Sta clara Academy;
Nakangiti ako habang nakatingin sa arko ng school. Sta. clara Academy school for the girls. Pinagmasdan ko pa ang mga estudyanteng pumapasok sa loob ng school. Puro mga mababae.
"Mukhang magiging masaya ang buong taon ko. Walang lalaki. Less stress, makakapag concentrate ako sa pag-aaral." Bulong ko pa, Abot-abot ang ngiti ko ng makapasok ako sa loob sobrang ganda kasi ng school. Lahat ng mga estudyante mukhang mga mababait. at maria clara kung kumilos, mga madre kasi ang nagtuturo sa loob ng school.
"Bagay talaga 'to sa'kin."bulong ko pa. Hinanap ko ang section Genesis. Ang lahat kasi ng section dito ay kinuha sa bible. Nakakatuwa pa nga dahil bawat school may mga qoutes or message na galing sa bible. Mas lalo tuloy ako'ng natuwa. Dahil magiging tahimik ang pag-aaral ko sa buong taon.
"Ahm.. sister dito po ba ang section genesis?" Tanong ko sa madre na kaharap ko. Nabasa ko naman ang nakadikit sa taas ng pintuan. Gusto ko lang makasigurado.
Ngumiti sa'kin ang madreng kausap ko."Yes, bago ka lang dito?"tanong nya.
Tumango ako at ngumiti.
"Opo sister,"tipid ko'ng sagot ko. Ano ba yan pati pagsasalita ko parang ang bagal-bagal parang nag iislow mo. Dahil sa hina at hinhin ng boses ng madreng kausap ko,
Ngumiti s'ya sa'kin, "welcome to Sta Clara Academy School. God bless you!"
"Thank you po sister," may pagyuko pa ako,
"Sister Anne, ang itawag mo sa'kin, kung sa Genesis ka. Isa ako sa magiging teacher mo."
"Hello po sister anne. Ako nga po pala si Bernadette clinford. Nice meeting you po"
"Nice meeting you din bernadette.. ahm.. Maiwan muna kita ha! May pupuntahan lang ako."paalam ni sister Anne,
Tumango ako. "Sige po. Thank you!"
Tapos tinanaw ko si sister Anne. Habang nakangiti ako. Pagkatapos pumasok na ako sa loob ng School. Clean and proper ang mga classmate ko. Mas lalo tuloy ako'ng natuwa dahil ito yung gusto ko'ng school yung tahimik at walang iistorbo sa pag-aaral ko. Hindi katulad sa ibang school na may lalaki. Ang iingay at ang gugulo ng mga estudyanteng ganon. Mabuti na lang at tama ang napuntahan ko'ng school.
Ilang minuto pa ang lumipis napuno na ang buong klase namin ng mga estudyante. Pagkatapos isa-isa kaming nagpakilalang lahat sa gitna. Nagkaroon na din ako ng bagong kaibigan at halos sila mababait.
Seryoso akong nakikinig sa itinuturo ng teacher namin ng biglang may lumapit sa teacher namin na lalaki. na may hawak na mga bulaklak. Nakangiti ang lahat ng makita iyon. Siguro manliligaw 'yon ng teacher namin.
"Who is Bernadette Clinford?"announce ng teacher namin sa buong klase.
Bigla ako'ng napatayo at kinabahan. Ano kaya ang naging kasalanan ko? "Yes, ma'am!"Takang tanong ko.
"Come here!"nakangiting sabi ng teacher namin,
Tumango ako at lumapit sa teacher namin, "Bakit po ma'am?"
"This is for you!"nakangiti ang teacher namin habang inaabot sa'kin ang punpun na rosas kulay puti iyon.
"Sa'kin po ba talaga ito?" Ulit ko pa.
Tumango ang teacher namin. "Basahin mo ang card miss clinford."
Agad ko namang binasa ang nakalagay sa card. To miss bernadette clinford. Hope you like it. From; secret admirer.
"May secret admirer ka pala miss clinford."nakangising sabi ng teacher namin.
Naguguluhan ako'ng bumalik sa upuan ko. Sino naman kaya ang magbibigay mg bulaklak sa'kin. Simula ng bumalik kami ng pilipinas hanggang sa lumipat ako school. Wala pa akong nakikitang lalaki. Maliban na lang sa driver namin. At guard ng school. Matatanda sila para maging secret admirer. Isa pa kapag gwapo daw ang tawag do'n ay secret admirer. Kapag pangit daw staker. Kahit ilang beses ako'ng mag-isip wala talaga akong matandaan na nakilala akong lalaki. Aish, ayoko ng ganito!
"Bernadette, wow ha! May secret admirer kana agad. Ayieeh!! Galing kaya yan sa ibang school?" Sabat ni ash. Isa sa mga naging close ko ngayong araw,
Iniabot ko sa kanya ang bulaklak.
"Sayo na yan! Ayoko ng bulaklak sa patay lang yan ibinibigay o sa mga may sakit,"
Kinuha naman nya. "Ang OA mo naman. Patay at may sakit lang ba binibigyan ng bulaklak."
"OA na kung OA. Basta ayoko ng may magbibigay sa'kin ng bulaklak. Sayo na yan ha!"
"Alam ko na ang magiging future mo bernadette?"
Tumaas ang kilay ko. "Huh?Ano naman!"
"Magiging Sister Bernadette kana. Maglilingkod ka sa simbahan."
"Ayokong maging madre. Masyado akong maraming kasalan para maging madre. Isa pa magtatapos ako ng pag-aaral at magiging business woman ako. Ako ang hahawak ng negosyo namin."
"Hindi ka ba?mag-aasawa?"
Tumango ako. "Maghihiwalay din naman kayo. Kaya mas mabuti na lang na wag ng mag asawa."
"Hay! Grabe ka naman ka Negative. May forever sa love."
"Tama may forever sa love. Pero hindi sa love with two couple. Pwedeng may forever. Sa love ng anak at nanay."
"Aish! Bahala ka nga d'yan! Mamaya tamaan ka ng pana ni kupido eh, magulo ang puso mo. Ewan ko lang kung yan parin ang opinyon mo!"
"Ang mga tao talaga! Paniwalang-paniwala kay kupido. Pssh! Imagination nyo lang 'yon, mag-aral na lang tayong mabuti para pag dating ng panahon may forever ang magandang future natin."
nagkibit balikat si Ash, "Very well said, pang miss universe ang sinabi mo teh!"sabi nya sa mahinang boses.
Umiling-iling na lang ako. At nilibang ko ang sarili ko sa pakikinig sa mga tinuturo ng teacher namin,
Nang matapos ang buong araw. masaya akong umuwi. Paglabas ko ng school. Nakita ko na agad ang kotse namin. Nagtaka ako kung bakit kasama si mama sa pagsundo sa'kin.
"Mama, bakit sumama ka pa sa pagsundo sa'kin? Dapat magpahinga kana sa bahay."
Sabi ko ng makalapit ako sa kanya.
Ngumiti si mama sa'kin,
"Anak, excited lang ako dahil yung neighbor natin ini-invite tayong magdinner sa kanila. alam mo kasi naging kaibigan ko ang mag asawang 'yon noong dito pa kami nakatira ng papa mo.
Sumimangot ako ng marinig ko ang papa ko. Naiinis ako kapag nababanggit si papa ayoko na kasi'ng maalala pa s'ya.
"Mama, wag mo na ulit babanggitin si papa. Sumakay na ako sa loob ng kotse katabi si mama. "Ang sakit ang ulo ko. Hindi ako sasama sayo mama. ikaw na lang!" alibay ko. Ayoko lang talaga na makipaghalubilo sa ibang tao. Mas gusto ko kami lang ni mama ang magkasama,
"Anak, Kailangan nating makisama sa mga kapitbahay natin. Isa pa gusto ko din namang makibalita sa kanila. Sumama ka na anak please!!"
Pinikit ko ang mga mata ko.
"Mama. Matutog na po ako. inaantok na ako." Putol ko sa iba pang sasabihin ni mama.
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni mama. Pagkatapos tumahimik na ito, tuluyan ko ng ipinikit ang mga mata ko habang nasa daan kami at pauwi ng bahay.
"Bernadette! Gising ka na! Narito na tayo!"
Dahan-dahan ko'ng iminulat ang mga mata ko. Nakatulog na pala ako. Agad akong lumabas sa kotse. Nakasimangot akong tumingin kay mama. Hindi kasi kami dumeretso sa bahay namin. Nasa kabilang bahay kami. Nakakainis talaga si mama sinamantala ang pagtulog ko.
"Okay na yang suot mong school uniform. Saglit lang tayo anak promise,"
Sumunod na lang ako kay mama. ano pa nga ba ang magagawa ko. Narito na kami eh, pagpasok pa lang namin sa may pintuan ng bahay. Kapansin-pansin na agad ang mga katulong nila na nakapila sa magkabilang gilid.
"Good evening po ma'am" bati samin ng mga katulong yumuko tuloy ako habang naglalakad. Nakakahiya kasi parang Royal blood lang ang peg namin ni mama. Ganito ba talaga dito?
"How are you Cassadra. It' been a long time." Narinig ko'ng bati ng isang matandang babae na edad singkwenta. Inangat ko ang mukha ko. Nakita ko si mama na masayang nakikipag beso-beso sa matandang babae
"Trinity! s'ya nga pala ang nag-iisa ko'ng anak na si bernadette."pagpapakilala ni mama sakin.
Nangingimi akong ngumiti.
"Hello po!" Bati ko kanya,
"Manang-mana sayo ang anak mo cassadra. Maganda rin." Nakangiting sabi ng matanda. Habang ang mga mata nila ay nakatingin sa'kin.
"Syempre naman! Kaya lang sobrang mahiyain si Bernadette pag pasensyahan mo na s'ya ha!"sagot ni mama,
"Mamaya lang darating na din ang anak ko'ng si Patrick. Nasa school pa kasi s'ya. Halina muna kayo at kumain muna tayo!"
Tumango kaming dalawa ni mama at sumunod na kami.
Walang tigil ang kwentuhan nila mama at tita trinity. Para silang mga magbestfriend na matagal na nagkahiwalay ang daming pinag kwentuhan hindi matapos tapos. Halos natikman ko na ang lahat ng nakahain na pagkain sa lamesa hindi parin sila tapos magkwentuhan. Gusto ko ng umuwi dahil parang others lang laman ako. Kaya lang ayoko namang sabihin kay mama na uwing-uwi na ako. Dahil nakikita ko sa kanya na masayang-masaya s'ya.
"Good evening mommy!"narinig ko'ng bati ng isang lalaki.
''Oh, patrick! Bakit ngayon ka lang?"
Umupo ito sa katabi ni tita trinity."nag practice pa kasi kami ng soccer. Tapos lumingon ito sa'kin. Nagkatitigan kami. Bigla akong kinabahan ng magtama ang paningin namin. Kung kaya't yumuko ako,
"May bisita ka pala mommy na maganda eh," sabi ng binata habang hindi maalis ang tingin sa'kin,
"Patrick, s'ya si Bernadette. At ang mama nya si cassadra." pagpapakilala ni tita trinity samin.
"Hello po tita! Hi bernadette!" Narinig ko'ng bati nya sa'kin. Inangat ko ang mukha ko para batiin sya. Hindi naman kasi pwedeng bastusin ko s'ya kasi parang wala naman akong manners. kaya kahit ayokong tingnan sya No choice. Sabagay ngayong gabi lang naman 'to.
"Hello patrick!"tipid ko'ng sagot
"Nice meeting you beautiful bernadette."Habang nakalahad ang kamay nya sa'kin.
Gusto ko'ng magtaas ng kilay sa sinabi nya. Lalaki talaga bolero.urgh!
"Nice meeting you too." Inilahad ko ang kamay ko kahit ayoko. Nakangiti ito sa'kin habang nakatitig s'ya hindi parin nya inaalis ang pagkakahawak sa kamay ko. Kaya pasimple ko'ng hinila ang kamay ko.
"You're like an angel bernadette!!"sagot pa nya.
"You're like a devil partick. Go to hell!"sabi ko sa isip.
"Thank you!"tipid ko'ng sagot.
Binaling ko ang tingin ko kay mama. "Mama.pwede bang umuwi na tayo. Ang sama kasi ng pakiramdam ko. Nanibago yata ako sa unang araw ko sa school." Alibay ko.
"Ganon ba anak. Sige! Ahm– trinity next time na lang ulit tayo magkwentuhan. Maraming salamat sa dinner. Patrick salamat."paalam ni mama.
"Salamat din sa inyo!"sagot ni tita trinity,
Nauna na akong tumayo.
"Bye po tita! Bye patrick!"
"Bye iha."
"Bye Angel!" Tapos nakita ko ang pagkindat nya sa'kin,
Gusto ko'ng dukutin ang mata nya sa inis. Ayoko talaga ng ganon. Halatang-halatang babaero. Pasimple ko s'yang inirapan. Pagkatapos hinatid nila kami hanggang sa may pintuan. At umalis na kami.
pagod na pagod ako'ng humiga sa kama ko. First day of school. Napagod na ako. Nakakastress talaga kapag may lalaki sa palagid. Nakatingin ako sa kisame ng kwarto ko. At kinapa ko ang dibdib ko. Wala paring tigil ang pagpintig nya ng malakas. "Ganito pala ka pag may lalaki sa paligid nakakaba."bulong ko, habang pilit kong inaalis sa isip ko ang mukha ni patrick.