CHAPTER 17

1548 Words
Nakaharap ako sa Salamin habang pinagmamasdan ko ang Suot kong kulay itim na dress na abot hanggang tuhod. Walang masyadong design ito maliban lang sa ribbon nitong nasa bewang ko. Ngayon kasi pag-uusapan ang kasal namin ni Timothy, ngayon namin pagpaplanuhan ang kasal namin. Walang kaalam-alam si Patrick na sa pinsan niya ako magpapakasal. Habang siya ikakasal kay Ate Noralyn. Kung pwede lang sanang magpalit ng groom sinabi ko na sana kay Mama, pero dahil mismong partido ng lalaki ang pumili ng pakakasalan samin ni Ate. Wala akong magawa para tumanggi. Nakakatawa dahil kung iisipin para kaming binenta ng ate ko sa dalawang lalaki at sila ang pipili kung sino samin. Sayang nahuling pumili si Idol, sana ako ang napili niya. "Magsisimula na ang araw ng iyong pagkamatay Bernadette." Kausap ko sa sarili habang nakatingin sa salamin. Ilang saglit pa narinig ko ang tawag ni Mama habang kumakatok sa pintuan. "Bernadette! Matagal ka pa ba diyan? Baka mahuli na tayo!" Sabi ni Mama sa'kin. "Sandali na lang po Mama!" "Sige, hihintayin kita, bilisan mo." "Opo!" "Goodbye! Idol," huminga pa ako ng malalim bago umalis, ngayong gabi ko na puputulin ang ugnayan namin ni Patrick. Ngayon ko na kakalimutan ang lahat sa'min at ibabaon ko sa limot ang mga alaala at ang pagmamahal ko sa kaniya. Paglabas namin sa gate natanaw ko ang mansion nila Patrick, mas lalong naging mabigat ang pakiramdam ko. Tanging buntong-hininga na lang ang kaya kong gawin upang pansamantalang mabawasan ang kalungkutan ko, gusto kong umiyak pero hindi ko magawa dahil ayokong maging problema pa ni Mama ang nararamdaman ko, malungkot na nga siya dahil may malalang sakit si Daddy, ayokong makadagdag sa problema niya. "Bernadette, alam kong mahirap ang magpakasal sa taong hindi mo mahal." Sabi ni Mama ng nasa kalagitanaan na kami ng biyahe. Tumingin ako kay Mama at pilit na ngumiti. "Para kay Daddy, gagawin ko ang lahat. Marami akong pagkukulang sa kaniya at gusto kong bumawi." Pilit kong itinatago ang lungkot sa mukha ko. Bumuntong-hininga si Mama. "Sana bigyan pa tayo ng mahabang oras para makasama ang Daddy mo." Tumulo ang luha ni Mama. Kaya naman iniabot ko sa kaniya ang panyo ko. "Thank you anak." "Hahaba pa ang buhay ni Daddy, magtiwala lang tayo Mama. Gagawin natin ang lahat para mapasaya siya." Muli akong ngumiti sa kaniya. "Saan ka nakakakuha ng lakas at tapang anak?" "Mama, sa inyo ako kumukuha ng lakas at tapang, kayo ang dahilan kung bakit ako matapang ngayon. Dahil gusto ko sa balikat ko kayo iiyak." Niyakap ako ni Mama. "Bernadette..." tuluyan ng umiyak si Mama sa balikat ko. Pilit kong tinago ang mga luha ko habang nakayakap siya sa balikat ko. Isang oras pa ang lumipas nasa harapan na kami ng isang restaurant na sinabi ng pamilya ni Timothy. Pagpasok namin sa loob lumaglag ang balikat ko, gusto kong tumakbo palayo pero parang napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko. Namutla ako sa nakita ko. "Idol?" "P-patrick!" Halos pabulong kong sabi sa kaniya. Nakatitig siya sa'kin tila hindi siya makapaniwalang nakita niya ako dito. "Anong ginagawa mo dito?" Parang umurong ang dila ko, nakabuka ang bibig ko ngunit walang salitang lumalabas. Nanginginig ang katawan ko na parang gustong bumigay. "Bernadette!" Sabay kaming napalingon kay Timothy. Lumapit naman sa'kin si Timothy at pinulupot niya ang kamay niya sa bewang ko. "Cousin, siya ang sinasabi kong magiging future Wife ko." Yumuko ako upang iwasan ang matatalim na tingin ni Patrick, "I See... congrats Cousin, sana maging masaya kayo." Napalunok ako upang pigilan ang luhang gustong kumawala sa mga mata ko. Napakahirap humarap sa lalaking mahal mo at magiging saksi sa pagpapakasal mo sa iba. "Well, thanks. Best man kita Cousin." "Sure!" "E-excuse.. mauuna ako." Sinadya kong maglakad ng mabilis upang wag nila akong maabutan kahit na nga malapit lang naman ang Table namin. Parang gusto kong lamunin na lang ng lupa dahil hiyang-hiya ako sa makikita ko, ang magulang ni Patrick ang kasama ni Timothy sa pakikipag-usap sa magaganap na kasal. Nakatingin sila sakin at tila may gusto silang sabihin sa'kin. "Umpisahan natin ang plans." Panimula ng Daddy ni Patrick. Sa kanang bahagi na kinauupuan ko si Timothy ang katabi ko na hindi inaalis ang kamay sa'kin. Sa kaliwa naman si Mommy. Samantalang si Patrick ay kaharap ko. Habang nasa kalagitnaan sila ng pag-uusap tungkol sa magaganap na kasal. "Ouch!" Matalim na tingin ang pinukol sa'kin ni Patrick ng tingnan ko siya. Gusto kong magreklamo sa pagsipa niya sa binti ko sa ilalim ng lamesa. "Anong nangyari sa'yo Bernadette?" Tanong ni Mama sa'kin. Tumingin ako kay Patrick sabay irap sa kaniya. "Kinagat po ako ng langgam." "May langgam dito?" Tumingin-tingin pa si Mama sa paligid. "Wala naman anak, malinis at mabango ang paligid." "Wag niyo na lang pansinin Mama." Muli nilang pinagpatuloy ang usapan nila. Tango lang ang naging sagot ko sa kanila. Wala akong pakialam sa kakalabasan ng Kasal namin ni Timothy, ang mahalaga sa'kin ay ang pagbigyan ang hiling ni Daddy. "Mrs Clinford, tatawagan na lang namin kayo sa ibang araw kung may dapat ayusin, kami na ang bahalang kumuha ng pinakamagaling na wedding designer." Sabi pa ng Daddy ni Patrick. "Ahm, excuse me lang po, mauuna na po akong umalis." Tumayo ako at nagmadaling lumabas. "Ayy!" Sigaw ko, bigla kasing may humila sa braso ko. "Come with me." Sabi ni Patrick. Bigla niya akong binuhat papunta sa kotse niya. "Let me go! Ano ba Patrick!" "Please! Mag-uusap lang naman tayo. Please!" Pakiusap niya sa'kin. "Okay!" Sabay iwas ko ng tingin, hindi ko na kasi kayang makipagtitigan sa kaniya. Tahimik ako habang nakasakay sa kotse niya. Wala kaming imikang dalawa, kaya naman naging boring ang biyahe naming dalawa. Ilang minuto pa ang lumipas, huminto kami sa isang private resort. "Nasaan tayo ngayon?" Tanong ko sa kaniya ng makababa kami ng kotse. "Isa sa mga private resort namin dito sa Laguna. Let's go!" Magkahawak kamay kaming pumasok sa loob ng Private resort. May isang babae ang lumapit samin na nasa edad kwarenta. Marahil siya ang care taker ng resort. "Sir Patrick, biglaan po yata ang pagpunta niyo rito?" Hindi magkadaugagang tanong ng matanda. "Yeah, pakihanda ng Kwarto ko at ang master bedroom pakihanda na rin." "Sige po! May gusto po ba kayong kainin? Ipagluluto ko po kayo. Gigisingin ko lang ang anak ko." "Wag na! Ayusin mo na lang ang kwartong tutulugan namin." "Okay po Sir." "Anong pag-uusapan natin? Bakit kailangan mo akong dalhin dito?" Tinitigan niya ako. "Gusto mo ba ng kape?" "Patrick!" Tawag ko sa pangalan niya ng hindi niya ako sinagot sa tanong ko. "Or Wine." Bumuntong-hininga ako. "Wine!" "Okay!" Tapos tumalikod siya sa'kin at naglakad palayo. Nagpapadyak akong sumunod sa kaniya habang humahaba ang nguso ko. Nakakainis kasi dinala niya ako dito, pero hindi naman niya ako kinakausap. Naging sunod-sunod ang pagtungga ko ng alak. Mabuti na lang ladies drink lang iyon. "Anong kailangan mo sa'kin?" Sabi ko sa kaniya. "Idol, bakit kailangan mong magpakasal sa Pinsan ko, sobrang sakit na ako at ang pamilya ko pa ang mag-aayos ng kasal ng babaing mahal ko at pinsan ko." Tinungga ko ang alak sa kupita ko. "Hindi ko yon gustong gawin." "Hindi mo pala gusto bakit mo ginagawa?" Sinalubong ko ang tingin niya. Mabuti na lang at uminom ako ng alak. Nagkakaroon ako ng lakas ng loob para tingnan siya. "Request ni Daddy." "Bakit hindi ka tumutol?" "Dahil gusto ko siyang mapasaya habang nabubuhay pa siya. Patrick, alam mo naman na hindi na magtatagal ang buhay niya, kahit siguro lahat ng simbahan ako mag-simba, hindi pa rin siya gagaling." Tumulo ang luha sa mga mata ko. "Marami akong kasalanan sa kanya, gusto kong bumawi." "Kahit ako ang kapalit?" Huminga ako ng malalim. I'm sorry Idol, pero hindi kita kayang piliin. Isa pa ikakasal ka na rin sa iba, tanggapin na lang natin ang katotohang hindi talaga tayo para sa isa't-isa." "Pero mahal kita Bernadette, mahal na mahal." "Mahal din kita Patrick, pero hindi ko kayang ipaglaban ang pagmamahalam natin lalo na't si Daddy ang nakataya. I'm sorry!" Tumalikod ako upang lumayo sa kaniya. "Bukas na kita iuuwi, doon ka na lang sa master bedroon matulog." Sabi niya sa'kin. "Thank you!" Tapos lumabas na ako ng silid na iyon, paglabas ko naman nakasalubong ko ang babaeng care taker nila Patrick. "Ay! Ma'am, matutulog na po ba kayo. Maayos na po ang tutulugan niyo." "Thank you. Pwede mo ba akong samahan?" "Sige po, sumunod po kayo sa'kin." Isang malawak at napakagandang kama ang bumungad sa'kin, agad kong isinara ang kwarto, pagkatapos agad kong tinawagan si Mommy upang sabihing hindi ako uuwi, tinawagan ko rin si Ate Noralyn upang kamustahin si Papa. Pagkatapos ko silang makausap. Humiga na ako sa kama at tuluyan kong pinakawalan ang mga luhang gustong bumagsak kanina. Sobrang bigat ng dibdib ko, napakadami akong alalahanin. Kanina habang kausap ko si Patrick, gustong-gusto ko siyang yakapin at pangakuan na hindi ko siya iiwan at mamahalin ng sobra. Pero hindi ko iyon ginawa dahil mas lalo siyang Masasaktan at aasa sa'kin. Sobrang hirap ang pumili, pero dahil napakarami akong pagkukulang kay Daddy, siya ang inuna ko, siya ang pinakinggan ko, sa pagkakataong ito, hindi ako ang nasunod sa pagde-disisyon ng buhay ko, ng ayaw at gusto ko, ngayon lang 'yon nangyari. Pinunasan ko ang mga luha sa mga mata ko. "I'm sorry Idol."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD