CHAPTER 8

1819 Words
"Hoy, Classmate! Tawag ka ni Sister Anne." Ani Julfa. Ang Classmate kong Sobrang Tahimik. Kabaliktaran siya ni Ash. Pakiramdam ko siya ang Susunod kay Sister Anne. Kasing kapal yata ng libro ang salamin niya. "Ha? Anong sabi mo?" Gulat na gulat kong sagot. Nagulat Dahil sa Tagal naming magkatabi ng upuan ngayon lang niya ako kinausapan. O Dahil nahuli ako ni Sister anne na tulala. Saglit niya akong tinapunang tingin. Imbes na magsalita ulit siya. Nginuso niya lang ang gusto niyang sabihin sakin. Oh diba? Yan si Julfa. "Thank you Julfa," sabi ko pa. Tapos lumapit ako sa kay Sister Anne. "Bakit po Sister?" "Anong nangyayari sayo? Kanina pa kita tinatawag hindi ka sumasagot. May problema ka ba?" Umiling ako. Nakakahiya namang sabihin kay Sister Anne. Na kaya ako tulala kasi nag day dreaming ako dahil sa isang gwapong casanova. Baka isipin nila na ang bilis ko namang umalis sa grupo ng mga babaing Galit sa lalaki. "Wala po Ma'am, masama lang po ang pakiramdam ko kasi hindi ako nakatulog kagabi." "Lord sorry po kung nagsinungaling ako." Dasal ko sa isip ko. "Ganon ba? Pumunta ka ng clinic magpa Blood Pressure ka. Baka low blood ka na nyan." Ngumiti ako kay Sister Anne. "Thank you po." Sagot ko pagkatapos. Binitbit ko ang bag ko palabas ng classroom namin. Ngunit hindi pa ako nakakalayo sa Classroom namin. Tumunog ang Cellphone ko. Agad ko yong kinuha sa loob ng bag ko at excited kong sinagot lalo na't si Patrick ang tumatawag sakin. "Hello, idol! Nasa school ka na ba?" panimulang bati niya sakin. "Ha? Oo! Bakit?" "Ay ganun ba? Susunduin kita mamaya pag-uwi mo. Magda-date tayo." "Ngayon na lang!" Huli na para mabawi ko ang sinabi ko sa kanya. Narinig ko siyang tumawa. "So kung ganon susunduin na kita ngayon dyan sa School nyo?" "Sige.." "Okay! Bye idol!" "Bye!" tipid kong sagot. Nilamukos ko ang mukha ko sa inis matapos kong makipag-usap kay Patrick. Ano bang nangyayari sakin? Bakit ang bilis kong Pumayag. "Paano yan? Magpapa blood pressure lang naman ako. As if naman kung papayagan akong umuwi? Paano kung hindi pala ako Low blood? Lagot ako kay sister Anne?" kausap ko sa sarili. Isa lang ang makakatulong sakin para makaauwi ako! Agad kong hinanap ang numero niya at tinawagan ko siya. "Bernadette! Bernadette! Anak! Anong nangyari sayo?!" tarantang lapit sakin ni Mama. Habang nakahiga ako sa kama na nasa loob ng clinic ng School. Lumapit samin ang Nurse na nakaduty. "Hilong-hilo daw po siya. Umiikot daw po ang paningin niya. Nang bina-blood pressure ko naman. Normal naman ang dugo nya. Pagkatapos pumalahaw na siya ng iyak. Kayo po ang hinahanap." Mahabang paliwanag ng Nurse. "Ano ba kasing nararamdaman mong bata ka!" paiyak-iyak na sabi ni Mama. Gusto kong matawa sa pagiging Dramatista naming dalawa ni Mama. Lahat kasi ng ito ay pangpapanggap lang. Tinawagan ko si Mama para tulungan akong makauwi. Hindi kasi ito tulad ng ibang school na maaring lumabas ang mga Estudyante. Dito maari ka lang lumabas kapag may sakit ka O emergency. "Mama.. Umuwi na po tayo." "Sige anak," "Hintayin nyo na ang doctor. Kasi paparating na sya." Sabat ng Nurse. Saglit kaming nagkatitigan ni Mama. Parang pareho kami ng iniisip dalawa. Tapos binaling ni Mama ang tingin sa Nurse. "Don't worry about my Daughter. Konting pahinga lang yan. Ako ng bahala sa kanya. I-uuwi ko na lang sya dahil hindi ko na maaantay ang doktor nyo. Marami pa akong dapat gawin." "Okay Mrs, Clinford. Kayo na po ang bahala sa anak nyo. Ipapahatid ko na lang po kayo hanggang sa kotse." Pagkatapos tumawag ang nurse sa guard house. "Mama, akala ko mabubuking tayo ng Nurse. Kinabahan ako dun ah!" sabi ko kay Mama habang pinabagtas namin ang daan pauwi. Saglit akong nilingon ni Mama. "Ako pa Anak. Hindi ka nila pipilitin na pumasok. Bakit ka nga pala nagpasundo sakin? Talaga bang masama ang pakiramdamam mo?" "Hindi po. Si Patrick kasi eh.. Naka-Oo ako sa kanya kanina. May date daw po kami Mama." Namumula ang mukha ko habang sinasabi no yon. Bigla hininto ni Mama ang kotse at humarap siya sakin. Tapos ngumiti siya. "Bakit po Mama?" "Boyfriend mo na ba siya Anak?" Namilog ang mga mata ko sa sinabi ni Mama. "H-hindi po Mama!" Sunod-sunod pa ang pag-iling ko sa kanya. Ngumisi si Mama sakin habang nakatitig. Ako naman yumuko si Mama kasi parang binabasa niya ang iniisip ko. "Nanliligaw ba siya sayo?" "Po?" "Nangliligaw ba si patrick sayo anak?" "Ha? Siguro po Mama..hindi ko po alam." "Bakit hindi mo alam?" Yumuko ako at nanahimik. Hindi ko naman kasi talaga alam ang totoo. Kasi hindi naman niya sinasabi sakin. Alangan naman sabihin ko kay Mama na Oo. Tapos hindi naman pala. "Hello Patrick! Nanliligaw ka ba kat Bernadette!" "Mama!" Pinipilit kong agawin ang Cellphone niya. Si Mama kasi tinawagan si Patrick. "Opo Tita! Nililigawan ko po si Bernadette. Wag po kayong magalit sakin." Rinig ng dalawa kong tenga ang sinabi ni Patrick sakin. Hindi ko tuloy alam kung saan parte ng katawan ko ilalagay ang kaligayahan ko. Sasabog na kasi ang puso ko sa sobrang saya. "Okay lang patrick. Boto ako sayo. Basta wag na wag mong sasaktan ang anak ko." Sagot ni Mama. "Syempre naman po." "Very good. O sige bye na. Baka magising si Bernadette. Sinundo ko siya ngayon sa school niya pauwi na kami. "Talaga po! Sige po pupuntahan ko siya ngayon. Bye po Tita." Nakangiti sakin si Mama matapos niyang makipag-usap kay Patrick. Akala ni Patrick tulog ako. Ang hindi nya alam gising ako at nakaloud speaker ang pag-uusap nilang dalawa ni Mama. "Tayo na Anak, kailangan mo pang mag-ayos ng sarili may date kayo ni Patrick." "Mama naman eh!" React ko. Tumawa ng tumawa sakin si Mama. Pagkatapos non. Muling pinaandar niya ang kotse upang makauwi na kami. "Baka mabangga tayo Patrick. Wag ako ang titigan mo yung kalsada." Sabi ko. Habang binabagtas namin ang daan papunta sa lugar kung saan kami mag da-date. Muling binaling ni Patrick ang tingin sa kalsada. "Hindi ko kasi mapigilang hindi ka tingnan Idol ang ganda mo kasi." Automatikong namula ang mukha ko sa sinabi niya. Yumuko ako sa sobrang hiya. "Bolero ka talaga!" "Nagsasabi lang ako ng Totoo Idol. Ahmm.. Idol thank you sa pagpayag mo na sumama sakin sa date na 'to." "Salamat din, dahil ako ang napili mong isama sa date." "Bakit sino pa ba ang isasama ko? Ikaw lang naman ang babaing gusto kong i-date." Umingos ako. "Wag mo akong lokohin. Casanova ka ng SPIA at nakatatak na sa inyo ang pagiging playboy." "Playboy kami pero pagnagmahal naman kami seryoso at totoo." "Totoo ba yan?!" Saglit niya akong tinapunan ng tingin. "Bakit hindi mo ako subukan?" "Subukan na ano?" Hininto niya ang kotse at humarap siya sakin. "Subukan mo akong maging Boyfriend. Mamahalin kita ng sobra. Ipaparamdam ko sayo ang pagiging prinsesa." "Ligawan mo muna ako. Ano boyfriend agad!" Kakamot-kamot siya sa ulo. "Kung makakalusot lang naman. Pero sige liligawan kita para makilala mo ako ng lubusan." Isang ngiti ang sinagot ko sa kaya. Pagkatapos tumuloy na kami sa lugar kung saan kami mag da-date. Habang papasok kami ng isang Restaurant may isang babae ang lumapit kay Patrick. "Crush! Nandito ka pala." Bati ng babae ng lumapit sa kanya. Dumistansya ako sa kanilang dalawa. Medyo nailang ako sa babae. Para kasing labanos ang kulay ng balat nya maganda rin siya kahit walang masyadong kulurete sa mukha. "Ikaw pala Dianne! Anong ginagawa mo dito?" "Kasama ko si Allyson kumain lang kami may naiwan lang sya sa loob Crush." Sinipat ako ng babaing si Dianne ako naman yumuko. "Sino sya Crush?" Inakbayan ako ni Patrick. "Siya si Bernadette nililigawan ko." "Arayy naman! Sinaktan mo na naman ang puso ko. Bakit ka ganon?!" Sagot ni Dianne. "Ahh.. Kasi.. Dianne.." "Patrick!" Sabay-sabay kaming napalingon sa tumawag. Napanganga ako sa babaing papalapit samin. Kung maganda si Dianne. Mas maganda ang babaing ito. Para siyang Goddess na bumaba sa lupa. Wala ka na yatang mapipintas sa kanya. Sobrang perfect na siya para sakin. "Allyson!" "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Allyson. "May ka date ako ngayon si Bernadette." Pinagmasdan ako ni Allyson mula ulo hanggang paa. Tapos binaling niya ang pansin niya kay Dianne. "Kawawa ka naman Dianne. Basted ka naman kay Patrick." "Anong basted! Hindi pa nga ako nanliligaw sa kanya. Diba? Patrick?" "Ha? Ahh.." "Wag mong pansinin 'tong si Dianne. Mag-enjoy ka sa Date mo. Tara na Dianne! Mag-inom tayo para sa pagiging basted of the year mo!" Sabay tawa ni Ally. "Peste ka Allyson!" Habol na sigaw ni Dianne. Habang paalis na sila. "Tara na!" Ani Patrick. "Ang gaganda nila noh?" Sabi ko. "Oo maganda sila. Pero para sakin mas maganda ka sa kanila." Sagot niya. Hindi ko na napigilan ang pamumula ng pisngi ko. Lagi akong ganon kapag sinasabihan ako ni Patrick ng mgaganda. Nasa VIP room kaming dalawa. Pagkaupo ko pa lang may inabot sakin si Patrick na Pumpon na Pulang Rosas. "Thank you Idol." Sagot ko. Pagkatapos agad kaming nag order ng pagkain naming dalawa. Sa una nahihiya akong makipag-usap sa kanya. Ngunit habang tumatagal mas lalong gumagaan ang loob ko sa kanya hanggang sa hindi ko namamalayan na tawa na pala ako ng tawa sa kanya. "Saan mo pa gustong pumunta Idol?" Tanong niya sakin. "Hmmm... Sa Luneta. Maganda daw don kapag pagabi na." Tumayo si Patrick sa kinauupuan ko at nilahad niya ang kamay niya. "Let's go!" "San tayo pupunta?" Ngumiti siya sakin. "Sa Luneta." Ngumiti ako sa kanya. "Thank you!" Ilang minuto pa ang nakalipas bago kami nakarating sa Luneta. Nakaupo kaming dalawa ni Patrick habang magkahawak ang kamay naming dalawa. At magkasabay naming pipananood ang mga tao doon. "Ano kayang iisipin ng mga taong makakakita sayo dito Idol?" Tanong ko sa kanya. "Iisipin? Wala naman bakit?" "Syempre ang isang Casanova ng SPIA nasa Luneta at inuubos ang oras sa panonood sa mga tao sa luneta." Naramdaman ko ang pagpisil niya sa palad ko. "Tama nga Idol. Hindi nga ako pumupunta dito. Pero ngayon ko lang nalaman na maganda din naman palang tumambay dito. Malayo sa madalas kong lugar na pinupuntahan. Pero alam mo ba ang pinakamaganda dito?" "Huh? Ano yun?" "Kasama ko ang babaing magiging asawa ko soon." Tapos humarap pa siya sakin. Halos mabingi ako sa lakas ng pintig ng puso ko. Ganito ba talaga ang mainlove? Ganito ba talaga dapat ang maramdam ko? "Hindi mo kailangang magsalita Bernadette. Alam kong may galit ka pa dyan sa puso mo para sa isang katulad kong lalaki. Pero pangako ko sayo Idol. Ipapakita ko sayong hindi lahat ng Lalaki pare-pareho." Tinitigan ko sya ng ilang segundo. Tapos ngumiti ako sa kanya. Hindi na ako nagpaalam sa kanya ng isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Habang nakapikit ako. Ang sarap sa pakiramdam ng ganito. Napakasimple lang. Habang ang puso halos lumundag na sa tuwa. "Siguro nga ganito ang pakiramdam ng mainlove.. Masaya." Bulong ko sa isip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD