao sa buong paligid. Maraming tao.
If I could steal one final glance
One final step
One final dance with him
I'd play a song that would never ever end.
Cause I'd love love love to
Dance with my father again.
Hindi ko na nagawang ipagpatuloy ang kanta ko para Daddy ko, dahil hindi ko na halos ma-bigkas ang mga lyrics dahil sa bigat ng nararamdaman ko at mga luhang parang water falls. Mahigpit na yakap ni Mama at Ate Noralyn ang sumalubong sa'kin ng bumalik ako sa pwesto ko. Hinagis ko ang pulang rosas sa Coffin ni Daddy. Habang paibaba na siya sa ilalim ng lupa. "Daddy, paalam."
Makalipas ang ilang minuto umuwi na rin kami, sa bahay namin kami tumuloy ni Patrick, gusto ko kasing samahan si Mama, alam kong kahit hindi niya sa'kin ipinapakita ang kalungkutan niya, alam kong labis-labis ang pagdadalamhati niya. Nakaupo kaming tatlo ni Patrick at Mama sa harap ng lamesa.
"Mahal ko, Hindi mo pa ginagalaw ang pagkain mo." Sabi sa'kin ni Patrick.
Tipid akong ngumiti sa kanya. "Sorry," pagkatapos sinubukan kong kumain kahit na nga hindi ko magawang lunukin, hindi kasi ako nakakaramdam ng gutom.
"Bernadette, may nakalimutan pala akong ibigay sa'yo." Ani Mama sa'kin.
"Ano po 'iyon Mama?"
"Nakalimutan kong ibigay sa'yo ang regalo ng Daddy mo sa kasal niyo ni Patrick."
"Si Daddy." Malungkot kong sabi.
"Teka lang kukunin ko, dapat sa mismong araw ng kasal ko sa'yo ibibigay nagkaroon kasi ng probema kaya hindi ko naibigay sa'yo." Tumayo si Mommy upang kunin ang regalo ng Daddy sa'kin.
Isang maliit na kahon na may puting ribbon ang ibinigay sa'kin ni Mama, habang pinagmamasdan ko iyon, hindi ko mapigilang malungkot dahil naalala ko si Daddy.
"Mama, papasok po muna ako sa loob ng kwarto, gusto kong makita ang laman nito."
Tumango si Mama sa'kin. "Salamat, Mama." Tumingin ako sa katabi kong si Patrick upang magpaalam sa kanya.
Ngiti naman ang itinugon sa'kin ni Patrick. "Gusto mo ihatid kita sa kwarto, mahal ko?"
"Wag na mahal ko, samahan mo muna si Mama dito sa kusina. Umakyat ka na lang kapag tapos na kayong kumain ni Mama."
"Okay, sige!"
Agad akong umakyat ng second floor ng bahay namin upang magtungo sa kwarto ko, Pagkapasok ko sa loob ng kwarto umupo ako sa malambot na kama, at dahan-dahan kong tinanggal ang pagkaka-ribbon ng kahon, at doon tumampad sa'kin ang iba't-ibang litrato namin ni Daddy noong nasa Amerika pa kami. Water falls na ang mga luha ko habang isa-sa kong pinagmamasdan ang mga litrato namin. Napansin ko rin ang brown envelop, nang tingnan ko ang laman, dalawang titulo ng bahay at negosyo na nakapangalan sa'kin, mas lalong umapaw ang mga luha ko dahil sa sobrang kaligayahan, hindi ko ito hiningi sa kanya, pero hindi niya ako pinabayaan, inisip pa rin niya ang kinabukasan ko. may napansin ako isang maliit na sobre sa loob ng box, agad ko iyong binuksan, isang sulat kamay ni Daddy sa unang salita pa lang niya ay muli naman akong napaluha.
Baby girl,
Bernadette, sinikap kong magpabangon sa Mama mo at Ate Noralyn mo nang maramdaman kong sa sarili kong medyo malakas-lakas ako ng kaunti, mula kasi ng nai-chemo-theraphy ako, unti-unti akong nanghina, ayoko ma'ng sabihin ngunit pakiramdam ko hindi na magtatagal ang buhay ko, noong unang malaman ko na may Cancer ako, ang unang pumasok sa isip ko ay ikaw, dahil hindi ko na yata makikitang tumatawa, hindi ko na rin maririnig mula sa'yo ang kapatawaran mo, marami akong naging pagkukulang sa'yo mula pa noon, marami akong kasalan na ginawa, ngunit alam mo ba na sa lahat ng kasalanan kong ginawa, kayo ng Mama mo ang pinakamagandang Karma natanggap ko sa kabila ng kasalanan ko.
Pinahid ko ang mga luhang nag-uunahang tumulo sa mukha ko, ngayon ko lang muling mababasa ang sulat ni Daddy, noong bata pa kasi ako bukod sa mga regalo, sinusulatan niya ako at si Mommy sa tuwing may mga special na okasyon sa'min, ngunit ang sulat ni Daddy ang huling sulat niya sa'kin, muli kong pinagpatuloy ang pagbabasa.
Nag-desisyon akong bumalik ng pilipinas, pinagtapat ko sa Mama mo ang kalagayan ko, kaya naman sa tulong niya, tuwing gabi pumapasok kami ng Mama mo sa kwarto mo, palihim kitang pinagmamasdan habang natutulog ka, hindi ko mapigilang mapaluha kapag nakikita kita, dahil dalaga ka na at lumalaking maganda. Alam mo ba anak? Bago mo pa ako nakita ulit, matagal ko ng nakilala ang boyfriend mo na si Patrick, pinakilala siya ng Mommy mo sa'kin noong pumunta siya sa bahay na wala ka, sa unang pagkakakilala ko pa lang sa kanya, sinabi ko sa sarili kong maswerte ako, binigyan ka ng lalaking magmamahal sa'yo na higit pa sa pagmamahal ko sa'yo anak.
Habang tumatagal, palala nang palala ang sakit ko, kaya nagdesisyon ang Mama mo na magkita na tayo, wala na sigurong kasing sakit ang marinig sa'yo anak ang mga masasakit na salita. Alam kong maririnig ko naman sa'yo iyon, handa na ako, pero masakit pala, dahil punong-puno ka ng galit sa'kin, na kahit gusto kitang yakapin hindi ko magawa. Nagpapasalamat na lang talaga ako sa boyfriend mo'ng si Patrick na tinulungan niya akong makausap ka, walang kasing ligaya ko ng mayakap kitang muli anak at kahit hindi ko agad nakuha ang kapatawaran mo, sapat na sa'kin ang nakita at nakasama kita sa mga araw na ilalagi ko sa mundo. Kaya naman ng mapatawad mo ako sobrang pasasalamat ako sa Diyos dahil masaya akong aalis sa mundong ibabaw dahil napatawad mo na ako, anak. Alam kong maikling panahon na lang ang meron ako Anak, kaya kinausap ko si Patrick na tuparin niya ang hiling ko na maihatid kita sa Altar, alam kong masyado kang bata para sa pag-aasawa anak, pero alam kong mamahalin ka ni Patrick, kaya habang may oras pa ako gusto kong masaksihan ang kasal mo at ako ang maghahatid sa'yo sa altar. Pinaniwala ka naming sa ibang lalaki ka ikakasal sa tulong ni Patrick, ng Mama mo, at ate noralyn mo, at ang mga kaibigan mo, nagawa naming paniwalain kang sa ibang lalaki ka ikakasal, sobrang natuwa ako dahil alam kong kahit ayaw mo'ng magpakasal sa iba, hindi ka tumutol para sa'kin. Kaya bago ang mismong araw ng kasal mo, ako ang unang mababati sa'yo, congrats! Masayang-masaya ako para sa'yo, kung bibigyan pa ako ng pagkakataong mabuhay ng matagal, gusto pa kitang makasama at sulitin ang araw na hindi tayo nagkasama. Mahal na mahal kita anak. Sisikapin kong maging malakas pa sa mismong araw ng kasal mo para sabay tayong maglalakad dalawa habang hinahatid kita sa altar. I love you anak. Congratulation..
LOVE
DADDY
Niyakap ko ang sulat ni Daddy sa'kin, at humagulgol ako ng iyak, Bakit kailangan huli na ang lahat bago ko malaman ang pagkukulang ko, bakit kailangan mawala muna si Daddy bago ko malaman na sobrang nangungulila ako sa kanya, bakit kailangan ko siyang masaktan, na dapat sana ako ang unang yayakap sa kanya noong unang nalaman niyang may sakit siya, si Daddy, tinanggap niya ang lahat para mapabuti ako, samantalang ako pinuno ko ng galit ang puso ko para sa kanya, na halos isumpa ko siya noon, napakasama kong anak, ang sama-sama ko.
"D-daddy, I'm sorry! I'm sorry!" Bigkas ko sa pangalan niya habang humahagulgol ako ng iyak.
Nasa gano'ng ayos ako nang maramdaman ko ang paglapat ng kamay sa balikat ko, tumingala ako at nakita ko si Patrick na nakangiti. Tumayo ako at niyakap ko siya ng mahigpit. "Thank you for everything." Sabi ko sa kanya.
Hinamas-himas niya ang likod ko. "Mahal kita Idol, at gagawin ko ang lahat para maging masaya ka, sa ngayon hahayaan kitang umiyak, ako ang magiging balikat mo, ako rin ang magpapahid ng mga luha mo sa tuwing iiyak ka, ganyan kita kamahal, Bernadette."
Bahagya akong kumalas sa pagkakayakap sa kanya, at tinitigan ko siya. "Mahal na mahal kita, simula bukas magsisimula na tayong dalawa bilang mag-asawa."
Ngumiti siya sa'kin. "Magtatapos tayo ng pag-aaral at pagkatapos bubuo na tayo ng pamilya natin, hindi natin bibiguin si Papa."
Tumungo ako, pagkatapos muli ko siyang niyakap. Ipinikit ko ang mga mata ko habang nakayakap ako sa kanya.
"Daddy, thank you!" Sa isip-isip ko.
Mula ngayon, hindi ko na sasayangin ang mga oras na kasama ko ang mga mahal ko sa buhay, maging over acting man ako sa pagsasabi na mahal ko siya, ayos lang ang mahalaga araw-araw kong pinaparamdam sa kanila na mahal ko sila. Ayoko ng maulit ang pagkakamali ko na kung kelan huli na saka ako magsisi, kung nalaman ko lang agad ang totoo, sana marami pa kaming masasayang alala na mabubuo ni Daddy sana buhay pa siguro siya, sana nagawa ko sanang iparamdam sa kanya na ma-swerte akong siya ang Daddy ko, sana nasabi ko sa kanya araw-araw na— i love you, Daddy!
Pero lahat ng iyon ay isang malaking "SANA" na kahit kailan hindi ko na mababago kahit paulit-ulit kong pagsisihan ang kasalanan ko. Kaya ngayon natuto na ako, hindi na ako magpapatalo sa galit, ipaparamdam ko sa mga mahal ko na mahal ko sila para sa'ming dalawa ni Patrick, mamahalin ko siya ng buong puso.
~*~*~*~*WAKAS!~*~*~*~*