TAHIMIK kaming dalawa ni Patrick habang binabagtas namin ang daan pauwi ng bahay. Ang tanging maririnig mo lang ay ang ingay ng Musikang pinapatugtog sa Fm Radio binuksan niya kasi ang maliit na stereo na nakakabit sa kotse niya upang magkinig ng Music. Muli kong nilingon si Patrick. Tahimik siya at seryosong nakatuon ang paningin sa kalsada habang nagmamaneho.
"Idol.." tawag ko sa pangalan niya sa mahinang boses.
Malungkot ang mukha niya ng tumingin siya sa'kin. "Nagugutom ka na ba Idol?" tanong niya sa'kin.
Sinalubong ko ang tingin niya pagkatapos umiling-iling ako. "Hindi, Ikaw ba?" tanong ko rin sa kaniya. Bigla kasing umurong ang dila ko hindi ko tuloy masabi ang pinagpraktisan kong sasabihin sa kanina.
"Sigurado ka?" tanong niya.
"Oo, salamat." Tipid kong sagot. Tapos katahimikan ang muling namayani sa'ming dalawa.
"Bernadette.."
Mabilis ko siyang nilingon. Nakatuon pa rin ang paningin niya sa kalsada. "Okay ka na ba? Hindi ka ba nasaktan sa gulong nangyari sa birthday party ni Allyson?" tanong niya sa'kin.
Biglang nagflashback sa'kin ang nangyari kahapon sa birthday party ng kaibigan ni Patrick na si Allyson. Lahat ng mga taong naroon ay saksi sa masayang party ni Allyson. Kasabay kasi ng surprise party niya nagkaroon ng Wedding proposal si Frits ang Boyfriend nito. Lahat kami napahanga at napaluha dahil sa labis na tuwa sa kanilang dalawa. Ngunit naputol ito nang biglang may naghagis ng teargas. Kasabay noon ay ang pagkawala ni Frits. Wala namang masyadong nasaktan maliban lang kay Allyson na nasa hospital pa rin hanggang ngayon.
"Ayos lang ako ikaw?" balik kong tanong sa kaniya.
Bumuntong-hininga siya. "Nalulungkot ako para kay Allyson at nag-aalala ako para kay Frits."
Hinawakan ko ang braso niya dahilan para tumingin siya at magkatitigan kaming dalawa. "Malalampas din nila ang problemang kinakaharap nila. Wag kang masyadong mag-alala Idol." Sagot ko. Pilit kong pinapakalma si Patrick kahit na alam kong hindi ito sapat. Alam ko naman kasing nag-aalala siya kay Frits, dahil matalik niya itong kaibigan.
"Ihahatid lang kita sa inyo tapos pupuntahan ko si Allyson at sila Luke. Sorry Idol kung hindi ako makakapunta sa inyo ng ilang araw." Sabi niya sa'kin. Nakatuon ng muli ang paningin niya sa kalsada.
Tipid akong ngumiti sa kaniya. "Naiintindihan ko. Basta mag-iingat ka baka ikaw naman ang mapahamak niyan."
"Thank you! Idol." Sagot niya sa'kin.
MAKALIPAS ang ilang oras namalayan ko na lang nasa tapat na kami ng bahay namin. Agad akong bumaba ng kotse.
"Hindi ka ba muna magpapahinga sa bahay niyo kahit saglit." Tanong ko sa kaniya. Magkalapit lang ang bahay namin. Ngunit alam kong wala itong balak na umuwi.
"Hindi na, kailangan kong puntahan si Allyson."
Hindi ko alam pero biglang may kumirot sa puso ko nang banggitin niya si Allyson. Alam kong maling magselos pero hindi ko mapigilan. "Sige, mag-iingat ka." Tapos pumihit ako patalikod at naglakad papasok ng gate.
"Bye Idol!" narinig kong sabi niya sa'kin bago nito pinaharurut palayo ang kotse niya. Laglag ang balikat kong pumasok sa loob ng bahay. Pagpasok ko nadatnan ko si Mama na nakaupo sa sofa at nakatingin sa'kin. Lumapit ako sa kaniya upang humalik sa pisngi. "Kamusta Mama?" sabi ko sa kaniya.
"Mabuti naman at dumating ka na. Kanina pa kita hinihintay. Let's go! Dalawin natin ang Daddy mo."
Nagsimula na namang magbago and mood ko dahil sa binanggit ni Mama si Daddy. Tumayo ako upang magtungo sa kwarto ko. Mas gugustuhin kong matulog na lang kesa dalawin ang walang kwenta kong Daddy. "Ikaw na lang Mama. Magpapahinga na ako." Sagot ko sa kaniya. Kaya pala simula kagabi tawag siya ng tawag sa'kin. Iyon pala ang plano niyang gawin ngayon. Nakakabadtrip!
"Bernadette!" tawag niya sa pangalan ko.
Huminto ako para harapin si Mommy. Nakakunot ang noo niya habang matalim ang pagkakatitig niya sa'kin. "Anong ba ang pinakain sa'yo ni Daddy? Bakit kailangang Magpakatanga ka! Mama naman! Hindi mo ba nakikita? May ibang pamilya na ang Walang kwenta niyong asawa. Pagkatapos ngayon dadalawin natin siya! Kayo na lang! Dahil hindi ako pupunta!" halos tumaas na ang boses ko dahil sa matinding emosyon ko. Galit ang namayani sa'kin. Hindi ko mapapatawad si Daddy.
"Wala kang alam! Hindi mo alam ang sinsasabi mo anak. Dalawin na natin ang Daddy mo sige na please." Malumay na pagkakasabi ni Mommy.
"Mabuti na nga yang nasa Hospital siya! Sana nga mamatay na siya dahil wala siyang kwentang Daddy!" galit kong sigaw.
Isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ko. Pakiramdam ko naalog ang utak ko sa sobrang sakit. Hindi ko napigilang umiyak. Sinaktan ako ni Mama dahil kay Daddy. "Sinaktan niyo ako! Sinaktan niyo ako dahil kay Daddy?! Mama, tayo lang ang magkakampi dito. Bakit nagawa niyo akong saktan?" tumutulo pa ang luha ko habang hawak-hawak ko ang pisngi ko.
"Siguro nga noon ko pa sinabi ang totoo sa'yo para hindi ka nagtanim ng galit sa Daddy mo. Ang pamilyang kasama ngayon ng Daddy mo ay ang tunay niyang pamilya." Sinalubong pa ni Mama ang tingin ko.
"N-nagbibiro ka lang di ba? Hindi totoo 'yan?" nanginginig ang boses kong sagot. Para kasing bombang sumabog sa harapan ko ang sinabi ni Mama.
"Sila ang tunay na pamilya Bernadette! Tayo ang pangalawang pamilya. Nakilala ko ang Daddy mo na alam kong may asawa at anak na siya. Pinilit kong iwasan at baliwalain ang nararamdaman kong pagmamahal sa Daddy mo. Pero hindi ko kinaya. Minahal ko ang Daddy at hinayaan kong sundin ang nararamdaman ko kahit na alam kong maling-mali. Nang nabuntis niya ako nalaman ng tunay niyang asawa ang tungkol sa'min. Kaya pinapili niya ang Daddy mo. Alam mo ba'ng tayo ang pinili ng Daddy mo sa kabila ng tayo ang pangalawang pamilya? Tayo ang nang-agaw. Tayo ang nakikihati. Kaya nang makiusap sa'kin ang Daddy mo na panahon naman para gawin niya ang responsibilidad niya sa Una niyang pamilya. Hindi ako tumutol kahit masakit. Dahil alam kong iyon ang tama na dapat noon pa niya ginawa. Pero dahil mahal tayo ng Daddy mo. Mas pinili niyang tayo ang unahin. Iyon ang totoo Bernadette." Paliwanag ni Mommy habang nag-uunahang pumatak ang luha niya sa mukha.
Napahagulgol ako sa nalaman ko. Sa matagal na panahon, naniwala akong nagtaksil si Daddy sa'min. Nagtanim ako ng galit sa kaniya. Pinagsalitaan ko siya ng masasakit. Hindi lang siya kung hindi ang una niyang pamilya at si ate Noralyn. Napakasama kong tao. Kaya pala ganoon na lang ang concern ni Mama. Kaya pala wala akong narinig na masasakit na salita sa kaniya nang iwan siya ni Daddy. Iyon pala ang totoo. Namumuhi ako sa sarili ko. Napakawalang kwenta kong anak. "M-mama.. B-bakit? Bakit ngayon niyo lang sa'kin sinabi ang lahat ng ito? Naniwala akong masamang tao si Daddy. Naniwala akong wala siyang kwentang Daddy. Sinaktan ko ang Damdamin niya." Sabi ko. Habang patuloy ang pag-agos ng luha ko.
"Patawarin mo ako anak. Natakot akong malaman mo ang totoo. Natakot akong kamuhian mo ako. Patawad." Hinawakan pa ni Mama ang braso ko. Habang nagsusumamo sa'kin.
Niyakap ko ng mahigpit si Mama. "Mama, patawarin mo din ako." Sabi ko sa kaniya.
Bahagyang inilayo ni Mommy ang mukha niya sa'kin at tinitigan niya ako. "May dapat ka pa'ng malaman anak."
"Ano iyon Mama?"
"Ang Daddy mo may Stage 4 Cancer of the Lungs."
Napatakip ako ng bibig dahil sa pagkabigla. Tapos pumalahaw ako ng iyak. Kaya ba siya nasa Hospital? Akala ko simpleng sakit lang iyon. Pinagsalitaan ko pa siya ng masama. "Daddy! I'm sorry!" hagulgol ko habang nakasubsob ang mukha ko sa palad ko. Naramdaman ko ang paghaplos ni Mama sa balikat ko. Nang lingunin ko siya pilit siyang ngumiti sa'kin. "M-mama.."
"Dalawin na natin ang Daddy mo. Siguradong matutuwa siya kapag nakita ka niya."
Tumango ako at sumunod kay Mama. Kailangan kong humingi ng tawad sa Daddy ko. Kailangan kong bumawi sa kaniya. Ang dami kong kasalanan sa kaniya pero kahit kelan hindi siya nagsalita sa'kin. Napakasakit dahil kung kelan alam ko na ang totoo. Bigla namang nagkasakit si Daddy ng cancer at alam kong milagro na lang ang makakapagpawala ng sakit niya.
BAGO ako pumasok sa loob ng room ni Daddy. Kinausap ko si Ate Noralyn at ang Mommy niya. Humingi ako ng tawad sa kanila. Nakaramdam ako ng pagkapahiya dahil noon ako pa ang may ganang magalit sa kanila. Sa kabila ng galit ko sa kanila. Kahit minsan hindi nila ako pinagsalitaan ng masasama na dapat ginawa nila sa'kin.
"Ate.. I'm sorry!" sabi ko habang tumutulo ang luha ko.
Imbes na magalit siya sa'kin. Niyakap niya ako ng mahigpit. "Matagal ko ng gustong mangyari ito Bernadette. Ang mayakap ka at tawagin mo akong Ate. Wala akong galit sa'yo at matagal ko nang pinatawad si Daddy at ang Mommy mo."
"Salamat. Napakabait niyo sa'min. Lalo na sa'kin. Thank you!" pilit pa akong ngumiti sa kaniya.
Sinakop ng dalawang palad niya ang mukha ko at ngumiti siya sa'kin. "Puntahan mo na si Daddy. Palagi niyang tinatawag ang pangalan mo. Puntahan mo na siya."
Pilit akong ngumiti. " Salamat Ate." Tapos kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya at pinuntahan ko si Daddy sa loob ng Patient room.
Para akong naupos na kandila ng makita ko si Daddy na nakaratay sa kama. Hindi ko napigilang umiyak dahil sa matinding pagkahabag sa kaniya. Kalbo siya dahil sa gagaling niya sa chemoheraphy. Payat na payat siya na halos naglabasan ang mga buto-buto niya. May oxygen siya at kung ano-anong nakakabit sa katawan niya. "D-daddy!" tawag ko sa pangalan niya.
Marahil sa kahinaan hindi na niya ako narinig kaya naman. Lumapit ako sa kaniya. Hinawakan ko ang kamay niya. Naramdaman ako ni Daddy kaya dahan-dahan siyang lumingon sa'kin. May luha sa mga mata niya nang makita niya ako. "B-bernadette..." hirap na hirap niyang bigkas sa pangalan ko.
Laglag ang mga luha ko. Niyakap ko si Daddy habang nakahiga siya. Ngayon ko lang nararamdaman ang panghihinayang sa mga oras na sinayang ko. Kung hindi sana ako nagpadaig sa galit ko sana marami pa kaming alaalang maiipon. Ang daming masasakit na salita akong sinabi na hindi ko na maibabalik pa. "D-daddy! Patawarin mo ako sa mga kasalanan ko sa'yo. Hindi ko alam ang totoo noon. Patawarin mo ako." Sabi ko habang walang patid ang pagluha ko.
Napahinto ako sa pag-iyak ng maramdaman ko ang kamay ni Daddy na nasa ulo ko. "D-daddy." Tawag ko sa pangalan niya. Sa kabila ng makikita mong paghihirap niya dahil sa sakit niya pinilit niyang ngumiti sa'kin.
"I love you Daddy! Babawi po ako sa'yo. Hinding-hindi na ako aalis sa tabi mo. Promise!" sabi ko pa.
Nakita kong tumulo ang mga luha ni Daddy kaya naman mahigpit ko siyang niyakap. Mahina pa si Daddy dahil kagagaling lang niya sa chemoheraphy. Mula sa araw na ito. Iaalay ko ang mga araw at oras na makasama ko si Daddy. Alam kong hindi sapat ang gagawin ko para sa kaniya. Pero kahit papaano madagdagan ang mga alalala naming dalawa. Bigla tuloy nagflashback sa'kin noong bata pa ako. Kapag nadadapa ako. Si Daddy ang umaalalay sa'kin sa pagtayo. Siya ang nagco-comfort sa'kin kapag umiiyak at malungkot ako. Nakakainis at nagagalit ako sa sarili dahil ngayon kailangan ni Daddy ng kamay na tutulong sa pagtayo niya. Ngunit wala ako para abutin ang kamay niya, bagkus isa ang kamay kong nagtulak sa kaniya para tuluyan siyang matumba. Napakawalang kwenta kong anak. Magsisi naman ako huli na dahil hindi ko na mababawi ang mga sakit na ipinadama ko kay Daddy.