Araw ng Linggo ngayon. Kung kaya't maaga kaming Nagising ni Mama upang Magsimba. Ito ang Unang araw na Magsisimba ako sa lugar na ito.
"Mama, Bakit po hindi pa tayo umaalis? sino po ba ang hinihintay natin?"tanong ko kay Mama. Kanina pa kasi ako nakatayo sa labas.
Lumapit si Mama sakin."Tara na Bernadette!"ani Mama.
Huminto ako. Hinihila kasi ni Mama ang Kamay ko palabas ng Gate namin. "Mama, hindi ba tayo sasakay sa kotse?"
Ngumiti sakin si Mama. "Naku! Pagtatawanan tayo kung sasakay pa tayo ng kotse. Napakalapit lang ng simbahan dito nilalakad lang.
"Ganon po ba Mama. Sige po." Agad akong sumunod kay Mama palabas. Ngunit ng makalabas na kami ng Gate namin. Napasimangot ako sa nakita ko.
"Hi Tita! Magsisimba din kayo?"bati ni Patrick kay Mama.
"Oo, First time naming magsisimba dito. Nasaan ang Mommy mo?"tanong ni Mama.
"Nauna na po sya."ani Patrick. Habang ang mga mata nito ay sakin nakatingin. Nahihiya tuloy akong tingnan sya.
"Ganon ba?oh! Tara na. Umalis na tayong tatlo."sabat ni Mama.
Tumango ako kay Mama. At sumunod ako sa paglalakad sa kanya. ngunit si Patrick feeling close sakin. nakisabay sya sa paglalakad. sa sobrang lapit nya sakin. Naamoy ko ang pabango na ginaganit nya. bigla tuloy lumakas ang kabog ng dibdib ko.
"Ahm... My Angel, ganyan ka ba talaga? Hindi nagsasalita?" Tanong nya sakin.
"Ayokong makipag usap! Wag kang makulit."sabi ko.
Kung pwede nga lang na mauna na sa paglalakad ginawa ko na para matakasan ang hambog na si Patrick. Kaya lang hindi ko naman alam kung saan ang simbahan dito. "My Angel! Bakit ba ang sungit mo?"tanong nya sakin.
Tinaasan ko sya ng kilay. "Bakit ba ang kulit mo?"
"Alam mo May Angel. Wag kang masyadong masungit ang ganda mo pa naman."
Buti na lang hindi nya nakita ang pamumula ng mukha ko sa sinabi nya. Bakit ba hind sya matinag-tinag sa mga pagtataray ko sa kanya.
"Malapit na tayo tara!"
Nagulat ako ng bigla nyang hilahin ang kamay ko at nagmadali kaming maglakad. Hindi ako tumutol sa paghawak nya ng kamay sakin. "Ang lambot naman ng kamay nya ka lalaking tao."bulong ko.
"Guys, I'd like to meet you My Future Girlfriend and Mother of my Future kids. Bernadette." Binaling nya ang tingin sakin. Bernadette. mga partner in crime ko. Si Troy, luke, Drake, Frits,"ani Patrick sa mga kaibigan nya.
Yumuko ako sa sobrang hiya. Grabe sya bakit nya sinabi yon. Nakakahiya. "Hi!" iyon lang ang tanging nasambit ko dahil sa sobrang hiya.
"Kaya mo ba kami pinilit na magsimba sa lugar nyo para ipakilala si Miss Ganda." Ani Troy.
Tinapik ni Patrick si Troy,
"Troy, Pagmamay ari ko na sya. Iba na lang pwede."
Nakita kung Paano tumawa si Troy. Sa totoo lang ang gwapo nilang lahat kaya lang mga mukhang Playboy.
"Don't Worry Patrick. Hindi ko sya aagawin sayo."
Kung hindi lang kami nasa loob ng simbahan baka. Natarayan ko na sila. ano ba ang akala nila sakin. Paninda na binibenta sa Department store. Urgh!
"Ahh... Excuse me Guys! Pero mauna na ako sa inyo. Alam nyo kasi Gusto kong makinig sa pari hindi sa inyo."
"Ay! Sorry My Angel ito kasing si Troy eh, Tara na."Hinila nya ang kamay ko patungo sa magulang namin kasunod namin ang apat nyang kaibigan. Naiinis lang ako sa ibang mga babae sa loob ng simbahan. hindi man lang kilabutan sa mga pinagsasabi nila. Halos kulang na lang tumili sila sa Apat na lalaking kaibigan ni Patrick.
"My Angel, Anong gusto mong Kainin mamaya?"bulong sakin ni Patrick.
Nilingon ko sya. "Hindi ako nagugutom. Salamat na lang." Sabi ko habang ang mga mata ko ay nakatuon sa Pari.
"Magugutom ka nyan kapag nagDate tayo mamaya."
Nilingon ko sya at tiningala ko sya. Mas matangkad kasi sya sakin. Nakangiti sya sakin. Habang ako nakataas ang kilay sa kanya."Date? Asa ka namang makikipag Date ako sayo."
Bigla nya hinawakan ang kamay ko. "Nagpaalam na ako sa Mama mo na magdaDate tayo pagkatapos ng Misa." Kumindat pa sya sakin.
"Ayoko!"
"Wala ka nang magagawa My Angel."ngumiti pa sya sakin.
"AYOKO NGA SABI EH! BAKIT BA ANG KULIT MO!!"sigaw ko.
"Bernadette!"tawag sakin ni Mama. hiyang-hiya ako ng makita ko na huminto si Father sa pangangaral tapos ang lahat ng mga mata sakin nakatingin. sobrang asar ko nakalimutan kong nasa simbahan ako.
"I'm sorry po."nakayukong sagot.
Inakbayan ako ni Patrick. "Sorry po Sa inyo. May pinag uusapan lang po kami ng Girlfriend ko. Sorry Father."ani Patrick.
"Jusko! Ano ba yan mukhang mas lalong nakakahiya ang pinagsasabi ni Patrick. Huhu! Hindi na ako magsisimba dito kahi kailan. "sabi ko sa isip.
Pero mukhang hindi yata mangyayaring hindi na ako babalik dito sa Simbahan dahil si Mama sinali ako sa choir ng Simbahan. Wala akong nagawa kundi ang pumayag na lang.
Pagkatapos naming magsimba. Agad akong hinila ni Patrick sa sasakyan na dala ng Driver nila. ewan ko ba kung bakit kahit anong pangtangi ko. Ayaw parin sumuko ni Patrick. Ako tuloy ang napapasunod sa gusto nya.
pagpasok namin sa Restaurant. Hindi na maipinta ang mukha ko dahil kay Patrick. Para kasi itong Kandidato. Lahat kilala sya. Pati ang mga Guard ng Mall na pinuntahan namin kanina. kilala sya. Iniisip ko tuloy na sila ang may Ari ng Mall na iyon.
"My Angel, Manood tayo ng sine pagkatapos nating kumain."ani Patrick.
Tinitigan ko sya ng masama. "Pwede ba huwag mo akong tatawaging My Angel. Ang pangit pakinggan."
"Ayaw mo ng My Angel? Eh..kung. Bebe na lang?"
"Ang Baduy!"
"Sweetiepie?"
"Ano Melason lang?"
"Eh, kung Mahal na lang?"
"Bakit Mag jowa ba tayo?"
Napakamot ng ulo si Patrick sa kakaisip. Ako naman ini-enjoy ang pagkain ng pork steak.
"Alam ko na! Diba? Ayaw mo ng sweet eh, di IDOl na lang. Tutal hindi pa naman kita girlfriend. Kapag naging girlfriend kita saka na ako mag iisip. Oh! Gusto mo ba Idol na lang. Parang magtropa lang tayo. Astig pa."
Saglit akong napaisip. Kung sabagay maganda nga ang Idol. At unique nga sya. Ngumiti ako sa kanya. "Sige Idol,"
"Yan! Oh! Idol manood tayo ng sineng dalawa ha! Wag ka ng tumanggi pa dahil hindi ako papayag na tumanggi ka pa sakin."kumindat pa sya skin.
"Tss! Alam mo Idol. Ikaw lang ang lalaking Sobrang kulit. Ano bang Gatas ang pinainom sayo ng Mommy noong maliit ka pa at ganyan ka kakulit?"tanong ko.
Inilapit nya ang mukha nya sa mukha ko. Nagkatitigan kaming Dalawa. "Yung iniinom ko noong maliit ako ay Galing sa Dudu ng cow?"
Hindi ko napigilan ang sarili kong bumunghalit ng tawa sa kanya. nakakatawa kasi ng pagkakasabi nya sakin.
"Hay! Salamat napatawa ko din si Idol ko. Hindi ko alam na ganyan ka kababaw patawanin. yung mga kaibigan ko. minumura ako sa joke na yan eh, sayo lang bumenta."
"Hindi sakin bumenta yung joke mo. Natawa ako sa reaksyon ng mukha mo."nakangisi kong sagot.
"Okay lang sakin. Basta ang mahalaga napatawa kita. Yon kasi ang goal ko ngayong araw ang mapasaya ang Idol ko."
Yumuko ako sa kanya. Para kasing kinilig yung Puso ko sa sinabi ni Patrick sakin. "Salamat.."
Ngumiti sya sakin. "Welcome Idol. Tara ubusin natin itong pagkaing inorder natin kung sino ang matalo sya ang magbabayad ng pagkain."
i pout "Ano ang daya mo naman!" Sabi ko. Bigla ko kasing naalala na wala pala akong dalang pera. pagnagkataon na matalo ako wala akong pambayad baka paghugasin nila ako.
Nagkibit balikat sakin si Patrick. "Deal!"sabi nya.
Tinitigan ko sya ng matalim kasabay nito ang paghawak ko ng tinidor at kutsara. Determinado akong Manalo para hindi maghugas ng plato. "Game!"
"Game!"
Kasunod noon ang pananahimik naming dalawa dahil nagcoconcentrate kami sa pagkain.
"Tinatawagan ko ang lahat ng bulate ko sa loob ng tyan ko. Kailangan ko ang tulong nyo. Ayokong maghugas ng plato!" kausap ko sa sarili habang patuloy ako sa pagkain.
Wala kaming Pakialam kung pagtinginan kaming dalawa ni Patrick ng mga tao sa loob ng Sosyal na Restaurant. BAKIT? kayo ba naman ang kumain sa mamahaling Restaurant tapos kung kumain kayo walang ka sosyal-sosyal. Kung kanina naka kubyertos kami ngayon naka kamay na kami. Para kaming Kamag anak ni Tarzan na bumababa ng bundok sa ginawa naming pagkain.
"Yeheeyy!! Panalo ako!"sigaw ko.
Sumandal si Patrick sa kinauupuan nya. "Grabe! sobrang dami kong nakain. Feeling ko puputok na ang t'yan ko."sabi ni Patrick.
"Paano ba yan! Ako ang nanalo Idol. Ikaw ang magbabayad ng lahat ng kinain natin."nakangiti kong sabi sa kanya.
"Oo na! Magpasalamat ka at Full Breakfast ako kanina kung hindi talo ka sakin."
"Whatever basta natalo ka! Bleeh!"pang aasar ko pa.
"Okay!"
Tinawag nya ang Waiter at agad nyang binayaran ang mga nakain namin. Five thousand Seven hundred ang lahat ng nakain naming dalawa. pagkatapos naming magpahinga ng kaunti lumabas na kami ng Restaurant na iyon upang manood kami ng sine. Ngunit hindi pa kami nakakarating sa Sinehan. naramdaman ko na ang pananakit ng tyan ko. hindi ko na nagawang magpaalam kay Patrick dahil tumakbo na ako sa C.R at inilabas ko ang mga excess na kinain ko. Kalahating oras siguro akong nag stay doon sa Loob ng C.R buti na lang at maraming cubicle sa Loob. Hindi ako nakaabala sa iba.
"Tapos ka ng mag pupu?"tanong ni Patrick. Nakangisi pa ito sakin.
"Oo, sorry naghintay ka ng matagal. "Sabi ko habang nakayuko ako sa kanya.
"Umuwi na lang tayo. Next time na tayo manood ng Sine. Mukhang sa itsura mong yan mukhang may Second to six Round pa yang pagbisita mo sa Banyo."
Tinitigan ko sya. "Hiyang-hiya naman ako sayo Idol. Ayoko lang matalo kanina kaya pinilit kong ubusin ang pagkain ko."
Tumawa sya sakin. "Kaya nga eh, nakakatuwa ka talaga. Tayo na kasi mukhang ako din sasamaan ng t'yan."
"Buti nga sayo! pinagtatawanan mo kasi ako."
Magkahawak kamay kaming dalawa ni Patrick hanggang sa makasakay kami ng Kotse nya. natatawa nga ako dahil mukhang pati si Patrick sumakit rin ang t'yan dahil ang bilis nyang magpatakbo ng sasakyan. Hindi na nga sya makausap.
Pagkatapos nya akong ihatid sa bahay. agad na syang umalis. Hindi na nya nagawang magpaalam pa samin ni Mama.
"Anong problema ni Patrick?hindi mo makausap ng maayos. Ayaw magsalita." Ani Mama. Habang sinusundan ng tingin si Patrick.
Tumawa ako ng tumawa kaya naman nagulat si Mama sakin.
"Ayos ka lang Anak?"nakakunoot na tanong ni Mama sakin.
Tumango ako sa kanya."Opo mama. Matutulog na po ako. Goodnight!!humalik ako sa pisngi ni mama bago ako umalis.
"Huh? Ano kayang masamang hangin ang pumasok sa anak ko. Baka nababaliw na sya? Wag naman sana.. "
Napailing na lang ako ng marinig ko mula sa malayo ang sinabi ni mama sakin. basta ang mahalaga masaya ang buong Araw ko. Napagtanto ko na Hindi ko naman pala dapat ikulong ang sarili ko sa ginawang pang iiwan samin ni Daddy. Maramimg bagay ang dapat Kong bigyang ng pansin para maging masaya ulit..