CHAPTER 6

2031 Words
"Bernadette, Anak kanina kapa nakaabang dyan sa labas ng pintuan. Sino ba ang inaantay mo?"tanong sakin ni Mama. "Si Patrick po Mama. Sabi kasi nya susunduin nya ako ngayon." Lumapit sakin si Mama. "May Date ba kayo ni Patrick?" Nakangisi pa si Mama habang nakatingin sakin. Sumimangot ako. "Mama naman kapag susuduin lang dito sa bahay may Date na agad? Mali po ang iniisip nyo samin. hindi kami mag di-date." Paliwanag ko. "Sige, ikaw ang bahala! Basta ako gusto ko si Partick para sayo." Umingos ako. si Mama kasi.. kung makapagreak samin ni Patrick akala mo Boyfriend ko na si Patrick. Friends lang naman kami. "Mama! Kaibigan ko lang po si Patrick okay." "Sige ikaw ang bahala.. Oh! Andyan na pala sya oh!"turo ni Mama sa papalapit na si Patrick. Mabilis kong inayos ang suot kong damit at sinuklay ko ang buhok ko gamit ang kamay ko habang nakangiti ako sa kanya. "Hi! Idol!" Ani Patrick. "Hi!"tipid kong sagot sa kanya "Kanina ka pa Naghihintay sakin?" "Hindi naman. Okay lang maghintay sa Gwapo." "Anong sabi mo Idol?"ulit nya sa sinabi ko. "Ha? W-wala naman akong sinasabi ah?" Alibay ko sa kanya. Gusto kong saktan ang sarili ko. bakit ko ba iyon nasabi sa kanya? Urgh! "Okay! Akala ko kasi sinabi mong Gwapo ako." "Narinig mo naman pala. Gusto mo pa paulit!"bulong ko. "Tawag dyan! Kayabangan!" Tumawa sya habang ako para nang aatakihin sa puso dahil sa sobrang lakas ng pintig ng puso ko. hindi tuloy ako makapag isip ng Maayos. Aish! Hinila nya ang kamay ko. " Idol tara! punta tayong Mall." "Teka! Teka! Anong gagawin natin doon?" Pilit kong hinila ang kamay ko sa kanya. Lumapit sya sakin na halos dalawang dangkal ang pagitan ng mukha namin. Habang nakatitig sya sakin napalunok ako habang nakikipagtitigan ako sa kanya. "Mag di-Date tayo!" Pagkatapos muli nyang hinila ang braso ko patungo sa nakaparada nyang kotse. "Mag seatbelt ka Idol!" Sabi nya sakin. Habang ako pigil ang paghinga ko dahil sya ang nagkakabit ng Seatbelt sakin. amoy na amoy ko tuloy ang mabango nyang hininga. "Okay na!" Ngumiti pa sya. "Thanks!" "Ano pala ang gusto mong kainin? It's my Treat." "Magkano ba ang nakupit mong Allowance mo? Mukhang marami kang pera."sabi ko. payak syang tumawa. "Hindi uso sakin ang Allowance lang. May sarili akong pera. kaya don't worry hindi galing sa Baon ko ang gagastusin ntin." "Galing pa din yon sa Magulang mo." "Okay sige sabihin na nating galing sa parents ko yon? So papayag ka bang ilibre kita?" sabi nya habang nakatuon ang mga mata nya sa kalsada. "Wala akong dalang Cash. Basta mo lang akong hinila eh," "See? kaya Relax ka lang dyan Idol. At ako ang bahala sayo." "Ikaw ang bahala." Habang binabagtas namin ang daan patungo sa isang Mall. Wala kaming ginawa kundi ang magkwentuhan ng mga nangyayari samin sa School mas marami syang kwento kesa sakin. Nawala na din ang kaninang pagkailang ko sa kanya. "Anong gusto mong Panoodin?" Tanong nya sakin. kakatapos lang naming kumain at patungo na kami sa Sinehan. "Hindi ko alam kung Anong bagong palabas ngayon eh," "Oo nga pala Manang ka nga pala!"sabay ngiti nya sakin. Kinurot ko sya sa inis ko. "Manang pala ha!" "Araayyy!! Idol!" "Sinong Manang?"sabi ko pa habang hinabol ko sya ng kurot sa tagiliran nya. Umiilag kasi sya. "Idol!!!" "Patrick?" Huminto kaming dalawa at sabay na lumingon sa tumawag kay Patrick. "Sabrina?"Tipid na sagot ni Patrick. Isang Matangkad at Maputing Babae ang kaharap ko namin ngayon sa tindig at Pormal nya. mukha syang Beauty Queen. "Sino sya?" Nakaangat pa ang kilay nito ng tumingin sya sakin. Inakbayan ako ni Patrick. "Girlfriend ko si Bernadette!" "Girlfriend? Nya.. ako?"sabi ko sa isip. Nakataas ang kilay ni Sabrina habang sinisipat nya ako mula ulo hanggang paa. parang feeling ko tuloy pati dumi ko sa kuko nakita nya. "Oh! I see.. sya pala ang ipinalit mo sakin." Tumingin pa sya sakin. "Hindi ko alam na bumaba na pala ang Standard mo sa pagpili ng magiging Girlfriend mo." "Abah! ang kapal ng Face nya. Lamang lang naman sya sakin ng Height di hamak na mas Maganda ako sa kanya!"sabi ko sa isip. "Nagkakamali ka Sabrina. Actually mas mataas nga ang Standard ko ngayon. Kung Bumababa ang Standard ko eh,di Sana.. Binalikan kita!!" Kitang-kita ko ang pagngingitngit nya sa sobrang galit. Gusto ko sanang magsalita pa kaya lang nandyan naman si Idol para tulungan ako. Napatingin na lang ako sa kay Patrick. "Sabrina!" Isang gwapong lalaki na may 5'4 ang height ang lumapit kay Sabrina may dala-dala itong mga Paper bag. "Alex, let's go!"sabay hila ni Sabrina sa lalaki. "Teka sino sila?"tanong ni Alex. "Dont mind it!" Umuwi na tayo." Pasigaw na sabi ni Sabrina. Nakatanaw na lang kami ni Patrick habang papalayo silang dalawa. "Ex girlfriend mo?"tanong ko kay Patrick ng makalayo sila. "Oo. Ang pangit ng ugali nya noh!" "Mukha ngang masama ugali. Boyfriend nya ba yung kasama nya?" Tumango sya sakin. "Oo si Zion, Member di yon ng Soccer Team sa school namin." "Ahh! Ganun ba? Bakit ba kayo naghiwalay?" Sumimangot si Patrick. " Nandito tayo para sa Date. Hindi para pag usapan si Sabrina." Tinitigan ko sya ngunit. Mabilis syang umiwas sakin. "Sige! Sabi mo eh,"pagsang ayon ko sa kanya. Hawak-hawak nya ang kamay ko habang bumibili sya ng ticket para sa movie na panonoodin naming dalawa. "Nanay!! Manood tayo ng Sine!" Bigla akong napalingon sa batang lalaki na nasa Edad Walong taong gulang. Kasama nito ang Nanay. At mukhang nangungulit ang Batang lalaki na manood sila ng Sine. "Anak! sa susunod na lang tayo manood ng Sine. Wala tayong extrang Pera." "Pero Nanay. Gusto kong manood sige na please!!" "Hindi nga pwede Anak sa susunod na lang." "Pero gusto ko po! Gusto kong Manood!!" Sagot ng batang lalaki habang walang tigil ang pag iyak nya. Gusto ko sana silang ilibre ng ticket para makapanood sila ng Sine. Kaya lang naalala ko. Wala pala akong dalang Pera. Nagulat na lang ako ng biglang Lumapit si Patrick sa Bata gusto ko sana syang lapitan din dahil baka. Naiinis sya sa batang iyak ng iyak. "Little boy. Gusto mong manood ng sine?"tanong ni Patrick. Tumango ang batang lalaki Habang may luha pa sa mga mata sya. "Opo! Hindi pa kasi ako nakakapasok sa sinehan kuya." "Anak, wala pa nga tayong pera." Paliwanag ng Nanay nito. Tinapunan ng Pansin ni Patrick ang Nanay ng bata. Pagkatapos lumapit sya at may iniabot syang isang libo. "Hindi ko alam kung anong gusto nyang panoorin eh, kayo na lang ang bahalang bumili ng ticket. "Nakangiti pa sya sa Ginang. "Wag na Iho.. nakakahiya naman sayo."sagot ng Nanay ng bata Ngumiti si Patrick. "Tanggapin nyo na. Isipin nyo na lang po hindi ko yan binigay sa inyo isipin nyo na lang po na napulot nyo po yan!" Yumuko ang Ginang. "Maraming salamat po. Pero— sobra naman po yata ang Isang libo." "Kung may sobra po. ibili nyo na lang po ng meryenda." "Salamat sayo pogi." Lumapit si Patrick sa Batang lalaki. Ipinatong nya ang kamay nya sa ulo ng bata pagkatapos ginulo-gulo nya ito. "Manood ka na ng Sine little boy. Wish Granted kana!" "Thank you po Kuyang pogi."sabi ng bata. Nakangiti ako habang pinagmamasdan sila. hindi ko inaasahan na gagawin iyon ni Patrick. may good side din pala sya. Nakangiting lumapit sakin si Patrick. Habang ipinapakita nya sakin ang ticket ma binili nya. "Let's go!" Ngumiti ako sa kanya. pagkatapos muli nyang hinawakan ang kamay ko. Pasalamat sya at may good deeds syang ginawa ngayon kung hindi baka makatikim sya sakin ng Flying kick dahil sa paghawak-hawak nya sa kamay ko. Dahil hindi pa nag uumpisa ang Palabas. Bukas pa ang mga ilaw. Muntik na akong sumigaw ng Biglang nagtilian ang ibang babae sa loob ng Sinehan. Nag lingunin ko si Patrick. sya pala ang tinitilian. "Bakit hindi ka na lang mag Artista?"sabi ko sa kanya. Nang makaupo na kami. "Bakit? Dahil Gwapo ako?"ngumisi pa sya sakin. Inirapan ko sya. "Hindi yon! Dahil mayabang ka!" Inilapit nya ang mukha nya sakin. nataranta tuloy ako sa ginawa nya. "Nagseselos ka lang siguro sa mga babaing may gusto sakin." Hinawakan ko ang mukha nya at itinulak ko palayo sakin. "Ang kapal ng Mukha mo! Bakit naman ako mag seselos?bakit Tayo ba?" "Pwede naman na maging tayo eh! Sinasagot na kita." "Ang Yabang mo!!"inis kong sigaw. Nakurot ko pa sya sa sobrang inis ko. Ang kapal kasi masyado. Hindi ibig sabihin na gwapo sya at Matalino. At may six packs Abs. magyayabang na sya. Urgh! "Excuse me! Wag kayong maingay? Nasa loob po kayo ng sinehan. Wala kayo sa Park." Mataray na puna ng matandang babae. "Ayy! Sorry po!" Sabi ko. Nanahimik na lang ako at tinuon ko ang pansin ko sa panood. "Bahala nga sya. Hindi ko sya kakausapin."sabi ko sa isip. Tahimik na kaming nanood dalawa. Wala ng nagsalita samin. Marahil naramdaman nyang galit ako sa kanya. halos sumakit ang batok ko dahil hindi ko sya nililingon. Mayamaya naramdaman ko ang hininga sya May Batok ko. Tumayo ang balahibo ko ng maramdaman ko iyon. Pagkatapos bumulong sya sakin. "Sorry na Idol. Alam mo bang Hindi magiging kumpleto ang Date natin kung hindi kita nakikitang nakangiti.. miss na kta." Hindi ko na namalayan ang Instant Smile ko matapos nyang sabihin ang mga bagay na iyon. nakakakilig kasi eh.. "Sige na nga Bati na tayong dalawa."sabi ko. Ngumiti sya sakin at sa sobrang tuwa nya. Napayakap sya sakin. "Ayy! Sorry Idol."ani Patrick ng maalala nya My cheeks heat Up. feeling ko nga Nasusunog na dahil sa kanya. "Wala yon! Pasensya na ha!"sagot ko pa. "Yan! Wala nang topak si miss sungit."ani Patrick. "Tse!" Sa halip na mainis sakin si Patrick. Tinawanan lang nya ako. Pagkatapos binigyan nya ako ng pagkain. Feeling ko tuloy Girlfriend nya ako ngayon. Dahil masyado syang sweet sakin. Natapos ang panood namin ng sine. Sa totoo lang. dapat hindi na lang kami nanood dahil. Tawa lang kami ng tawa. nagkukulitan lang kasi kaming dalawa ni Patrick sa loob ng sinehan. "Nag Enjoy ka ba? Idol!" Sabi nya matapos nya akong ihatid sa bahay. pasado alas Otso na iyon ng gabi. Ngumiti ako sa kanya. "Sobrang enjoy! Salamat sa libre." nakangiti pa ako sa kanya. "Ahm.. Bernadette!" Tinitigan ko sya."huh? Bakit?" "Pwede ba kitang ligawan? Kung okay lang pero kung ayaw mo hindi kita pipilitin basta Friends parin tayo." "Okay!" "A-anong S-sabi mo?" lumapit ako sa kanya at pinitik ko ang ilong nya. "Okay lang sakin na Manligaw ka. Basta seryoso ka!" Nakita ko ang pagliwanag ng mukha nya. kasabay noon ay ang nakangiti nyang mukha. "Syempre naman! Yes! Thank you Idol!" Niyakap pa nya ako sa sobrang tuwa. "Hoy! May Malisya na yang yakap mo ha!"biro ko. "Sorry!! Sobrang masaya lang ako. I love you!!" "Wow ha! I love you agad!" Ngumiti sya sakin. Yon kasi ang nararamdaman ko eh," "Oh! Gosh! my cheeks turn to red." "Sige umuwi kana!"sabi ko "Sige, Goodnight Bernadette!" Kumaway pa sya sakin. "Goodnight din Patrick." Tipid kong sagot. Nakangiti ako habang tinanaw sya palabas ng Gate namin. ngunit napawi ang ngiti ko ng bigla itong huminto at muling humarap sakin. "May nakalimutan ka?" Tumango sya sakin. "Nakalimutan ko sabihin sayo na alagaan mo yung puso ko. Kasi ikaw na ang nag mamay-ari." Lumapit pa sya sakin tapos tinitigan nya ako. samantalang ako. Hiyang-hiya sa kanya. Yumuko ako. "Pwede bang payakap ng kahit 30 seconds lang. baka kasi hindi ako makatulog kapag hindi kita nayakap ngayong gabi." Inangat ko ang mukha ko upang tingnan sya. Napangiti ako dahil kitang-kita ko na pulang-pula ang mukha nya. "Sige. 30 seconds lang ha!" Tumango sya. pagkatapos noon. Dahan-dahan nya akong niyakap. Halos mabingi naman ako sa kalabog ng puso ko. Hindi na rin normal ang paghinga ko habang kayakap ko sya. pakiramdan ko mamatay ako sa KILIG!" "30 seconds na!" sabi ko. kahit hindi ko alam kung ilang segundo na kaming magkayakap dalawa. "Pwede pa Extend ng One hour."sabi nya sakin. "Gusto mong Magkaroon ng pasa sa mukha?" Dahan-dahan syang kumalas sa pagkakayakap sakin. Aaminin ko nanghinayang ako dahil kumalas sya. "I'm just kidding. "Tumalikod sya sakin. "Bye Bernadette!" "Bye!" Pagkatapos tuluyan na syang umalis. Habang ako nanatiling nakatanaw sa labas at nakangiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD