CHAPTER 5

1992 Words
"Bernadette! Anak gumising kana dyan. Kanina pa naghihintay sayo si Patrick."ani Mama sakin. Nagtalukbong ako ng kumot at Pinagpatuloy ko ang pagtulog. Inaantok pa ako. Alas Onse ng gabi na kami umuwi ni Patrick. Mula kasi ng Kausapin ko sya. Naging Madalas na ang pagkikita namin. Minsan pa nga Sinunsundo nya ako sa School namin. Buti na lang bawal ang mga lalaking istudyanteng pumasok doon. Kaya hanggang sa labas lang sya ng school namin dahil kung hindi. Siguradong ako ang gagawing Topic ng mga Estudyante doon. Bago ako tuluyang Makatulog narinig ko ang Pagbukas ng Silid ko marahil si Mama iyon. Kaya naman tuluyan na akong natulog. "Idol!" "Idol gumising kana!" Nauulinigan kong parang boses iyon ni Patrick. Ngunit paano naman sya makakapunta sa kwarto ko. Baka panaginip lang ito. "Idol! Gumising ka na!" Mula sa pagkakatagilid kong matulog. Umikot ako para humarap at pilit kong ginigising ang diwa ko. Mula sa malabong aura nakikita ko ang bulto ng lalaking nasa harapan ko. "Don't tell me.. si Patrick talaga yon!"sabi ng isip ko. "Idol gising na!" Pagdilat ng mga mata ko. Napasigaw ako sa pagkagulat ko. Agad akong bumangon upang takpan ang sarili ko. "Ay grabe sya! Mukha ba akong Engkanto. Sa gwapo kong ito!"ani Patrick. Binato ko sya ng Unan ko. "A-anong Ginagawa mo dito sa Silid ko? S-sino nagpapasok sayo dito?" Nauutal kong tanong. "Eh, di si Mama!" "Ang kapal mo namang tawagin ng Mama ang Mama ko!" Hinigpitan ko ang kumot na nakatakip sa Katawan ko. Nakangiti kasi sakin si Patrick habang pinagmamasdan nya ako mula ulo hanggang Paa. "Bakit ganyan ka makatingin sakin Idol?" "Wala naman! Hindi lang kasi ako makapaniwala na may ganyang katawan pa na katulad sayo." Tumaas ang kilay ko. "Alam kong Sexy ako. Wag mo akong pagnasahan. Baka hindi kana makalabas ng buhay dito sa bahay namin kapag may ginawa kang hindi maganda sakin." "Sexy? yan na ba ang Bagong criteria ng pagiging Sexy ngayon? Yung Sexy kasi sakin.. 36-25-36. hindi 33-25-34 tawag don payatot." "Abah! Ang kapal ng mukha nito!" Lumapit ako sa kanya at hinampas ko sya ng Unan."Payatot pala ha!" Tawa ng tawa sakin si Patrick. "Joke lang Idol. Hindi kana mabiro." "Tse! Bakit kaba nandito?"inis kong tanong. "Samahan mo akong Pumunta sa Birthday ng Pinsan ko." "Eh, Bakit sobrang aga mo naman yata akong bulabugin dito?" "Kailangang Maaga kasi maaga din ang Dating nya dito sa Pilipinas. Tayo ang susundo sa Airport sa Pinsang kong may Birtday ngayon." "Ayokong sumama!" Lumapit sakin si Patrick at hinawakan nya ang kamay ko."Sumama kana Idol. Para hindi ako ma-boring." Inirapan ko sya. "Sige na nga! lumabas kana ng silid ko." "Pwede bang dito na lang ako sa silid mo?"pilyo nyang ngiti sakin. "Gusto mo kumalat ang dugo mo dito sa silid ko?" "Joke lang! Hindi kana mabiro. Aalis na nga ako." Kakamot-kamot sya sa batok nya habang palabas sya ng kwarto ko. "Aalis din naman pala gusto pang tinatakot."bulong ko. Ala Una ng hapon na kami nakarating ng Airport ni Patrick dahil Kumain muna kami ng Tanghalian sa Bahay. Hindi ko kasi napansin na Alas Diyes na pala ng umaga ako nagising. makalipas ang Bente minutos. Lumapag na ang Eroplanong sinasakyan ng Pinsan ni Patrick. "Idol, Ano ba itsura ng Pinsan mo?"tanong ko habang nakatanaw ako sa mga pasaherong papalabas ng Eroplano. "Tumingin ka sakin mas Gwapo ako don." Inirapan ko sya."Sabi ko anong itsura! Hindi ko sinabing sino mas Gwapo. nakakasar ka. Masyado kang GGSS." "Ano namang GGSS Idol?"tanong nya sakin. "GGSS, Gwapong Gwapo Sa Sarili." Tumawa sya sakin. "May ipagyayabang naman ako diba? Idol!" Kinindatan pa nya ako. Marahan ko syang hinampas. "Kakainis ka!" "Ehem! Mukhang nakakaistorbo ako sa inyong dalawa." Sabay kaming napalingon ni Patrick. At isang Gwapo at Mistisong Lalaki ang Nasa harapan ko. Chinito ang mga mata nito at Makipot ang labi at Matangos ang ilong. Para sakin mas gwapo ang Pinsan nya kaysa kay Patrick. "Pinsan!"ani Patrick. Lumapit sya dito at niyakap nya ang pinsan nya. "Sino sya Cousin? KaFlirt mo?"nakangising tanong ng lalaki. "Pinsan. Sya si Bernadette. Friend ko,"Binaling nya ang tingin sakin. "Bernadette sya ang pinsan kong si Timothy. Sya yung sinasabi ko sayong May Birthday." Tipid akong ngumiti. "Hi!"sabi mo. Inilahad nya ang kamay nya sakin. Habang nakatitig sya sakin. "How are you beautiful." Ramdam na ramdam ko ang pagpisil nya sa kamay ko. Ewan ko kung bakit bigla akong kinabahan. At nahiya ako sa kanya. parang hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya. "Oh! Tara na!"ani Patrick. Tinanggal nya ang kamay ni Timothy na nakahawak sa kamay ko. Tapos inakbayan ako ni Patrick. Nakita kong nakatitig sakin si Timothy kaya umiwas ako ng tingin sa kanya. "Let's go!"sagot ni Timothy. "Pinsan, Saan mo nakilala si Bernadette?"tanong ni Timothy. Habang nasa loob kami ng Kotse. si Patrick ang Nag drive at katabi nya ako. Si Timothy ang nasa likuran namin. "Neighbor namin sya. Bakit?" "Wala lang! Akala ko kasi isa sya sa mga Babae mo." "Pinsan. Wag mo akong siraan sa Idol ko. Baka maniwala syang babaero ako." Nakangiti pa sya habang nakikipag usap kay Timothy. "I see... Bernadette. Punta ka mamaya sa Birthday ko ha. Aasahan kita!" Tumango ako sa kanya. Tapos muli akong Yumuko. para kasing bigla nagkaroon ng pader saming tatlo. Parang naging Awkward. Hindi ko tuloy magawang lumingon-lingon sa paligid ko dahil. kapag ginagawa ko yon nahuhuli kong nakatitig sakin si Timothy. Kaya naman kahit masakit sa Leeg ang pagyuko hanggang sa Makarating kami sa Bahay nila Timothy ginawa ko na. "Bernadette! Susunduin kita mamaya ha!"ani Patrick ng ako naman ang ihatid nya. "Okay sige."tipid kong sagot. "Bye! See you later."sabay talikod ni Patrick upang sumakay sa kotse nya. Huminga ako ng Malalim habang nakatanaw ako kay Patrick na papalayo. "Bakit ganon? Bakit parang naguguluhan ako ngayon?" Nahiga muna ako sa Kama ko nang makarating ako sa Kwarto ko. Nakatihaya ako habang nakatitig ako sa Kisame. Sa T'wing na aalala ko ang mga tingin at ngiti ni Timothy hindi ko maiwasang mapangiti at kiligin. "Crush ko na yata si Timothy."kausap ko sa sarili ko. Bumangon ako at hinalughog ko ang Mga Damit ko. Habang maaga pa. kailangan kong Paghandaan ang isusuot kong damit. Kailangan maganda ako mamayang gabi. Hindi ko alam sa sarili ko. Pero gusto kong makita ako ni Timothy na magandang maganda. *** "Anong nangyayari sayo Idol? Bakit nakatulala ka?" Nakangiti kong tanong kay Patrick. Sinundo nya kasi ako sa bahay namin upang sabay na kaming pumunta sa Bahay ni Timothy. Simpleng damit lang naman ang suot namin hindi naman kasi Bongga ang Party na iyon dahil ayaw ng Birthday Celebrant Nakasuot ako ng Dress na kulay Pink na hanggang tuhod. Wala syang gaanong dekorasyon kundi yung nasa laylayan ng Dress ko. May mga bids. Samatalang naka pulang Polo naman si Patrick. "A-ang G-ganda mo kasi ngayon Idol!"nauutal nyang sagot sakin. Habang nakatitig sakin. Nginitian ko sya. "Nag ayos lang ako ng kaunti. natulala kana! how much more kung Bonggang Make over ang ginawa ko. Baka maging statue kana dahil sakin. Umiwas sya ng tingin sakin."May pagka mayabang ka din pala noh!"sabi nya. "Palagi kasi kitang nakakasama kaya Nahawa ako sayo Idol." Tipid kong sagot. Lumapit sya sakin at hinawakan ang kamay ko tapos muli nya akong tinitigan. "Tayo na idol kong maganda." "Salamat!" "Hindi mo ba ako sasabihan na Gwapo? Sinabihan kita na Maganda." Tinitingnan ko sya. "Hindi na siguro. Baka lalong lumaki ang ulo mo." Sumimangot sya sakin. "Ang Daya naman!" Ngiti lang ang naging tugon ko sa kanya. Hanggang sa makarating kami sa Kotse nya. lumapit ako sa kanya ng kaunti at tumingin sa kanya."Oo na! Gwapo ka na! Ang Gwapo mo sa suot mo."sabi ko. Nang tingnan nya ako nakangiti na sya sakin. "Thank you Idol."sabi nya sakin. Ngumiti ako sa kanya. "You're welcome gwapo." Ngumiti sya sakin. "Bolera ka na!" "Parang ikaw lang!"sabay kindat ko sa kanya. Natawa ako ng bigla syang umiwas sakin at nakita kong bigla nagkulay pula ang pisngi nya. Dahil hindi naman kalayuan ang Bahay ni Timothy sa subdivision namin kinse minutos lang nakarating na kami sa Bahay nila. Pagpasok mo pa lang sa Loob marami na kaming mga nakitang mga bisita ni Timothy. Simple lang din ang suot nila pero hindi parin maikakaila marami paring dumalong mga bisita ni Timothy. "Pinsan!" Tawag ni Timothy kay Patrick ng makita nya kami. Lumapit kami sa kanya. Nakita ko na agad na sakin sya nakatingin. Napayuko tuloy ako. Bigla kasi akong nahiya sa kanya. "Buti naman at hindi mo kinalimutang Isama si Bernadette."ani Timothy. Habang nakatingin sya sakin. Napansin naman yon ni Patrick. "Oo naman. Pero mukhang nagkamali yata ako ng Desisyon."sagot ni Patrick. Habang nakatingin sya kay Timothy. Binaling ni Timothy ang tingin kay Patrick. "Mukhang pareho tayo ng Taste pinsan."makahulugan nyang sabi. Inakbayan ako ni Patrick."Kanina ko pa nga napapansin. Pero Pinsan. Ang kay Pedro ay kay Pedro." Ngumiti si Timothy. "Ofcourse ang kay Pedro kay Pedro. Pero yan ay Kung pag aari na ni Pedro. Malay mo pinsan akala lang ni Pedro na pag aari nya yon. Yon pala si Juan pala ang nagmamay ari. What do you think?pinsan." Nakakunot ang noo ko habang pinagmamasdan ko silang dalawa. Ano bang pinagsasabi nila? Hindi ko ma gets. "Ahh— Excuse lang sa inyong dalawa ha! Ano ba ang pinag uusapan nyo?"tanong ko. Sabay silang napatingin sakin. Tapos muling hinawakan ni Patrick ang kamay ko. "Wala yon Idol. Tara na! Kumain na tayo."ani Patrick. Nilingon ko muna si Timothy. "Happy Birthday!"sabi ko. "Thank you Beautiful."nakangiti nyang sagot sakin. Matapos naming kumuha ng pagkain. Tahimik kaming dalawa ni Patrick na kumakain sa isang table. Panakanaka akong nakatingin sa kanya. Naninibago kasi ako sa kanya. bigla syang tumahimik. "Idol, tara umuwi na tayo."sabi nya sakin. "Ha?bakit naman?kakarating lang natin dito ah." Huminga sya ng malalim. "Basta! Umalis na tayo." Tumango ako sa kanya. Tapos tumayo na ako. "Tayo na! Idol." Sagot ko. Hindi ko na tinapos ang kinakain ko. para kasing may problema si Patrick. Hindi na kami ng paalam sa pinsan nyang umalis na kaming dalawa. Akala ko uuwi na kami pero hindi pala.. Huminto kami sa Isang Park na malapit sa Tinitirahan namin. Yon ang Park na kung saan dinarayo tuwing gabi. Ang sarap kasi doon tumambay. Lumabas kami ng Kotse nya. "Tara akyat tayo sa kotse ko Idol." "Ha?baka mahulog tayo dyan!"sabi ko. Umakyat sya tapos naglatag ng kumot at humiga. "Tingnan mo ang ganda ng mga bituin." Nanatili akong nakatayo habang pinanonood sya sa ginagawa nya. Bakit biglang may dala syang kumot? Hindi ba nakakatakot ang ginagawa nya baka bigla na lang kaming saksakin kapag napagtripan kami? "Safe dito Idol. Lagi akong narito. kaya wag kang mag alala. Akyat na. Aalalayan kita." Parang nabasa nya ang mga katanungan ko sa isip ko at sinagot nya. "Sige aakyat na tulungan mo ako." Sabi ko. Bumababa si Patrick at tinulungan nya akong makaakyat sa Bubong ng kotse nya. tapos umakyat na din sya. "Ang ganda pala talaga kapag nakahiga. Kitang-kita mo ang mga bituin at buwan. Tapos ang lamig pa."sabi ko ng makahiga ako. Ngumiti sya sakin. "Sabi ko sayo eh. Maganda dito."aniya. Tumango ako. Tapos muli kong tinuon ang pansin ko sa kalangitan. "Idol..." anas nya. "Huh? Bakit?" "May gusto ka ba kay Timothy?"tanong nya sakin. Nilingon ko sya. "Bakit mo naman naitanong yan? Kaninang umaga lang kaming nagkita." "Wala lang naitanong ko lang. Ibang-iba kasi ang pinapakita mo sa kanya kapag kaharap mo sya." "Ganon?hindi naman siguro.."sabi ko. pero ang totoo nahihiya talaga ako kay timothy. parang hindi ko kayang makipagtitigan dito. "Hindi kasi ganyan ang Naging attitude mo noong una tayong magkita. Masungit ka at mataray. Samantalang sa kanya. Nahihiya ka." Hindi ko alam kung nakita ni Patrick ang pamumula ng mukha ko. Hindi ako kumibo. "Nagseselos kasi ako sa kanya.." Bigla akong napalingon sa huling sinabi nya. "Anong sinabi mo?" "Nagseselos ako.. ganon pala yon. masakit."ani Patrick ng hindi tumitingin sakin. Nagkulay kamatis ang mukha ko sa sinabi nya. Tapos ang pintig ng puso ko sobra lakas nakakabingi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD