CHAPTER 16

1610 Words
NAPALUNOK ako upang pigilan ang nagbabadyang luhang gustong kumawala habang pinagmamasdan ko si Daddy. Isang linggo matapos siyang i-chemotherapy. Nagagawa na niyang magsalita ng dahan-dahan ngunit nakaratay pa rin siya sa kama. Halos hindi na rin niya gaanong maigalaw ang katawan niya at sa tuwing sinusumpong siya ng sakit niya. Halos gusto kong makipagpalit ng katawan sa kaniya. Nadudurog kasi ang puso ko habang nakikita siyang sumisigaw at umiiyak sa sobrang sakit at sasabihin niyang... “Wag niyo na akong pahirapan. Kunin niyo na ang buhay ko!” iyon palagi ang naririnig ko sa kaniya sa tuwing nararamdaman niya ang sakit. Hinaplos ko ang buhok niya habang mahimbing ang tulog niya. Kung hindi pa siya tinurukan ng gamot hindi pa siya makakatulog. Siguro mas mataas ang dosage ng gamot na ibinigay sa kaniya. “Bernadette.” Tawag sa’kin ni Ate Noralyn. Tumingala ako upang tingnan siya tapos ngumiti ako kaniya. “Nandito ka na pala ate Noralyn.” Ngumiti siya sa’kin ng bahagya at ibinaling niya ang tingin niya kay Daddy. “Kamusta na si Daddy?” tanong niya sa’kin. Lumunok ako upang kontrolin ang pagpatak ng luha ko. Baka kasi magsasalita pa lang ako Tumulo na ang luha ko. Nahihirapan kasi akong itago ang bigat at sakit na nararamdaman ko sa kalagayan ni Daddy. “Sabi ng Doktor gagawin daw nila ang lahat ng makakaya nila para humaba ang buhay ni Daddy. Pero si Daddy,” pinagmasdan ko pa si Daddy bago ako muling nagsalita. “Pero si Daddy, ayaw ng lumaban. Nahihirapan na siya Ate.” Tuluyan ng umagos ang luha ko. “Ate, gusto ko pa sana siyang makasama ng matagal. Gusto kong bumawi sa lahat ng kasalan ko sa kaniya. Pero ayaw na niya.” Sabi ko habang nasa kalagitnaan ako ng pag-iyak. Yumuko si ate Noralyn. “Wag kang susuko Bernadette. Alam kong malabo ng gumaling si Daddy sa sakit niya pero naniniwala pa rin ako sa Milagro. Alam kong gagawa ang Diyos na makasama pa natin si Daddy.” Pag-aalo niya sa’kin sa kabila ng lungkot niyang nararamdaman. “Ate, gusto kong maging masaya si Dad habang kasama pa siya natin. Tutuparin ko ang wish niya para sa’kin.” Seryosong sagot ko. Bumungtong-hinga si Ate. “Ikaw ang bahala Bernadette.” Sagot niya. Niyakap ko siya at doon sa balikat niya ako umiyak. Wala akong ibang iniisip kung hindi ang mapasaya si Daddy. Dahil alam ko isang araw magising na lang akong kinuha na pala siya ni God sa’min. “Bernadette, umuwi ka na para magpahinga. Bukas ka na lang ulit bumalik.” Sabi niya matapos kaming mag-usap. “Ate, kaya ko pa naman. Sasamahan kita dito sa pagbabantay.” “Bernadette, alam kong gusto mo lang makabawi kahit paano. Pero hindi naman tama na pati kalusugan mo papabayaan mo para kay Daddy. Kami muna ang magbabantay sa kaniya. Magpahinga ka na muna.” “Pero kasi Ate..” “Wag ng makulit Bernadette. Sige na umuwi ka na.” Huminga ako ng malalim. “Sige Ate, babalik na lang ako bukas.” Humalik muna ako kay Daddy bago ako umalis. Eksakto namang paglabas ko nakasalubong ko si Patrick. Tipid akong ngumiti sa kaniya. “Idol!” tawag niya sa’kin. Huminto ako sa harapan niya. “Dadalawin mo si Daddy?” balak ko sana siyang iwasan kanina. Kaya lang masyado naman akong obvious. “Hindi, Ikaw talaga ang sinadya ko dito sa hospital. Ang sabi kasi ng Mama mo, umuwi ka raw muna para makapag-pahinga.” “Pauwi na ako.” Tapos nilampasan ko siya sa paglalakad. “Teka lang! Bernadette,” “Bakit?” “Ihahatid na kita sa inyo.” Nakatitig siya sa’kin. Tumango ako. “Salamat!” “Let’s go!” sabi pa niya sa’kin. Ako naman ay sumunod sa kaniya. Ramdam ko ang lungkot sa pagitan namin ni Patrick, habang nakasakay ako sa kotse niya. Gusto kong magsimulang magbukas ng topic naming dalawa, pero baka mapahiya lang ako. Marami na kasi akong maling ginawa sa kaniya. Kaya nahigiya ako sa kaniya. “Pag-uwi mo ng bahay Idol, kumain ka muna bago ka matulog. Nangingitim na ang gilid ng mga mata mo. Sobrang puyat na ‘yan.” “Yeah, gagawin ko iyon.” “Very good!” Umiwas ako ng tingin sa kaniya. “Idol…” “Hmm.. bakit?” "Ahmm.. pwede ba tayong magkape muna bago umuwi?" Hindi dapat iyon ang sasabihin ko sa kaniya, pero kasi sa tuwing tatangkain kong sabihin sa kaniya, bigla na lang akong panghihinaan ng loob para sabihin sa kaniya. "Sure!" Sabi niya habang nakatuon ang mga mata niya sa daan. "Salamat!" Huminto ang kotseng sinasakyan namin sa isang Food chain na hindi masyadong kilala. Pinili namin ang pwesto na matatanaw ang labas. "Sigurado kang Coffee lang ang gusto mong orderin ko?" Tanong niya sa'kin. Habang iniinom naming dalawa ang kapeng order namin. Hindi na rin siya um-order ng iba pang pagkain dahil hindi rin naman daw ako kakain. Tumango ako. "Busog pa kasi ako, kumain ako bago umalis ng hospital." Alibi ko. "Idol, alam mo ba? Dumating ang pinsan kong si Timothy. Natatandaan mo ba siya?" "Paanong hindi ko siya makikilala. Siya ang pakakasalan ko." "Yeah! Bakit?" "Biglaan daw ang pagpapakasal niya. Hindi ko nga alam kung sino ang pakakasalan niya, wala naman siyang girlfriend dito." Umiwas ako ng tingin sa kaniya. ayokong mahalata niyang may alam ako sa pag-uwi ni Timothy. "Baka hindi lang sa'yo sinabing may girlfriend siya." Nagkibit balikat siya. "Kung sabagay! Hindi rin naman kasi ako interesadong malaman kung sino ang papakasalan niya." "Wag mo na nga lang alamin para hindi mahirap para sa'kin." "Hindi ba kayo close ng pinsan mo?" Tanong ko habang hinihigop ko ang kapeng in-order niya. "Medyo, magkaiba kasi kami ng mga gustong gawin." "Ah, okay! Tayo na umuwi na tayo!" Tumayo ako. "Teka! Hindi mo pa nauubos ang kape mo." "Sumakit bigla ang sikmura ko." Alibi ko. "Okay! Tara na nga baka sobrang puyat na 'yan." Tumayo na rin siya at pagkatapos hinawakan niya ang kamay ko habang palabas ng Food chain. Hindi na ulit kami nag-imikan dalawa. Para tuloy kaming magka-away dalawa. Kaya nilakasan ko ang loob ko para sabihin sa kaniya. "Bahala na kung anong mangyari." "Patrick..." "Hmm... bakit?" “Pumayag na akong magpakasal sa lalaking gustong ipakasal ni Daddy sa’kin.” Naramdaman kong inihinto niya ang kotse niya tapos humarap siya sa’kin. Sinakop ng kamay niya ang mukha. “Akala ko ba hindi ka papayag na magpakasal sa iba? Akala ko, ako lang!” Hindi ko napigilang tumulo ang mga luha ko ng tumingin ako sa kaniya. “I’m sorry Patrick, pero kailangan kong tuparin ang kahilingan ni Daddy, marami na akong kasalan sa kaniya at gusto kong bumawi kahit ngayon lang.” “Bernadette... hindi ako papayag!” tapos kinabig niya ako upang ikulong sa bisig niya. Tuluyan ng kumawala ang mga luha ko. Niyakap ko rin siya ng mahigpit.” “I’m sorry Patrick.” “Mahal kita Idol, please! Wag kang magpakasal sa iba.” “Kung para tayo sa isa’t-isa. Tayo pa rin hanggang sa huli.” pilit pa akong ngumiti sa kabila ng pag-luha ko. "Bernadette..." Pinikit ko ang mga mata ko at hinayaan ko na lang siya sa gusto niyang gawin. Hanggang sa naramdaman ko ang pagbuntong-hininga niya kasabay noon ay ang pag-andar ng kotse niya. "I'm sorry! Idol," *** “Salamat sa paghatid sa’kin Patrick.” Sabi ko, matapos niya akong ihatid sa bahay. “Idol…” Tumingin ako sa kaniya. “Bakit?” “Alam ko namang kahit anong gawin ko. Hindi kita mapipilit na ako ang piliin mo, dahil susundin mo pa rin ang Daddy mo. Pero sana kahit sa mga araw na meron tayong dalawa sulitin natin. Gusto kong makasama kita kahit doon lang.” Napalunok ako upang pigilan ang muling pagpatak ng luha ko. Ang mga salita niya ay unti-unting tumatarak sa puso ko na nagbibigay sa’kin ng sobrang sakit. Bakit ba kailangang maging kumplikado ang lahat? Hindi pwedeng kapag nagmahal ka hindi ka iiyak. Hindi ka masasaktan? Bakit kailangan ganito. Bakit kailangan mag-sakrispisyo? “Sige,”Tipid kong sagot sa kaniya. Bumungtong-hininga siya. “Thank you!” sabay lapit niya sa’kin upang yakapin at halikan niya ako. “Sleep tight. I love you Idol.” Sabi niya bago siya tuluyang umalis. Nang hindi ko na siya matanaw pumasok na ako ng bahay namin. Pagpasok ko sa loob nakita ko si Mama na nakatayo habang nakatingin sa’kin. Malungkot ang mukha kong lumapit sa kaniya. “Mama, kamusta po?” sabi ko. “Ayos naman ako, ikaw anak? Kamusta ka na?” Umiwas ako ng tingin sa kaniya. “Ayos naman po ako, sige Mama, magpapahinga muna po ako.” Tapos umakyat ako ng second floor upang matulog na. Ngunit nakaka-ilang hakbang pa lang ako tinawag ako ni Mama. “Bernadette Anak!” Huminto ako para lingunin siya? Bakit po Mama?” “Mama mo ako, pwede mo sa’kin sabihin ang problema mo.” Bumungtong-hininga ako. “Mama..” “Hindi ka nag-iisa anak, nandito lang ako para sa’yo.” Sabi pa niya. Kaya bago pa ako tuluyang bumigay. Tumalikod na ako kay Mama. “Next time po Mama, sasabihin ko sa’yo. Wag muna ngayon.” Tapos pinagpatuloy ko na ang pagpunta sa loob ng kwarto ko. Pagpasok ko sa loob ng kwarto ko. Pinakawalan ko ang luhang kanina pa gustong kumawala sa’kin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD