CHAPTER 18

3805 Words
Chapter 18 Hindi ko mapigilang tumulo ang luha ko habang nakatingin ako sa wedding gown ko na nasa loob ng kwarto ko, handang-handa ang lahat para sa gaganaping kasalan namin ni Timonthy, maging ang mga kamag-anak namin at ibang kaibigan ko at kaibigan nila Mommy na galing pa sa ibang bansa ay nandito na rin. Excited na ang lahat—maliban sa bride. Ilang saglit pa nakarinig ako ng yabag ng paa mula sa likuran ko, hindi na ako lumingon para tingan kung sino ‘yon, dahil alam ko namang si Mama ‘yon, siya lang naman kasi ang pwedeng pumasok sa kwarto ko. “Ang aga niyo namang magising Mama.” Sabi ko habang nakatalikod ako sa kanya. Mabilis kong pinahid ang mga luha ko gamit ang mga daliri ko. “Idol—” mahina ngunit malinaw sa aking pandinig ang boses na ‘yon, biglang bumilis ang t***k ng puso ko, marahil nakilala niya kung sino ang nasa likuran ko kaya gano’n na lang siya kung tumibok. Pilit akong ngumiti sa kanya at nagpanggap na masaya. “I-ikaw pala Idol, paano kang nakapasok dito?” Imbes na sagutin niya ako, lumapit siya sa’kin at bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Para akong kandilang unti-unting nauupos dahil sa ramdam na ramdam ko ang pangungulila niya sa’kin, maging ako’y nakaramdam ng pangungulila sa kanya. Niyakap ko rin siya ng mahigpit. “Miss na kita Idol.” Pabulong niyang sabi sa’kin. “Bakit kailangan mo’ng gawin sa’kin ito Idol? Mas lalo mo akong pinahihirapan.” “Nahihirapan din ako.’ Sagot niya. “Baka makita tayo ni Mama.” “Nakiusap ako sa kanyang papasukin dito kahit sa huling pagkakataon lang.” Tumulo ang luha ko dahil sa sinabi niya, walang salita ang namutawi sa’kin. Hinigpitan ko ang pagyakap sa kanya, upang kahit papaano maibsan ang pangungulila ko sa kanya kahit na nga ang puso ko ay unti-unti ng nadudurog. Kumalas siya sa’kin sa pagkakayakap ngunit nakahawak pa rin siya sa’kin sa magkabilaang balikat ko. Pinagmasdan niya ako. “Pwede ba kitang yayaing mamasyal ngayon?” Kumunot-noo ako, pagkatapos umiling ako sa kanya. “Hindi na pwede Patrick, ikakasal na ako bukas.” “Kahit ngayon lang, pangako ibabalik kita dito mamayang gabi, ibabalik kita sa groom mo.” Para akong sinaksak sa puso sa mga sinabi niya, napakahirap marinig mula sa kanya ‘yon, siya dapat ang lalaking pakakasalan ko pero sa ibang lalaki ako sasagot ng “I do.” Nagpakawala ako ng malalim na paghinga. “Sige, magpapaalam lang ako kay Mama.” Lumapad ang ngiti niya. “Thank you! Hihintayin kita sa labas.” Nagulat na lang ako ng bigla niya akong hinalikan sa labi. Pagkatalikod niya, hinawakan ko ang labi kong ninakawan niya ng halik, habang ang puso ko ay pabilis nang pabilis ang t***k. Tinanaw ko siya hanggang sa makalabas siya ng silid ko, pagkatapos nagtungo ako sa silid ni Mama. Banayad ang naging katok ko habang hinihintay kong pagbuksan ako ni Mama ng pintuan. Ilang saglit pa bumukas ang pintuan. Bakas sa mukha ni Mama ang kalungkutan ng makita niya ako, marahil alam na niya siguro ang plano ko. “Mama—” “Pumasok ka sa loob Anak.” Sabay talikod ni Mama sa’kin. Sumunod naman ako sa kaniya, pagpasok ko, bumungad sa’kin ang damit na susuotin niya bukas, napansin ko rin na bagong manicure at pedicure siya, maging ang buhok niya ay binago ang gupit at nilagyan ng kulay. “Mama, bagay na bagay sa’yo ang bagong style ng buhok niyo ngayon, nagmukha kayong bata.” Panimula kong sabi. “Salamat anak.” Sagot niya sa’kin. Umupo ako sa gilid ng kama niya, habang siya may kung anong hinahanap sa loob ng aparador. “Mama, si Patrick nasa labas siya.” Panimula ko. Huminto si Mama sa ginagawa niya, pagkuway bumuntong-hininga bago tumingin sa’kin. “Ako ang nagpapasok sa kanya sa loob ng kwarto mo, tumawag siya sa’kin.” “Sinabi nga po niya sa’kin kanina, Mama—?” “Siguraduhin mo lang sisipot ka sa kasal mo bukas.” Nakangiting sagot ni Mama. Sumilay ang ngiti ko sa labi, pagkatapos tuluyan ng pumatak sa pisngi ko ang mga luhang kanina pa nagbabadyang tumulo. “T-thank you! Thank you Mama!” Napayakap ako ng mahigpit kay Mama dahil sa sobrang kaligayahan ko. Tinapik-tapik niya ang likod ko habang nakayakap ako sa kanya. “Sige na, baka mainip pa si Patrick sa’yo.” Kumalas ako sa pagkakayakap kay Mama at pilit akong ngumiti, “I love you Mama, thank you talaga!” pinahid ko ang luha ko gamit ang kamay ko, pagkatapos tumayo ako upang umalis. “Promise, hindi ko kayo bibiguin ni Daddy.” Sabi ko bago ako tumakbo palabas ng silid niya. Masaya akong lumabas ng silid ni Mama. Atleast ngayon mapapanatag ang loob ko dahil pumayag si Mama. Gusto ko lang naman makasama si Patrick ng buong araw. Malayo pa lang nakita ko na si Patrick na nakasandal sa kotse niya. Habang nakapamulsa sa pantalon niya, he looks so gwapo sa suot niyang black polo. Kahit saang angulo siya tingnan. Gwapo pa rin siya, ngumiti ako ng mapansin niya akong paparating. Lumapit ako sa kanya na tatlong pulgada ang pagitan namin, nakangiti ako sa kanya habang pinagmamasdan ko ang gwapo niyang mukha. Kumunot-noo siya ng mapansin niyang tinitigan ko siya. “Are you done checking my cute face?” he wink. Imbes na mainis ako sa kayabangan niya. Matatamis na ngiti ang iginanti ko sa kanya. “Yeah, mas gustong pagmasdan ka ng paulit-ulit, gwapo mo kasi.” Gusto kong magbunyi dahil kitang-kita ko kung paano namula ng mukha niya sa sinabi ko, kaya ginalingan ko na ang pagpapakilig sa kanya. Tumingkayad pa ako upang abutin ang labi niya, mabilis ko siyang hinalikan ng ikinagulat niya. “I got you! Let’s go!” I wink. Tapos sumakay ako ng kotse niya. Ang sarap pa lang pakiligin ang isang Famous Casanova, parang kumain ng sili ang mukha. “Nagiging Sweet ka na ngayon ah?” sabi niya ng makasakay na siya ng kotse niya. Humarap ako sa kanya, “Kiss me, Idol.” Sinadya ko pa’ng ngumuso at ilapit sa kanya ang labi ko, pero siya namang iwas niya sa’kin. “Stop! Wag mo akong pagnasahan I’m a virgin," he said. Inilayo ko ang mukha ko at nagcross arm habang nakatingin ako sa kanya. “Really? Let me see?” “What the F*ckin words! I’m not kidding.” Tumawa ako ng malakas dahil sa naging itsura niyang, para kasing diring-diri siya sa’kin, umusog kasi siya upang hindi magdikit ang balat namin or kahit tela ng damit namin ayaw niyang magdikit. Ang mukha niya na sobrang pulang-pula at nakaka-enjoy talagang tingnan, who would have thought na ang isang gwapo, playboy, casanova ay kikiligin ng ganyan. “You’re so cute you know that.” “Humanda ka sa’kin mamaya Idol.” Pagkatapos pinaharurut niya ang kotse niya palayo, “Handa ako Idol.” Nag flying kiss pa ako sa kanya, kahit na nga katabi ko lang siya. Natawa ko, dahil kahit nakatutok ang mata niya sa daan dahil siya ang driver. Ang kanang kamay niya ang pinangsalo at itinapat sa labi niya and said. “Uhmmm.. deliciouso.” Hindi ko tuloy naitago ang kasiyahan ko dahil sa kanya. Kinikilig talaga ako sa kanya lalo kapag biglang humihinto ang kotse niya dahil sa traffic at stop light, doon sa maikling sandali na ‘yon siya nagiging makulit. Nagpapatawa kasi siya at nagpapakilig sa mga ginawa niya. Pinalalaki kasi niya ang mata niya tapos. Ilalabas ang dila para para mang-asar, nag I love you rin siya na walang tunog, minsan sign lauguage lang, gano’n siya kakulit. Hindi naman matikom ang bibig ko, dahil kanta ako nang kanta. Hindi namin napag-uspan, pero alam namin sa isa’t-isa na kailangan naming kalimutan kahit ngayon lang ang kanya-kanya naming problema, parang gusto lang naming maging masaya kahit ngayong araw lang. “Kaninong Resort ‘to?” tanong ko habang binabagtas namin ang daan papuntang resort, kalahating kilometro pa kasi ang mismong resort ngunit habang papalapit ka nang papalapit, mamahangha ka sa mga dadaanan, punong-puno kasi ng puno ng papaya, mangga at saging ang bawat paligid ng kalsada, kitang-kita mo na hitik na hitik sa bunga ang mga iyon, para ang sarap pumitas ng bunga dahil kitang-kita mo ang hinog na bunga. “Sad to say, hindi sa’kin ang Haciendang ito, kay Tito.” “Sa tito mo?” “Lahat ng matatanaw mong lupain at mga pananim ay sa kanya, nasa dulo ang resort nila.” “Ang sarap sigurong manirahan dito, para kang nasa paraiso, nakakatakam ang mga prutas. “May mga tanim din silang lansones at rambutan , ngunit dahil hindi buwan ng pagbubunga ng mga prutas na iyon, wala pa silang ganoong prutas sa ngayon.” “Ang swerte naman nila at may ganito silang pag-aari, nakaka-inggit naman sila.” “Dito tayo bubuo ng pamilya.” Sabi niya, Mapait akong ngumiti. “Palabiro ka talaga, bumili ka rin ng ganitong lupain para pagmatanda ka na, dito ka na lang titira.” “Gusto mo ba sa ganitong lugar?” “Syempre naman!” ngumiti pa ako. “Nandito na tayo.” Tinuon ko ang mga mata ko sa harapan ko, at nabasa ko ang malaking karatulong nakalagay ay “Welcome! Paradize Resort.” Agad kaming pinapasok ng security guard doon, pagkatapos huminto kami sa bunggalong bahay na may pinturang kulay maroon at puti, Pagbaba ko pa lang ng kotse ni Patrick, humaplos na agad sa’kin ang malamig na hangin, naririnig ko rin ang malakas na alon na galing sa dagat, ipinikit ko ang mga mata ko at huminga ako ng malalim, ito yung hangin na dapat nalalanghap ng tao araw-araw. Hindi iyong polusyon. “Let’s go!” sabi niya, hinawakan niya ang kamay ko papasok ng bahay, “Welcome home Patrick, mabuti naman at nakarating kayong dalawa.” Sabi ng lalaking nasa edad singkwenta, mula sa kinauupuan niya, tumayo siya upang salubumgin kami. “Thank you, Tito Neo.” Sabi niya, Yumuko ako ng sa’kin dumako ang tingin ng Tito ni Patrick. “Magaling talaga ang pamangkin kong pumili.” Pilyong ngumiti siya kay Patrick, “Enjoy your one day vacation.” Inabot kay Patrick ang susi. “Kung may kailangan kayong dalawa sabihin niyo lang sa mga tao rito sa resort.” “Thanks, Tito.” “Goodbye! See you tommorow.” Sabi pa niya kay Patrick. “Let’s go Idol, kumain muna tayo.” Sabi niya, tumango naman ako at sumunod sa kanya, Parang feeling ko gutom na gutom ako dahil sa mga pagkaing nasa lamesa. Punong-puno kasi ang lamesa ng pagkain, may Adobong manok at baboy, pritong Sugpo, pritong talong na may ginisang alamang, may inihaw na bangus at tilapia at nilagang okra, may sinigang naman na baboy, at ang mangang hilaw, pinya, papaya na pwede naming pagpilian bilang panghimagas. “Uubusin nating dalawa yan.” Sabi niya sa’kin. Tumango lang ako, ang sarap titigan ng mga pagkaing nasa hapagkainan. “Parang huling kain ko na siguro ito sa sobrang dami.” Sabi ko, Inakbayan niya ako, “Umpisahan nating kumain.” Ngumiti pa siya. “Game!” kukuhana na sana ako ng pagkain ko ng bigla niyang paluin ang kamay ko. “Arayy! Bakit ka ba namamalo?” inis kong sabi. “Kakain tayong nakakamay, kaya maghugas ka ng kamay mo.” “Sabagay mas masarap kumain ng nakakamay, tara! Maghugas na tayo ng kamay natin.” Tumayo ako upang magtungo sa lababo, agad akong naghugas pagkatapos inumpisahan ko ng kumain habang walang kubyertos, sa dahon ng saging kami kumain upang mas feel na feel namin ang pagkain, hindi ko mapigilang kumain ng marami dahil sobrang sarap ng lahat ng pagkaing nakahain, ito na yata ang pagkaing sobrang sarap, kaya halos hindi na ako makakilos at makahinga ng matapos kaming kumain. “Nabusog ka ba?” tanong niya sa’kin. Umiling ako, “Diet ako eh,” Nakangiti siya habang pinagmamasdan niya ako. “Pansin ko nga, let’s go! Ihahatid kita sa magiging silid mo.” Umarko ang kilay ko. “Hindi ako matutulog, susulutin ko ang araw na kasama kita— Araayy! Bakit mo naman pinisil ang ilong ko.” Inis kong sabi sa kanya.” “Ang cute mo kasi e, sige kung ayaw mo’ng matulog, maglakad-lakad tayo sa dalampasigan.” “Much better, tayo na para mabawasan ang kinain ko.” “Okay!” sabi pa niya. Magkahawak kamay kaming nagtungo sa dalampasigan, dahil private resort ito, walang ibang tao ang naroon, maliban lang sa’min at sa ibang empleyadong nangangasiwa ng resort. “Ang sarap dito tumira ang tahimik, parang kapag may problema ka makakalimutan mo pansamamtala.” “Bibili ako ng resort at hacienda katulad nito,” Tumingin ako sa kanya. “Bakit naman?” “Para sa’yo.” Muli namang nagulo ang puso ko dahil sa sinabi niya, umiwas ako ng tingin sa kanya, pagkatapos tumalikod ako. “Bakit, parang inaantok ako?” alibi ko, ngunit nararamdaman ko ngang aantukin ako. “Maglakad pa tayo para hindi ka antukin, sumunod naman ako sa kanya, naglakad kami hanggang sa hindi ko na mapigilang ipikit-pikit ang mga mata ko habang naglalakad, dahil na rin siguro sa ka-busugan ko at sa malamig na ngahin kaya ako hinihila ng antok, “Hindi ko na kayang maglakad, Idol.” sabi ko.. “Gusto mo kargahin kita?” pilyo pa siyang ngumiti. “Pwede ba?” I smile. “Ayoko pala, nakakapagod.” Pumihit siya patalikod at naunang naglakad sa’kin. Nakaramdam ako ng inis sa kanya, pagkatapos niya akong alukin. Hindi naman pala niya ako bubuhatin kapag pumayag ako. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at nauna akong lumakad sa kanya pabalik ng Rest house. “Ayyy!!” Napasigaw ako dahil bigla na lang niya akong binuhat. “Tampo ka na agad sa’kin, nagbibiro lang naman ako.” Nakangiti niyang sabi sa’kin. Inirapan ko siya. “Nagtatampo pa rin ako sa’yo.” “Sorry na, Idol. Sige, kapag hindi mo ako tinanggap ang sorry ko ihahagis kita sa Tubig.” Namilog ang mata ko habang nakatingin sa kanya. “Wag na wag mo’ng gagawin ‘yan!” “Ha-ha-ha! Tanggapin mo muna ang sorry ko,” he pout. “Oo na!” “Very good.” Nagulat na lang ako ng bigla niya akong nakawan ng halik sa pisngi. “Ang daya mo!” humahaba pa ang nguso kong sabi sa kanya. “I love you,” he said. “I love you too, Patrick.” Siniksik ko ang mukha ko sa dibdib niya at ipinikit ko ang mga mata ko, sana wag ng matapos ang buong araw na ‘to sa’ming dalawa ni Patrick. *** “Hello, Bernadette.” Nakangiting bati sa’kin ng isang napakagandang babae. Salubong ang kilay ko nang bumangon ako, hindi ko na namalayan na nakarating ako sa silid, ang alam ko lang binuhat ako ni Patrick at sumiksik ako sa dibdib niya. “Sino ka? Anong ginagawa mo dito?” Umupo siya sa tabi ko at muling ngumiti sa’kin. “Mabuti naman at nagising ka na, gigisingin na dapat kita e, by the way my name is Allyson.” Inilahad pa niya ang kamay niya sa’kin. Tiningnan ko lang ang kamay niyang naka-angat at hinihintay niya akong makipagkamay. “Ano ka ba wag ka ng mahiya sa’kin.” Kinuha niya ang kanang kamay ko. “Nice meeting you Bernadette.” “Nagkakilala na ba tayo?” “Masyado ba akong maganda ngayon? Ha-ha-ha! Ako ang girlfriend noon ni Frits Santiago. Isa ka nga sa mga bisita ko noong debut ko.” Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa, she’s very beautiful, parang mas gumanda siya ngayon, siguro dahil sa bago sa paningin ko ang kulay ng buhok niya. “I’m sorry, hindi kita nakilala.” Nakatingin pa rin ako sa kanya. “Okay lang, magbihis ka ng maganda ngayon dali!” “Bakit?” “Dahil may special date kayo ni Patrick ngayon. Tinulungan ko siya sa plano niya.” “Si Patrick?” biglang bumilis na naman ang t***k ng puso ko ng mabanggit si Patrick. Nameywang siya sa’kin. “Oo, girl. Kaya kumilos ka na bago pa ako maasar sa’yo, kanina pa ako nag-e-explain sa’yong bruha ka.” Pabiro lang ‘yon ngunit alam kong kaya niyang totohanin ‘yon, kilala ko kung gaano ka-maldita si Allyson. “Sorry, naglo-loading pa kasi sa isip ko ang lahat, I’m shookt you know.” “Whatever!” sabay irap niya sa’kin. Nagsimula na akong ayusin ang sarili ko, napapangiti na lang ako, dahil may mga binili pa talaga si Patrick na mga damit ko, maging under wear ko siya rin ang gumastos ng pambili, mabuti na lang talaga at si Ally ang namili ng mga gamit ko, dahil baka hindi na ako makaharap kay Patrick kung pati undies ko siya ang pipili. “Perfect!” pumalakpak pa sa’kin si Allyson, habang ipinapakita ko sa kanya ang suot kung white long gown. Ang cute rin ng head band at hair clip ko na nilagyan ng iba’t-ibang klase ng bulaklak. “Thank you,” sagot ko. “So tara na, sasamahan pa kita kay Patrick.” Hinila niya ang kamay ko, kaya sumunod ako sa kanya. Nang nasa labas na kami nakita namin ang kotse ni Patrick na naka-park sa harapan namin, sarado ang window ng kotse at tinted ang salamin, kaya hindi ko alam kung may tao roon. “Sumakay ka na ng kotse, hinihintay ka nang Boyfriend mo.” Nakangiti niyang sabi. Pakiramdam ko namula ang mukha ko dahil sa hiya, si Allyson kasi, masyadong deretsahan kung magsalita, walang preno. “Thanks again, Ally.” Tapos ngumiti ako sa kanya bago naglakad palapit sa kotse ni Patrick. Kinatok ko ang window ng kotse ni Patrick, mabilis naman niya itong binuksan ngunit para mapatulala lang sa’kin. “You’re so Lovely,” he said. “Thank you.” “Get in, Idol.” Tumango ako sa kanya at sumakay ako sa kotse niya, agad naman niyang pinaharurut ang sasakyan niya. Walang gustong magsalita nang nasa loob na kami ng kotse, nababalot tuloy ng katahimikan sa loob ng kotse, Awkward. “Nandito na tayo.” Ang salitang yon ang nagpagising ng diwa ko, sinipat ko ang gold wrist watch ko, pasado alas otso na ng gabi, ibig sabihin konting oras na lang ang kaya kong ibigay kay Patrick. “Bakit sa simbahan?” tanong ko ng makita ko ang malaking simbahan sa harap namin. Hindi niya sinagot ang tanong ko sa halip ay bumaba siya ng kotse upang pagbuksan ako at alalayan sa pagbaba. Ngayon na gets ko na, magsisimba pala kami, mabuti na lang at gabi hindi na ako makikita ng ibang tao na ganito ka-bongga ang suot kong damit. “Bernadette—” Tawag niya sa pangalan ko habang naglalakad kaming dalawa papasok ng simbahan, nilingon ko siya, hindi siya sa’kin nakatingin. “Hmm, bakit?” “Alam mo ba kung bakit tayo nandito sa simbahan?” “Magsisimba tayo?” Bumuntong-hininga siya, “Sasabihin ko na lang sa’yo mamaya kung bakit.” “Okay,” sagot ko. Nagtaka ako ng makapasok kaming dalawa sa loob ng simbahan, wala kasing misa ang pari ngayon. Sa halip ang mga kaibigan niya lang ang nasa loob ng simbahan. “Hay! Mabuti naman at dumating na kayo, bilisan niyo at may asasikasuhin pa ako bukas.” Ani Drek. “Pwede ba’ng lumabas muna kayo saglit. Kakausapin ko lang si Bernadette.” “Psh! Ang daming pabitin ang gunggong, let’s go guys!” nauna pang lumabas si Drek ng simbahan sumunod nama ang iba pa. “Anong nangyayari?” Hinawakan niya ang kamay ko at tinitigan niya ako. “Bernadette, alam kong ikakasal ka na bukas sa iba, pero gusto ko, ako muna ang kauna-unahang lalaki ang maghahatid sa’yo sa altar. Will you marry me, Idol?” Nag-uunahang tumulo ang luha ko dahil sa ginawa niya. Hindi ko inisip na gagawin niya ang mga bagay na ito. “Pero alam mo’ng walang saysay ang kasalang magaganap sa’tin.” Hinaplos niya ng mukha ko. “Ang mahalaga ang nararamdaman natin. Saksi ang Diyos kung paano natin kamahal ang isa’t-isa, kaya kahit hindi tayo kasal sa mata ng batas, sa puso natin at kay God, tayo ang tunay na mag-asawa dahil mahal na’tin ang isa’t-isa. So, pumapayag ka na ba’ng magpakasal sa’kin ngayon?” Hilam ng mga luha ang mukha ko ng sumagot ako ng Oo sa kanya. Pagkatapos no’n, niyakap niya ako ng mahigpit. Ilang saglit pa pumasok ng muli ang mga kaibigan niya na may kasamang pari. Ang mga kaibigan niya ang nagsilbing witnes ng kasal naming dalawa, habang binabasa ng pari ang seremonya ng kasal, magkahawak kamay kami ni Patrick, hindi ko mapigilang tumulo ang mga luha ko, kaya pala white dress ang suot ko ngayon dahil para sa especial na araw na ito. Alam kong hindi ito legal na kasalan, pero para sa’kin ito ang pinakamasayang araw ng buhay ko, ang ituturing kong tunay na kasal, “Bernadette Clinford, tinatanggap mo bang maging kaisang dibdib si Patrick Corpuz, na maging kabiyak ng iyong puso, sa habang buhay, sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, at mamahalin mo siya sa habangbuhay, gaya ng sagradong utos ng Panginoon?" “Po?” Pinisil ni Patrick ang palad ko, “Idol, dalawang beses ka ng tinatanong ng pari.” Mahinang sabi niya. “Sorry, ang lalim kasi ng iniisip ko.” Binaling ko ang tingin ko sa Pari. “Father, pakiulit po ng tanong.” “Bernadette Clinford, tinatanggap mo bang maging kaisang dibdib si Patrick Corpuz, na maging kabiyak ng iyong puso, sa habang buhay, sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, at mamahalin mo siya sa habangbuhay, gaya ng sagradong utos ng Panginoon?" “Opo, tinatanggap ko po.” Ngumiti sa’kin si Patrick at bumulong siya sa’kin. “Thank you, Mrs. Bernadette Clinford Corpuz.” May cheeks turn to red. Alam kong hindi mangyayaring magiging tunay niya akong asawa, pero sobrang ang sarap sa pakiramdam ang marinig sa kanya ‘yon. Pagkatapos namin isuot ang singsing namin, sinabi ng Pari na pwede mo nang halikan ang iyong kabiyak. Pinagmasdan ako ni Patrick, kitang-kita ako ang luhang pumatak sa mukha niya, kaya naman hindi ko naiwasang umiyak na rin. “I love you Idol, thank you.” Hinapit niya ang bewang ko at dahan-dahan niyang inilapit ang labi niya sa labi ko, sari-saring emosyon naman ang nararamdaman ko habang tumutugon ako sa mga halik niya, hindi namin alintana ang mga kaibigan niyang pumapalakpak at sumisigaw ng “Honeymoon.” Nakatali na ang puso at isip ko ngayon sa lalaking mahal na mahal ko, at kahit siguro ipikit ko ang mga mata ko, ang kasalang ito ngayon ang palagi kong maalala until my last Breath.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD