Araw ng sabado ngayon. Kung kaya't tanghali na ako nagising. Paglabas ko mula sa silid ko. Nabungaran ko si mama sa dinning area. Na nagkakape habang nagbabasa ng dyaryo. Lumapit ako sa kanya. "Goodmorning mama."sabi ko at hinalikan ko sya pisngi.
"Goodmorning anak. Kumain ka na! At pupunta tayo sa mall ngayon. Magsha-shopping tayo!"
Hinila ko ang upuan na nasa tapat ng lamesa at umupo ako don. At nag umpisa na akong kumain."Mama, ikaw na lang ang magshopping. Ayokong sumama."
"Bernadette anak, masyado ka ng OA sa pag eemo ha! Hindi magandang ikulong mo ang sarili mo sa galit mo. at sa pagiging bitter mo."
Huminto ako sa pagkain. At tumingin kay mama. "Hindi po ako bitter. Ayoko lang talaga. Tinatamad kasi ako." Alibay ko.
Pinagmasdan ako ni mama. Ako naman umiwas ng tingin. Ayoko talagang lumabas ng bahay at makisalamuha sa iba. Mas gusto kong magkulong na lang sa silid ko.
Bumuntonghininga si mama.
"Hindi ka naman ganyan dati anak. No'ng nasa Amerika pa tayo. Kapag nakikita kitang ganyan mas lalo akong nalulungkot. Pakiramdam ko wala akong kwentang Ina. Dahil hinayaan kong pati ikaw madamay sa problema namin ng daddy mo. Nasasaktan ako sa nakikita ko ngayon sayo anak."sabi ni mama. Nakita ko ang luhang pumapatak kay mama.
Saglit akong napaisip. Masyado na ba talaga akong OA? Masyado na ba akong bitter. Kaya hindi ko namamalayan na imbes na bigyan ko ng kasiyahan si mama. Mas lalo ko pa pala syang sinasaktan sa ginagawa ko. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko. Niyakap ko si mama.
"Mama, sorry! Hayaan nyo hindi na ako magiging OA. wag ka'ng malungkot."sabi ko pa.
Pinahid ni mama ang mga luha nya sa pisngi at pilit na ngumiti kumain kana at gagala tayo!" Ulit pa nya.
Tumango ako. At ngumiti. "Sige po!"muli akong bumalik sa pwesto ko at pinagpatuloy ang pagkain ko.
Habang si mama ay pinagpatuloy ang pagbabasa ng dyaryo.
"Ma'am,"
Napalingon kami ni mama ng marinig namin ang tawag ng katulong namin.
"Pinabibigay daw po kay ma'am bernadette."iniabot kay mama ang pumpon na mga bulaklak.
"Salamat po yaya!" Sagot ni mama. Kinuha nya ang bulaklak at nakangiting nakatingin sakin.
"Anak, may secret admirer kana!" Masayang sabi ni mama. Matapos basahin ang card na nakadikit sa bulaklak.
"Ma, itapon nyo na po yan!"pakiusap ko kay mama.
"Bakit mo itatapon? Ang ganda-ganda kaya. Ang sweet naman ng admirer mo anak." Ani mama.
Pailing-iling akong nakatingin kay mama. Sa itsura nya. Kilig nakilig sya para tuloy teenager si mama. Muli ko na lang pinagpatuloy ang pagkain. At hinayaan ko na lang si mama ang magsalita ng magsalita. Si mama kasi hindi na makamove on sa nagpadala ng bulaklak. Ilang beses na akong tinanong ng tinanong. Nakakainis na nga eh,
Kaya ng matapos akong kumain. Hindi pumayag si mama na hindi ko abutin ang bulaklak. Hindi pa sya nakontento. Nagselfie pa ako hawak ang bulaklak. Yamot na yamot ako kay mama.
"Anak, ipopost ko ito sa f*******: mo ha!"tuwang-tuwang sabi ni mama.
"Tss, kayo po ang bahala mama. Sige po maliligo na ako."
Tumango lang sakin si mama. Dahil abalang abala ito sa kakatingin ng picture nya sa cellphone nya. Gusto kong mainis at maasar kay mama. Pero dahil nakikita kong masaya sya. Hinahayaan ko na lang. Ang mahalaga sakin. Masaya si mama.
MALL
"Anak, dito tayo tumingin ng bag. Dali maganda dito!"sabi mama.
Sumunod na lang ako si mama talaga parang bata. Sobrang masayahin nya.
"Anak, bagay sayo tong bag na'to!"sabi ni mama. Habang inaabot sakin ang hawak nyang kulay pink na bag.
"Ma, ayoko po ng kulay pink. Masyadong pagirl."
"Ayaw mo ng kulay? Miss!"tawag nya sa sales lady. Agad namang lumapit samin ang babae.
"Ano po yon ma'am?"
"Meron ba kayong ibang kulay ng ganitong bag?" Tanong ni mama.
Saglit na sinipat ng sales lady ang bag. At tumango sa kanila."Opo meron po."
"Dalhin mo samin at titingnan ko kung anong magandang kulay."sagot pa ni mama.
Ilag saglit pa. Dumating na ang sales lady at kulay green ang napili ni mamang kulay na bag na ibinili nya sakin. Pagkatapos umikot ikot pa kami ni mama sa iba't-ibang store. Marami syang pinamili na halos nahihirapan na kaming bitbitin.
"Tita!"
Sigaw ng boses lalaki. Nag mahanap namin kung sino nag mamay-ari ng boses na 'yon. Sumimangot ako.
"Oh ikaw pala Patrick!" Ani mama.
Lumapit sya samin. Habang ang dalawamg kamay nito ay nasa bulsa. Nakatshirt at maong short lang sya inirapan ko sya ng makita ko ang pagtingin nya sakin.
"Mukhang marami kayong bitbit. Tulungan ko na po kayo!"kausap nya kay mama.
"Kaya naming bitbitin ang lahat ng ito. Hindi namin kailangan ang tulong mo!" Sabat ko.
"Salamat patrick. Ang sakit na nga ng kamay ko sa kakabitbit ng mga dala namin eh,"sagot ni mama.
Inis akong tumingin kay mama.
"Ma, naman!"
"Anak, hayaaan mo ng tulungan tayo ni Patrick. Para hindi tayo mapagod." Binaling ni mama ang tingin kay patrick. "Patrick. Wala ka bang pupuntahan?"tanong ni mama.
Umiling si patrick. "Wala po."
"Good. Sige pakibitbit na lang nito. Ililibre na lang kita ng pagkain."
Kinuha naman ni Patrick ang bitbit ni mama. Pero yung bitbit mo hindi nya kinuha. Inis na inis akong tumingin sa kanya.
"Gusto mo bang tulungan kitang magbuhat?"tanong nya sakin.
Umingos ako." Wag na! Hindi mo na nga kayang bitbitin yang dala mo eh,"
Pilyong tumingin sakin si patrick. At ngumiti. Umiwas tuloy ako hindi ko kasi kayang titigan sya ng matagal para akong matutunaw.
"Gusto mo buhatin pa kita eh, kayang- kaya kong buhatin ang lahat ng yan. Sumama kapa."
"Tse! Ang yabang mo!" Bulong ko.
"Ma, let's go!" Nauna na akong maglakad ayoko ng makipagtalo dyan sa lalaking yan.
"Akin na yan!" Hinila sakin ni patrick ang bitbit ko. Bigla nag init ng mukha ko ng mahawakan nya ang kamay ko.
"Bastos ka! Naghahawak ka ng kamay!"sabi ko.
Lumapit sya sakin. Na halos limang pulgada ang pagitan namin. Naamoy ko tuloy ang pabango nya. "Bastos agad! Paano kung halikan kita dito? Anong tawag mo don?" Sabi nya sa mahinang boses.
Dugdugdug. Bigla akong nabinge sa lakas ng pagkabog ng dibdib ko. Nakakainis. May sakit na yata ako sa puso. Dahil siguro sa sakit na dulot ng pagkakahiwalay nila mama. Nagkaroon na ako ng sakit.
"Distansya o ambulansya!" Nakataas ang kilay kong sabi.
Tinitigan nya ako. Pagkatapos tumawa ito ng malakas.. lalo tuloy akong naasar.
"Tita pwede ko bang ligawan ang anak nyo?"sabi nya kay mama.
Tiningnan ko si mama. "Mama wag kang pumayag!"sabi ko.
Ngumiti si mama. "Sure pumapayag ako."
Bagsak ang balikat ko ng marinig ko ang sinabi ni mama. Nakakainis bakit nya ako pinagkakanulo. Huhuhu.
"Thank you tita!"tipid na sagot ni patrick.
Yumuko sya at tumingin sakin.
"Oh pano ba yan! My angel may ticket pass na ako para manligaw sayo."kumindat pa sya sakin.
Inirapan ko sya."ASA KANG SASAGUTIN KITA! NGAYON PALANG BASTED KANA!!" Sabay talikod ko. At nauna na ako sa kanila.
Buong maghapon akong nainis! Pakiramdam ko tumanda ako ng limang taon ngayon.dahil kay patrick. Wala na kasi syang ginawa kanina kundi ang magpapogi sa harapan ko. As if naman natutuwa ako sa ginagawa nya. Hinagis ko lang ang mga pinamili namin ng makarating ako sa loob ng silid ko. at pasalampak akong humiga sa kama ko.
llang saglit pa. Naramdaman ko ang paglapit ni mama sa tabi ko. Sumimangot ako. si mama kasi kinukunsinti ang ginagawa ni patrick kulang na lang ibugaw nya ako kanina. Kainis!
"Anak galit ka ba sa'kin?"tanong ni mama.
Tumagilid ako sa pagkakahiga at sumimangot.
Wag ka ng magalit. Natutuwa lang ako sayo anak. Kasi may nagkakagusto na sayo. Tsaka tingin ko naman mabait si Patrick."
Pumihit ako paharap kay mama.
"Ma, wag mo namang pakialaman ang gusto ko. Ayoko muna ng boyfriend. Ayokong may umaaligid sakin."
"Pero anak. Kung ganyan ka ng ganyan hindi ako matatahimik at hindi ako magiging masaya."
Tinitigan ko sya. "Mama...
"Kapag nakikita kitang malungkot. Malungkot na din ako.gusto kong bumalik ka sa dating ikaw bernadette. Yung masayahin. Namimiss ko na yung dating ikaw.."sabi pa ni mama habang umiiyak.
"Sorry mama. . Hayaan nyo po pipilitin kong ibalik yung dating ako sorry. Wag na po kayong umiyak."
Niyakap ako ni mama. Buti na lang hindi nya nakikita ang mga luha ko. Ang hirap kasi ng iniwan ni daddy saming dalawa ni mama. Hanggang ngayon tuloy hindi kami masaya. At hindi kami maka move on