CHAPTER 7

1722 Words
"Anong ginagawa natin dito sa bahay nyo Patrick?"tanong ko sa kanya. Nasa loob kasi kami ng bahay nila. Habang nakaupo sa may Sofa. Si Patrick kampanteng nakaupo lang. Humarap siya sakin. "Uuwi kasi Daddy ngayon. Kaya tayo nandito?" "Daddy mo? nasaan ba siya?" "Galing siyang Amerika. Tatlong buwan na siyang nag stay doon. At ngayon pabalik na siya." Natahimik ako. Bigla ko kasing naalala ang Daddy ko. "Okay lang kahit ilang buwan hindi dumating ang Daddy mo. Atleast uuwi parin ang Daddy nyo sa inyo. Hindi katulad ni Daddy." "I'm sorry Bernadette," Pilit akong ngumiti. "Okay lang, alam ko naman yon. Tsaka tanggap ko na wala ng pag asang magkabalikan si Mama at Daddy." Hinawakan niya ang kamay ko. Pagkatapos ngumiti siya sakin. "Pwede mo namang maging Daddy ang Daddy ko. Tutal magiging Anak ka na din nyan Soon.." "Anong ibig mong sabihin?" "Kapag sinagot mo ako. Magiging Girlfriend na kita. Tapos pag nakagraduate na tayo ng College magpapakasal na tayo." He wink. "Wow! Hindi ka pa nga nanliligaw sasagutin na agad kita ang kapal mo talaga Patrick Corpuz." Kamot-kamot ng batok si Patrick. "Matalino ka pero hindi ko alam na Slow ka pala noh! Bernadette." Hinampas ko ang balikat niya sa inis. "Ang yabang nito." "Matagal na akong Nanliligaw sayo. Mula ng magtama ang mga mata natin. Nanliligaw na ako sayo.. Mula ng makita kita. nilagyan na kita ng resibo." "Resibo? Ano yun?" Pinagmasdan niya ako. "ibig sabihin nabili na kita. Hindi ka pwedeng bilhin ng iba. pag aari na kita. akin ka na.." Hindi ko na kayang pigilan ang pamumula ng mukha ko. Habang sinasabi niya iyon. ang mabilis ng t***k ng puso ko ay talagang nakakabibinge. Yumuko ako dahil hindi ko na kayang makipagtitigan sa kanya. "Oh! Ano sinasagot mo na ba ako?" "Agad! Agad!" "Rush Hour na kasi kaya kailangan magmadali baka maiwan sa byahe." Kinurot ko siya sa tagiliran. "Ang playboy na katulad mo dapat pinahihirapan. Para naman malaman nya ang salitang super Effort." "Araayy ko!" "Maghirap ka muna dyan." Sabay talikod ko sa kanya. But on the other hand. Kinikilig ako sa sinabi nya. Kung pwede nga lang sumagot ng Oo eh, kaya lang. Babaeng Maria Clara ako eh, "Ang sakit ng Kurot mo sakin. Yung ibang babae. Hindi ako sinasaktan minamahal nila ako." "Eh, doon ka sa nagmamahal sayo!" "Joke lang! Ikaw ang Mahal ko e, kaya kahit abutin pa tayo ng pagputi ng buhok natin okay lang basta ako lang dapat ang manliligaw sayo ha." "Mahal ka dyan! Maniwala sayo. Sa playboy mong yan." "Psh! Bakit ayaw mo bang Maniwala sakin? Dahil ba playboy ako. Wala ng akong karapatang magseryoso?" "Hmm.. Medyo, ang Hirap kasing maniwala." "Ganon.. ang sakit naman." Tapos bigla siyang nanahimik. Nagkaroon ng katahimikan saming dalawa ni Patrick. Hindi na niya ako kinausap. Kaya nahiya na rin akong mag salita sa kanya. Hanggang sa narinig namin ang busina ng kotse sa labas. Tumayo kaming dalawa ni Patrick at sinalubong ang dumating. Habang nakatayo kami sa Harap ng pintuan. Biglang hinawakan ni Patrick ang kamay ko. Pagkatapos pinisil niya iyon. Napangiti na lang ako habang nakatuon ang mga mata ko sa paparating. "Welcome Back Dad, "ani Patrick. Sabay yakap niya sa Daddy niya. "Welcome din anak. Kamusta ka na?" Ngumiti si Patrick. "Okay naman po ako. Dad, si Bernadette. Girlfriend ko." Bigla akong napalingon kay Patrick. Hindi ko kasi inaasahan na sasabihin iyon ni Patrick. "Hello po.." tipid kong sabi. "Ikaw pala si Bernadette. T'wing tumatawag sakin si Patrick ikaw ang palaging bukang bibig." "Dad!" "Kaya naman pala.. ang Ganda mong dalaga. " tumingin siya kay Patrick. "Kaya naman pala anak ganyan ang kinikilos mo eh. Tama nga ang sinabi ng Mommy mo. Mukhang goodboy kana." "Dad, nakakahiya kay Bernadette oh." kakamot-kamot pa siya sa batok. "Aysus! Nahihiya ka na ngayon ha! Talagang ang laki ng nagbago sayo. Gusto ko yan." Habang nakayuko ako. hindi ko pa rin mapigilang hindi mapangiti sa kulitan ng mag Ama. Nakakatuwa kasi ang Daddy ni Patrick. Parang Mag kabarkada lang sila kung mag usap at mag Asaran. Kung siguro hindi ko sila kilala bilang mag Ama. tapos makita ko silang ganyan magkukitan iisipin ng ko. Magkaibigan lang sila. ang sarap sigurong magkaroon ng ganong Daddy. "Bernadette!" Tawag ng Daddy ni Patrick. "Bakit po?"tanong niya. "Sumunod ka sakin may mga pasalubong ako sayo." Nakangiting sabi sakin ng Daddy niya. "Para sakin po?" "Oo. Hindi ko makakalimutan ang pasalubong ko sayo. Ito kasing si Patrick. ilang beses saking pinapaalala ang pasalubong ko sayo. Sabi pa nga niya kahit yung sa kanya daw makalimutan ko wag lang yung sayo." Nilingon ko si Patrick. Nakaiwas ng tingin sakin. "Salamat po.. salamat Patrick." "Uy! Patrick salamat daw oh! Magsalita ka. Natotorpe ka na yata. "Pambubuska ng Daddy niya. Inis na tumingin si Patrick sa Daddy niya. "Dad, favorite mo talaga akong Pag tripan." Ani Patirck. Tumawa ng tumawa ang Daddy ni Patrick sa kanya. Napapangiti na lang ako sa kanilang dalawa. Nakakatuwa silang mag Ama. Habang nasa hapag kainan kami kasama ang Mommy ni Patrick. Napag alaman kong mas makukulit pa ang magulang ni Patrick. Kung mag usap sila parang mag tropa lang. "Bernadette, nanahimik ka dyan! Maki-join ka sa usapan namin."ani Trinity Mommy ni Patrick. Ngumiti ako kanila. "Konteto na po akong Makinig na lang." "Hay naku! Anak, wag kang mahihiya samin. Dahil soon magiging Parte ka na rin ng pamilya namin. "Ani ng Daddy ni Patrick. "Daddy!"saway ni Patrick. "Hayaan mo na Anak ang Daddy mo. Natutuwa lang siya sayo." Baling ng Mommy ni Patrick. Nilingon ko si Patrick. Kitang kits ko ang pagpula ng mukha niya dahil sa hiya. Si Patrick pala ang palaging Pinagti-tripan ng Magulang niya kapag Kumpleto sila. "Bakit naman po?" Singit ko sa usapan. Tiningnan muna ng Daddy ni Patrick ang Anak niya habang nakangiti. "Wala pa kasing Ipinakikilala samin si Patrick nila pa noon. Wala siyang dinalang Babae dito. Naalala ko pa ang sinabi ni Patrick samin. Ang bahay namin ang magiging saksi sa babaing ihaharap niya sa Altar. Kaya alam naming ikaw ang gusto niyang makasama sa pagtanda niya. Diba? Anak." Yumuko ako sa hiya. Ano pa ba ang dapat kong sabihin. Feeling ko tuloy nasa Hot seat na rin ako. Ang hirap pala kapag mga prangka ang kausap mo. Nakakahiya. "Daddy, Mommy, wag nyo naman i hot seat si Bernadette. Baka hindi na yan sumama ulit sakin dito. Eh, di wala na akong forever." Ang pagkabog ng puso ko ay hindi na Normal ngayon. Napakalakas ng pagkabog. Feeling ko tuloy naririnig na nilang lahat iyon. hindi ko tuloy magawang kumain. nakayuko lang ako. "Idol.. kumain ka na. Ubusin mo ang pagkain mo." Ani Patrick. Tumango ako at pilit na inubos ang laman ng plato ko. Sinikap ko din makipag usap sa kanila ulit. Kahit minsan naiilang pa rin ako. Ang totoo sobrang masaya kasama ng magulang ni Patrcik. Hindi mo mararamdaman ang takot O kaba dahil sa Magulang niya. kundi hiya dahil sa pagiging Prangka nila sa pagbibiro nila kay Patrick. Siguro ang mas napikon sa Lunch Date na 'to ay si Patrick. Kasi ibinuking siya ng mga magulang niya. "Ayos ka lang ba Idol?"tanong niya sakin. Matapos naming kumain ng Lunch. Nagtungo kami sa Hardin nila. May Duyan kasi doon. At maraming halaman. Tumango ako. "Ayos naman bakit?" "Hindi ka ba Nainis sa mga magulang ko sa pangti-trip nila satin? Alam mo kasi ganon talaga ang mga iyon." Nginitian ko siya. "Nakakatuwa nga kayo para lang kayong magkakaibigan kung mag usap. "Medyo, Kaya lang nakakapikon minsan. Lalo na kapag binibuking nila ako." "So ibig sabihin totoo ang lahat ng sinabi nila?" Tinitigan niya ako. "Oo, lahat-lahat." Nakaramdam ako ng hiya sa kanya. Kaya hindi na ako nagsalita pa. "Don't worry Bernadette. Hindi ibig sabihin non. obligado ka nang sagutin ako. Dahil nalaman mo ang tunay kong nararamdaman sayo. ikaw parin ang masusunod. Maghihintay ako sayo.." Inangat ko ang mukha ko at tumingin ako sa kanya. "Patrick.." Lumapit siya sakin. At humiga sa binti ko. pagkatapos ipinikit niya ang mga mata. "Hanggat hindi ka pa nakakapag isip Friends pa rin tayo ha!" "Sige.." "Pwede ba akong pumikit saglit sa ganitong ayos?" "Ginagawa mo na nga eh." "Baka kasi nabibigatan ka sakin." "Hindi naman.." "Pwede mo ba akong kantahan?" "Ano namang kanta ang gusto mo?" "Lucky ni Jayson Mraz ft, Colbie Caillat. "Sige pero duet tayo." "Hindi ako magaling kumanta Idol. Ikaw na lang." "Kung Ayaw mo. ayoko na din." "Sige na nga matutulog na lang ako." Tapos muli na nitong ipikit ang mga mata niya. Pinagmasdan ko si Patrick. Habang natutulog. Gustong-gusto ko na siyang sagutin. Kaya lang hindi pa sa ngayon. Hanggat may galit parin ako sa Daddy ko. Hindi ko kayang magtiwala ng buong-buo sa lalaki. At iyon ang ayokong mangyari samin ni Patrick. Ayokong dumating ang araw na pati siya nadamay sa galit ko sa Daddy ko. Kung mag mamahal ako. Kailangan wala na akong galit sa puso ko. para mabigay ko ng buong buo ang tiwala ko sa taong mamahalin ko. Ngumiti ako habang pinagmamasdan ko si Patrick kasabay noon ay ang pagkanta ko ng Lucky ni Jayson Mraz ft. Colbie Caillat Do you hear me, I'm talking to you Across the water across the deep blue ocean Under the open sky, oh my, baby I'm trying Boy, I hear you in my dreams I feel your whisper across the sea I keep you with me in my heart You make it easier when life gets hard.. Habang kinakanta ko ang unang stanza napapikit ako. Dahil ramdam na ramdam ko ang bawat lyrics ng kanta. Pag dilat ko. Nakita ko si Patrick na nakatitig sakin. Nakaramdam ako ng hiya ngunit pinagpatuloy ko nalang pagkanta hanggang doon sa chorus ng Kanta. Lucky I'm in love with my best friend Lucky to have been where I have been Lucky to be coming home again Ooohh ooooh oooh oooh ooh ooh ooh ooh Pagkatapos kong kantahin. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong hilahin palapit sa kanya at Dampian ng halik. Saglit lang iyon ngunit ramdam na ramdam ko ang malakas na kabog ng dibdib ko. Lalo ng marinig ko ang sinabi niyang. "I love you Bernadette.." Pakiramdam ko parang may fire works akong nakita. Hindi ko alam pero masaya ako. Imbes na magalit ako. Napayakap na lang ako sa kanya. Habang nakangiti akong pinipikit ko ang mata ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD